Kabanata 20

2022 Words
Bago pa ako mag-panic nang sobra, biglang sumulpot sa harapan ko si Lincoln. Sobrang bilis lamang noon. Sa pagkurap ko lamang ay nasa harapan ko na siya at naramdaman ko na lamang ang likod ko na nakalapat sa pinto habang kulong ako ng dalawang braso niya na nakahawak sa pinto. Napatitig ako sa kanyang mukha. "What are you doing?" I asked him. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at pakiramdam ko ay sobrang init dito sa loob ng silid. Sumasabay pa ang mainit na hininga ni Lincoln na bumubuga sa mukha ko. Fudge. Napalunok ako ng maraming laway. "It hurts, Astrid..." His voice cracked as if he was in an excruciating pain. He was not crying, though. Napayuko siya at saka niya inub-ob ang mukha niya sa aking leeg, but biting my neck wasn't his intention. And sa unang pagkakataon, narinig ko ang mahina niyang pagdaing na tila ba may iniinda siyang sakit. It was also my first time seeing him this weak. Sobrang init ng balat niya, nakakapaso. "What's wrong?" tanging nasambit ko, but he wouldn't respond. Parang ayaw niyang sabihin sa aking kung bakit siya nasa ganitong kalagayan ngayon. "Did you fight with someone?" nag-aalala kong tanong. Rinig na rinig ko ang mabigat na paghinga niya. "I want—I need my... mate." Napalunok ako ng laway nang dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at saka ko inakap ang braso niya sa leeg ko upang akayin siya patungo sa kama ko. Fortunately, wala pa si Ingrid at nasa training pa rin. Late na talaga usually umuwi ang babaeng iyon kapag may pagsasanay. Noon nga'y makakatulugan ko na ang paghihintay sa kanya. Mabigat ang katawan ni Lincoln ngunit pinilit ko na makarating sa kama. Hingal na hingal ako nang dahil sa pagod nang mahiga ko siya sa kama ko at saka siya kinumutan. Inalis ko ang mga suot niyang sapatos at saka ko inilapag sa ilalim ng kama. Nilalagnat kaya siya? What the hell was happening to him? Inilapat ko ang likod ng palad ko sa kanyang noo at sobrang init niya talaga, para siyang inaapoy ng lagnat. Do werewolves also catch cold, though? Aalis na sana ako para kumuha ng bimpo at mainit na tubig, nang bigla niyang hilain ang kamay ko nang buong pwersa kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib. Nang tatayo sana ako upang lumayo sa kanya sapagkat sobrang lapit namin sa isa't isa, ngunit hinawakan niya ang likod ko at pinigilan akong tumayo. "I don't need anything, Astrid, as long as you're near," aniya sa paos na boses. Nakapikit ang kanyang mga mata dahil hindi talaga maganda ang nararamdaman niya. Ako nama'y nakonsensya pa at naawa nang dahil sa kalagayan niya kaya hindi na ako nagpumiglas. Inangat ko ang ulo ko at nakita kong nakamulat na siya at nakatitig din sa akin. His pupils turned into golden yellow... and I'm sure it meant something. May dahilan kung bakit nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. Other werewolves' eyes turned dark black when I'm around them, though. "Are you sure?" kinakabahan kong tanong at baka kasi biglang pumasok si Ingrid at baka kung ano pa ang isipin sa amin. "You're enough," pabulong na sabi niya at saka na pumikit muli upang magpahinga na talaga. "Let's just stay like this," aniya muli na unti-unting kumakalma. It was as if what we were doing now relieved the pain. Pinagbigyan ko na lamang siya sa gusto niya kahit na kanina ko pa gustong lumayo. Ang init kasi ng katawan niya at parang malalapnos ang balat ko sa tuwing madidikit sa kanya. However, may mainit na pakiramdam na rin na umaakyat sa dibdib ko pakalat sa buong katawan ko, tila ba nahahawaan ako. Then I suddenly felt thirsty. Then I also suddenly felt the courage to top Lincoln and stare at his face... down to his bloody red lips. Nauuhaw ako and I feel like si Lincoln lamang ang makakapawi no'n. Nag-wonder tuloy ako if this is how Lincoln feels towards me. Iminulat niya ang kanyang mga mata na ikinabigla ko, pero hindi nagbago ang nararamdaman ko. Kaya noong dahan-dahan na inilapit niya ang kanyang mukha sa akin, hindi na ako umiwas pa. Because I knew at that moment that I wanted it, too... "You can dodge if you want," sabi pa ni Lincoln bago tuluyang siniil ng halik ang aking mga labi. His lips were really warm, para siyang may lagnat. Nang maramdaman niya na hindi ako umiwas o tumanggi, saka ko naramdaman ang mainit niyang palad sa aking batok na tila ba pinapalalim pa ang halik. The kiss was warm, passionate, and gentle. I didn't expect this from Lincoln, but he was really a gentleman. Hindi ko alam kung nawala ba talaga ako sa tamang pag-iisip noong gabing iyon, but I kissed him back. We were both hungry for each other, and we both know that. Naglakbay ang aking mga kamay sa balikat ni Lincoln at kumapit doon when I felt him plant kisses on my cheeks. Kung nasa katinuan lamang ako, baka naitulak ko na siya at nasapak, ngunit hindi ko maikakaila that my body responds to his every move. However, noong ako na mismo ang nagkusa na hubarin ang suot kong pang-itaas, Lincoln stopped me. His eyes were still golden yellow, pero napapansin ko na pinipigilan niya ang sarili niya hanggang sa bumalik ang mga mata niya sa orihinal nitong kulay. "I don't want you to respond just because of the bond that forces you to feel something," malumanay na sinabi ni Lincoln at saka niya ako hinalikan sa noo. Inayos niya ang suot kong damit at saka niya ako inihiga sa kama ko. Napakurap ako nang maraming beses. Kumalma na rin ang katawan ko at bigla akong nakaramdam ng matinding antok. Naramdaman ko na lamang na humiga rin sa tabi ko si Lincoln at saka niya siniksik ang mukha niya sa leeg ko. And just like that, we slept together on my bed. Like we just literally slept and nothing else... Nagising na lamang ako kinaumagahan sa malakas na tili ni Ingrid. Pakiramdam ko ay malalaglag ang tainga ko nang dahil sa lakas no'n. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at sinilip ko siya, antok na antok pa ang aking mga mata. "Kakauwi mo lang?" tanong ko sa kanya. Tumango siya nang maraming beses. Her face was painted with shock. What's wrong with her? "You slept with Lincoln?" pabulong na tanong niya sa 'kin, bilog na bilog ang kanyang mga mata. Unti-unting nagproseso sa utak ko ang sinabi niya. I did what with who? Napalingon ako sa katabi ko sa kama ko. Sa sikip nito, talagang nagkasya kaming dalawa ni Lincoln. Napabangon ako nang wala sa oras nang dahil sa pagkabigla. Katulad ni Ingrid ay naging owl ako sa panlalaki ng aking mga mata. Hindi ako makapagsalita nang dahil sa pagkabigla at kaagad na napatingin sa katawan ko, pero fully dressed naman ako! Saka ko naalala ang nangyari kagabi. Fudge. Nag-init ang mukha ko at nakaramdam bigla ng hiya sa sarili ko. Ni hindi rin ako makatingin nang diretso kay Ingrid nang dahil sa hiya ko. "Of course nothing happened," sagot ko sa kanya sa kinakabahan kong boses. Wala naman talagang nangyari, pero alam ko naman na gano'n pa rin ang iisipin niya nang dahil nakita niya kaming tulog nang magkatabi at magkayakap! Maya-maya pa ay bumangon si Lincoln na nakapikit pa. Napatingin kami sa kanya ni Ingrid at pareho kaming hindi makapaniwala na nandito sa silid namin ang isang Lincoln Conor. Kapag nalaman ito ng iba, siguradong gigiyerahin kami rito. Inalis niya ang kumot niya at tila nananaginip pang tumayo at parehong nalaglag ang mga panga namin ni Ingrid nang makitang walang suot na pang-itaas si Lincoln at kitang-kita namin ang kanyang matikas na katawan. I didn't want to see his packs of abs, pero nahawa ako kay Ingrid na nakatitig doon! Nang imulat ni Lincoln ang kanyang mga mata, dali-dali niya akong hinanap na tila ba bagong gising lamang siya. Nakahinga siya nang maluwag nang makita at maramdaman ako malapit sa kanya. "What do we have for breakfast?" tanong niya sa 'kin. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya dahil doon. In the end, bumangon na rin ako at nagluto ng egg at bacon na nasa ref. Matapos naming kumain, pinalayas ko na si Lincoln dahil mukhang kanina pa ako gustong interview-hin nitong si Ingrid. Although mas gusto ko siyang tanungin kung bakit inumaga siya sa training niya. She looked really exhausted. Humiga ako sa bed ko at tumitig sa kisame. Mukhang ganoon din ang ginawa ni Ingrid dahil narinig ko ang mahinang langitngit ng kanyang kama. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari kagabi sa pagitan namin ni Lincoln. Muntik na akong bumigay. Na-confuse tuloy ako lalo kung bakit pinigilan pa ako ni Lincoln. Nagpapasalamat na lang din ako dahil hindi siya nag-take advantage sa kahinaan ko. "Nothing happened, really," depensa ko kay Ingrid nang makita ko sa gilid ng mga mata ko na bubwelo na siya sa pag-uusisa. "We just slept. He wasn't feeling well," dagdag ko pa. Mukhaang naniniwala naman sa 'kin itong si Ingrid dahil hindi naman talaga ako nagsisinungaling sa kanya. Tumango siya nang bahagya, nakangiti pa rin, pero bigla iyong maglaho nang may maalala siya. Umupo siya sa kama niya habang nakalingon sa akin. "I was just wondering kung ano ang reaction ng Perfect Ten students, if ever you and Lincoln started dating." "That's not gonna happen," angil ko sa kanya pero napaisip din ako. Ang Perfect Ten students ay ang mga estudyante na galing sa pinaka-mayaman at makapangyarihang pamilya rito sa aming siyudad. Madalas may say kasi sila sa mga personal na buhay ng kapwa nila nasa Perfect Ten. At worse, baka pag-trip-an nila ako kapag nalaman nila na mayroong namamagitan sa amin ni Lincoln. Of course hindi naman namin masasabi na I am his mate para tantanan lang nila ako! "I'm sure Lincoln won't let them harm you," wika naman ni Ingrid na nakapagpalubag ng loob ko kahit papaano. If you are curious about these students, I will give you a brief description of their families. But let's hope na hindi ko sila ma-meet sa campus, ever. Kinuha ko ang isang magazine sa side table. Ipinamimigay ito sa siyudad namin upang makilala namin ang mga pamilya na kailangan naming respetuhin at huwag banggain. 10. Vlack Family Pinagmasdan ko lang ang mga mukha ng pamilya nila sa nakalagay na family photo. Isang ina, isang ama, tapos dalawang babae. Ang isang babae ay kasing-edad ko lang na ang pangalan ay Amethyst habang iyong isa naman ay mukhang anim na taong gulang pa lamang. Amethyst Vlack is my schoolmate, pero hindi ko pa siya nami-meet nang malapitan. Kadalasan ay mula sa malayo, sa pag-akyat niya ng stage o kung ano pang event. Ang pamilyang Vlack ay ang pinaka-tahimik na pamilya sa buong siyudad. You will never even see them na magyabang o mag-throw ng party. Such a simple and humble family. 9. Lockhart Pang-siyam sa Perfect Ten ang pamilya ni Alec Lockhart, ang lalaking na-meet ko sa party ni Nicholas; iyong kasama ni Seven na lumapit sa table namin. Tiningnan ko ang family photo ng mga ito. Lahat sila ay may tipid na ngiti at baka may pinag-iipunan. Base sa hitsura nila, mukhang bunso si Alec dahil siya ang mayroong pinakabatang hitsura sa lumang litrato na iyon. May dalawa siyang nakatatandang kapatid na babae na pinagigitnaan siya. Hindi ko pa man nami-meet ang pamilyang ito, ngunit base sa pag-uugali ni Alec ay tahimik lang din sila at malayo sa ibang pamilya na halos mag-away away pa nang dahil sa payabangan at payamanan nila. Like the Vlack family, tahimik at humble lamang din ang pagkakakilala ng mga tao sa pamilyang Lockhart. Base sa nakasulat dito, ang ilaw ng tahanan ng pamilyang ito ay hindi makabasag-pinggan. Kung mami-meet niyo man daw ang kanilang ina, siguradong mahihiya ka sa gaslaw ng mga galaw namin. The way Alec's mother, and his sisters, talk and walk daw e talagang makikita ang elegance. Kung mayroon mang nakaka-intimidate sa pamilya nila, iyon ay ang pagiging mahinhin at elegante nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD