Kabanata 7

2044 Words
Lunch time. Iniwan na naman ako ni Ingrid at may pupuntahan lang daw siya sandali. Nagsisimula na akong makahalata sa pagiging abala niya sa kung saan at parati siyang umaalis, madalas ay late na rin siya kung umuwi. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala. Pero sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang panahon upang magtanong ako sa kanya. Hihintayin ko muna na siya mismo ang lumapit sa akin upang magsabi. Habang kumakain akong mag-isa sa cafeteria, which was really uncomfortable dahil napapansin ko na pinagtitinginan at pinagbubulungan ako ng mga tao sa paligid ko. Malamang ay natatandaan nila ako bilang nag-iisang babae na malapit sa pinakamamahal nilang si Lincoln. Mas binilisan ko na lamang ang pagkain upang makaalis ako kaagad dito. Nasaan ba kasi si Ingrid at ano yung importanteng bagay na gagawin niya na mas mahalaga pa sa pagkain? Natigilan ako sa paglamon nang mayroong isang estudyanteng babae na umupo sa katapat kong upuan. Bahagya kong naiangat ang aking ulo upang tingnan siya. She was a normal-looking student na mukhang wala namang sama ng loob sa akin. She smiled at me when she noticed that I was staring. Napatitig lalo ako sa kanya. I wonder if someone like her can also be a werewolf... Naalala ko bigla ang sinabi ni Lincoln before na marami pang mga lobo rito na nagpipigil lamang, at sa susunod na mangyari muli ang insidente noon e talagang lalapain nila ako kapag hindi sila nakapagpigil. I wonder kung paano ko matutukoy kung sino ang lobo sa hindi. "Is it okay if we share the table?" mahinhin niyang tanong sa akin habang hindi nawawala ang ngiti. Kulot ang kanyang buhok na nakalaylay sa kanyang magkabilang balikat. Maputi siya at mayroong itim na itim na mga mata. Her smile was bright, though. "I'm not comfortable eating alone kasi," dagdag pa niya. Napatango na lamang ako sa kanya. Sino ba naman ako para ipagtabuyan siya. Besides, patapos na rin naman akong kumain. Pero parang konsensya ko pa kung iiwan ko siyang mag-isa rito, ah. "By the way, about you and Lincoln..." aniya na ikinabigla ko. Hindi ko inaasahan na isa siya sa mga nakakakilala sa akin dahil kay Lincoln. Napatingin muli ako sa kanya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Are you really dating?" Halos isuka ko ang lahat ng kinain ko nang dahil sa tanong niya. Kaagad kong dinampot ang isang baso ng tubig at saka ko iyon nilagok. Matapos iyon ay hinarap ko siya na tila ba naka-ipon na ako ng lakas ng loob upang sagutin siya. "That's not possible," tanging tugon ko at mahirap ipaliwanag ang sitwasyon. Isa pa, hindi ko naman balak ipagsabi ang nalalaman ko tungkol kay Lincoln. "The rumors aren't true." Babalik na sana ako muli sa pagkain nang makita kong binitawan ng babae ang kanyang mga kubyertos at saka niya ako diretsong tiningnan. "I'm not asking based on the rumors," seryoso niyang sabi. Yung matamis niyang ngiti kanina ay biglang nawala, as if inalis na niya ang maskarang nakatakip sa kanyang mukha. "Be honest and tell me what's really going on." Natahimik ako sandali nang dahil sa sinabi niya. Kung hindi dahil sa rumors, saan pa niya malalaman ang tungkol sa amin ni Lincoln? It's not that we're really dating! "I just told you the truth. There's nothing going on..." Nahinto ako sa pagsasalita nang bigla siyang suminghot na tila ba inaamoy ako. Gusto ko tuloy tumakbo palayo sa kanya dahil ang creepy niya bigla. "Alam ko ang amoy ng isang lobo, and you aren't one of us. I still don't know why Lincoln is into you." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa table, ngunit alam kong peke lang naman 'yong gestures niyang iyon. I just saw her real face and I don't like her. "I don't think he's interested in a mere human. You're nothing but a nuisance." Binawi ko ang kamay ko sa kanya. Lovo siya... paano kung patayin niya ako? "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. I have no business with Lincoln, so please leave me alone," diretso kong sabi sa kanya habang nakatingin din nang diretso sa kanyang mga mata. For a second, mas nangibabaw ang inis ko sa kanya kaysa sa takot. She won't be able to do anything to me in public, right? Mas mabuting manatili ako parati sa maraming tao para walang lobo na makagawa ng masama sa akin. "Alright. I'll ask Lincoln myself," aniya nang nakangiti at pasimpleng tumingin sa paligid na tila ba tinitingnan kung mayroong nagmamasid sa amin. "You should've done that before running to me like a crazy woman," nakaismid kong sabi sa kanya at saka ko dinampot ang food tray ko bago padabog na tumayo. Ngunit bago pa ako nakapaglakad palayo, nakita ko na lumapit siya sa mesa at saka ipinatong ang magkasalikop niyang mga kamay sa mesa. "I guess he just wanted to play with you before slurping your blood. I heard you have a very aromatic blood..." Natahimik ako. Hindi ko rin alam kung totoo bang mate ako ni Lincoln, o baka ang sinabi ng babaeng 'to ang katotohanan. Hindi ko alam. Hindi ko sigurado kung ano talaga ang intensyon ni Lincoln sa paglapit-lapit niya sa akin. Natapos ang lunch break nang hindi ako kumukibo hanggang sa klasrum. Nang dumating si Ingrid ay kaagad niya akong pinuna ngunit hindi pa rin ako nagsalita. Tahimik lang ako hanggang sa matapos nang tuluyan ang mga klase namin nang wala akong naintindihan. Sinubukan kong lumabas ng campus dahil gulong-gulo ang isip ko at parang gusto ko na lang makigulo sa labas, pero hindi ako hinayaan ng mga guards. Although alam ko naman na hindi kami pinapalabas ng school dahil sa mga masasamang balita mula sa labas e parang nasiraan ako ng bait noong mga oras na iyon at nagpumilit talaga ako. In the end, bumagsak ako sa detention. Hindi na ako pumalag. Tutal, gusto ko rin namang mapag-isa. Isinulat ko ang pangalan ko sa log book at pumirma, tapos ay pumasok na ako sa detention room. Mainit sa loob ng silid kung saan ako idinala at walang kahit na anong gamit. But I don't mind. Umupo ako sa isang sulok at niyakap ang mga tuhod ko. "What am I to Lincoln?" pag-ulit ko sa tanong sa akin ng babae kanina. That woman must have really liked Lincoln para umabot pa siya sa puntong pagsalitaan niya ako nang ganoon. Napatingin ako sa nag-iisang bintana sa tapat ko na siyang nagbibigay liwanag sa madilim na kwartong ito. Parang normal lang naman ang takbo ng school na ito. Wala akong kakaibang napapansin. "Well... I must be his special dinner sa takdang panahon." I mumbled and laughed like a witch. Umabot na rin talaga ako sa puntong kinakausap ko na ang sarili ko. Simula noong pumasok si Lincoln sa larawan, nagulo na ang buhay ko. Nagulat ako nang may biglang kumaluskos sa kabilang sulok ng kwarto. Nakita ko roon ang isang lalaking nakahiga sa sahig at natatakpan ang mukha ng kanyang leather jacket. "Excuse me. Have you lost your sanity?" rinig kong tanong ng lalaki. Muntik ko nang matampal ang sarili ko sa katangahan ko. Unang-una, bakit hindi ko napansin na may ibang tao pala rito? At pangalawa, bakit kasi kinakausap ko ang sarili ko? Napagkamalan tuloy akong siraulo! Hindi ako sumagot. Inayos ko na lang ang sarili ko at pinagmasdan yung bintana. Ngayon ko lang na-realize ang kagagahan ko. Bakit ba ako nagmumukmok sa mga sinabi ng babaeng iyon? Wala namang proof na totoo lahat ng iyon. Napailing ako. Hindi ko na dapat iniisip ang bagay na iyon. "Why are you here?" tanong ulit nung lalaki. Umupo na siya at isinuot ang kanyang leather jacket. "It's my first time seeing you here." Aba, regular ba siya rito? Napataas ang isa kong kilay dahil doon, ngunit hindi na ako nag-abala pang magsalita. Humalakhak bigla ang lalaki na tila ba nabasa ang nasa isip ko. Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya. If I'm not mistaken, he is Nicholas Waldorf. Isa siya sa mga kilalang estudyante rito sa campus, bukod sa Conor Brothers. "Nagpunta lang ako rito para matulog. Sobrang ingay kasi sa kahit saan ako pumunta. I can't stand annoying people. Kaya ngayong may tao na, lalabas na ako." At totoo ang sabi-sabi tungkol sa kanya na may pagkamayabang siya. I almost scoffed. So annoying ako, gano'n? Siya itong feeling close tapos ako pa ang annoying? Ayos din siya, ano. Inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin. Nasa pintuan na siya nang lumingon ulit siya sa 'kin. "Teka." Ngumisi siya at may inilabas na maliit na card sa bulsa ng leather jacket niya. Sumandal siya sa pinto at naglabas ng ballpen. "Ano'ng pangalan mo?" "Pake mo?" sagot ko nang hindi siya nililingon. "Come on. Kahit surname lang o first name." Hindi ako umimik. Wala akong sapat na oras at pasensya para makipaglokohan sa lalaking iyon. Naramdaman kong naglakad siya papalapit sa akin kaya kaagad ko siyang nilingon. "A-Anong gagawin mo?" Hindi siya sumagot. Ini-level niya ang mukha niya sa mukha ko at gumuhit ang isang ngisi sa kanyang labi. Tinitigan ko siya na para bang pinapatay ko na siya sa isip ko. Pero nagulat ako nang yumuko siya at tiningnan ang I.D ko. Damn it. He got me! "Astrid Cage..." sambit niya at tumayo na. Nagsulat siya roon sa card tapos ay inabot sa akin. Nagtataka ko iyong kinuha. Isiniksik niya ang mga kamay niya sa bulsa ng pants niya at tinalikuran na ako. Feeling cool ang lalaking 'to. Huminto siya nang mapatapat siya sa may pintuan. "Aasahan kita." At nawala na siya na parang bula. Aasahan saan? Pinagmasdan ko ang card na iniwan niya sa akin. Isang invitation card? Kaya pala kinuha niya ang pangalan ko! Binuksan ko iyon at in-scan ang nasa loob niyon. Waldorf Party? Seven pm until morning? Nakalagay rin doon kung paano pumunta sa lugar kung saan gaganapin ang party, at dahil hindi kami pupwedeng lumabas ay rito din sa loob ng paaralan iyon gaganapin. Also, black and red ang theme. Halloween party ba ito? Pupunta ba ako? Asa, man. Inis na tumayo na ako at akmang lalabas na ng detention room nang may isang lalaking humarang sa 'kin. Oh. So, this is Seven? Ngayon ko pa lamang nakita ang mga heartthrob na maituturing sa paaralan na ito pero nakilala ko sila kaagad. "Ipinapabantay ka sa akin ni Edward, iyong nagbabantay rito," proud pa niyang sabi at pumamewang upang harangan namg tuluyan ang pinto. "S-Seriously?" naibulong ko at bumuntong-hininga. Umurong ako at bumalik sa kinauupuan ko kanina. Isinara niya ang pinto at umupo sa tapat ko. "Seriously," nakangiting sambit niya. Tapos ay bumaba ang tingin niya sa kamay ko na may hawak na invitation card. Napakurap siya nang maraming beses at hinablot iyon mula sa akin. Teka! "In-invite ka ni Nicholas?" "Yeah," tipid na sagot ko at binawi iyong card sa kanya. Napataas ang kilay ko nang makita kong malapit na siyang mag-pout. "W-Why?" "Bakit ako hindi niya ako inimbitahan?" I was like, what the f**k? Nagdadabog ba siya? "Magtigil ka nga. Baka akala nila inaaway kita," mahinang sambit ko. Napatingin siya sa 'kin. Tuluyan na siyang napa-pout! He was kinda cute, but like a kid! "Just take this." Umiling siya. "Ayoko!" "Come on. Hindi naman ako pupunta!" inis na sabi ko. Umiling siya nang mas maraming beses. "Ayoko!" "Kunin mo na!" "No!" "Ano ba!" "Nooo~" "Para kang bata!" Tinakpan niya ang magkabilang tenga niya. "Wala akong naririnig! Wala!" "Isa! Ibabato ko sa 'yo 'to!" babala ko sa kanya. Nakakaubos ng pasensya ang kakulitan niya. Natigilan siya at inalis ang pagkakatakip sa dalawa niyang tenga. Tumingin siya nang masama sa 'kin. Kinabahan ako bigla sa mga tingin niyang iyon. "What did you say?" seryosong tanong niya. Scary. "Basta kunin mo na 'to!" Nakita kong nakatitig siya sa I.D ko at parang nag-aapoy ang mga mata niya. "Astrid Cage..." Sa kaba ko, tumakbo ako papunta sa may pintuan para tumakas! Pero may papasok palang tao na may dalang inumin para sa amin. Bumangga ako sa kanya kaya tumalsik ang baso na may juice mula sa tray na hawak niya at nagkapira-piraso ang mga iyon sa paanan ko. Habang ako ay nakatayo at medyo na-balance ang sarili ko. Pero dahil sa putek na juice, nadulas ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD