Matapos ang insidente sa pagitan namin ng kambal na sina Tamara at Thania Greends, nagtungo na lang ako sa library upang pakalmahin ang sarili. Kahit magalit ako nang magalit sa kanila, ano ba namang kayang gawin ng isang hamak lamang na tulad ko? Isang sakmal lamang ng pamilya nila sa 'kin at kahit ano'ng pagpupumiglas ang gawin ko, I will only get crushed. That's the reality of our world.
Habang naghahanap ako ng magandang basahin sa pinaka-dulong shelves, hindi ko mapigilang maging emosyunal. Normal lang naman ang pamumuhay ko rito noon, pero paanong nangyaring nakabangga ko pa ang ilan sa mga estudyante rito na kabilang sa mararangyang pamilya? What did I do wrong?
'Don't get involved?' Saan ba ako nanghihimasok? Was she pertaining to the lives of the Perfect Ten? Kailan ko ba sinubukang pumasok sa mga buhay nila? Just what did I do so wrong to deserve this?
Sa kaka-space out ko, may nahulog akong isang makapal na libro sa paanan ko. Kumuha pala ako ng libro nang hindi ko napapansin at nalaglag ko iyon dahil sa kawalang gana kong magbasa ngayon. Pinulot ko iyon at nabigla ako nang mayroon ding humihilang ibang tao noon sa pagkakahawak ko.
Nang iangat ko ang ulo ko, nakita ko ang masungit na librarian na masama ang tingin sa akin dahil nakalaglag ako ng libro. Sobrang inaalagaan kasi ang mga aklat dito.
Bago ko sana bitawan ang libro at ipaubaya sa kanya, tiningnan ko muna ang librong hawak namin. It was actually a yearbook from the year of seventies. Lumang-luma na iyon ngunit maganda pa rin ang quality ng libro. Hindi ko alam kung may kung anong interes na sumapi sa akin at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko roon.
"I'm sorry for dropping it. I'm taking it," magalang kong sabi sa librarian, saka pa lamang niya binitawan ang libro at umalis na. Nakahinga ako nang maluwag at muling tiningnan ang yearbook. Maroon ang magkabilaang cover nito at mayroon lamang gold na mga numerong nakaukit sa harapan, '70.
Nagtungo ako sa isang lamesa upang buksan iyon. For some unknown reason, kinakabahan ako sa pupwedeng makita ko rito... which was kind of weird dahil ano ba naman ang makikita ko rito kung hindi mga dating estudyante lamang dito?
Kahit na wala akong ganang magbasa ngayon at gusto ko na lamang humilata sa kama ko sa dorm e may kung anong humihikayat sa akin na buklatin ang libro. It was just a typical yearbook mula sa matagal nang panahon at nagiging yellow-brownish na rin ang kulay ng mga pahina.
Inilipat-lipat ko pa ang mga pahina at isa-isang tiningnan ang mga estudyante roon na halos hindi ko na mamukhaan dahil sa black and white ang mga iyon, hanggang sa napatigil ako sa isang pahina roon na nakakuha ng atensyon ko. Lahat na ng graduating students ay naipakita na sa mga nagdaang mga pahina, ngunit mayroon pang extra pages kung saan ipinakilala ang mga sumusunod.
Royalties. Iyon ang tila titulo ng mga taong nasa mga pahina.
May ilang mukha na nakalagay roon. Nangunguna ang larawan ng isang magandang babae na mayroong malalaking kulot ang mga buhok. Sa hitsura pa lamang niya at awra, malalaman mo nang nanggaling siya sa isang marangyang pamilya. Well, hindi naman siguro siya magiging kabilang sa Royalties kung hindi siya galing sa maimpluwensiyang pamilya.
Sa ibaba ng picture niya, nakalagay ang pangalan niya: Maria Claudiette Hall.
Kasunod niya ay isang lalaki. May simple itong ngiti at hairstyle na nauso noong unang panahon kung saan halos lahat ng buhok nila ay nakasuklay sa isang gilid lamang. Tulad nung naunang babae, may pangalan sa ilalim ng picture niya: Carlos Roberto Dee
Tatlong larawan na magkakatabi ang sumunod. Dalawang larawan ng mga babae na pinagigitnaan ang litrato ng isang lalaki.
Gelina Mae Conor. Lucas Kingsley. Martina Greends.
Natigilan ako nang dahil sa mga apelyidong sunod-sunod nabasa ko. It wasn't a coincidence na ka-apelyido ng tatlong 'to ang tatlo sa mga mayayaman at maimpluwensiyang pamilya ngayon sa aming siyudad. Saka ko napagtanto na binago lamang ang itinawag sa kanila ngayon, pero ganito pala talaga ang sistema noon pa. From Royalties na naging Perfect Ten ngayon. Great.
Ito ang proof na ang tatlong pamilyang nabanggit ay nasa kapangyarihan na noon pa, hanggang ngayon. Ibig sabihin, kayang-kaya talaga akong sakalin sa leeg ng Greends na 'yon. At Conor? I think hindi naman iyon magagawa sa 'kin ni Lincoln. At Kingsley? I have read an article na before about that family pero hindi ko pa sila nakikita in person. They fled, I think?
Sunod kong nakita ang dalawang larawan na magkatabi. Hindi sila pamilyar sa akin pati na ang kanilang mga apelyido. Here goes their full names: Princess Anya Rose Ford and Prince Franco Gil.
Ford at Gil? Common lamang ang mga apelyidong iyon sa siyudad namin, ngunit hindi ko pa narinig na nakabilang sila sa Perfect Ten. But wow... they belong to the Royalties? Siguro ay sila pa ang namumuno noon sa siyudad ng Lupin.
Matapos kong tingnan ang yearbook na iyon, nawindang-windang talaga ako. Tumingin ako sa malaking orasan dito sa library at mas nawindang ako nang makitang alas sais na. Ibig sabihin, papadilim na sa labas! Na siyang iniiwasan ko talaga simula nang mga nangyayari sa akin at nadadawit-dawit ako sa mga lobo.
Kinuha ko na ang backpack ko at saka ibinalik ang libro sa shelf kung saan ko iyon kinuha. Hindi ko na masyadong napansin kung ano'ng category iyon kabilang dahil nagmamadali na akong naglakad palabas nang tahimik. Kita ko kasi ang mga matatalim na tingin sa akin ng librarian.
Habang naglalakad ako pabalik sa dorm, kinakabahan talaga ako at baka mayroong biglang sumulpot. Magdidilim na pa naman at baka lamunin ako rito bigla dahil wala namang makakakita at makakaalam!
At hindi pa man ako nakaka-sampung hakbang ay mayroon nang humawak sa wrist ko at iniharap ako sa kanya. Nakita ko si Lincoln sa harap ko. Ang ekspresyon niya sa mukha ay gano'n pa rin, ngunit mukhang maluwag ang hitsura niya ngayon kumpara sa dati.
"Damn it." Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ang hapdi ng sugat ko sa aking wrist na hawak-hawak ni Lincoln. Mukhang hindi niya iyon kaagad napansin ngunit nang makita niya ang reaksyon ko ay kaagad siyang napabitaw sa akin at saka tiningnan ang maliit na sugat doon na tinuyuan na ng dugo. Kahit na maliit iyon, sobrang hapdi at init ng pakiramdam niyon. Hindi ko alam kung bakit.
Tiningnan ako na parang naiinis ni Lincoln at pagkatapos ay hindi umiimik niya akong kinaladkad patungo sa dorm at papasok sa silid namin ni Ingrid.
"Your friend asked me to take care of you at baka hindi siya makauwi," aniya at itinulak ako paupo sa kama ko. Lumuhod siya sa tapat ko at saka niya kinuha ang kamay ko upang muling pagmasdan ang aking sugat. "Were you scratched by a werewolf?" kalmado niyang tanong nang hindi tumitingin sa 'kin.
Mabilis akong umiling. "It's nothing," sabi ko sa kanya at akmang babawiin ko ang kamay ko mula sa kanya ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakahawak.
"Don't move," he warned bago siya tumayo at kumuha ng kung ano sa ref namin. Pagbalik niya ay mayroon na siyang hawak na isang can ng beer. Bakit may alak sa ref namin? "Iniwan ko 'to last time," paliwanag niya nang makitang nakatingin ako sa hawak niya.
"Ano'ng gagawin mo—" Naputol ang sasabihin ko at napasigaw na lamang nang isaboy niya ang beer sa sugat na natamo ko mula sa magkapatid na Greends.
"Disinfecting it," tipid na tugon niya at sabay naming pinanood na bumula ang sugat ko na tila ba nililinis niyon ang dumi roon. Nabigla na lamang ako nang biglang inangat ni Lincoln ang kanyang tingin sa mukha ko at nangunot ang noo. Nagtaka ako sa naging reaksyon niya ngunit hindi ko na iyon pinansin. Maya-maya pa ay muli siyang nagsalita. "Who hurt you?" seryoso niyang tanong. Iyong hazelnut pupils niya ay napalitan ng purong itim. Does that mean he is mad?
Ngunit nawala roon ang atensyon ko nang maramdaman muli ang paghapdi ng sugat ko, three times na mas masakit kaysa sa nauna! Ramdam ko ang pagtaas-baba ng aking dibdib dahil sa aking paghingal. Damn!
Nakatingin lang si Lincoln sa mukha ko habang sinimulan nang nilinis ang sugat ko gamit ang kakurot na bulak. "This is what happens when I'm not around," naiiling na bulong niya.
Hindi ko na iyon pinansin at pinapanood ko lamang ang ginagawa niya. Wala na akong oras pa para makinig sa kanya at umangal.
Tumalim ang tingin niya sa akin na tila ba nabasa niya ang nasa isip ko. "What?" angal ko.
Tumitig siya sa mga mata ko habang naka-frown ang mukha niya. "I told you to call my name," muling pangaral niya.
"Yeah, thanks," pagsuko ko at saka sumandal sa pader na katabi ng kama ko. Unti-unti nang humuhupa ang sakit. Bakit ganoon na lamang ang pagkirot ng sugat na iyon, kahit na maliit lang naman?
"You better call me." Inalis niya ang tingin sa akin at inihanda na lamang ang isang puting tela bago niya ako tinulungang umupo nang maayos. "Masakit pa?"
"Nah," hirap kong sagot. "Tapusin mo na. Gusto ko nang magpahinga."
"Right," he replied. Binendahan muna niya ang maliit na sugat ko bago binalot ang wrist ko ng puting tela. Matapos ay inalalayan pa niya ako sa aking paghiga na tila ba buong katawan ko ang masakit, e kamay lang naman iyon.
"Rest. Don't think about anything else. Babantayan kita," mahinang sinabi niya sa 'kin na nagpagaan sa aking nararamdaman. Binalot na rin ako ng matinding antok matapos iyon.
I'm glad he's here.
Kinabukasan, nagising ako na nasa tabi ko na muli si Lincoln. Nakayakap ang kanyang mga kamay sa aking baywang habang nakasiksik naman ang mukha niya sa aking leeg. Hindi na ako nabigla at tila normal na lamang ang ganoong ayos namin.
Marahan akong sumilip sa kama ni Ingrid at wala pa namang nakahiga roon. Inumaga na naman siya ng uwi. I wonder kung ano'ng klaseng pagsasanay ang ipinapagawa sa kanya at sobra naman siya kung pagurin.
Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap ni Lincoln sa aking baywang, ngunit nang maramdaman niya iyon ay muli lamang niya iyong hinigpitan. Ngunit dahil mapilit ako, hinayaan na niya akong tumayo at umalis sa kama, habang ipinagpatuloy naman niya ang tulog niya roon.
Tumayo ako sa tapat ng salamin dahil ang una kong naalala ay ang sugat ko. Malinaw kong nakikita ang aking repleksyon doon—kung gaano kaputla ang aking balat at kung gaano nakakaagaw ng atensyon ang kulay dugo kong mga labi dahil dito.
Tiningnan ko ang wrist kung saan tinalian ako ni Lincoln ng puting tela. Dahan-dahan kong inalis iyon at kinakabahan sa pupwedeng makita. Hindi biro ang sakit na naramdaman ko kagabi kaya curious ako kung ano na ang hitsura nito.
At nagulat ako nang makitang sobrang itim niyon pati na ang paikot na paligid niyon. Ang good thing lamang ay hindi na kumalat pa ang itim na tila pasa kung titingnan.
Matapos ko iyong pagmasdan ay muli kong ibinalik ang benda at puting tela roon, saka ako nanatiling nakatitig sa repleksyon ko sa salamin. My eyes were filled with fear and distress, but behind them were anger and hatred.
Muli akong naglakad papunta sa kama to check on Lincoln, at para sumilip din sana sa bintana dahil nag-aalala na ako kay Ingrid at wala pa siya. Maliwanag na sa labas at sa mga oras na ito ay nag-aayos na ang mga estudyante papasok, ngunit naalala ko na weekend nga pala ngayon at wala kaming pasok. Kaya siguro hindi na rin pinauwi si Ingrid.
"Don't worry about your friend. Mamayang gabi na raw siya makakauwi, and she's totally fine," narinig kong sabi ni Lincoln na nakahiga pa rin at nakapikit. Napatitig ako sa malinis at guwapo niyang mukha na tila ba laging payapa. Alam kaya niya na galing sa pamilyang Seer si Ingrid? Paano kung saktan nila si Ingrid dahil ayaw nilang mabisto sa pagiging lobo, if ever maging Seer ang kaibigan ko?
Nawala ang agam-agam ko nang biglang may humapit sa baywang ko. Napilitan akong umupo sa gilid ng kama ko kung saan nakahiga si Lincoln.
"She said to stay with me until she comes back," aniya sa paos niyang boses. Napalunok ako ng laway dahil doon. He sounded really hot when he said that!
But I doubt that Ingrid said that, ano. Naramdaman ko na lamang ang paghila niya sa 'kin pahiga at mahigpit akong niyakap na tila ba ayaw niya akong pakawalan. Saka ko naramdaman ang mainit na pagbuga niya ng hangin sa aking leeg.
My heart... it was beating really loud.