Nang mapagod si Sam sa playground ay idinala naman kami ni Lincoln sa cafeteria. Wala na kasing oras para magluto pa sa dorm kaya roon na lamang kami kumain. Pinagsandok kami ni Lincoln sa buffet table habang naghihintay naman kami ni Sam sa napili naming table.
"Did you enjoy?" nakangiti kong tanong kay Sam. Ngumiti siya sa akin hanggang sa maningkit ang kanyang mga mata bago tumango nang maraming beses at ipinatong ang baba sa lamesa. He is really cute! Taliwas sa awra ng pamilya Conor na kanyang kinabibilangan.
Mas lumapad ang ngiti ko nang dahil sa response niya at saka ko ginulo ang basa niyang buhok dahil sa pawis.
Nang dumating na si Lincoln, inasikaso niya kami kaagad ni Sam. Itinapat niya ang isang plato ng kanin na mayroong gulay at karne sa kanyang nakababatang pinsan at saka sinubuan ito gamit ang silver spoon.
Matapos iyon ay sa akin naman siya humarap at inihapag naman sa harapan ko ang isa ring plato na kapareho ng laman kay Sam. Noong aakma siyang susubuan din niya ako ay natawa na lang ako sa kanya at pinigilan siya.
"You should eat, too. I can eat by myself," natatawa kong sambit. Ngumiti lang siya sa 'kin at nagsimula nang kainin ang nakahapag sa harapan niya.
Tahimik lang kaming tatlo. This shows how much the three of us love food. Binibigyan talaga namin ng sapat na oras at atensyon ang pagkain.
Matapos naming ubusin ang mga pagkain, nag-desisyon naman na kaming umalis na at magtungo sa dorm. Nagpapabuhat pa sa akin si Sam, ngunit si Lincoln ang bumuhat sa kanya at ipinatong siya sa balikat ng kanyang Kuya. Tuwang-tuwa naman siya habang mahigpit na nakahawak sa ulunan ni Lincoln. Napangiti ako at napailing. Lincoln can handle children at hindi iyon halata.
Nagulat ako nang biglang hawakan ni Lincoln ang kamay ko. Nang lingunin ko siya ay patay-malisya lang naman siyang nakatingin sa harapan.
Hindi pa man kami nakakalahati sa paglalakad pabalik sa dormitoryo, nakatulog na rin si Sam kaya nagmadali kaming naglakad. Kinilik na lamang ni Lincoln ang pinsan sa kanyang mga bisig.
Pagdating namin sa dorm, sa silid namin ni Ingrid e naka-lock iyon. Na kay Lincoln ang susi ngunit hindi niya makuha sa bulsa niya dahil sa buhat niya. Kaya kumatok na lang ako at nagbakasakaling nandito na si Ingrid.
Dahan-dahan akong kumatok at bumukas naman kaagad ang pinto. Bumungad sa akin ang antok na antok na pagmumukha ni Ingrid at nakapaningkit na tiningnan kami upang kilalanin. Namilog ang kanyang mga mata nang nakita si Lincoln at ang bata nitong buhat.
"A-A kid?" naibulalas niya at saka niya kami mabilis na pinapasok. "What's going on?" dagdag pa niya.
"Lincoln's little cousin," maiksing paliwanag ko at saka namin sinundan si Lincoln na dumiretso sa kama ko upang ihiga roon si Sam na himbing na himbing ang tulog dahil sa pagod sa paglalaro. Kinumutan niya pa iyon bago lumapit sa amin.
"I'm sorry about this," aniya sa amin. Si Ingrid naman ay napatulala kay Lincoln at tila hindi makapaniwala that he said sorry. Conors never apologize; they don't have to.
Bahagya akong napangiti nang dahil sa dalawa. Si Ingrid, naka-uniporme pa rin na suot niya kahapon, ay nagawa pang umupo sa maliit naming lamesa sa munting kitchen at nakipag-tsikahan. Kahit pa puyat siya at pagod sa training niya, alive na alive pa rin siya.
Ngunit makalipas ng ilang mga minuto ay nagpaalam na siya sa amin na matutulog na at pagkagising na lamang niya siya maliligo. Kami naman ni Lincoln ay lumabas muna sandali habang tulog din si Sam. Babalik na lang siguro kami in an hour.
Habang naglalakad kami, pilit sinisiksik ni Lincoln ang sarili niya sa 'kin habang inaabot naman niya ang kamay niya sa kamay ko. Gusto ko siyang sikuhin dahil ang daming mga estudyanteng napapatingin sa amin at sa mga kamay namin.
Ang isa pang dumagdag sa problema ko ay nang makasalubong namin si Thania Greends. Huminto siya sa harapan namin upang bumati kay Lincoln ngunit natigilan siya at napatingin sa magkahawak naming mga kamay.
Si Lincoln naman ay hindi huminto at walang pakialam sa presensya ng malditang babaita. Tila hangin lamang ito para sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Lincoln. Basta na lamang niya kasi akong isinama nang hindi ko alam ang destinasyon namin.
"Since I can't mark you just yet, I have to do something to protect you," aniya sa akin kaya hindi na ako kumibo. Hindi ko alam kung paano ite-take ang sinabi niya. Malulungkot ba ako dahil ang tingin lang naman talaga sa akin ni Lincoln Conor ay kanyang mate, kaya niya ako pinoprotektahan, and not for some special reason?
Gusto kong ma-disappoint, pero sinisi ko na lang din ang sarili ko dahil hinayaan kong maging ganito ang sitwasyon. If I wasn't his mate, sigurado akong matagal na niya akong nilapa.
Nagtungo kami sa kakayuhan kung saan walang masyadong estudyanteng nagpupunta dahil off-limits iyon. Natatandaan kong doon din madalas magpunta ang mga kapatid ni Lincoln. I wonder kung ano ang mayroon doon?
Hinigpitan ni Lincoln ang pagkakahawak sa kamay ko nang makarating kami sa gitnang parte ng kakayuhan, ngunit wala kaming nadatnan na kahit na sino at ano roon.
"We're a little early," komento niya dahil mukhang may inaasahan siyang mga tao rito. Kinabahan tuloy ako. Paano kung trap lang ito at gagawin pala nila akong lechon upang pag-piyestahan nila? "Are you okay?" Narinig ko ang nag-aalala niyang boses kaya naiangat ko ang tingin ko sa kanya at mabilis na tumango.
"I'm fine," tugon ko at iwinaksi na ang ideyang iyon sa aking isipan.
Napatingin ako sa kanya nang bumitaw siya saglit sa aking kamay. "Huwag kang aalis dito. Aakyat ako ng puno," paalam niya sa 'kin na tinanguan ko lamang habang hinahatid siya ng tingin na umakyat sa pinakamalapit na mataas na puno.
Lincoln would be able to climb on his werewolf form easier, ngunit inakyat na lamang niya iyon gamit ang kanyang human form. Nabanggit niya kasi sa akin kanina na he used to meet his pack in his animal form, pero dahil nandito ako ay huwag na lamang upang hindi ako matakot. Hindi ko rin alam kung handa na ba akong makita siya sa ganoong anyo, kaya sumang-ayon ako sa kanya.
Ngunit wala pa mang ilang minuto ay mayroon nang isang higanteng lobo na tumalon sa akin. Natumba ako sa lupa at dinaganan ako niyon habang nagga-growl.
Sa sobrang kaba ko ay hindi ako nakapagsalita, ngunit nag-unahan na ang pagtulo ng mga luha ko sa aking pisngi habang nakatingin sa matutulis na mga ngipin ng lobo malapit sa mukha ko. Tumulo rin ang laway nito sa aking damit at mukha na tila ba gutom na gutom.
Hindi naman iyon nagtagal dahil mabilis na nakalapit si Lincoln sa amin. Hindi ko na namalayan ang pagbaba niya sa puno at naramdaman ko na lamang ang mga bisig niya sa aking katawan. He was still in his human form at alam kong dehado siya dahil doon.
Another two werewolves attacked him from behind, ngunit hindi niya iyon iniwasan dahil abala siya kaka-protekta sa akin. Napapikit ako at lalong naiyak nang makita na kinalmot siya ng mga kapwa niya lobo sa likod ngunit hindi man lang niya iyon ininda.
"Are you okay?" umiiyak kong tanong sa kanya.
"Don't mind me," bulong niya aa hirap na boses at saka niya ako niyakap nang mas mahigpit dahilan upang mapaub-ob ang mukha ko sa kanyang dibdib.
From that moment on, nakipaglaban na siya sa mga lobong umaatake sa amin at alam kong hindi pa rin siya nagpapalit into his werewolf form kahit pa dehadong-dehado na siya sa sitwasyon.
Maya-maya pa ay narinig ko nang mayroong iba pang lobo na nagsidatingan. Sumilip ako mula sa balikat ni Lincoln at nakita kong dumating na ang mga kapatid niya at iba pang mga lobo.
Umatras naman na ang tatlong lobo na umatake sa amin, ngunit ang isa sa kanila ay bumalik na sa anyong-tao. Wala siyang suot na saplot na kahit na ano because of the sudden transformation.
Nakangisi siyang tumingin at kumaway sa direksyon namin ni Lincoln. "The rumor was true. She smells really good," sabi ng lalaki. Mayroon iyong matipunong pangangatawan at morenong balat. Malinis din ang gupit niya, pati na ang kanyang pagmumukha. Mukha siyang pamilyar sa akin, ngunit hindi ko matukoy kung sino pero I'm sure na nakikita ko siya rito sa campus... o baka sa mga larawan.
Nang makaalis na ang tatlo, nagsilapitan sa amin ang mga kasamang lobo ni Lincoln ngunit nagulat ako nang bigla siyang bumagsak sa lupa. Napasama ako sa pagbagsak niya dahil nakayakap ako sa kanya.
Lalo akong naiyak habang nakaupo sa kanyang tiyan, hawak ang magkabila niyang balikat. Hindi pa naman siya mamamatay, ngunit ayoko siyang nakikitang nasa ganoong sitwasyon. Nakapikit ang kanyang mga mata at pinipigilan na dumaing sa sakit.
Nakita ko ang dumudugong braso niya nang dahil sa kalmot ng mga lobo. Inangat ko iyon at nakita ang damit niya na punong-puno ng likod, kaya noong inangat ko ang likod niya napahagulgol ako nang makitang sira-sira na ang saplot na suot niya. Kitang-kita ko ang malalalim na kalmot at kagat ng mga lobo.
Iyak lamang ako nang iyak at napaub-ob na lamang sa dibdib niya. Who are those werewolves at bakit nila sinaktan si Lincoln? I am confused.
"They are from another pack, our enemy," tugon ni Austin na tila nabasa niya ang nasa isip ko saka ko naramdaman ang paglapit nila sa amin. "Don't worry. We'll take care of him—"
Pinutol ko ang sasabihin ng kapatid ni Lincoln sa pamamagitan ng pag-angat ko ng ulo at pagsigaw. "'Wag kayong lalapit!" Nahinto sila sa paglapit at napatingin sa akin. Magkasabay na humahagulgol at napapahikbi ako sa sama ng loob. "You weren't there when he needed help! Don't go anywhere near him!" muli kong sigaw bago ako muling yumakap kay Lincoln na halos wala nang malay sa dami ng dugong nawala sa kanya.
Hindi ko alam kung saan ko galing ang tapang na sigawan ang mga lobo na iyon, pati na ang nakatatandang kapatid ni Lincoln, pero mas nangibabaw ang galit noon sa dibdib ko kaya wala na akong pakialam kung ano pa ang gawin nila sa 'kin.
Nakalapit lamang sila sa amin nang kumalma ako sa pag-iyak at nakatulog sa ibabaw ni Lincoln.
Nagising ako sa isang kama ng clinic. Puti ang buong paligid pati na ang kurtinang nakapalibot sa kama. Magpa-panic na dapat ako nang maalala ko ang nangyari kay Lincoln sa kakayuhan, nang bigla kong maramdaman na mayroong mainit na palad na humawak sa kamay ko.
Nang lingunin ko ang tabi ko, nakita kong nakahiga roon si Lincoln. Nasa iisang kama lang pala kami.
"You wouldn't let them take me to the clinic without you by my side, kaya isinama ka nila," mapang-asar niyang sabi at saka tumawa nang mahina. Napakurap ako nang maraming beses nang makita ang hitsura ni Lincoln. He seemed normal dahil wala siyang natamong sugat sa kanyang mukha, ngunit alam kong malala ang mga kalmot na nakuha niya sa likod niya. "Don't worry, maayos na ako."
Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Parang sasabog talaga ang dibdib ko nang makita siya sa ganoong kalagayan kanina. Bigla tuloy akong nahiya sa inasta ko kanina around his pack.
Saka ko lamang naalala ang sinabi ni Austin kanina tungkol sa mga lobo na umatake sa amin. Ang buong akala ko ay lahat ng lobo ay magkakasama lamang at may iisang desisyon, but ngayon ko nakita na mayroon pala silang iba-ibang packs at maaaring hindi sila magkakasundo.
"Who are those werewolves?" pabulong kong tanong sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at bahagyang natigilan. "It's okay, you can tell me," dagdag ko pa dahil nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalangan na sabihin sa akin dahil baka matakot ako.
"They're nothing special. They are like us, but from different pack," simpleng tugon niya. Ayaw niya akong takutin so he intentionally made it sound like it was no big deal. "We have tons of enemies. It was my fault that I let my guard down. I shouldn't have done that especially when you're around."
Gusto ko siyang hampasin dahil nagagawa niyang maging cheesy kahit sa ganitong sitwasyon, nang hindi niya sinasadya. Naiinis din ako sa kanya because I notice that he always holds back dahil sa akin.
"Why didn't you transform into your werewolf form?" seryoso kong tanong sa kanya habang nakatitig sa mukha niya. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin at mukhang gusto pang iwasan ang tanong ko. "Was it because of me?" dagdag ko pa dahilan upang mapalingon siya sa 'kin.
Tumitig siya sa aking mga mata. "I don't want you to fear me because I'm different from you."