Someone's POV
"Do you think that kid can handle this? Nakataya lahat ng mayroon tayo rito. Hindi mo pwedeng ipagkatiwala na lang ito sa kahit na sino–"
"I know, I know."
"How can you be so calm, Arturo? You trust that kid so much?"
"Uh-huh."
"Does she have special ability or something? Magic powers? Don't f**k with me, Arturo."
Pumorma ang isang ngisi sa aking labi. Nandito lamang ako sa tapat ng nakasaradong pinto at nakikinig sa pag-uusap ng dalawang tao sa loob—they are the ones who summoned me here.
"That kid is–"
Dalawang katok ang ginawa ko dahilan para maputol ang kanilang pagtatalo. Binuksan ko ang pinto at isinara ito pagkatapak ko sa loob.
Dalawang lalaki na nasa mid thirties ang nadatnan ko sa loob. Nakaupo sa swivel chair ang isang lalaki. May itim na itim itong bigote at manipis na balbas sa kanyang baba. May pormal rin itong kasuotan katulad ng isang businessman. Samantalang ang isa ay nakaupo sa tapat nito, mayroon itong kulot at mahabang buhok. Makapal rin ang balbas nito na para bang ilang buwan nang hindi nag-shave. Kumpara sa kanyang kasama, nagmukha itong pulubi.
"You must be him," nakangiting sambit ng lalaking mukhang businessman. "I'm Arturo Roosevelt and this is my brother Roberto."
"Yes. I already talked to your assistant, Mr. Roosevelt. I'm here to sign the contract," walang alinlangan na tugon ko sa kanya. Lumapit ako rito at itinukod ang mga kamay ko sa kanyang desk upang mapantayan ang level ng mukha nito. Umukit ang isang ngisi sa aking mukha... "and to discuss my own terms of service."
"Of course." Nagpakawala siya ng isang pekeng tawa. Nababasa ko sa mukha niya ang pangamba sa kung anumang sasabihin ko rito. Sumandal siya sa kanyang swivel chair at nangiti sa akin ng malapad. "Spill the beans."
"Whatever that job is, consider it done." Tumango-tango si Mr. Roosevelt, tila ba sang-ayon ito sa aking mga sinabi. "But you can't boss me around. I'll do it my own way."
"Deal."
Lumapad ang isang ngiti sa aking labi. Inilabas ko ang kontrata na ibinibigay ko sa mga nagiging kliyente ko at pinirmahan na ang ilang papeles na nasa harapan ko. Matapos ang negosasyon, nagpaalam na ako sa kanilang dalawa.
"I'm counting on you, kid," rinig kong sabi ni Roberto. Ngayon pa lang ito nagsalita mula noong pumasok ako sa loob ng opisina ng kanyang kapatid.
Nilingon ko siya at nginitian. Sasagot na sana ako ngunit naunahan ako ni Mr. Roosevelt.
"Leave it to the King of Mischief."
Napangiti na lang din ako nang dahil sa sinabi niya at saka na tuluyang umalis. Marami pa akong trabaho na dapat asikasuhin dahil marami akong kliyente na kailangan harapan. It is a good thing na mayroon akong kanang kamay upang siya na ang humarap sa ibang maliliit lang naming mga kliyente. Ngunit sa mga malalaki na tulad ni Mr. Roosevelt, kailangan talaga ang presensya ko.
Sumakay ako sa aking pulang sasakyan at pinaharurot iyon patungo sa susunod kong destinasyon. Nang makarating ako sa isang lugar kung saan maraming stalls na nakahilera at hindi rin mahulugan ng karayom ang mga tao, pinatay ko na ang makina ng sasakyan ko at inayos ang sarili.
Isinuot ko ang hood ng itim na jacket ko bago lumabas ng kotse at magtungo sa lugar kung saan mayroong mga nagbebenta ng mga ilegal na armas o kagamitan ang mga tao. It is called Lupin's Dark Market.
"Hey!" Isang kamay ang humablot sa braso ko na siyang ikinagulat ko. Ibinaba niya ang hoodie ko at pinagmasdan ang mukha ko. I was surprised nang makilala ko ito.
"Ianna, what the f**k?" galt na sambit ko rito. Ano'ng ginagawa niya sa ganitong klaseng lugar? "Bakit ka nandito? Hindi ka dapat nandito!"
"I went all the way here para hanapin ka! I hired someone na may kakayahang i-track ka, para malaman ang location mo."
Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at tinitigan ang mga mata niya
"Go home."
"Br-" Huminga siya nang malalim bago umiling ng ilang beses at tumitig sa aking mga mata. "Sumama ka sa akin. Bumalik na tayo. Hindi ka okay rito," sabi niya bago inilibot ang kanyang mga mata sa paligid.
"I'm more than okay, Ianna." Bumitaw ako sa kanya at napatingin sa malayo. "This is my home."
"No. Your home is where your family is-"
"Home is where you find your happiness, Ianna." Nilingon ko siya at binigyan ng isang malungkot na ngiti. "Finally, I'm free. I can now live my life...without them deciding for my future."
"Br-" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang hilain ko siya at yakapin nang mahigpit. "No. I won't let you-"
Humiwalay ako sa pagkakayakap at nginitian siya. Isang matamis na ngiti na alam kong bubura ng kanyang kahibangan.
"Umuwi ka na. Sigurado akong hinihintay ka na ni Rihanna." I'm referring to her cute little sister, "I'm sure you don't like Aunt Janna worrying about you."
Natahimik siya. Nakatingin lamang sa kanyang puting sapatos na puno ng putik. Napailing na lamang ako at lumuhod nang makita ang mga sintas niya na nakakalas.
"I promise to call you when I need anything," nakangiting sabi ko habang itinatali ang sintas ng kanyang mga sapatos. Hindi ito umimik hanggang sa matapos ako at tumayo.
Sa pagtayo ko, nakita ko ang pamilyar na pigura ng isang lalaki sa bandang likuran ni Ianna. Hindi ito kalayuan sa kinatatayuan namin. Base sa mga galaw nito, may hinahanap itong tao—me or Ianna? It doesn't matter. Madali kong isinuot ang hood ng jacket ko at nginitian si Ianna sa huling pagkakataon.
"Gotta go. Thanks, Ianna." Nagmadali akong naglakad palayo sa kanya nang hindi lumilingon. Narating ko ang car ko na naka-park hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Naupo ako sa driver seat at napabuntong-hininga.
Hindi na ako nagsayang ng panahon at binuhay ko na ang engine ng sasakyan. Tinungo ko ang daan palabas ng lugar na iyon kung saan madadaanan ko si Ianna, and my heart pounded abnormally as I saw someone I know talking with her.
Ianna Guttenberg is a friend of mine. Just by looking at her, I already knew what she is thinking. At ngayon, nakikita ko sa mukha niya ang magkahalong lungkot at saya. Lungkot dahil marahil ito na ang huli naming pagkikita at saya dahil ngayong wala na ako, pupwede na niya akong palitan sa puso ng taong gusto niya.
Muli akong napabuntong-hininga nang marinig na bumukas ang pinto sa shotgun seat. Inayos ko ang sarili ko, trying to pull myself together, hanggang sa makita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-upo ng isang lalaki. Narinig ko ring isinara na niya ang pinto.
"Oh. So you gave up your special feelings to that someone for your very best friend?" Naiiling na sabi niya na nakaupo sa shotgun seat habang nakadungaw sa bintana at pinapanood si Ianna. "Lame."
Gusto ko siyang sapakin nang dahil sa komento niya, pero may punto naman siya. This guy is whom I called my right-hand man, si Ellios.
"Oh, shut up," I hissed.
Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglingon niya sa akin, na may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.
"'Wag kang iiyak, ah." Sinabayan pa niya ng pagtapik sa aking braso. Kaagad ko namang inalayo ang braso ko at binigyan siya ng isang pamatay na tingin. Itinaas niya ang dalawang kamay na para bang sumusuko sa isang pulis, pero hindi pa rin mawala ang mga ngiti niya. "Ayoko lang na makita kang umiyak. Malay ko ba kung anong magiging itsura mo no'n."
Umirap ako sa kanya at tuluyan nang inilabas ang sasakyan sa lugar na kinaroroonan namin.
"That's not the case, stupid," sambit ko nang hindi siya nililingon. Ramdam ko pa rin ang pagtingin niya sa mukha ko. "This is not about my forlorn love or whatever."
"Liar," rinig kong bulong niya at nag-inat pa ng kanyang mga braso bago muling lumingon sa akin. "Kumusta pala ang pagbili mo ng mga armas sa Dark Market?"
"Kung hindi maihatid ni Baron sa apartment sa makalawa yung mga binilin ko, mas mabuting ikaw na ang kumuha," tugon ko dahil hindi ako nakapunta kanina sa dapat kong puntahan dahil kay Ianna. Tiningnan ko si Ellios na may ngiti sa labi. Naka-frown naman siya pero hindi nagsalita. "May problema ba, El?"
"Kapag sinabi ko bang meron sosolusyunan mo?"
Nagkibit-balikat ako. "Madali lang ang ipinapagawa ni Mr. Bartolome. Ikaw na lang din ang gumawa."
"What-"
"Unang pasok ko sa school ko mamaya. May kikitain rin akong bagong kliyente." Nilingon ko uli siya at nginitian nang nakakaloko. "Nagrereklamo ka ba?"
Sumimangot lang siya at hindi na umimik. I am still his boss, after all. He works for me and I pay him tons for his hardwork. But as you can see, ano, we still talk like we're just friends. And that's okay.
"Well, may kliyente tayo na naghihintay sa coffee shop ngayon malapit dito sa school na papasukan mo," pambasag ko ng katahimikan habang nakatingin sa dinaraanan.
"Maliit na kliyente lamang 'yon. Kaya ko na sigurong i-meet," rinig kong tugon niya na tinanguan ko. Ito rin ang maganda kay Ellios, he never slacked off. Kapag kaya niyaang trabauhin, he wouldn't bother asking me to do the job. Siya na mismo ang gagalaw at ire-report na lamang niya sa 'kin after. And so far, maayos ang performance niya pati na ang feedback sa kanya ng clients namin. Kahit siraulo 'to, hindi ko talaga siya matatapon.
"Alright. Good," I replied at saka ako nag-focus sa pagmamaneho. Binagalan ko na lamang ang pagtakbo nang mamataan ang cafè malapit sa paaralan ng Lupin na papasukan ko dahil may trabaho akong kailangang gawin doon, at nag-desisyon na dumaan muna kami roon for a coffee. "Mamayang hapon pa yun, hindi ba? Let's stay here until then," pag-aya ko sa kanya at saka ko ni-park ang sasakyan sa gilid ng cafè.
Dumiretso kami sa coffee shop na tinutukoy namin kung saan imi-meet mamaya ang isang kliyente namin. Umupo ako sa table na malapit sa glass wall at saka kami nag-order ng kape para sa aming dalawa.
Habang naghihintay ng order namin, dumungaw ako sa glass wall upang panoorin ang ilang mga dumadaan.
"By the way, I'll leave before the meeting kaya hindi ako makakasama. Tell the client not to worry about my absence. His problem is just a piece of cake, anyway, that you can slice it in just a snap! Good luck, El," mahabang lintanya ko at saka tinapik ang kanyang balikat.
Inilibot kong muli ang paningin ko sa loob ng shop. Halos lahat ng tao rito ay matatanda na o kaya'y mga nagtatrabaho sa malapit. Wala akong makitang estudyante rito which is weird.
"Yes. You should focus on your mission sa school," komento naman ni Ellios habang nakitingin din sa mga tinitingnan ko.
Napatingin ako sa kanya. "Marami tayong kliyente ngayon kahit maliliit na requests lang. Are you sure you can handle everything alone?" nag-aalala kong tanong sa kanya although I trust him na kaya niyang gawin ang trabaho niya.
Tumango siya sa 'kin. "I learned from the best," nakangisi niyang sinabi. Natawa na lamang ako.
Inilabas ni Ellios ang isang maliit na notebook mula sa kanyang bag at saka nagsulat doon. Sa pagkakaalam ko, doon niya isinusulat lahat ng detalye tungkol sa mga kliyente namin at sa mga ipinapagawa nila. Inilalabas niya iyon sa tuwing nagre-report siya sa akin.
"Nga pala, Boss," aniya at sumulyap sa akin. "May impormasyon akong bago. Ito yung dahilan kaya nahihirapan akong makuha yung identity ng target natin," dagdag niya na ikinakunot ng noo ko.
"What do you mean? Wala ka pa ring nakuhang info about her?" medyo pagalit na tanong ko sa kanya. Papasok na ako sa paaralan as early as tomorrow, pero hindi pa rin nakahanda ang impormasyon tungkol sa target namin? Talagang nakakagalit marinig iyon.
Nanlulumo siyang tumango. "The school is under lockdown, kaya mahirap makakuha ng impormasyon. The only way to find out is to attend the school yourself, which you're about to do anyway."
Kahit na nakakapikon ang sinabi niyang iyon, pinigilan ko na lamang ang galit ko dahil wala rin namang maidudulot na maganda iyon. Isa pa, I'm sure Ellios tried his best sa pangangalap ng impormasyon. Ang nakakainis lang e kailangan niyang sabihin ang bad news na iyon ngayon na may less than a day na lamang kami to prepare.
Dumating na ang dalawang order namin ng kape. Dahil sa frustrations ko ay nainom ko kaagad iyon kahit na mainit.
"Lockdown? Why would there be a lockdown?" nagtatakang tanong ko dahil hindi common iyon. Kailangan ay mayroong malaking rason kung bakit kailangan i-lockdown ang paaralan na iyon.
"There is something going on in this city, Boss," tugon ni Ellios.
Lupin City sure is an interesting place. Kalmado ang paligid at pati na ang mga tao, but something's going on? And what's with the lockdown?
This will be fun. I guess tama lang na tumanggap ako ng trabaho mula sa isang kliyente na taga-Lupin pa.