Kabanata 17

1120 Words
Kirk Tyrone Mordeur. Kilala ang pamilya nila bilang mga batas sa siyudad ng Lupin sapagkat wala silang sinasanto. They murder, and murder, and murder—just like what their family name suggests. Yes, they are a family of murderers. I also heard that sila ang mortal na kaaway ng mga Conor, siguro ay dahil maging ang mga lobo ay takot sa kanila at sa mga kaya nilang gawin. I only remembered it now. Kirk Tyrone Mordeur was the suspect for the death of the wolf found in front of our class a few weeks ago, since siya lang naman ang kilala ng mga tao sa paaralan na 'to na may kakayahan na pumatay ng lobo. However, hindi na rin ako sigurado kung good thing ba iyon o hindi. Besides, he only murders for himself. Also, he has murdered humans before. Hindi namin alam kung kailan siya ulit papatay. Napalunok ako ng laway nang bumalik ako sa reyalidad at nasa harapan nanin ngayon si Kirk. Hindi na kami makakain dahil sa nakakatakot na presensya niya, although his calm face says otherwise. Mukha siyang harmless puppy na kailangan naming protektahan at all cost. Nang dahil sa naalala ko, parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapasalita, ngunit nilakasan ko lamang ang loob ko. "What brings you here?" I asked. He was amused nang marinig ako. Para bang kanina pa niya ako pinagmamasdan at alam niyang takot ako sa kanya at parang gusto niya akong pagtawanan sa pilit kong salita. "Well... the Principal needs to see you," aniya na diretso ang tingin sa mga mata ko. Napakurap ako nang maraming beses, a bit confused. "When?" naibulalas ko. Kaya ba siya lumapit sa akin, para doon? "Twenty minutes ago," simpleng tugon niya. Nakahinga ako nang maluwag nang dahil doon. "Did she tell you the reason?" I asked again. Nagkibit-balikat lang naman siya. Mas okay nang makaharap ko ang Principal kaysa naman sa kanya. Hindi ko kakayanin na huminga pa ng ilang minuto malapit sa kanya. Nang akmang tatayo na ako kasama si Ingrid, bigla siyang nagsalita muli. "By the way, she said to come right away or you'll regret it. I'm sorry I forgot to tell you right away," sarkastiko niyang sabi at ngumiti. Gusto kong sigawan ang pagmumukha niya ngunit nakuntento na ako sa pagsalubong ng mga kilay ko. This jerk! Nagmadali akong tumayo at hinila si Ingrid upang makalayo na sa lalaking 'yon. We need to come right away raw, e sinabihan naman niya kami after twenty minutes ng paglunok-laway namin nang dahil sa kaba namin sa presensya niya. Nang marating namin ang Principal's office, which is matatagpuan sa second floor ng gusali na para sa faculty, ay kaagad kaming kumatok. Hindi ko alam kung seryoso si Kirk sa sinabi niya, pero nagpunta na talaga kami in case seryoso ang sasabihin dito. Sinalubong kami ng isang estudyante na assistant ng Principal. Pinapasok niya kami kaagad nang masilayan niya ang pagmumukha namin, as if kilalang-kilala niya kami. Aligagang ni-lock niya ang pinto at saka kami iginiya sa meeting room ng Principal. Isa iyong maliit na silid na mayroong mahabang table at mga upuan. Tatlo sa mga iyon ay inuupuan ng mga hindi pamilyar na mukha na mga estudyante rin. They look older than us, though. Sa dulo ng mahabang lamesa nakaupo ang babaeng Principal sa isang swivel chair. "You came, Astrid and Ingrid," bati niya sa amin. Iginiya kami ng kanyang assistant upang maupo sa mga bakanteng upuan. Pareho pa rin kaming lito, although naiintindihan ko naman na kilala na talaga ng Principal si Ingrid because she met her secretly. However, bakit pati ako? Gagawin rin kaya niya akong Seer? "Ipinatawag ko kayo rito upang kausapin tungkol sa plano namin na protektahan ang kapayapaan dito sa loob ng campus. Nabalitaan niyo naman siguro ang tungkol sa mga nangyari sa labas, ano?" panimula ng Principal habang mataman naman kaming nakikinig, pati na yung isa pang babae at dalawang lalaki na kasama namin. "I apologize kung hindi ko kayo personal na inimbitahan sa aking opisina. It is to avoid attention and suspicion sa ibang mga estudyante," aniya pa which I understood. "Kaya ba ipinatawag niyo kami sa isang mamamatay-tao?" tanong ng isang lalaki dahilan upang mapalingon kami sa kanya. Mahaba ang kanyang buhok na umaabot sa balikat. He wasn't familiar to me, at all. He was referring to Kirk Tyrone Mordeur, right? Nabigla kami nang biglang mayroong kumatok sa dingding ng meeting room at nakita naming nakatayo roon si Kirk, mukhang kanina pa nakikinig. "Sorry I'm late," aniya at saka naupo sa kabilang dulo ng lamesa. Tumango lamang ang Principal nang makita si Kirk at ni-disregard na ang sinabi nung lalaki with long hair. Kami naman ni Ingrid ay hindi mapakali dahil sa biglang pagdating ni Kirk. Kasama siya rito? "Napili ko kayong anim dahil alam namin ang pagkatao ninyo base sa pagsasaliksik namin. You six are all harmless, but brave," aniya sa amin at mukhang isa lamang ang tumatakbo sa mga isip namin. Kirk Tyrone Mordeur is harmless? Brave, pwede pa, but harmless? Really? Hindi na sinagot ng Principal ang mga mapanghusgang mga tinginan namin at nag-desisyon na i-discuss sa amin ang kanyang plano. "Since biglaan ang lockdown na nangyari sa ating paaralan, kulang ang paaralan ngayon sa tao at resources," paliwanag niya and we don't think we'll like where this is going. "We want to give you a task to be completed overnight." "What kind of task?" tanong muli ng lalaki na mayroong long hair. Siya pa lamang ang nakikita kong nagsasalita mula kanina pa. The others were in complete silence. "We'll let you out the campus at dawn. Mayroon akong lugar na ipapapunta sa inyo to get more resources para sa paaralan at mga estudyante. You will also report to us kung ano na ang sitwasyon sa labas," paliwanag niya na ikinatahimik ng lahat. Was she saying that we need to risk our lives para sa kung ano mang resources ang tinutukoy niya? "This is for all the students. Kailangan nating mapanatili ang kapayapaan sa loob. Kaya kinailangan naming isikreto ang sitwasyon sa labas, to avoid panic pati rito sa loob... because the truth is, may cases of murders na rin dito sa loob na itinago lang din namin." Kinilabutan kami ni Ingrid nang dahil sa narinig at saka ako napasulyap kay Kirk na pokerface lang. Siya ang una kong suspect sa lahat ng murders, kung ganoon, but that's just wrong... right? "Kapag nakabalik kayo na nagawa niyo ang task na ito, then I'll reward you anything you want," huling sinabi ng Principal. "I'll give you until dawn to decide. Let's all meet in the woods." Nagkatinginan kami ni Ingrid. This is not, as in no really, a good idea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD