Muli na namang umusbong ang init ng pakiramdam ko. Mayroong tingling sensation akong nararamdaman sa tuwing dumadampi ang balat ni Lincoln sa akin. Hindi ko maintindihan but it was not comfortable, at all.
Ibinaba niya ako sa bungad ng kagubatan kung saan idinala ng kambal niyang kapatid ang itim na lobo, na ngayo'y nagkatawang-tao na. Sumandal ako sa isang puno habang siya nama'y seryosong tiningnan muli ang duguan kong talampakan. Nakamasid lamang ako sa kanyang mukha na marahang napapangiwi.
"It wasn't us," aniya habang pumupunit ng tela sa kanyang plain black na t-shirt. Nangunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya. Bahagya siyang lumingon sa akin. "We didn't kill the seer," pag-ulit niya.
Napakurap ako nang maraming beses. I haven't said a word about that. Paano niya nalaman na alam ko ang tungkol doon? Ni wala pa rin akong nababalitaan na galing mismo sa mga estudyante tungkol sa nangyari sa seer. Ni hindi ko alam kung saan galing ni Ingrid ang balitang iyon.
Hindi ako nakasagot kay Lincoln marahil parang may nakabara sa aking lalamunan noong mga oras na iyon. Naramdaman ko ang panlalamig ng aking mga kamay sa hindi ko malamang kadahilanan.
Muli kong naramdaman ang paghawak ni Lincoln sa aking paa. Pinunasan muna niya nang bahagya ang tumutulo pa ring dugo mula sa talampakan ko, bago niya marahan na itinali ang tela roon.
"Be careful next time," aniya sa paos niyang boses. Nakatingin na siya ngayon sa paa ko at hindi na sa akin, kung kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Mabilis ang mga galaw ng kanyang mga kamay ngunit magaan lamang ang mga dampi niyon. "There are still numerous werewolves out there who are just holding back, but will definitely attack you once this happens again."
Gusto ko mang mag-alala noong mga oras na iyon, ngunit hindi nakatutulong ang kanyang presesnya. Sa kanya lang ako lalong kinakabahan. Come to think of it, siya naman talaga ang dahilan kung bakit ako lutang nitong araw. Kung hindi niya ako tinakot by saying that I am his mate, hindi sana nangyari pa ito.
Hinayaan ko na lamang na balutin ni Lincoln ng tela ang aking sugat sa paa. Matapos niyang gawin iyon, nabigla ako nang idampi niya ang kanyang mapupulang mga labi sa ibabaw ng tela kung nasaan ang sugat. Halos manigas ako sa kinauupuan ko nang dahil doon.
"If you still cherish your life, mag-isip ka na." Nakita kong inangat niya ang kanyang ulo upang tingnan ako. Nagtama muli ang aming mga mata and his eyes seemed darker than usual. "Accept me as your mate, and no one will be able to touch you."
Napaawang mga labi ko nang dahil sa prankang pagkasabi niya ng mga salitang iyon. Muling bumalik ang pagka-disgusto ko sa kanya nang dahil sa mga sinabi niya kaya mabilis kong binawi ang paa ko mula sa kanyang pagkakahawak.
"That will never happen," mabilis na sagot ko at saka ako humawak sa lupa upang pwersahin ang sarili na tumayo, ngunit mahina pa rin ang injured kong paa kaya fail ang pag-attempt ko na tumayo. Natumba ako at mapapasubsob pa sana sa lupa nang muli akong saluhin ni Lincoln.
Sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin to the point na nararamdaman ko na ang kanyang mainit na hininga sa aking pisngi. Nakaluhod pa rin ang isa niyang tuhod sa lupa habang hawak-hawak niya ang magkabila kong braso. Dahan-dahan siyang tumayo nang maayos upang maitayo niya rin ako nang maayos, but it was actually useless since hindi ko pa rin maapak ang aking isang paa sa matinding kirot noon. Malalim kasi ang sugat ko roon.
"I will make it happen, Astrid," bulong niya dahilan upang magtayuan ang aking mga balahibo sa katawan. Dahan-dahan niya akong inilayo mula sa kanya na tila ba nahihirapan din siya sa sitwasyon, katulad ng paghihirap ko sa tuwing nararamdaman ko ang kanyang presensya. "You can never escape your fate."
Muling umusbong ang kanina'y natulog ko nang takot sa kanya. I'm a werewolf's mate? I cannot just accept that fact within a few hours. Kahit bigyan niya pa ako ng isang taon, parang hindi ko yata kakayaning tanggapin iyon.
Buong lakas kong iwinaksi ang mga kamay niya sa aking mga braso at saka ko siya itinulak sa kanyang dibdib. Gustuhin ko mang tumakbo palayo sa kanya ngunit hindi kakayanin ng aking isang paa, unless maglakad ako gamit ang isa ko lamang na paa.
Ngunit nabigla ako nang hawakan ni Lincoln ang mga kamay ko na nasa dibdib niya. Pilit kong hinila ang mga iyon ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakahawak. Ang kanyang mga mata ay nagbabadya na namang magbago ang kulay, ngunit mukhang pinipigilan niya rin ang kanyang emosyon towards me.
My eyes suddenly watered and tears rolled down my cheeks. Hindi ko na nakayanan ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko that I unconsciouly released them in a form of salty tears.
Nanlaki ang mga mata ni Lincoln nang makita ang pag-iyak ko. Unti-unti na rin akong napapahikbi nang dahil sa sama ng loob ko. Lumuwang ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko at lumambot muli ang kanyang ekspresyon sa mukha. Ang kanyang mga mata ay mukhang bumalik na sa normal.
"Jerk..." tanging nasambit ko sa pagitan ng aking paghikbi. Mukha naman siyang na-guilty sa kanyang mga ginawa at tuluyan nang pinakawalan ang mga kamay ko.
Narinig ko ang isang malalim na buntong-hininga mula kay Lincoln, it was as if saying that this is also hard for him. Patuloy lamang ako sa pag-iyak nang tahimik. His heavy and intimidating presence was still there, though. Mukhang nasa pagkatao na talaga niya iyon.
Pareho lamang kaming tahimik noong mga oras na iyon. Napaupo ako muli sa lupa at sumandal sa puno sapagkat hindi rin ako makakaalis doon gamit ang mga paa ko. Maging si Lincoln ay frustrated at napaupo na lang din sa lupa habang nakamasid sa akin at hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin para patahanin ako. Mas lalo kasing lumalakas ang pag-iyak ko sa tuwing susubukan niya akong hawakan.
Lumipas ang isang oras na ganoon lang kami. Hinintay niya lang akong tumahan bago siya tumayo at lumapit sa akin. Nakamasid lang ako sa mga galaw niya at napagod na rin ako. Nakakaramdam na ako ng matinding antok, ngunit hindi ako makakatulog nang alam kong si Lincoln ang kasama ko.
Naramdaman ko na lamang ang kanyang kamay sa aking bewang at saka niya ako tinulungang tumayo. Wala akong naging reaksyon doon kung kaya itinuloy na niya ang binabalak niyang gawin. Muli niya akong binuhat na parang bago kaming kasal at kusa namang yumakap ang aking mga braso sa kanyang leeg.
"You're driving me crazy, you know that?" narinig kong sabi niya nang magsimula na siyang maglakad habang buhat-buhat niya ako.
Nanatili akong tahimik. Wala akong masabi sa tuwing malapit siya sa akin at tanging malakas na kabog ng dibdib ko ang naririnig ko. Ngunit dahil sa pagod at antok ko, hindi ko namamalayan na bumagsak na ang ulo ko sa kanyang dibdib at tuluyan na akong nilamon ng antok.
Never in my wildest dream that I would be able to sleep peacefully around Lincoln, let alone on his warm chest.
Nagising na lamang ako na nakahiga na ako sa aking kama. Natigilan muna ako ng mga ilang minuto bago ako biglang napabalikwas ng higa upang alalahanin ang mga nangyari. Napatingin ako sa aking kamay na mayroong puting tela at sa isa kong paa na nakabalot ng itim na tela.
Napakurap ako nang maraming beses. It really happened. Lincoln tend my wounds and threatened me again to accept him as my mate, which is ridiculous and scary as f**k. Hindi ko alam kung pinagti-trip-an niya lang ako, but the way that he looked and touched me—I could feel a strong emotions from him.
"Why didn't you tell me that you hurt yourself?" Napatingin ako sa direksyon ni Ingrid nang magsalita siya. Kapapasok lamang niya sa aming silid at saka siya umupo sa kanyang kama na hindi kalayuan sa kinauupuan ko. She was inspecting my whole being with her arms folded on her chest.
Natigilan ako sandali habang pinagmamasdan siya. Wala pa rin ako sa sarili ko dahil kagigising ko lamang at pino-proseso pa ng utak ko ang sitwasyon.
"How did I get here?" tanong ko sa kanya dahil wala siyang masyadong reaksyon. Kung si Lincoln Conor ang naghatid sa akin dito, siguradong magwawala iyan sa kilig dahil crush niya raw ang Conor brothers na siyang nagpapalakas na lang ng loob niya despite all the bad news.
Nangunot ang kanyang noo. "Didn't you go back by yourself?" Hindi ako kaagad makasagot. So he didn't meet Lincoln. Nakahinga ako nang maluwag. Maybe that is a good thing dahil hindi ko pa alam kung paano ipapaliwanag kay Ingrid ang sitwasyon. Would she even care kapag nalaman niyang isang lobo si Lincoln? "I went out to look for you earlier, but you were nowhere to be found. Nadatnan na lang kita rito na mahimbing nang natutulog. Did something happen to you while you were out?"
Mabilis akong umiling. "No, it's not that. I just..."
Naputol ang sasabihin ko nang mayroong biglang kumatok sa pinto namin. Napalingon doon si Ingrid at saka patakbong nagtungo roon upang buksan iyon. Muli akong nakahinga nang maluwag, trying to compose lies upang hindi na siya mag-usisa masyado. I feel guilty doing this to my best friend, but I have no other choice.
Muli akong humiga sa kama at tumingala sa puting kisame. Muli kong naalala ang pakiramdam ng malapit ako kay Lincoln; the thumping of my chest whenever he's near, and the overflowing emotions whenever he touches me. Pati na ang pagkapaso ng balat ko sa tuwing dumadampi ang kanyang balat sa akin, it was as if mayroong bolta-boltaheng kuryente na dumadaloy sa katawan ko.
Lincoln Conor is a dangerous werewolf, but he does not seem like it anymore. Natatakot pa rin ako sa kanya at hindi ko pa rin gusto ang mga sinasabi niya sa akin, but my feelings towards him were altered a bit. It wasn't anything romantic, though.
Muling bumalik si Ingrid mula sa pinto ngunit ang mukha niya ay puzzled habang hawak ang isang malaking bouquet ng pulang mga rosas. "I found this outside, but no one's there."
"What's that?" parang tanga kong tanong sa kanya habang kunot-noong nakatingin sa mga mapupulang mga rosas. The red petals were really vibrant; they were as if freshly painted with blood. Napasinghap ako dahil sa ganda ng mga iyon sa aking paningin. Sa laki ng bouquet, mukhang nakapaloob doon ang mahigit isandaang mga rosas.
"A bouquet of roses, duh," Ingrid responded as if I was the most stupid person alive. She then rolled her eyes at pagkatapos ay muling tiningnan ang hawak. "And there is your name! It's yours," nakangiti niyang sabi at saka siya lumapit sa akin.
Napakunot ang aking noo. "It's mine?"
"Hell yes! Look at the note!" Umupo ako muli sa kama kaya inilapag na ni Ingrid ang bouquet sa aking tabi. Inilabas niya ang maliit na note na nakapatong lamang sa daan-daang mga rosas at nakita ko nga roon ang pangalang Astrid. Welp, it was really mine. Kanino naman kaya ito galing? I doubt that it was from Lincoln. He doesn't look like the type of man who gives roses discreetly. Instead, he would just hand them to me and ask me to accept him as my mate.
Ibinalik ko ang note sa bouquet at napatingin sa kaibigan ko na nakangiting nakamasid sa akin. Mukhang hindi ko gusto ang tumatakbo sa kanyang pag-iisip ngayon, ah. Ano man iyon, siguradong hindi ko magugustuhan.
"I don't know who the hell left this for me," depensa ko sa kanya dahil kinikilabutan ako sa mga ngiti niya. "And it's not what you think, Ingrid."
Nagkibit-balikat siya habang hindi pa rin nawawala ang kanyang ngiti. Nagpapasalamat na lang din ako at mukhang nakalimutan niya panandalian ang masamang balita na nasagap niya mula sa labas.
"Wala naman akong sinasabi," aniya sa hindi kapani-paniwalang tono.
"I've been stuck with you for years, woman. Alam ko kung ano ang naglalaro sa isip mo," naiiling kong tugon sa kanya at saka napatingin sa bouquet na katabi ko. "Besides, ni hindi natin alam kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga bulaklak na ito. It can't even feel any romantic vibe from it," komento ko at saka ko dinampot iyon upang itabi. Inilapag ko iyon sa sahig na katabi lamang ng aking kama.
"Are you sure? O nahihiya ka lang na magsabi sa akin?" pang-aasar pa ni Ingrid.
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "I told you that's not it!" Tinawanan lang naman niya ang reaksyon ko.
Sobrang suspicious lang para sa akin ang mga oras na iyon, ngunit pinili kong huwag na lamang munang isipin. I just hope that those roses were not a threat...