Napalunok ako ng maraming laway nang dahil sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw at nanatiling nakatitig sa kanyang mga mata which glinted sadness and worry.
Ngunit sadyang malakas yata ang hatak ng enerhiya ko sa kanya kaya nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin dahilan upang mapaurong ako. Inilapit niya pa lalo ang mukha niya hanggang sa mapahiga ako and then the next thing I know was I was already trapped between his arms na nakatungkod sa magkabilang gilid ko. He was on my top, pero hindi naman siya nakapatong sa akin.
"What the hell?" pabulong kong sabi at hindi pa rin maialis ang tingin ko sa kanya, at ganoon din siya sa 'kin. His hazelnut pupils turned into golden yellow again... which meant what? I had no idea! Tuwing kailan ba nagiging ganyan ang mga mata niya? I wasn't sure. I cannot remember!
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko at magpapaubaya na nang dahil sa hindi ko rin mapigilang nararamdaman, ngunit bigla kong nakita na mayroong humawi sa puting kurtina na tanging nagtatakip sa kama namin at pumasok sa loob si Austin, ang nakatatandang kapatid ni Lincoln.
Namilog ang mga mata ko at dali-dali kong itinulak nang malakas si Lincoln palayo sa akin. Bumagsak ang katawan niya sa tabi ko at napasigaw siya nang malakas nang tumama ang likod niya sa kama. Napalingon ako sa kanya at tinulungan naman siyang iangat iyon. Hindi pa kasi niya maihiga ang likod niya nang dahil sa mga natamo niyang sugat.
Nakasimangot lang naman si Lincoln sa akin at hindi na ako pinapansin. Hindi rin naman ako makatingin nang diretso kay Austin dahil alam kong nakita niya na nasa ibabaw ko si Lincoln kanina.
Nang muli akong mapalingon sa kanya, nakita kong ngumiti siya sa akin nang nakakaloko.
"You can rest at our dorm, Lincoln," ani Austin na hindi na nagsalita tungkol sa nakita. Alam naman kasi niya na nahihiya rin ako, although wala naman talaga siyang nakita dahil wala naman kaming ginagawa pa!
Lumingon ako kay Lincoln habang hinihintay namin siyang sumagot at tumayo, ngunit sumimangot lang siya sa amin na parang bata at saka kami tinalikuran. "I'll sleep at Astrid's," wika niya. Lalong namula ang pagmumukha ko nang dahil sa sinabi niya.
Sa inis ko, hinampas ko nga siya sa braso. "What are you saying? You should go rest at home," bulong ko sa kanya ngunit ayaw niya akong pakinggan at nanatili siyang nakatalikod.
"She is right, bro. I'll take care of you so she can focus on the things that she needs to do," segunda ni Austin at saka naglakad papunta sa kabilang side ng kama kung saan nakaharap si Lincoln. "Right, Astrid?" aniya pa at tumingin sa akin kasabay ng pagngiti niya nang pamatay.
"R-Right," nauutal kong tugon. Hanggang ngayon ay nai-intimidate pa rin ako rito kay Austin kahit pa maayos naman siyang kausap, pero mas nakaka-intimidate naman si Easton. Right, nasaan nga pala ang kapatid nilang yun?
Mukhang nabasa ni Austin ang nasa isip ko. "Easton has a lot of things to do. Don't worry, I'll take care of my brother," muli niyang sabi at ngumiti.
Napatango na lamang ako sa kanya although ang weird lang dahil kahit hindi ko siya tanungin nang diretso ay may sagot kaagad siya.
"I'll get going, then," tanging nasabi ko at yumuko nang bahagya sa kanya bilang paggalang. Bumaba ako sa kama at akmang aalis na nang biglang hablutin ni Lincoln ang braso ko. Napalingon ako sa kanya at nagtataka siyang tiningnan.
Ang kanyang mga kilay ay lukot habang nakatingin sa akin, mukhang labag pa sa loob niya na kausapin ako at paalisin ngunit mukhang naalala niya na may mga responsibilidad din siya bukod sa sundan ako kahit saan ako magpunta.
Bumaba ang tingin niya sa bandang pulso ko kung saan mayroong puting tela na nakabalot. "I'll visit you later to tend your wound," tanging sinabi niya at dahan-dahan na akong binitawan.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, pero parang nakaramdam ako ng init sa dibdib ko. Those words, although they do not sound really romantic, were warm.
Bahagya akong tumango sa kanya at tinalikuran na muli siya upang maglakad na paalis, ngunit bigla akong mayroong naalala. Lumingon ako muli sa kanilang dalawa.
"Well... about Sam..." alangan kong sinabi. Nakalimutan namin na nasa dorm pa namin si Sam kasama si Ingrid. "What about him?" tanong ko.
Napataas ang mga kilay ng dalawang kapatid na tila ba ngayon lamang naalala na nandito pala sa loob ng campus ang kanilang batang pinsan.
"Oh, right! Can you take care of him for a while?" ani Austin dahilan upang mapaawang ang aking mga labi. Ngumiti naman siya sa 'kin. Sa mga tingin niya e parang nakakahiya namang tumanggi. "I'll fetch him tomorrow... I think."
"You think?" alangan kong naitanong. Hindi pa 'yon sigurado? Hindi naman sa ayaw ko si Sam. Sobrang bait at tahimik nga ng batang iyon, tila ba ayaw niya maging inconvenience sa iba. Ang sa akin lang, ayoko lang mangargo ng bata.
Lumingon ako kay Lincoln at nakita sa mga mata niya ang pagtutol. Nakatingin lamang siya sa akin at hindi nagsasalita, pero nararamdaman ko ang gusto niyang iparatang. Na i-turn down ko ang offer ng kanyang kapatid.
Ngunit dahil sa tingin at ngiti ni Austin ay hindi ko naman magawang tumanggi. "Please?" sabi pa nito.
Napatango na lamang tuloy ako dahil sa pressure na nararamdaman ko. Masyado talagang malakas ang presensya ng mga Conor. "Alright. I'll take good care of him," sabi ko at napatingin kay Lincoln na nakabusangot. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya at naiinis siya sa pagpayag ko. What could be his reasons?
Nagpaalam na ako matapos iyon at mabuti naman hindi na naudlot pa ang pag-alis ko. Bumalik ako sa dorm at gising na sina Ingrid at Sam. Kumaway pa sa akin ang bata habang tahimik na nakaupo lang siya sa aking kama. Si Ingrid naman ay nasa kusina at nagluluto na nang makakain.
"Kakagising niyo lang?" tanong ko sa dalawa.
"Kaninang kaunti. Nagkwentuhan pa kami nitong si Sam," rinig kong sabi ni Ingrid habang may hinuhugasan sa sink.
Si Sam naman ay tumango sa akin bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Ingrid. Umupo ako sa tabi niya ngunit nabigla ako nang lumipat siya at kumandong sa akin. Napangiti na lamang ako at hinawakan ko na lamang ang magkabilang mga kamay niya kaya parang nakayakap ako sa kanya.
"Really? What did you talk about?" nakangiting tanong ko.
"We talked about you," sa wakas ay sambit ni Sam. Lumingon siya sa 'kin upang tingnan ako at parang nanliwanag ang paligid nang dahil sa kanyang ngiti. "Too bad. Kuya Lincoln had already marked you."
Namilog ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Kaagad akong napalingon sa kinatatayuan ni Ingrid ngunit mukhang wala naman siyang narinig dahil abala siya sa kanyang ginagawa.
"Not yet," bulong ko sa kanya. Ang weird na nanggagaling ang gano'n sa isang bata lang as if mulat na siya sa kanilang reyalidad at normal na para sa kanya ang lahat ng iyon. "Sam, listen. Don't tell other people about your and your family's identity, okay?" bulong ko sa kanya.
Tumango naman siya at hindi na muling nagsalita. Sobra yung kabog ng dibdib ko nang dahil doon. Buti na lamang ay matalinong bata itong si Sam at madali lamang paalalahanin.
Lumingon naman ako kay Ingrid upang masigurong wala siyang narinig. "Ano'ng niluluto mo?" tanong ko sa kanya.
Sandali siyang napalingon sa 'kin at saka ibinalik na ang atensyon sa niluluto. "Ah! Hindi mo ba naaamoy? Beef broccoli, your favorite!" masigla niyang sinabi nang hindi lumilingon sa akin dahil nakatuon na siya sa kanyang niluluto.
Saka ko lamang naamoy ang mabangong luto niya nang nawala na ang kaba ko. Napangiti na lamang ako. Ingrid cares a lot about me. Kahit na pagod siya sa training e ako pa rin ang naalala niya sa pagluluto.
"Sam will sleep here tonight, okay lang? Nahihiya kasi akong tumanggi kay Austin..." Naputol ang sasabihin ko nang biglang lumingon si Ingrid. Yung mga mata niya ay halos pumuso na.
"Austin Conor?" hindi makapaniwalang sinabi niya. "Close na rin kayo?"
Umismid ako sa kanya. Si Sam naman ay natawa lang sa naging reaksyon ni Ingrid.
"Kuya Austin is really scary, though," komento ng bata dahilan upang matigilan kaming dalawa ni Ingrid at mapatingin sa kanya. Para sa 'kin, intimidating si Austin pero okay naman siya.
Kinabahan na naman tuloy ako at baka kung ano ang masabi pa ni Sam. Baka naman ang tinutukoy niya ay yung werewolf form ng kanyang Kuya, na hindi alam at hindi dapat malaman ni Ingrid.
Matapos magluto ni Ingrid, kumain na kami kahit alas cuatro pa lamang ng hapon. Maaga ang dinner namin dahil nagutom na ang dalawa. Si Ingrid naman ay hindi pa kumakain mula kaninang umaga.
Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain, samantalang tahimik lang naman si Sam. Kinakabahan lang din ako sa tuwing bubukas ang bibig niya, feeling ko kasi ay may masasabi siya na hindi dapat.
Ngunit naitawid naman namin ang pagkain nang wala siyang sinasabi. Habang naghuhugas ako ng plato, sina Ingrid at Sam naman ang naupo sa kama at nagkwentuhan. Mukhang nagkasundo naman silang dalawa, which is a good thing para naman dalawa kaming magbantay ngayon.
Ngunit sa kalagitnaan ng paghuhugas ko at pagkukwentuhan nila, natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Ingrid sa bata.
"Dahil may lakad ako at hindi ako makakatulog dito, pupwede kang matulog sa bed ko, ha?" sabi niya na ikinawindang ko.
Napalingon tuloy ako sa kanila habang hawak pa rin ang isang plato. "May training ka ulit?"
Nakasimangot siyang tumango sa akin. "Yes! I'll be back tomorrow morning," malungkot niyang sabi. "Good thing na nandito si Sam para may kasama ka."
Nanlumo tuloy ako nang dahil sa sinabi niya. "I see. Take good care of yourself, Ingrid," paalala ko sa kanya dahil napapansin ko na namamayat na siya dahil hindi yata siya masyadong kumakain doon.
Tumango siya sa 'kin at ngumiti. "Once all of this is over, Astrid, magpa-party tayong dalawa!" aniya na ikinangiti ko na lang din.
"You should also invite me," singit ni Sam.
Napalingon sa kanya si Ingrid at saka niya kinurot ang magkabilang pisngi ng bata. "Of course you'll join us!"
Hindi mawala ang ngiti ko nang dahil sa nakikita sa kanila. Sana nga, maging maayos na ang lahat.
Matapos kong maghugas ng plato ay lumabas kaming tatlo upang maglibot-libot sa campus. Hinatid na rin namin si Ingrid sa Principal's Office nang alas singco na dahil magsisimula na ang kanyang pagsasanay.
Habang naglalakad kami, mahigpit na nakahawak si Sam sa aking kamay. Tahimik lang naman siya na patingin-tingin sa paligid. Hindi siya yung typical na bata na malikot, maingay, at kung saan-saan gustong magpapunta. Para siyang adult na ipinalsak sa katawan ng bata.
"Saan mo gustong magpunta?" tanong ko sa kanya dahil naglalakad lang kami kung saan at wala talaga kaming destinasyon.
"Anywhere," tanging sagot niya sa 'kin kaya lalo akong nahirapan. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin. "Except at the dorm," pahabol pa niya na ikinangiti ko.
"Would you like to go to the library?" tanong ko sa kanya although hindi ko ine-expect na gugustuhin niya roon dahil unang-una, ang gusto ng mga bata ay maingay at mailaw na lugar. At hindi iyon ang silid-aklatan.
Ngunit nabigla ako, at na-amaze at the same time, nang tumango siya sa 'kin at kita ko sa kanyang mga mata ang excitement. He must really love books!
Muli kaming naglakad patungo sa lecture building kung saan namin matatagpuan ang library. Bawat estudyanteng madadaanan namin ay napapatingin sa amin, marahil nagtataka kung bakit may bata sa loob ng campus. Karamihan naman sa mga estudyante ay halos mapahinto pa at mapa-komento kung gaano raw ka-cute ang batang kasama ko.
Mayroon ding iba na tila nakakilala. "Isn't that Samuel Conor?" narinig kong bulong ng isang babae sa kanyang kasama.
Nang malampasan namin ang mga iyon, yumuko ako nang bahagya upang bumulong kay Sam. "You're quite famous," asar ko sa kanya.
Lumingon siya sa 'kin. Ang kanyang mga mata ay malamlam na nakatingin sa akin. "It is because I am a Conor."
I was amazed at how he handled the situation and the fact that he is a Conor. He doesn't sound boastful nor proud, pero mukhang aware siya sa bigat ng responsibilidad na dala ng kanyang pangalan.
"You must get that a lot," komento ko na tinanguan niya kaagad. For a kid his age, sobrang nakaka-amaze ang mindset niya and how he acts. Sobrang matured na... unlike someone I know.
Napabuntong-hininga na lamang ako nang makitang makakasalubong namin ang magkambal na sina Thania at Tamara Greends, masama na naman ang tingin sa akin. Ano ba'ng problema nila sa 'kin, I wonder?
Saka ko biglang naramdaman ang pagkirot ng sugat ko na natamo ko mula sa kanila.