Kabanata 23

2128 Words
Marahil pareho na kaming busog sa presensya ng isa't isa, hindi na kami nakapag-almusal and we just lied on the bed as if we own all the time in the world. Lincoln doesn't talk much, but I could feel his sincere feelings towards me... like how a werewolf takes care of his mate. That is literally what our relationship is. Even his breathing makes my chest thumping like crazy. "Astrid..." Napamulat ako ng mga mata nang marinig ang paos pa rin na boses ni Lincoln. Ang mainit niyang hininga ay bumuga sa aking leeg. "Hmm?" tugon ko sa kanya. Hindi ako makagalaw dahil sa posisyon niya, ngunit hindi ko ipinahalata ang kaba ko. "I have decided," aniya at saka inangat ang kanyang ulo upang silipin ako. Nagtama ang aming mga paningin. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko. Decided what? Umupo siya nang maayos nang hindi inaalis ang tingin sa 'kin. His eyes were just as usual, blank and empty. Kahit bagong gising lamang siya, hindi pa rin maikakaila ang kaguwapuhan niya na halos nakakasilaw na. "I'll give you three months. I think that will be enough for me to convince you, and for you to decide," dagdag niya. Napakurap ako nang maraming beses. "What three months? What do you mean?" "I'm giving you three whole months to decide whether you accept or reject me as your mate. I will accept a rejection, if ever, only after three months," paliwanag niya na ikinabigla ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Lalo akong kinabahan sa hindi ko malamang kadahilanan. "On my part, I'll do my best to treat you the best. And I promise to continue doing that even after you accept me." Hindi ako kaagad nakapagsalita. I was also still mesmerized by the fact na ang haba ng sinabi ni Lincoln. Ngayon ko lamang siya narinig magsalita ng more than two sentences. "And if I reject you?" tanong ko. Hindi ko naman intensyon na saktan siya, pero nakita kong may dumaang sakit sa kanyang mga mata. "Like I said, I'll accept it and leave you alone," tipid na tugon niya. Parang mas natakot pa ako sa sinabi niyang he'll leave me alone kaysa sa ibang consequences na matatanggap ko if ever man na tanggapin ko ang role ko sa buhay niya bilang mate niya. Nang hindi ako sumagot, nakita kong umusli ang isang tipid na ngiti sa kanyang mga labi as if mayroon siyang naisip na isang kalokohan. "However, if you reject or hurt me within the span of those three months, you will have to comfort me with this." At nanlaki ang mga mata ko nang muli niyang siniil ng halik ang aking mga labi. Mabilis ang mga galaw niya at nagawa na niya akong ihiga sa kama habang nilalaliman pa ang paghalik. Wala akong nagawa kung hindi tanggapin iyon at ipikit na lamang ang aking mga mata. Pumulupot ang aking mga braso sa batok ni Lincoln while I felt him towering me. What you were thinking didn't happen. Even if it drives the both of us mad, Lincoln will stop midway for he promised that he will still give me time. To give me a mark, so that other werewolves won't be able to touch me, he needs to bite my skin in between my shoulder and neck. To officialize the bond that we have as mates, we have to do it. I am not ready for that yet! Nakaramdam din kami ng gutom ni Lincoln nang mag-alas onse na. Tumayo na ako upang magluto sa maliit na kusina namin dito sa silid habang si Lincoln naman ay inutusan kong bumili ng mailuluto. Mayroon ding fresh na itinitinda ang canteen dito para sa mga gustong magluto ng sarili sa dorm. However, hindi ko lang alam kung mayroon pa ngayon dahil nga naka-lockdown kami at walang ibang pagkukuhanan ng ng fresh na gulay at karne kung hindi sa labas ng campus. Habang naghihintay kay Lincoln, tumingin muli ako sa salamin then I pulled my hair into a messy bun. I also put something on my face to make myself look alive. Masyado lang maputla ang balat ko as usual. Paglingon ko sa lamesa sa kusina, nakaupo na roon si Lincoln at nakapatong sa mesa ang supot ng karne at gulay na pinamili. L "Morning, honey," he greeted while staring at me as if I'm the most beautiful woman in the world. Nangunot ang noo ko. "What?" naitanong ko. He was acting as if hindi kami sabay gumising kasi. "It's what most couples do every morning... right?" alanganin na tanong niya sa 'kin. I wasn't used to seeing Lincoln like that, pero baka mas ma-enjoy ko pa nga. Nangiti na lamang ako sa kanya at sinakyan siya sa trip niya. "Morning." I greeted back bago ko kinuha ang pinamili niya at saka nagtungo sa lababo upang banlawan ang mga 'yon. Nagsimula na akong magsalang ng paglutuan at nagluto na rin ng isang luto na mayroong mainit na sabaw. Nang lumambot na ang karne ng baka, inilagay ko na ang gulay. Habang kumukulo ang niluluto ko, naghugas naman ako ng plato at kubyertos na pinaggamitan ko upang may gamitin kami sa pagkain namin ng breakfast at lunch. Dahil dalawa lang naman kami ni Ingrid dito, kakaunti lang din ang mga kasangkapan namin dito. Patapos na ako sa ginagawa ko nang bigla kong maramdaman ang pagyakap sa akin ni Lincoln mula sa aking likuran. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang dahil doon ngunit kumalma rin naman ako kalaunan. "Smells good," aniya na sumisinghot-singhot pa. "Syempre, luto ko 'yan," biro ko sa kanya. "I'm talking about your neck," bulong niyang muli dahilan upang kumalas ako sa pagkakayakap nia. Narinig ko ang paghalakhak niya nang dahil sa naging reaksyon ko. "You said you'll give me three months!" angal ko sa kanya na lalo niyang ikinatawa. Hinawakan niya ang dalawang kanay ko at pinagsalikop ang aming mga daliri sa isa't isa. "I wasn't planning anything," natatawa niya pa ring sabi. Inismiran ko lang siya. Nang maluto na ang ulam, tinulungan ako ni Lincoln na maghapag sa mesa. Hindi ko aakalain na mayroon siyang ganitong side, normal lang—hindi asal hayop at mataas. Ang ine-expect ko pa nga mula sa kanya ay uupo lang siya roon at maghihintay ng pagkain, but he insisted on helping me. Umupo siya sa harapan kong upuan at tinitigan lamang ako hangga't hindi ako gumagalaw upang kumain. Gusto ko sanang itanong kung hindi ba sila usually kumakain at kailangang hintayin pa niya ako bago kumain, pero baka mainis lang siya sa 'kin. Dinampot ko ang mga kubyertos at saka siya inabutan ng isang pares ng kutsara't tinidor, saka na ako nagsimulang kumain. Humigop muna ako ng maasim na sabaw bago ako kumain ng kanin. Ginaya naman niya ang ginawa ko. "First time mo bang kumain?" naibulalas ko. Napatingin siya sa 'kin at imbes na mainis ay natawa siya. "Well... it's my first time eating a soup with rice," aniya at saka tumitig sa ulam na tila ba foreign para sa kanya ang luto niyon. Napaawang ang aking mga labi. Now I understand kung bakit niya ako ginagaya. Hindi niya alam kung paano kainin ang ulam na niluto ko! "Whoa!" Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. "You really are on a different level." He just frowned at me, at bumalik na sa kanyang ginagawa. Mukhang ayaw niya na sinasabihan siya tungkol sa status ng kanilang pamilya. "For me, you're just you," pahabol na banat pa niya at saka nagkibit-balikat. Kung akala niya'y gagana sa akin iyon, pwes, hindi siya nagkakamali. Parang may mga paru-paro sa aking tiyan! Matapos naming kumain, itinulak na ako ni Lincoln papunta sa banyo upang maligo na. Siya nama'y pumwesto sa lababo, nagsuot ng pink na apron na nakita niya roon, at saka naghugas ng plato. Pagkatapos kong maligo at gumayak, siya naman ang naligo na habang ako'y umupo lang sa kama at nakatitig sa pinto ng banyo. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito si Lincoln at maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa. Just how did we end up like this? Paglabas ni Lincoln, nagpunas lang siya ng buhok gamit ang tuwalya at saka inayos ang buhok gamit ang mga daliri niya. Pagkatapos niyon ay inaya na niya akong lumabas upang maarawan naman daw ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon at wala namang klase. Hawak-hawak niya ang kamay ko at talagang pinagtitinginan na kami ng mga madadaanan namin. "Saan tayo pupunta?" Hindi na ako nakatiis at nagtanong na ako. "To my brother Austin," tipid na tugon niya. Gusto ko pang mag-usisa kung bakit kami pupunta roon at ano'ng gagawin namin, ngunit nakarating na kami kaagad sa tapat ng isang opisina ng faculty. Nakatayo roon ang kapatid ni Lincoln na si Austin at sa tabi niya ay isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad na tatlo o apat pa lamang. "Hello, Astrid," bati sa akin ni Austin nang makita ako. Kitang-kita ang mapuputi niyang mga ngipin dahil doon. "And brother, I'm glad that you came. Our auntie has a cute, little gift for you," nakangiting sabi nito sa direksyon ni Lincoln. Nangunot ang noo ng huli. "What is that kid doing here?" nakasimangot na tanong niya. "Is this why you called me?" Tumango si Austin. "I have a business to attend to. Sam, go to your Kuya Lin," sabi ng nakatatandang kapatid ni Lincoln sa batang katabi. "Sakto, nandito si Astrid. Magbantay na muna kayo ng bata," masiglang sabi pa niya at saka niya inabot sa 'kin ang kamay ng batang kasama niya na tinawag niya sa pangalang Sam. Wala sa sarili ko namang inabot ang kamay ng bata na lumapit sa akin. "Magbabantay ng b-bata?" naitanong ko na lamang. Nang tumingin ako kay Lincoln, he was surprised pero wala namang mababakasang pagtutol sa kanyang mukha. "Pick him up at seven," tanging sinabi ni Lincoln at saka na niya ako, kasama ang bata, inaya na umalis na. Ngumiti lang si Austin sa amin at saka kumaway-kaway. Saka ko lamang napagtanto, ano. Paano nakapasok ang isang bata rito sa loob ng campus kung lockdown? Parang nabasa ni Lincoln ang iniisip ko at sinagot niya ang tanong ko. "My auntie has connections inside the school. Also, ang ipinagbabawal sa campus ay ang paglabas and not vice versa." Tumango-tango ako sa kanya upang iparating sa kanya na naiintindihan ko. "Then hindi na siya makakalabas?" pabulong kong tanong upang hindi marinig ng tahimik na bata. "I'm sure our auntie will find a way," tanging tugon niya sa 'kin. Nakarating kami sa isang playground nang hindi ko namamalayan. Pinaupo ko si Sam sa swing at saka iyon itinulak. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa magkabilang gilid ng swing at mukhang nag-e-enjoy naman siya sa lakas ng pagduyan ko sa kanya. Saka ko napagtanto, kung kamag-anak ni Lincoln ito, then he is also a werewolf? Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon. He is still a kid. Nanonood lang naman sa amin si Lincoln, ngunit hindi siya nakatiis at lumapit sa akin. Ako naman ang pinaupo niya sa kabilang swing at sabay kaming itinulak ni Sam. Napangiti na lamang ako. Alam ko naman na Lincoln was just trying to treat me better, like what he promised. Lumingon ako kay Sam na tuwang-tuwa rin. Napakatahimik na bata at hindi umiimik kanina. Ngunit ngayon ay nanliwanag ang kanyang mukha at napapasigaw pa dahil sa lakas ng pag-swing niya. Matapos iyon ay binuhat naman siya ni Lincoln at idinala sa tuktok ng slide at saka siya itinulak doon. Tuwang-tuwa ang bata at naihahampas pa sa hangin ang mga kamay nang dahil sa excitement. Nakailang ulit pa si Lincoln sa paggawa noon sa kanya bago siya nagsawa. Unti-unti nang nagiging energetic si Sam at lumilikot na, tila ba iyon ang unang beses niyang lumabas at maglaro. Supportive naman ang Kuya Lincoln niya dahil sinasamahan siya sa lahat ng laro. Ako nama'y napapangiti lamang sa kanila habang pinapanood ko sila mula sa pagkakaupo ko rito sa swing. Maya-maya pa ay lumapit na sa akin si Lincoln na medyo pinagpapawisan na. Nagulat ako nang hilain niya ang kamay ko nang marahan at pinatayo ako. "Now it's time to give you my attention," aniya at ngumiti sa akin. Napakurap ako nang maraming beses dahil doon at pakiramdam ko ay nanliwanag ang paligid sa magandang ngiti niya. Umupo siya sa swing at saka ako pinaikot at hinila paupo sa kanyang lap. Namilog ang mga mata ko ngunit hindi ako makagalaw. Tumatakbong lumapit sa amin si Sam at saka siya umupo naman sa lap ko. Nang handa na kaming tatlo, buong lakas na dinuyan ni Lincoln ang swing gamit ang kanyang mga paa against the ground. It was just a simple activity, but it was the best one I've done in my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD