Astrid's POV
Papasok pa lamang kami ni Sam sa library nang mapansin ko ang magkambal na sina Thania at Tamara Greends. Umiwas ako ng tingin sa kanila dahil parang gusto nilang balatan ako nang buhay, ngunit mas naging mabilis ang mga galaw ni Thania at nakalapit kaagad sa akin.
Saka ko naramdaman ang matinding pagkirot ng sugat na siya mismo ang gumawa noon, by dugging his nails on my wrist.
Upang hindi magtaka si Sam na umiiwas ako e humarap na lang din ako nang hawakan ni Thania ang braso ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Sam dahil doon.
"Let's talk for a second, Astrid," aniya na mayroong diin. Ngunit nang tingnan siya ni Sam ay ngumiti siya sa bata at nagkunwaring close lang kami kaya niya ako kinakausap. Napaismid na lang ako dahil doon.
Marahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa aking braso at saka siya diretsong tiningnan. "What is this about?" I asked. Mukhang nainis siya dahil doon, ngunit pinigilan niyang samaan ako ng tingin dahil nakatingin din sa kanya si Sam.
"About you and me," aniya na ikinataas ng kilay ko. About her? And me? Sa pagkakaalam ko, wala akong kahit na anong koneksyon sa kanya. Ngumiti pa siya sa akin nang pilit at muling hinablot ang braso ko in a friendly way. "Come with me. It won't be long."
Wala na akong nagawa nang hilain niya ako palabas ng gusali. Nakatingin sa akin si Sam habang naglalakad kami patungo sa kung saan kami dadalhin ni Thania. Nakasunod din sa amin nang tahimik ang kanyang kakambal na si Tamara. Saan ba nila kami dadalhin at ano'ng pinaplano nila?
"Let's go back to the library after this," bulong ko kay Sam na nanatili lang na nakatingin sa akin. Yung mga mata niya ay nalilito at nagtataka, na tila ba naiintindihan niya ang nangyayari. Ngumiti lang ako sa kanya para ipaalam sa kanya na magiging maayos din ang lahat.
Huminto kami sa isang kakayuhan, ngunit hindi ito yung lugar kung saan kami nagpunta ni Lincoln noong inatake siya ng ibang werewolves. Halos palibutan kasi ng kakayuhan ang paaralan namin. Ibang parte ng kakayuhan ang pinuntahan namin.
Binitawan lamang ni Thania ang braso ko nang makapasok kami sa bungad ng kakahuyan. Si Tamara naman ay kaagad na lumapit kay Sam, mayroong magandang ngiti.
"Do you want some candies and chocolates? Tara, I'll get you a ton!" aya ni Tamara kay Sam. Ang bata naman ay ayaw bumitaw sa kamay ko at tumingala pa sa akin, nagtatanong ang kanyang mga mata. Nag-aalala rin dahil ayaw niyang sumama. Knowing this kid, hindi siya masyadong mahilig sa mga bagay na pambata because he's matured for his age, well except sa playground na talagang na-enjoy niya kanina.
Tumingin ako kay Tamara at nakitang nakatingin din siya sa 'kin. "I'll bring him back in five minutes."
Kahit pa labag sa loob ko, napatango na lamang ako sa kanya dahil wala naman siguro siyang binabalak na masama sa bata. Bumitaw ako sa pagkakahawak kay Sam at saka ibinaba ang katawan ko upang pumantay sa kanya.
"Come with Ate Tamara, hmm? She said she'll bring you back in a few minutes," nakangiti kong sinabi sa kanya. Tutol na tutol ang hitsura niya pero mukhang naiintindihan niya na naiipit lang din ako sa sitwasyon. Ginulo ko ang buhok niya. "If not, I'm going to fetch you at the cafeteria," paniniguro ko pa sa kanya.
Sumama na siya kay Tamara nang dahil sa sinabi ko, ngunit nanatili siyang nakalingon sa akin habang naglalakad sila palayo.
Nang tuluyan na silang mawala sa paningin namin, naramdaman ko na hinablot muli ni Thania ang braso ko. Napaharap ako sa kanya at nagtataka ko siyang tiningnan. Napaka-aggressive niya.
Marahan kong inilayo ang braso ko mula sa kanya at hinawakan naman ang tela na nakatali sa sugat ko sa wrist. Mas lalo itong kumirot nang mapalapit ako sa kanya.
Tumingin nang diretso sa akin si Thania at gano'n din naman ako sa kanya. She was really annoyed at makikita sa hitsura niya na gusto niya akong saktan.
"Stop fooling around with Lincoln Conor, will you?" angil niya sa akin. She was gritting her teeth as if gusto niya akong upakan nang mga oras na 'yon. "Masyado kang masakit sa mata. I already warned you before, didn't I? Don't get involved," madiin pa na dugtong niya.
Wala akong naging reaksyon sa sinabi niya. Napakurap lamang ako ng ilang beses bago naglakas loob na sumagot upang depensahan ang sarili ko.
"Your words were actually vague. You didn't tell me who shouldn't I get involved with," diretso kong sinabi sa kanya. My face was complete expressionless, but I was mocking her.
Lalo siyang nagngitngit sa galit. "With any member of the Perfect Ten and the Conors," tugon niya. I wanted to scoff at her, pero hindi ko ginawa. She was acting as if pag-aari niya ang Perfect Ten pati na ang Conors.
"Then I don't think you're talking to the right person. Please talk to them, not me," walang gana kong tugon at akmang tatalikuran ko na siya nang muli niyang hablutin ang braso ko. Napapikit ako at pilit pinakalma ang sarili ko nang dahil sa namumuong inis ko. Gusto ko siyang sigawan at murahin, but she is still way higher than a lowly person like me.
Pagharap ko sa kanya ay sinalubong niya ako ng isang malakas na sampal. Napabaling ang mukha ko sa kanan ko at naramdaman ko ang pagdurugo ng labi ko nang dahil doon.
"What a sickening b***h," madiin na sabi niya at akmang sasampalin niya ako muli nang pigilan ko na iyon. Hindi ko talaga siya balak patulan ngunit nakakairita na yung panggugulo niya sa 'kin kahit na wala akong ginagawa sa kanya.
Sinubukan niyang bawiin mula sa akin ang kamay niya ngunit mas hinigpitan ko ang pagkakahawak noon. Nakatingin lang kami sa isa't isa at kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla. Siguro naisip niya na I wouldn't dare fight back dahil isa lamang akong mababang tao compared to her.
Nabitawan ko lang siya nang biglang kumirot ang sugat ko sa pulso. Napahawak ako roon nang dahil sa tindi ng kirot. Nakakuha siya ng pagkakataon no'n at nahila niya ang buhok ko. Gigil na gigil niya akong sinabunutan at akmang sasampalin niya ako muli nang biglang may isang tao na pumagitna sa amin.
Mabilis ang mga pangyayari. Bigla na lamang mayroong sumulpot na tao sa pagitan namin at inilayo ako nito sa kanya. I was expecting Lincoln, pero hindi ko naman nararamdaman ang presensya niya kaya sigurado akong ibang tao 'yon. Isinubsob noon ang ulo ko sa kanyang dibdib at mukhang pinoprotektahan ako mula sa p*******t ni Thania.
Nang humiwalay ako at humarap kami kay Thania, nakita ko ang pagguhit ng isang gulat na gulat na ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatingin sa katabi ko na tumulong sa akin.
Napalingon tuloy ako sa lalaki out of curiosity, at laking gulat ko nang makita na naman ang pagmumukhang iyon—the same person na nanakit kay Lincoln kanina.
Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksyon ko. Kung lalayo ba ako sa kanya at magagalit, hindi ko alam! Sobrang lakas lang ng t***k ng puso ko. Ano'ng ginagawa niya rito at bakit niya ako tinulungan?
Hindi na ako nakaiwas ng tingin nang bigla siyang lumingon sa akin. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya at mapansin ang ekspresyon ng mukha ko, bigla siyang ngumisi sa akin dahilan upang maningkit ang kanyang mga mata.
"W-What are you doing here, Reven?" Nanginginig talaga ang boses ni Thania kaya maski ako ay napalingon sa kanya. Nakatingin siya sa direksyon ng lalaking katabi ko at parang hindi siya makapaniwala.
Ngumiti sa kanya si Reven, as what she called him, at saka kumaway. "Long time no see, Thania," bati nito sa kanya na tila ba nasa normal na sitwasyon lamang sila. "It was nice meeting you again, but I came for Astrid."
Napakurap ako nang maraming beses dahil doon. Ako na naman? Baka lalo akong pag-initan nitong si Thania, eh!
Nagulat ako nang humarap sa akin si Reven at biglang yumuko bilang pagbigay respeto bago inilagad ang kanyang kamay. "I'm sorry that I caused trouble earlier. Shall we forget what happened and start anew?" mahabang lintanya niya at ngumiti sa akin.
Hindi ako makagalaw at makapagsalita. Nakatingin lamang ako sa kanya at sa devilish smirk niya na sa tingin ko ay parati niyang suot.
"What do you need from me?" diretsong tanong ko sa kanya. Why did he come for me when I didn't even know him? Hindi ko rin siya nakikita sa campus. At bakit gano'n na lamang ang pagkabigla ni Thania nang makita siya? He also said 'long time no see' means ngayon lamang siya muli nakita rito sa campus—o sa siyudad, I don't care!
"Before that, let me introduce myself to you," aniya at pilit inabot ang kamay ko. Nagulat na naman ako nang halikan niya ang likod ng palad ko kaya kaagad kong hinila iyon mula sa kanya. What's his deal?
"I—I do not know you," tanging nasambit ko na lalong nagpalapad sa kanyang ngisi. Seriously, he is a creep! His face says otherwise, though, dahil mukha talaga siyang mabango. But that doesn't erase the fact na hindi ko siya kilala at sinaktan niya si Lincoln kanina.
"I am Reven Conor. I left Lupin a few years ago, but I came back for you," aniya at humakbang papalapit sa akin. Gusto pa sana niya akong lapitan at hawakan ngunit umatras din ako palayo sa kanya.
Conor? Did I hear it correctly? Lincoln said that this werewolf man is from a different pack, pero he is a Conor? Lincoln and he are related?
What is going on?
"Don't come near me. I still don't know who you are," madiin kong sabi sa kanya habang umaatras pa rin. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin pa rin sa amin si Thania at mukhang hindi pa rin siya nakakabawi sa nasaksihan.
Okay, what's the big deal? Ano naman ngayon kung bumalik na si Reven Conor? I don't even know and recognize him. Never ko siyang nakita, even before he left Lupin City. Bakit parang sobra naman kung magulat si Thania, napaka-OA.
Huminto sa paglapit sa akin si Reven ngunit hindi pa rin naaalis ang kanyang ngisi. "It's okay. I'll tell you the details very soon."
What details? Why is he after me? Lalo akong naguluhan at natakot. I'm pretty sure that he is also a werewolf. Pinalilibutan na ako ng mga lobo na hindi ko alam kung kailan ako kakagatin sa leeg para lang ma-satisfy nila ang mga sarili nila. This is a scary world we live in.
Magiging kampante na sana ako dahil huminto na siya, ngunit pagkurap ko lamang ay biglang nasa harapan ko na siya. Namilog ang aking mga mata at halos hindi na makahinga sa magkahalong gulat at takot.
Hindi pa man ako nakakakurap muli ay nakita ko na lamang ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Ramdam ko na ang hininga niya sa pagmumukha ko. Hindi ako makagalaw sa kaba. Gusto ko siyang itulak palayo sa akin at sampalin siya nang malakas, ngunit tila nawala ang lahat ng lakas ko dahil doon.
"Your blood smells nice..." bulong niya sa 'kin at akmang didilaan na ang dugo sa gilid ng labi ko nang bigla naming marinig ang boses ni Sam.
"Kuya!" pagtawag ni Sam kay Reven dahilan upang mawala ang atensyon niya sa dugo ko sa labi at mapalingon sa bata. Doon pa lamang ako nakahinga kaya napahawak ako sa aking dibdib nang dahil sa paghahabol ko ng hininga. f**k these Conors. Ano ba'ng problema nila?
"Sam! What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Reven kay Sam. Ang bata naman ay mabilis na yumakap sa kanyang Kuya. But wait—if Reven left Lupin a few years ago, ibig sabihin ipinanganak si Sam nang wala siya. So paanong nakikilala siya ng bata?
"Mom brought me here," tugon ni Sam at humiwalay sa pagkakayakap. Tumingala siya sa kanyang Kuya Reven at nangunot ang maliit na noo. "Did she also bring you here?"
Napatawa nang mahina si Reven pero kaagad ding umiling. "Mom is here?" tanong niya sa bata.
Napataas ang kilay ko dahil doon. Did he call Sam's mom his mom? Magkapatid sila? Oh, my! Ang daming surprises talaga sa paligid ko!
Tumango si Sam. "So you still haven't talked to her. She'll kill you if she sees you," sabi niya na ikinabigla ko.
Napalingon siya sa 'kin nang maalala ako at saka niya iniwan ang kanyang nakatatandang kapatid upang tumakbo papalapit sa akin. Humawak siya sa isang kamay ko at saka na niya ako hinila paalis na ikinabigla ko. Dinaanan pa niya ang kanyang kapatid at saka sinabing, "I'm leaving. Mom will be mad at me if she learned that I talked to you."
Reven scoffed but didn't bother saying a thing. So there was something going on on their family.
Tiningnan ko sa huling pagkakataon si Reven at nakita kong nakatingin din siya sa 'kin. His pupils glinted golden yellow.