"Class dismissed." Nagsitayuan na ang mga kaklase ko kaya kami rin ni Ingrid ay tumayo na. Ngunit narinig kong tinawag ako ng professor bago ako makalabas. "Miss Cage, maiwan ka."
Napabuga ako ng hangin. Naging normal naman ang mga pangyayari nang lumipas na rin ang mga balita sa labas, although Lincoln confirmed it himself that the seer was really killed. However, dahil sa presensya ni Lincoln at sa mga pinaparamdam niya sa 'kin, mukhang napadalas ang pagiging lutang at kabado ko sa tuwing nasa labas ako. Pakiramdam ko ay anytime susulpot siya sa tabi ko, but not today.
Lumapit ako sa professor upang magtanong. Nag-aayos siya ng mga libro na ginamit niya kanina sa klase namin. "Bakit po?"
"You're not making any improvement in Mathematics, Astrid. Kapag hindi mo naipasa ang mga susunod ninyong pagsusulit, maaari kang bumagsak." That didn't surprise me at all. I suck at Mathematics, but it looked like I did worse these past few days. "I'll see if the other professors can recommend a student tutor for you."
"Salamat po." Iyon na lamang ang tanging naitugon ko. Lumabas ako ng klasrum na nanlulumo. Ingrid was waiting for me at mukhang narinig naman niya ang pinag-usapan namin ng propesor.
"As much as I want to help you, my dear friend, e pasang-awa lang din ako sa Math," nanlulumo ring sabi niya at saka na kami sabay na naglakad sa hallway.
Ngunit hindi pa man kami nakakalabas ng building upang bumalik na sana sa dormitoryo e naabutan namin sa daanan ang isang kumpol ng mga estudyante. Kinabahan ako sa kung ano na naman ang mayroon. Kung noong isang araw ay patay na lobo, ano kaya ngayon?
Mas lalo akong kinabahan nang maramdaman ang presensya ni Lincoln. Was he involved sa kung ano mang insidente ang naganap dito?
Nakisiksikan si Ingrid sa mga estudyante para sa tsismis. Hawak-hawak niya ang kamay ko kaya napilitan din akong makisiksikan. Nang makarating kami sa harapan, napaawang ang aking mga labi sa nakita.
"What brought you here, Lincoln? Ito ang unang beses that you weren't with your brothers," usisa ng isang estudyante kay Lincoln na nakasandal sa gate ng bungad ng gusali at mukhang may hinihintay. Nakapamulsa ang kanyang mga kamay sa itim niyang pants at mukha siyang mabango sa puti niyang uniporme.
Walang insidenteng naganap dito na katulad ng patay na lobo noong isang araw. Sadyang pinagkakaguluhan lang talaga si Lincoln ngayon dahil nandito siya sa gusali where he does not have any business to attend to.
Natigilan ako nang bigla siyang mapalingon sa direksyon ko na tila ba naramdaman niya ang presensya ko katulad ng pagramdam ko sa kanya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang magtama ang aming mga mata. Hindi pa rin ako sanay sa kanyang presensya at sa nakatutunaw niyang mga tingin.
"You're finally here," aniya at umusli ang isang ngisi sa kanyang mga labi. Napakurap ako nang maraming beses. Was he talking to me? No? Pero diretso siyang nakatingin sa 'kin!
Nang hindi ako umimik, bigla niyang hinila ang braso ko at halos kinaladkad niya ako palabas ng gusali. Hindi ko na alam kung saan kami dumaan at kung saan man niya ako balak dalhin dahil nagba-buffer pa rin ang utak ko sa mga oras na iyon. Nakita ko na lamang na hinila niya ako papasok sa isang cabin sa gitna ng kakahuyan.
Pinaupo niya ako sa mahabang upuan na gawa sa kahoy at dumiretso siya sa isang silid. I didn't know that there was actually such place inside the school, but I guess everything is possible with the Conors. Ilang minuto siyang nanatili sa silid na iyon bago niya ako binalikan. Umupo siya sa tabi ko at may inilapag sa gitnang mesa. Sa lapit niya sa akin na halos magkadikit kami, parang napapaso ang aking balat!
Tiningnan ko ang bagay na inilapag niya sa mesa. Napakurap ako nang maraming beses nang makitang isang libro iyon ng Mathematics.
Hindi ko alam kung paano nalaman ni Lincoln na kailangan ko ng magtuturo sa akin sa Math upang maipasa ko ang subject na iyon, ngunit naging grateful na lamang ako na ginawan niya ako ng pabor na hindi ko naman hiningi. Nabanggit ko pa sa kanya na mayroon kaming pagsusulit sa susunod naming klase kaya mas lalo niya akong tinutukan.
Hindi ko na namalayan ang oras at magdidilim na pala sa labas namg matapos kami sa pag-aaral. I must say na magaling magturo si Lincoln at naging malinaw sa akin ang topics na kinalilituhan ko noon.
Hinatid ako ni Lincoln sa dormitoryo. Naglakad kami palabas ng kakahuyan at pareho kaming tahimik. Iyon ang unang beses na nagkasama kami nang magaan lamang ang atmosphere, ngunit nananaig pa rin ang pagkailang ko sa kanya. Thank goodness, I didn't hear any threat from him today.
Pagdating namin sa tapat ng aming dormitoryo, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Kaya sandali lamang akong lumingon sa kanya at bahagyang yumuko. "S-Salamat," ang tanging nasambit ko bago ako tumakbo papasok sa gusali ng dorm.
Dumiretso ako sa silid namin ni Ingrid at nagpalit ng damit. Humiga ako sa kaagad sa kama ko nang makaramdam ng pagod at antok. Hindi biro ang mag-aral ng Math sa loob ng ilang oras, lalo na at sumasabay rin ang tindi ng kabog ng dibdib ko dahil malapit sa akin si Lincoln. It wasn't something romantic, I am sure, although hindi ko pa rin matukoy kung ano 'yon at kung bakit nangyayari 'yon.
Bago ako nakatulog, napalingon pa ako sa kama ni Ingrid ngunit walang tao roon. Madilim na sa labas, nasaan ang babaeng 'yon?
Mahimbing ang naging tulog ko nang gabing iyon. Siguro ay dahil confident ako na hindi ako mangangamote sa magiging pagsusulit namin sa Math dahil sa simpler methods na itinuro sa akin ni Lincoln. Mayroon palang ganoon, ano? A mathematician werewolf.
Pumasok na ako sa mga klase ko na tamad na tamad. To the rescue naman si Ingrid at nakakagising ang mga kuwento niya sa aking tsismis, ngunit mas nakakairita ang walang sawang pang-aasar niya sa akin tungkol sa nangyari kahapon kung saan basta na lng ako kinaladkad ni Lincoln.
"Kailan pa kayo naging close? Why didn't you tell me?" angal niya sa akin habang papaupo kami sa aming mga upuan. Pansin ko na nasa amin ang atensyon ng karamihan ng mga kaklase namin, marahil ay gusto rin nila akong lapitan at usisain tungkol sa nangyari ngunit mayroong pumupigil sa kanila.
Hindi ko pinansin si Ingrid at humiga na lang muna ako sa desk ko. Maaga pa naman at may oras pa para magpahinga kaya iidlip muna sana ako, ngunit naputol iyon nang bigla akong kalabitin ni Ingrid.
"Astrid, may naghahanap sa 'yo," bulong niya sa akin. Naimulat ko kaagad ang mga mata ko dahil may isang tao lang naman na maghahanap sa akin. Kung hindi si Ingrid o ang propesor namin sa Math, e 'di sino pa nga ba kung hindi si Lincoln.
"Sino?" tanong ko pa rin kahit na nararamdaman ko na ang mabigat na presensya ng lalaking 'yon.
Ngumiti siya sa 'kin. "Gusto kitang sabunutan sa inggit. Sige na, lumabas ka na!"
Tumayo na lang ako at lumabas dahil masyadong maingay si Ingrid. Hindi na lang dapat ako nagtanong kung alam ko naman na ang sagot.
Lumabas ako ng silid at saka nilapitan si Lincoln na nakasandal sa pader ng aming klasrum. Pinagtitinginan at bulungan siya ng mga estudyanteng napapadaan but he didn't seem to care kahit pa dinig naman niya ang mga 'yon.
"Hinahanap mo raw ako?" I asked casually. Parang nakakalimutan ko na yung fact na isang lobo si Lincoln, na ibig sabihin ay delikadong mapalapit sa kanya, at mayroon lamang siyang kailangan sa akin kaya siya mabait sa akin. I need to remind myself again.
"I came to wish you a good luck," malumanay na sinabi niya at nabigla ako nang bigla niyang ipatong ang kanyang palad sa ulo ko at saka niya ginulo ang buhok ko. Ramdam ko na natigilan ang lahat ng mga estudyanteng nakakita sa hallway, pati na sa loob ng klasrum namin, at halos lapain nila ako sa kinatatayuan ko.
Gusto kong magmura. Sinasadya ba ni Lincoln na gawin ito para gantihan ako sa pag-reject ko sa kanya?
Naglakad na siya palayo pagkatapos noon. Nakatanga lang ako rito sa kinatatayuan ko na nanganganib na ang buhay dahil sa inis sa akin ng mga babaeng may gusto sa kanya. Mabuti na lamang ay dumating na ang propesor namin sa Math at pinapasok na niya kaming lahat.
Natapos ang pagsusulit namin sa Math nang mabilis. Natuyo man ang utak ko nang dahil sa nakakahilong mga numero, confident naman ako na mataas na marka ang makukuha ko ngayon.
Nang matapos ang klase, naiwan na naman kami ni Ingrid sa klasrum dahil pinaiwan na naman ako ng aming propesor. May sinusulat lang siya sa isang papel sa kanyang mesa at pagkatapos ay tumingin sa akin.
"Congrats, miss Cage. You got a perfect score," nakangiting sabi ni Professor Grell. Napangiti rin ako sa balitang iyon habang si Ingrid naman ay napa-nganga dahil isang himala lang talaga ang magbibigay ng posibilidad niyon. At mukhang may himala ngang nangyari. "You did really well. I hope magtuloy-tuloy ito."
Ngumiti at nagpasalamat ako sa kanya bago kami lumabas ni Ingrid na parehong masaya sa tagumpay ko. Nakakatawa lang dahil isang pagsusulit lamang iyon pero sobrang masaya talaga ako para sa sarili ko. At ang unang taong pumasok sa isip ko na gusto kong balitaan ay si Lincoln, ang tanging nagtiyaga sa aking magturo.
Bumalik na kami ni Ingrid sa dormitoryo, ngunit biglang nagpaalam sa akin si Ingrid at nagmamadaling lumabas. She was acting really weird. Kagabi nga'y hindi ko na siya alam na dumating. Saan kaya nagsususuot ang babaeng iyon?
Humiga ako sa kama matapos kong maglinis ng katawan at magbihis. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagpaparating na sana ng antok nang biglang may mabigat na presensya akong maramdaman. Kasabay noon ay isang boses na nagmula sa katabi ko. Literal na katabi kong nakahiga sa kama dahilan upang mapamulat ang aking mga mata.
"How's the exam?" rinig kong boses ni Lincoln. Ang mainit niyang hininga ay bumuga sa aking leeg. Hindi ako makagalaw sa kinahihigaan ko kahit na kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakahiga nga sa tabi ko si Lincoln. How the hell did he get here? Maya-maya pa ay lalong lumapit ang kanyang bibig sa aking leeg, as if nate-tempt siya na kagatin iyon. "Did you ace it?"
Napasinghap ako nang marinig ang paos niyang boses. He's really something... Hindi ko matukoy kung ano exactly ang nararamdaman ko, ngunit malaki ang epekto niya at ang mga galaw niya sa akin at sa aking katawan.
Nang hindi ko na makaya ang presensya niya at ang sobrang pagkalapit niya sa akin, pwersahan akong napabangon sa pagkakahiga at akmang tatalon na ako pababa ng kama nang bigla kong marinig ang kanyang mahinang pagtawa, as if he was playing with me.
Nabigla na lamang ako nang hilain niya ang kamay ko at muli akong pinahiga sa kama. Muli kong naramdaman ang paghinga niya sa aking pisngi. Damn, sobrang lakas ng t***k ng puso ko to the point na hindi ko na marinig ang sarili kong pag-iisip.
"You must be tired. Get some sleep," rinig kong bulong niya at naramdaman ko na lamang ang kanyang kamay na yumakap sa aking katawan. Nang marinig ko ang salitang sleep, bigla kong naramdaman ang matinding antok dahilan upang tuluyan na akong makatulog sa tabi ni Lincoln.
I trust that he wouldn't do any harm to me while I was asleep. He wouldn't touch me without my consent.
Ngunit pagpikit pa lamang ng aking mga mata, nakita ko na naman muli si Lincoln sa aking panaginip. Nkatingin lang siya sa akin. Wala akong emosyon na nakikita mula sa kanyang mga mata.
Sa panaginip ko, I was crying and sobbing about something na hindi ko alam. I wasn't sure if this already happened in the past or it will happen in the future, ngunit malaki ang posibilidad that it was a mere nightmare that did not and will never happen.
Hinila ni Lincoln ang kamay ko at niyakap ako. Napasubsob ako sa dibdib niya at lalong napaiyak. Iyon lamang ang nakikita ko sa aking panaginip. Sa mga oras na iyon, tanging ang yakap ni Lincoln ang alam kong poprotekta sa akin sa lahat ng sakit.
Just like how I've always felt when I was with him, I felt safe and secure. Except hindi ko nararamdaman sa panaginip na iyon ang takot na parating nasa dibdib ko sa tuwing malapit ako kay Lincoln. I am safe with him, I know, but it won't change the fact that I am afraid of his very existence.
Sa panaginip ko na iyon, everything is perfect... which made it easier for me to conclude that it's not real, and it will never be.
Lincoln Conor, what a bitter-sweet relationship we have.