Kabanata 19

2117 Words
Halos manlambot ang mga tuhod ko nang dahil sa tingin ni Easton. Isang mabilis lamang iyon pero pakiramdam ko'y nahigop niya ang aking lakas. Napahawak tuloy ako sa glass wall upang suportahan ang pagtayo ko. "Miss, ayos ka lang?" Isang grupo ng mga babae ang nagtanong. Tumango lang ako at naglakad na paalis, medyo nangangatog pa rin ang mga tuhod ko. Wala halos katao-tao sa loob at mukhang hindi magandang ideya na huminga sa mas malapit na lugar sa kanya. And for some unknown reason, a lost memory from when I was still a kid was triggered. "Lady Akira! Bumalik kayo! Hindi ka pwedeng lumabas ng siyu-" "Lady Akira-" Tumatakbo ako palayo sa kanila. Hingal na hingal na ako pero hindi pa ako pwedeng tumigil. Hindi hangga't hindi ako nakakaalis sa siyudad na ito- "Lady Akira!" I wasn't sure if I was the one being chased and being called Lady Akira, but I guess it wasn't me. First of all, my name is not Akira. The memory flashed really quick kaya para akong nahilo. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa gitna pa rin ako ng mga dumadaan na mga estudyante. Nagtungo na lang ako sa library to clear my head about things that I couldn't control. "Elyse," tawag sa 'kin ng isa sa mga kilala ko sa dance club na inaaya akong sumali, but Ingrid and I both turned him down sinxe hindi naman talaga kami sumasayaw. Siya si Nathan Marquez. Inangat ko ang tingin ko at napahinto sa paglalakad nang makitang nasa harapan ko na siya. He smiled. "Tapos na ang klase mo ngayong umaga, 'di ba?" "Uh, yes. So?" balewalang sagot ko at ibinalik na ang tingin ko sa binabasa ko habang naglalakad patungo sa bakanteng lamesa. Nagsimula na ulit akong maglakad. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na sumabay siya sa 'kin sa paglalakad. Nakaikot-ikot na ako sa shelves dahil may nakita akong isang li brong interesting, pero sumabay pa rin siya sa akin. Hanggang kailan niya ako balak sabayan? "Baka pwede kitang maimbitahan sa malapit na cafè. Ipapakilala sana kita sa mga kaibigan ko," nahihiya niyang wika. Huminto ako sa paglalakad. Napahinto rin siya sa gilid ko. Ibinaba ko ang librong hawak ko at hinarap siya. Para bang bigla siyang nasindak sa mga tingin ko. Kita ko ang paglunok niya ng laway. "K-Kung ayaw mo, o-okay lang naman, Elyse." I sighed. I am well aware that Nathan likes me, pero pinipilit kong hindi pansinin iyon dahil ayokong maglakas siya ng loob na ligawan ako. If that happens, masisira ang kung ano mang pagkakaibigan ang mayroon kami. Nagsimula ulit akong maglakad. Kahit papaano ay may pinagsamahan naman kami nito. Siya lang kasi ang naglalakas-loob kausapin ako kahit na tahimik ako at weirdo. Kaya magiging nice ako sa kanya, kahit ngayon lang. "Nathan, wrong timing kasi. I am not in the mood right now. Kung gusto mo, magkita na lang tayo after ng school hours." Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. Nagkakamot siya ng batok at parang nahihiya. "Talaga? Sunduin na lang kita mamaya sa room mo, okay lang ba?" Tumango ako bilang tugon, "Thank you talaga, Elyse. Una na ako, ha? See you later!" "Sure." Pilit akong ngumiti at naglakad na ulit. Umupo na ako sa isang bakanteng table at doon tahimik na nagbasa. Nang makaramdam ako ng kawalang gana sa ginagawa ko, umub-ob ako sandali sa table. Hindi ko namalayan na naka-idlip ako. Halos mahulog ako sa upuan ko nang malingat ako. Pag-angat ko ng ulo ko, bumungad sa harapan ko ang matandang librarian na galit na galit sa mga antukin sa library. Pinandilatan lamang niya ako ng mga mata at nakuha ko na kaagad ang warning niya, saka na siya naglakad paalis. Tatayo na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko na isang lalaki. Napakurap ako nang maraming beses. Hindi ko siya napansin. Nakaupo lang siya sa katabi kong upuan at mukhang kanina pa ako hinihintay gumising. Wala naman kasing libro sa harapan niya. Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at tinaasan siya ng kilay. "What brings you here, Lincoln?" tanong ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa 'kin habang nakahalumbaba. Bumitaw siya sa 'kin at nginitian ako. "Let's go out?" Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inayos ang mga libro ko na para bang walang kumausap sa 'kin. "Elyse, my mate," muli niyang saad dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Ngumiti siya ulit. Inirapan ko siya at nagsimula nang maglakad. Sumasabay lang naman siya sa 'kin. "May exams ka ba sa Math? Shall I help you?" Nahinto ako sa paglalakad. "How are you supposed to do that?" Nilingon ko siya at pinagmasdan. Magarang manamit si Lincoln, guwapo, at malakas ang dating sa mga babae. Sa katunayan, pinagtitinginan siya ngayon ng mga estudyante na nakakasalubong namin. "I didn't even study." "Well... I have my own ways," nakangisi niyang sinabi at saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Napalunok ako ng laway habang nakatitig sa kanyang mga mata. "If you'll allow it, I can help you ace the exam without studying." "Kalokohan mo," bulong ko at saka ko siya tinalikuran. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob upang sabihan siya nang ganoon, ngunit wala naman akong na-sense na nagalit siya sa 'kin o na-offend. "Bakit ba ang bilis mong maglakad-" aniya muli at hinabol ako sa paglalakad. Hindi na natapos ang sinasabi niya at tumakbo na ako nang ubod ng bilis. "I'll see you later!" sigaw ko sa kanya nang makarating ako sa aming klasrum. Male-late na ako. Natapos na ang exam namin sa Math. Inayos ko ang gamit ko at lumabas na ng classroom. Tuyong-tuyo ang utak ko at wala ako halos maisagot na matino sa exam. "Hi, Elyse." Napatingin ako sa nagsalita. Si Nathan. Muntik ko nang makalimutan na pumayag pala akong magpunta kami sa cafè para ipakilala sa mga friends niya. "Tara na?" Kahit na pagod ang utak ko ngayon, ngumiti na lang ako nang pilit at tumango. "Uh, sandali lang ako, Nathan." Ngumiti siya. "Ayos lang." Tahimik lang kaming naglakad patungo sa Lupin Cafè, ang nag-iisang kapehan sa loob ng paaralan. Walang kumikibo sa amin. Tinatamad rin akong magsalita at gusto ko nang bumalik sa dorm. Sana naman ay makasalubong ko si Ingrid dito at ayain na akong umuwi— "Elyse!" Sabay kaming napalingon ni Nathan. Nakita ko si Nicholas na nakatayo sa tabi ng isang itim na car at kumakaway sa 'kin. Kung sinuswerte ka nga naman. Binuksan niya ang pinto ng car at saka niya kami inaaya na sumakay. "Uh, Elyse-" Naputol ang sasabihin ni Nathan nang lumapit sa akin si Nicholas at umakbay. Bakas sa mukha niya ang matinding takot at pangamba. "Hatid na kita." Tumingin pa si Nicholas kay Nathan. "Kaibigan mo ba siya? Tara, sabay na rin siya—" Bago pa niya matapos ang sasabihin niya, hinila ko na siya papunta sa itim na car. "Sorry, Nathan! Next time!" Nakatulala lang ito hanggang sa makalapit na kami ni Nicholas sa itim na car. Binitawan ko siya at nagmadaling pumasok na sa kotse. "Balak mo bang putulin braso ko?" reklamo ni Nicholas sa 'kin nang pabiro. "Ano pa'ng ginagawa mo riyan? Let's go," aya ko sa kanya nang silipin ko siya mula sa bintana. Nagmadali siyang pumasok sa kabilang pinto at umupo sa driver's seat. "Nicholas at your service," wika niya at saka itinaas-baba ang magkabilang mga kilay niya. I rolled my eyes. "Pakibilisan. Gusto ko nang umuwi." Also, I felt bad for Nathan. Nang huli ko siyang silipin sa kinatatayuan niya kanina ay nakatingin lamang siya sa kotse at mukhang malungkot nang dahil sa ginawa ko. However, wala talaga ako sa mood ngayon at parang hinahati sa gitna ang ulo ko. Babawi na lang siguro ako sa kanya sa ibang araw, but I can't promise him that. As usual, kwento nang kwento si Nicholas habang nagmamaneho. Mabilis lang din naman kaming nakarating sa dorm kaya hindi ko masyadong kinailangang pagtiisan ang ingay niya. Pagdating namin sa dorm, tumakbo kaagad ako papasok upang magtungo na sa silid namin ni Ingrid. Pagdating ko sa loob, halos atakihin ako sa puso nang madatnan na nakaupo sa kama ko si Lincoln, mukhang kanina pa ako hinihintay habang naka-krus ang kanyang mga braso. "W-What are you doing here?" naibulalas ko nang makita siya. Napahawak pa ako sa aking dibdib nang dahil sa sobrang gulat kanina. Nang makakalma na ako ay umupo ako sa kama ni Ingrid. "You should leave now. Baka maabutan ka pa ni Ingrid," sabi ko at sinimulang alisin ang suot kong mga sapatos. Nabigla naman ako nang bigla siyang yumuko at inagaw niya ang paa ko upang siya ang magtagal ng suot kong shoes at socks. Hindi na lang ako nakapag-react at pinanood siya sa ginagawa niya, at mukhang nag-e-enjoy naman siya sa hindi ko malamang kadahilan. Until matigilan siya at mapasinghot sa aking damit. "Wardolf's smell. Were you with him instead of me?" tanong niya sa 'kin na ikinatigil ko. Wardolf is their family's number one enemy. Sasabihin ko ba sa kanya na nakasama ko nga si Nicholas? Paano kung magalit siya? Pero paano naman ako magsisinungaling kung nabisto na ako? Ah, mas okay nang magsabi na lamang ng totoo. Pero yung mga tingin niya, parang papatayin niya si Nicholas kapag sinabi kong yes. "No. Why would I meet him?" tanggi ko at umiwas ng tingin sa kanya. Pinagmasdan niya ako nang matagal, kita ko sa gilid ng mga mata ko, pero pinanindigan ko talaga ang sagot ko. "Are you telling the truth? I can feel your lies, Astrid," aniya sa malumanay na boses. Gusto kong umamin na lang sa kanya pero natatakot ako para kay Nicholas. Baka gawin pang dahilan ng taong 'to ang paghatid sa 'kin ni Nicholas upang mapaslang lang siya. Tumango ako nang hindi pa rin tumitingin sa kanya. "Yes, it is the truth." Tumango-tango siya kahit na parang hindi siya kumbinsido. I guess he just chose to trust me despite the proof na nakasama ko nga si Nicholas... But then biglang mayroong kumatok sa pinto na ikinalingon naming dalawa. "Astrid, are you there? Naiwan mo ang backpack mo sa car ko!" Para akong binuhusan ng isang timbang tubig-yelo nang dahil doon. It was Nicholas! Bakit ba siya nagpunta pa rito when he was already safe when I lied to Lincoln? Napalingon ako kay Lincoln at nakatingin din siya sa 'kin na tila ba sinasabi niyang he was disappointed in me for not telling the truth. But what can I do? Sigurado akong magagalit lang siya kapag nagsabi ako ng totoo! "You should go out and see him," tanging sinabi niya at saka bumuntong-hininga. Kahit na kabado ako ay nagmadali akong tumakbo patungo sa pinto. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang ngiting-ngiti na mukha ni Nicholas. "What are you doing here? You should leave now," bulong ko sa kanya. Nag-aalala talaga ako na biglang tumakbo papunta sa amin si Lincoln ngayon at sugurin siya. Malaking gulo iyon! At baka hindi ko rin kayanin na masaksihan na kumakain ng tao si Lincoln! Pero sabi niya sa 'kin hindi sila kumakain ng karne at dugo ng tao. He won't lie to me, right? "Elyse, you look pale," komento ni Nicholas nang makita akong namumutla at pinagpapawisan nang malamig. Inilapat pa niya ang likod ng palad sa noo ko. Ramdam ko ang sobrang lamig ng kamay niya. "May sakit ka ba?" Lalo akong nag-panic at pasimpleng napalingon sa kinauupuan ni Lincoln ngayon. Good thing na hindi siya nakatingin sa direksyon namin. Lincoln is quite possessive since he claimed that I am his mate. Mukhang hindi masaya ang mga lobo kapag mayroong ibang lalaking lumalapit sa kanilang mates. Umiling ako kaya binawi na niya iyong kamay niya. "Malamig lang iyang kamay mo. Nilalamig ka?" Nag-shrug siya. "No. Iaabot ko lang itong backpack mo," aniya at saka niya inilapag sa gilid ng pinto ang backpack. Tumango ako sa kanya at halos itulak ko siya palayo dahil ayokong magtagal pa siya rito, baka ano pa ang magawa ni Lincoln. "You should go now. I'm quite busy. See you later?" sabi ko sa kanya. Napakunot ang noo niya pero hindi na siya nag-abala pang nagtanong. Alangan siyang naglakad palayo na tila ba sinususpetya niya na may mali sa akin, kaya ngumiti ako sa kanya at tinanguan siya upang sabihin sa kanya na maayos ako at umalis na siya. "Are you really okay?" tanong niyang muli. Tumango-tango lang ako sa kanya at sinenyasan siya na lumayas na siya. Nang masiguro kong umalis na siya, ipinasok ko ang backpack ko at saka ko sinarado ang pinto. Paglingon ko sa kinaroroonan kanina ni Lincoln, wala na siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD