Naglalakad ako sa pathway kasama si Ingrid. We were heading to our dormitory to rest, pero wala naman doon ang utak ko. Naiwan yata sa Principal's office.
Peace... dito sa loob ng campus, despite the increment of murder cases inside? Paano namin maa-apply ang bagay na iyon sa isang paaralan na nabubuhay sa kaguluhan? Tsaka paano ko maia-apply yun sa kanila kung ako mismo hindi ko alam i-apply yun sa sarili ko? Ah! Mababaliw na ako!
"Hihintayin namin kayo mamayang three nang madaling araw. All you have to do is pumirma na nag-agree kayo sa bagay na ito. Then everything will be settled pagbalik ninyo," sabi ng Principal.
Bumuntong hininga ako. Ayokong isugal ang buhay ko sa paglabas ng campus, ngunit nanghihinayang ako sa reward na ibibigay niya sa amin if ever. Pero naisip ko rin na hindi ko rin naman makukuha 'yon kapag namatay ako sa labas. I was really confused. Sana naman hindi na dumating pa ang araw na iyon.
"Astrid, okay ka lang?" tanong sa akin ni Ingrid na nakapag pabalik sa katinuan ko. Napakurap na lang ako at nagkibit balikat sa kanya.
"How about you?" Alam kong sa loob-loob niya ay sobrang nangangamba na 'yan. I'm sure magbi-break down 'yan pagbalik sa dorm.
Marahan siyang tumango. "I'll be fine as long as hindi ka lalabas," aniya at ngumiti sa akin. Natigilan ako nang dahil doon. "Stay here and be safe, Astrid. Malalagpasan din natin ito," muli niya pang saad. Napaawang ang aking mga labi at hindi na nakapagsalita hanggang sa makabalik na kami sa dorm at nakahilata na ako sa kama ko.
Narinig kong inaya pa akong kumain ni Ingrid sa Dining Hall, pero tumanggi ako. Nawalan ako ng gana dahil sa mga narinig ko kanina.
Alas onse ng gabi nang may kumatok sa kwarto ko. Hindi pa naman ako tulog nung mga oras na iyon pero inaantok na ako. 'Di lang talaga ako makatulog dahil sa dami ng iniisip ko, sumasabay pa si Kirk na sobrang misteryo para sa 'kin. Bakit siya ipapasama si Kirk? Paano kung patayin kami no'n paglabas?
"Astrid? Are you asleep?"
It's Nicholas' voice, na ikinabigla ko. Ngayon lang kami ulit nagkita simula noong natapos ang party niya na hindi ko pa matandaan gaano ang nangyari. Bakit naman niya ako pupuntahan nang ganitong oras? Bumaba ako sa kama ko, binuksan ang lamp shade, at pinagbuksan siya ng pinto. Ano kayang kailangan niya sa ganitong oras? Bumungad sa akin ang ngiti niya na nakakasilaw.
"Hindi ka bumaba kanina sa Dining Hall, ah. On diet ka ba?" Pumasok siya sa room ko at sinarado ko naman ang pinto saka ko siya sinundan. "Sabi rin ni Ingrid na wala ka raw gana."
Napalingoj ako nang bahagya kay Ingrid na tulog na. Umalis siya kaninang mag-isa upang kumain. I felt bad dahil hindi ko siya sinamahan, pero ikinwento na pala niya ako sa lalaking 'to.
Umupo ako sa kama ko at pinagmasdan siya habang salita siya nang salita roon. Ang weird din ng isang 'to. Inaantok na ako at lumilipad din ang isip ko kaya wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya.
"Anyway, nagpunta ako rito para personal na iabot sa 'yo 'to." Ngayon ko lang napansin na may hawak siyang sobre. Inabot ko iyon mula sa kanya at inilagay sa aking side table. "It's from the office of the Principal. 'Wag ko raw 'yan bubuksan. Na-curious tuloy ako kaya-"
"Binuksan mo?" putol ko sa kanya.
Umiling siya. "No. Pero dito lang ako hanggang sa buksan mo na." Saka siya ngumiti. Napailing na lang ako.
"Sorry pero hindi ko siya bubuksan ngayon. At kung bubuksan ko man, wala akong balak na i-share ito sa 'yo." I smiled, yung pilit. Never naman ako naging mabait kay Nicholas kaya okay lang na tarayan ko siya ngayon, lalo na at hindi maganda ang araw ko. "Maaga pa ang pasok bukas. How about you sleep?"
Nanlumo na rin siya dahil sa isinagot ko. "Fine. Babalik na ako sa room ko. Ang damot mo!" he joked. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. Lumabas na siya ng kwarto namin pero bago niya isinara ang pinto, sumilip ulit siya. "Hindi na magbabago ang isip mo?"
"Hindi na." Saka ko siya nginitian ulit. Napa-pout siya dahil doon. Cute. "Paki-lock na lang 'yang pinto. Good night!" Saka na ako humiga sa kama ko at hinila ang kumot para masakop ang buong katawan ko. Pumikit na rin ako para umalis na talaga siya at hindi na ako kulitin. Bakit ba naman kasi ipinaabot pa kay Nicholas ang sulat? What were they thinking?
"Good night." Then narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. I smirked at umupo ulit sa kama. Saka ko kinuha yung sobre na may lamang sulat.
Binuksan ko ito at dali-daling binasa. Nanlumo ako nang makitang agreement letter lang iyon at kailangan kong pumirma kung gusto kong sumama palabas ng campus bukas. Itinago ko muna iyon sa drawer at humiga na ako.
"Astrid, kumusta ang tulog mo?" Inismiran ko siya kaya napasimangot siya sa 'kin. "Baka kasi hindi ka nakatulog. Mukhang malaking problema ang dinadala mo kahapon, eh."
Nag-kibit balikat lang ako sa kanya at tinatamad akong magsalita. Nakatitig lang ako sa puting kisame ng kwarto at nag-iisip kung tama ba ang desisyon ko na hindi sumama. Besides, mas mabuti na 'yon para sa lahat. Siguradong mag-aalala nang sobra si Ingrid kapag nakita niyang wala ako rito pagkagising niya.
Tamad na tamad akong bumangon at gumayak para sa klase namin ngayong umaga. Si Ingrid naman ay mukhang nakahinga nang maluwag dahil nakinig ako sa kanya. Samantalang ako'y bumigat pa yata lalo ang pakiramdam dahil labag sa loob ko ang ginawa ko.
Simula nung araw na iyon, hindi na ako mapakali. The truth was, I wanted to go out to see people who have a special place in my heart! Mas mabuti nang masilayan ko na sila bago pa ako mamatay sa lugar na ito.
"Astrid!"
Napatingin ako kay Ingrid. Iritang-irita na yung itsura niya.
"What?"
"Kanina pa kita tawag! Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Tulala ka na lang lagi!"
"Pasensya na. May iniisip lang."
Napabuntong hininga siya at umupo sa tapat kong upuan. "May problema ba? Pwede mo akong sabihan."
"Wala. Ayos lang ako." I smiled. Pero halata namang peke iyon.
"Basta kung hindi mo na kaya at gusto mong mag-open, pwede mo akong lapitan." Tumayo siya at tinapik ang braso ko. "Aalis muna ako. I am being summoned by the Principal."
Napakurap ako ng dalawang beses. Ah, her training nga pala is still on-going. I wonder kung ano ang sasabihin sa kanya ng Principal now that she turned down her offer yesterday.
"Yes, you should go," sabi ko sa kanya although medyo nalungkot ako at wala akong kasabay na kumain at lahat mamaya. Maiinip lang ako at maiinis dahil sana pala e lumabas na lang din ako.
"Paano kung pumayag tayo sa kahapon ano? Para umuwi sa pamilya natin. Miss ko na sila," aniya randomly habang naglalakad kami palabas ng gusali for lectures. Lumingon siya sa 'kin. "Ikaw, I've never seen you go home. Hindi mo ba nami-miss ang pamilya mo?" nagtatakang tanong niya sa 'kin dahil ang weird nga naman na hindi ako umuuwi kahit na may pamilya ako.
Natigilan ako. Miss na miss. Ako kaya, naaalala nila sa puntong ito? Gusto kaya nila akong umuwi ngayon? Well... kahit hindi pa naman din lockdown noon, ayaw na nila akong pauwiin sa bahay sa hindi ko malamang kadahilanan.
"Hindi, sa susunod na lang siguro," mahina kong sagot. Ngumiti lang siya sa 'kin at tumango saka tuluyan nang umalis sa harapan ko. Hinatid ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Nagtungo na lamang ako sa cafeteria upang kumain sana, kaso pagdating ko roon ay pakiramdam ko'y wala pa rin akong gana. Napaub-ob ako sa walang laman na table.
"Hey, Astrid." Narinig ko ang mala-anghel na tinig ni Lincoln. Kaagad akong napaupo ng maayos at tiningnan siya. Nagiging komportable na rin ako kahit papaano sa presensya niya. Ngumiti siya sa akin nang natamis kaya napakurap ako nang maraming beses nang dahil sa pagkabigla. "What's wrong?" Mukhang nararamdaman niya rin ang nararamdaman ko dahil napapangiwi pa siya sa 'kin.
"Wala naman," I lied. Kahit gusto kong magreklamo, hindi ko magawa. Sikreto lang kasi ang napag-usapan namin. Isa pa, isang lobo si Lincoln at baka magalit siya kapag nalaman niya ang plano ng Principal. Or worse, he'll snitch her.
"Hindi ako tulad ng iniisip mo," biglang sabi niya. Napatitig ako sa kanya dahil parang nararamdaman niya ang emosyon ko ngayon towards him. "We don't eat human flesh."
Napakurap ako nang maraming beses. I know. But still, hindi ako sigurado hanggang kailan nila kayang magtiis. Paano kapag nagutom sila? Is he going to eat me then?
"Y-Yeah," I muttered. "I know that."
Ngumiti siya. "I'm glad."
Napakunot ang noo ko pero hindi ako nag-usisa tungkol doon. Nanatili akong tahimik at dinadama ko na lang ang komportableng katahikan at presensya ni Lincoln.
Maya-maya pa ay dumating ang isang kapatid ni Lincoln, si Austin. Bumalik tuloy yung kaba ko at pakiramdam ko'y sasabog ang dibdib ko. Naging komportable na ako na nandiyan si Lincoln dahil nasanay na rin ako sa presensya niya, pero hindi ko naman sinabing lahat ng Conor. May hawak siyang tray ng pagkain at mukha lang naman siyang ordinaryong estudyante na mayroong nakahuhumaling na genes kaya naman halos mabaliw ang mga babae malapitan lang silang magkakapatid.
"Hello, Astrid," bati niya sa akin nang nakangiti. The last time that I saw him, he never did smile at me. Mukhang hindi sanay ngumiti ang pamilya nila, but I was stunned when I saw him smile. I smiled back.
Umupo si Austin sa tabi ni Lincoln at nagsimula nang kumain. Parang ordinaryong tao lang naman talaga sila at kaya nilang makihalubilo sa mga talagang tao if gugustuhin. Kung hindi ko lang sila kilala, malamang ay paniwalang-paniwala rin ako na hindi sila lobo.
Napailing na lang ako sa naiisip ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman noong mga oras na iyon, lalo na at parang papatayin din ako ng mga estudyante na nasa paligid namin at pinapanood kami. Lalo na nang biglang ipatong ni Lincoln ang mainit niyang palad sa aking kamay. Nagulat ako at napatingin sa kanya at saka ko napagtanto na he was doing that to assure me that he is here and there is nothing bad that can happen to me when he's around, kahit pa nandiyan ang kapatid niya na kinatatakutan ko pa rin.
And because of that, I finally calmed down.
Nang matapos kumain ni Austin at kumalma na rin naman ako nang tuluyan, pati na ang pag-iisip ko kanina tungkol sa offer ng Principal, nagpaalam na ako sa dalawang magkapatid at gusto ko munang maglakad-lakad. Pero dahil si Lincoln ay si Lincoln, nagpumilit siyang sumama sa akin. Wala namang nagawa si Austin kung hindi bumuntot dahil kailangan niya rin sigurong makausap si Lincoln kaya niya kami nilapitan.
Napadpad kami sa kakayuhan, which is not a good place para samahan ako ng dalawang lobo. Walang tao at tahimik, a perfect place para lapain nila ako. But for some reason, I trust Lincoln and his words.
Napansin ko na lumapit si Austin kay Lincoln, upang sa wakas ay kausapin na niya. Kanina pa niya napapansin ko na gustong makausap ang kapatid, kaso buntot ito nang buntot sa akin.
Ako naman ay naglakad-lakad na muna upang i-clear muna ang isip ko for a while. Hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang maliit na coffee shop. Kahit na maliit na siyudad lamang ang Lupin, marami pa ring mga ganitong shops na nagsusulputan. Pinayagan ang isa sa loob ng campus para sa mga anak-mayayaman na tulad nina Conor, Wardolf, Mordeur, at iba pa.
Mula sa glass wall ay nakita ko ang isa pang kapatid ni Lincoln na si Easton. Kaagad siyang napatingin sa akin nang titigan ko siya. Malakas pala talaga ang pakiramdam ng mga lobo. Muntik pa akong mapaatras dahil nagtama ang mga paningin namin.
Unlike Austin, hindi talaga siya marunong ngumiti. Yung mga tingin naman niya ay nakakalunod sa sobrang dilim. May hawak siyang aklat sa kanyang kamay at mukhang nagbabasa pa, but he actually sensed my presence?
Napaiwas tuloy ako ng tingin. Kung natatakot na ako kanina kay Austin, na-realize ko ngayon na mas dapat pala akong matakot sa kanya. Ngunit kailangan kong panghawakan ang sinabi ni Lincoln kanina na hindi sila tulad ng iniisip ko; they, the Conors, do not eat humans.
Of course I know that, for I have served their family before. However, drinking any kind of blood aside from humans does not make them less of a monster.
They are still werewolves—hungry for blood creatures. If this creature cries, I should not believe it. But I guess Lincoln will be an exception. I can't help but trust him.