Muli kong inilipat ang pahina ng magazine upang makita ang susunod na pamilya. Si Ingrid, bilang ganap na tsismosa, ay lumapit pa sa kama ko at nakibasa sa akin kahit naman alam ko na nabasa niya na 'yon. Maganda lang kasi itong basahin ngayon dahil napapanahon sa sitwasyon ko.
8. Knight
Tulad ng apelyido nila, ang mga mukha nila sa larawan na nandito ay mukhang sasabak sa giyera. Parang may poot, eh. Tulad ni Amethyst, si Cloud ay panganay at mukhang anim o pitong taong gulang ang kapatid nitong babae.
7. Grayson
Ang schoolmate namin dito ay si Luna. Maganda ang family picture nila rito. Lahat sila ay nakangiti at mukhang masaya. May isang kapatid na lalaki si Luna, kaso tatlong taong gulang lamang ito ayon sa article.
6. Vanderwoodson
Pamilya ng seryosong tao. Lahat sila ay mukhang pormal. Well, baka sa picture lang na ito. Nakasaad dito na related ang family nila sa pamilyang Lionde, which is ikatlong nangunguna sa Perfect Ten. Ang schoolmate namin dito ay si Zero. Nakalagay rito na may kapatid siya na mas nakakatanda sa kanya, pero sa kasamaang palad, sanggol pa lamang ito ay nabawian na ito ng buhay.
5. Trump
Ang schoolmate namin dito ay si Kali. Sa larawan na ito, siya lang ang hindi nakangiti. Dalawa silang babae rito sa larawan. Ayon sa article, ang isang babae na nagngangalang Dolly ay ang totoong anak ng mga Trump. Ampon lamang si Kali, pero iyong si Dolly ay nag-suicide raw noong siya ay kinse anyos pa lang. Unsolved pa rin ang mystery na iyon sa pamilya nila.
4. Greends
Ang pamilang ito ay mapagbigay raw at mababait kumpara sa iba. Palangiti raw ang mga ito at halata naman sa larawan dahil kung makangiti sila, kita pati gilagid. Dalawa lang ang anak ng mag-asawang Greends at kambal pa. Silang dalawa ang schoolmates namin, sina Thania at Tamara.
3. Lionde
Weird daw ang pamilyang ito. Sa picture, parang nagkukulitan lang sila. Hindi bakas sa kanila ang marangyang pamilya. Simple lang ang mga ito kung manamit at parang ordinaryo lang raw kung kumilos. Busog na busog daw sa pagmamahal ang nag-iisa nilang anak na si Seven. And yes, siya ay schoolmate ko.
Kung hindi niyo siya natatandaan, siya lang naman ay yung lobo na umatake sa akin sa detention. For some reason, hindi ako natatakot sa kanya despite knowing na isa siyang werewolf. Siguro ay dahil nakita ko naman na mabuti siyang tao kapag hindi siya nagiging werewolf o kung hindi lang siya na-tempt sa dugo ko noon.
2. Waldorf
Pamilya ng istrikto ayon sa article. Walang nakangiti sa pamilya na ito ni isa na tila ba hindi sila magkakasundo at napilitan lamang magpakuha ng litrato. Para bang pinagbagsakan sila ng langit at lupa. Ayon dito, pangatlo ito sa pinaka-mayaman at makapangyarihan na pamilya sa buong siyudad. Ang schoolmate ko rito ay ang bunso nila, si Nicholas, na bigla na lamang akong sinama sa birthday party niya kahit first time niya akong makita noon sa detention. May kapatid rin itong babae na mas matanda sa kanya, iyon naman ang na-meet ko noon sa party na sobrang sungit at mukhang ayaw sa 'kin dahil obviously, hindi ako parte ng Perfect Ten.
Nicholas is a really good guy. Kung hindi lamang siya galing sa mayamang pamilya, siguradong naging matalik na kaming magkaibigan. Although minsan ay nakakabwisit siya, ano.
1. Mordeur
Kinilabutan talaga ako nang makita ang pamilyang ito kahit sa litrato lamang, kahit pa ilang beses ko nang nakita at nakaharap si Kirk. Para bang may itim na awra na bumabalot sa kanilang lahat. Kung nakakatakot na ang presensya ni Kirk, mukhang mas ikamamatay namin kapag sabay-sabay namin silang nakita. Kaya having this family photo should be forbidden, ano, dahil parang hindi ako makahinga while staring at their faces, especially their eyes. Iyong mga tingin nila, kahit na sa picture mo lang titingnan, para bang kakainin ka nang buhay. Dalawa ang anak ng mag-asawang Mordeur. Ang panganay na si Thiara at ang pangalawa o bunso na si Kirk Tyrone. Ayon dito, bukod sa ilang kaibigan na kasama sa Perfect Ten, wala na itong kinakausap pang iba. Dalawa silang schoolmates ko.
Marami pa rin sa Perfect Ten ang hindi ko pa nakikita nang personal marahil masyadong malawak ang paaralan. Pero kung ako ang tatanungin, ayaw ko na rin naman na makita pa sila dahil hindi naman giginhawa ang buhay ko at magbabago ang sitwasyon ko if ever. Mas malaki pa nga ang chance na wasakin nila ang buhay ko dahil sa rumors na maririnig.
Pagkatapos ng Perfect Ten, may isa pang pamilya na binanggit. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanila, basta ang nabasa ko, ito ang may pinaka-perpektong pamilya sa buong siyudad. In-open ko yung larawan nila at nakita ko ang isang classy na pamilya. Simple lang sila, pero kung manamit sila ay talagang makikita mo ang karangyaan.
Kingsley Familia
Si Theodore Kingsley, ang tumatayong ama sa pamilyang ito, ay minsan nang namuno sa siyudad na ito. Ngunit binitawan rin ang responsibilidad dahil sa isang personal na rason. Ang ilaw naman ng tahanan ay si Kierra Kingsley na walang patid ang pagtulong sa buong siyudad. Ang pamilyang ito ay ang may-ari ng halos lahat ng ari-arian sa siyudad. Kanila rin ang isang bayan dito. Lubos silang makapangyarihan at ginagamit nila ito sa kabutihan.
Tiningnan ko ulit ang kanilang family photo. Mukhang matagal nang kinunan ito. Hindi ito katulad ng mga litrato ng Perfect Ten. Bata pa ang mag-asawang Theodore at Kierra dito at ang anak nilang lalaki ay apat o limang taong gulang lamang dito at ang anak nilang babae ay nasa isang taong gulang lang o baka buwan pa lang.
May dalawang anak sina Theodore at Kierra. Una ay si Thomas Arkand. Kita ko sa larawan ang gandang lalaki nito kahit pa bata lamang siya sa larawan. Nakalagay rito na ang kasalukuyang edad nito ay dalawampu't isa.
Ang pangalawang anak ay si Tris Akira. Mahal na mahal nila ang batang ito, lalong lalo na ng panganay nilang anak.
The weird thing was, wala silang latest na photograph na inilagay roon. Maging ako, personally, ay hindi ko alam kung totoo bang nag-e-exist pa sila sa siyudad na ito dahil hindi ko na rin masyadong naririnig ang pamilyang iyon.
Syempre, matapos iyon, na-feature din sa magazine ang pamilyang Conor. Hindi sila kabilang sa Perfect Ten sapagkat hindi sila naglalabas ng data tungkol sa kanila. Hence, hindi alam ng mga tao kung gaano sila kayaman. Pero sa nakikita namin, ano, they are actually in par with the Kingsleys—except wala akong nababalitaan na ginagamit nila ang pera at kapangyarihan nila sa maganda.
Matapos kong magbasa, lumingon ako kay Ingrid na nakikiusyoso. Napatingin din naman siya sa 'kin nang mapansin ako.
"Well... they're the families who we will be going up against," komento niya at napangiwi.
Nangunot ang noo ko. "We?" tanong ko sa kanya. Hindi ba dapat 'you' ang term na ginamit niya dahil ako lang naman ang involved dito?
Ngumiti siya sa 'kin at bigla akong niyakap na ikinabigla ko. "Of course, I won't let you battle alone."
Kinabukasan, sabay kami ni Ingrid na pumasok sa klase at dikit na dikit talaga kami. Pareho kaming paranoid na baka may kumalat na isyu tungkol sa amin ni Lincoln.
Pagpasok namin sa klasrum, may kumpol na mga kaklase namin ang lumapit sa akin. Parang nalaglag sa sahig ang puso ko at nadurog-durog pa. Alam ba nila? Why else would they talk to me?
"Hi, Ingrid," sabay-sabay na bati nila. Inaasahan ko na ang isang malakas na sampal mula sa kanila isa-isa ngunit hindi iyon dumating. "Balita namin ay nakakuha ka ng full scholarship sa pagiging apprentice ng principal. Sabihan mo kami kapag may ganoong programa pa ulit, ha," sabi ng isa.
Napakurap ako nang maraming beses sa narinig saka kami nagkatinginan ni Ingrid. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Si Ingrid naman ay tumango-tango lang sa mga kaklase namin at hinila na ako patungo sa isang upuan.
Doon pa lang siya nakahinga. Mas kabado pa siya kaysa sa 'kin, sa totoo lang. Grabe talaga yung kaba ko kanina, akala ko'y uusisain nila ako tungkol kay Lincoln.
Kinuha ko ang baon kong bottled water sa aking dalang bag at saka ininom iyon. Naging kampante na rin ako dahil nga wala pang kumakalat na balita. Kung sakaling may nakakita kay Lincoln palabas ng silid namin, siguradong kakalat iyon agad.
Habang umiinom ay nakita kong biglang dumating si Kirk. Nakasuot siya ng puting polo shirt at black pants. Suot niya ngayon ang kanyang mapang-asar na ngiti ngayon at mukhang good mood mang-asar. Kumuha siya ng upuan mula sa isang desk at inilagay iyon sa harapan ko, saka siya umupo roon paharap sa 'kin.
"Astrid, I'm just wondering if you've seen Lincoln Conor this morning?" tanong niya sa 'kin dahilan upang mabulunan ako sa tubig. Ibinaba ko ang bottled water sa mesa ko habang nauubo-ubo nang dahil sa sinabi niya. Napansin ko ang pagngiti niya na tila ba plano niya talagang gawin ito sa 'kin. He knew?
"Why would I see him this early?" naibulalas ko pero sa mahinang boses lang dahil hindi ko magagawang sigawan siya, lalo na at maraming tao na nakapaligid sa amin.
Ngumiti siya sa akin na tila ba inosente siya. "My bad. I asked because you seemed close," tugon niya sa malakas na boses. Literal na napalingon sa kanya ang buong klase. Si Ingrid naman sa tabi ko ay napa-nganga lang at hindi makapagsalita. What happened with "I won't let you fight alone"?
"How are we close? He's a... Conor," tugon ko rin which was a half lie. Well, hindi naman talaga kami super close but we kissed. Nevermind that, we're actually close. Pero diniin ko talaga yung apelyido nila para mailayo talaga ang sarili ko sa kanya. Hindi nila pupwedeng malaman na may something, although not romantic, sa amin ni Lincoln.
Tumango-tango si Kirk, halata sa hitsura niya na nang-aasar lang talaga siya. So alam niya nga? Nakita niya kaya si Lincoln kaninang umaga?
"Alright. I thought you saw him," aniya at nagkibit-balikat bago tumayo at ibinalik sa dating pwesto ang upuan. Ngumiti pa siya sa 'kin sa huling pagkakataon bago siya lumabas na ng classroom. What the hell was that?
Pag-alis niya ay ako naman ang dinumog ng mga kaklase namin. Good thing ay hindi nila na-gets yung shades na binabato sa 'kin ni Kirk and they were simply inggit dahil kinausap ako ng heartthrob na 'yon, although very infamous siya.
Bago magsimula ang klase, nagpaalam na lang muna akong pupunta ng banyo upang tigilan ako ng mga kaklase namin. Dumiretso ako sa CR ng mga pambabae at saka nagtungo sa salamin. Naghugas ako ng kamay ko at saka naghilamos. Pag-angat ng ulo ko, halos mapatalon ako sa gulat nang makita sa repleksyon ng salamin na may isang babae nang nakatayo sa tabi ko.
Natigilan siya at seryosong tumitig sa akin. Pareho kaming nahinto sa ginagawa namin. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at ibinaon ang kuko niya sa wrist ko. Hindi ako nakapag-react at nanatiling pinagmasdan ang ginagawa niya. Umagos ang dugo mula sa wrist ko.
Napatingin lang ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Nagkatitigan kami at mukhang mayroon siyang gustong sabihin. She actually looked familiar... at siya nga si Thania, yung kabilang sa Perfect Ten na na-meet ko sa party ni Nicholas. Hindi ko siya masyadong namukhaan dahil mukha siyang mabait ngayon sa tuwid at mahaba niyang buhok, pati na sa maayos na pagkakasuot ng kanyang puting blusa.
Matapos niya akong tingnan nang masama, padabog na siyang lumabas ng banyo at iniwan akong nagtataka. Tiningnan ko ang wrist ko. Natuyo na ang dugo roon pero ramdam ko pa rin ang hapdi ng pagbaon ng kuko niya. Ano ba'ng problema niya, at ni Kirk, sa akin?
"What's her problem?" iritableng bulong ko at akmang susunod na kay Thania palabas nang biglang may humawak sa braso ko. Nang lingunin ko, nakita ko ang isang babae na hawig ni Thania.
Ngumiti siya sa 'kin at nabigla ako nang sampalin niya nang ubod ng lakas ang pisngi ko. Napabaling ang ulo ko sa kaliwa ko sa sobrang bigat ng kamay niya.
Nang muli ko siyang lingunin, naramdaman ko na ang dugo sa labi ko. Dinilaan ko iyon at masama ko siyang tiningnan. Of course I know her. Siya ang kakambal ni Thania, si Tamara. Pareho silang masama ang ugali.
"Don't get involved anymore, ignorant woman..." aniya bago ako binitawan at inunahan na lumabas ng banyo.
Yeah, what the f**k is their problem?