Halos mabawian ako ng hininga nang maramdaman ko na malakas na bumukas ang pinto. Biglang nawala ang mabigat na presensya sa paligid ko kaya nakahinga ako nang maluwag, ngunit nanlalambot pa rin ang aking mga tuhod.
Napakapit lamang ako sa kung saang bagay ako pupwedeng humawak upang hindi ako tuluyang bumagsak. Sobrang lakas ng t***k ng dibdib ko at akala ko'y mamamatay na talaga ako. Buti na lamang ay dumating si Ingrid upang tulungan akong tumayo.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong sa akin at pinulupot ang braso ko sa kanyang leeg. Inakay niya ako papunta sa kama ko at saka ako pinaupo. "Nasa labas lang ako kaya narinig ko kaagad yung nabasag. Are you really okay?"
Matagal pa bago ako nakabawi mula sa shock, ngunit nakatango naman ako kaagad kay Ingrid bilang tugon kahit na gulong-gulo pa rin ang utak ko. Parang hinahati ang ulo ko nang biglang kumirot iyon.
I am well aware that Lincoln Conor is a werewolf, but how can he recklessly say that I am his mate? I have read books about the werewolves and their mates, and I am not liking the idea. Who would like to be bitten by those cruel animals, and then mate with them so they can seal the bond between the two of them? I would never look forward into that kind of relationship with a werewolf. I would just die if that ever happens!
Pilit kong kinalma ang sarili ko habang nararamdaman ko naman ang paghagod ni Ingrid sa aking likod upang pakalmahin ako. Mukhang napansin niya kanina na namumutla ako at halos hindi makahinga nang dahil sa takot, but how can I tell her this situation of mine? Siguradong mas lalo lang siyang matatakot kapag nalaman niyang may isang lobo na lumiligid-ligid sa akin.
And me, the mate of Lincoln? Bullcrap. I will never accept him, kahit na nabasa ko na once in a lifetime lang kung dumating ang mates ng mga lobo. Just thinking about it makes me want to vomit.
"I'm okay now," sambit ko nang tuluyan nang kumalma ang katawan ko. Kanina ay ramdam ko ang sobrang panginginig ko nang dahil sa pinaghalong kaba at takot.
Nag-aalalang tumingin sa akin si Ingrid marahil sobrang weird ng kinikilos ko simula noong sabihin niya na patay na ang aming seer at nang makakita kami ng patay na lobo sa tapat ng aming silid-aralan. I have become anxious since then.
Mukhang naiintindihan naman ni Ingrid ang nararamdaman ko kaya hindi na siya nagtanong pa. Mukhang gusto niya pa akong bigyan ng oras upang ako mismo ang lumapit sa kanya at magsabi, but I don't think I can do that.
"Mag-ingat ka sa susunod, Astrid," aniya at saka naglakad tungo sa refrigerator upang linisin sana ang nabasag na baso at mga nagkalat na bubog sa sahig.
Na-guilty tuloy ako kaya mabilis akong tumayo upang pigilan siya. "I'm sorry about this. Ako na ang maglilinis," sinserong sabi ko sa kanya at ako na ang lumapit doon upang maglinis.
Pinulot ko ang mga malalaking bubog at kinapa-kapa ang sahig para makuha ko ang mga maliliit na bubog, ngunit natigilan ako nang bigla akong mayroong nakitang malaking patak ng dugo sa sahig. Muli na namang kumirot ang ulo ko kasabay ng pag-flash ng isang katakot-takot na imahe sa utak ko. Crimson. Dungeon. Prisoners. Werewolves.
Nang dahil doon, aksidente kong nadiin ang palad ko sa tapa na nahawakan ko dahilan upang bumaon ang bubog sa aking laman. Napangiwi ako nang makita iyon ngunit hindi ko na ipinahalata pa kay Ingrid at mas lalo iyong mag-aalala.
Kagat-labi kong hinila ang bubog na nakabaon sa aking palad dahilan upang tuloy-tuloy na pumatak ang dugo mula roon. Mabilis akong pumunit ng tela mula sa damit na suot ko at saka ko itinali iyon sa aking palad upang pahintuin ang dugo na bumubulwak doon.
Dali-dali ko nang inalis ang basag na baso at mga inipon kong bubog at saka ko pinunasan ang duguang sahig, bago ako nagpaalam kay Ingrid na lalabas muna upang itapon ang mga iyon. Nag-aalala man si Ingrid sa akin sa paglabas ko nang mag-isa, ngunit nginitian ko lamang siya to assure her that everything is okay.
Nagmamadali akong lumabas ng dormitoryo while wearing my plain white flip-flops. May halo pa ring kaba sa dibdib ko kung saka-sakaling lumitaw muli sa kung saan si Lincoln Conor, branding me as his mate which disgusts me.
Itatapon ko na sana ang supot ng plastik kung saan ko inilagay ang basag-basag na baso, ngunit kaagad kong namataan ang malapad na likod ni Lincoln sa daan patungo sa tambakan ng mga basura sa likod ng dormitoryo. Kasama niya ang kanyang mga kapatid tulad ng parati nilang nakakagawian. Seryoso pa rin ang kanilang mga mukha na tila ba may importanteng pinag-uusapan. Kahit malayo pa siya ay nararamdaman ko na ang kakaiba niyang presensya kaya dali-dali akong tumalikod bago pa magtama ang aming mga paningin.
Nagsimula akong maglakad sa opposite na direksyon at naghanap na lamang ng ibang mapagtatapunan. Marami namang mga basurahan na makikita sa iba't ibang lugar ng campus, ngunit ang pinaka-malapit sa dormitoryo ay ang malawak na field kung saan maraming mga estudyante na naglalaro ng iba't ibang sports.
Mayroon akong nakitang isang malaking basurahan doon kaya doon ko na lamang tinapon ang basura ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil na rin nakaiwas ako kay Lincoln. I can no longer sense his presence from here, kaya sigurado ako na umalis na siya at malayo na siya sa akin.
Nang dahil lumuwag-luwag na ang dibdib ko na tila ba nabunutan iyon ng isang malaking tinik, saka ko lamang naramdaman ang bagay na tumutusok sa aking talampakan. Nahinto ako sa paglalakad at sinilip ang paa ko at laking gulat ko nang makita ang puting tsinelas ko na punong-puno na ng dugo. Saka ko lamang naramdaman ang matinding sakit ng pagtusok ng isang matalim na bagay sa aking talampakan.
Umupo ako sa damuhan na sakop pa rin ng field at saka ko dahan-dahang tinanggal ang tsinelas ko na halos malagkit na nang dahil sa natuyong dugo. Doon ko nakita ang isang may kalakihang bubog na tuluyan nang bumaon sa aking talampakan sapagkat kanina ko pa pala iyon inaapakan. Muli akong napakagat sa aking labi at saka buong lakas na hinila ang duguang shred ng glass sa aking laman. Isang mahinang daing ang lumabas mula sa bibig ko nang matanggal ko ang bubog na iyon at itinapon sa basurahan, kasabay noon ang pag-agos ng maraming dugo mula sa aking talampakan.
Napamura ako nang maraming beses nang maramdaman ang hapdi sa parteng iyon. Nang dahil sa bigat ng emosyon na nararamdaman ko kanina ay hindi ko naramdaman na may masakit pala sa akin. f**k it.
Nanatili muna akong nakasalampak doon habang hawak-hawak ang malalim na sugat upang pigilan ang paglabas ng dugo. Kung minamalas nga naman, baka ang pagkaubos ko pa ng dugo ang ikamatay ko.
Ngunit wala pang isang minuto, naramdaman ko na nag-iba ang simoy ng hangin. Napatingin kaagad ako sa paligid at sa mga kapwa ko estudyante na masayang naglalaro sa field. Wala naman akong napapansin na out of ordinary, naglalaro pa rin naman sila, ngunit malakas talaga ang pakiramdam ko na tila mayroong nagmamasid sa akin.
Bumigat muli ang pakiramdam ko, although iba ito kompara sa nararamdaman ko kapag malapit sa akin si Lincoln. I can really feel it... na maraming mga mata ang nakatitig sa akin, although wala naman akong napapansin.
Nabigla na lamang ako nang biglang mayroong isang malaking itim na lobo ang sumulpot sa harapan ko, patakbo patungo sa direksyon ko upang lapain ako. Nagtama ang aming mga paningin. Itim na itim ang mata ng lobo at sa akin lamang ang kanyang atensyon na tila ba takam na takam siya sa akin.
Hindi na ako nakagalaw at nakatingin lamang ako sa higanteng hayop na papasugod sa akin. Na-shock na lamang ako sa bilis ng mga pangyayari, ngunit tila naging slow motion ang lahat at nag-flash ang lahat ng mga memorya ko sa buhay mula noong bata ako. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng mamamatay na?
Ipinikit ko lamang ang aking mga mata at hinintay ang mga matutulis na kuko ng lobo na dumampi sa aking balat, but I felt nothing.
Nang muli kong imulat ang aking mga mata, nakita ko na mayroong dalawang puting lobo na pumigil sa itim na lobo na balak akong gawing tanghalian. Dinaganan siya ng isang lobo at kinagat sa leeg upang pigilan siya sa nais na gawin sa akin habang ang isa pang lobo nama'y nakatingin lamang sa dalawang lobo, kung sakali mang makapagpumiglas pa ang itim.
Doon pa lamang ako nakahinga. Hindi ko alam kung ano ba ang kasalanan ko sa past life ko at parati akong pinaparusahan na ganito. Habol ko pa rin ang aking hiningang napalingon sa direksyon ng field. Lahat ng mga estudyante roon ay abala pa rin sa paglalaro, ni hindi nila alam na mayroong ganitong insidente nang nangyari dito. Hindi rin nila nakita ang sagupaan ng tatlong lobo, which was a good thing dahil magdadala lamang iyon ng takot sa lahat.
Napatingin muli ako sa direksyon ng tatlong lobo nang makita kong hinihila na ng dalawang puting lobo ang itim palayo sa akin. Maya-maya ay kapwa naging tao ang tatlo at mas mabilis silang nakaalis. Kita ko mula sa kinaroroonan ko ang nakatalikod nilang katawan na walang kahit na anong saplot. Doon ko lamang napansin na ang dalawang puting lobo ay ang Conor Twins na sina Austin at Easton. Imbes na mailang ako sa hubad nilang likuran na nakikita ng dalawa kong mga mata ay para namang mas lalong gumulo ang isip ko. Bakit nila ako tinulungan? Kilala ba nila ako bilang dating nagsisilbi sa pamilya nila?
The black werewolf seemed like a normal guy now that it transformed back into its human form. Hila-hila siya sa braso ng kambal, ngunit hindi naman siya nagpupumiglas. I wonder kung saan nila iyon dadalhin at kung ano ang gagawin nila sa kanya. Nanatili akong nakatingin sa kanila, with these questions in mind, hanggang sa makapasok na sila sa kagubatan at tuluyan na silang mawala sa paningin ko.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na mayroong humablot sa aking braso. Sa higpit niyon ay halos mamilipit ako sa sakit. It's his presence again. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya kahit na alam ko na kung kaninong mukha ang masisilayan ko. At literal na para akong malalagutan ng hininga nang makita ko ang madilim na mukha ni Lincoln Conor na nakatingin sa akin.
Biglang nawala ang kakaibang pakiramdam ko kanina na mayroong nagmamasid sa akin. His presence alone overwhelms the eerie feeling... and this is much better than the former.
"It... hurts..." impit na sabi ko habang nakatingin nang diretso sa kanyang mukha. Sa ilang beses ko nang nasilayan ang kanyang guwapong pagmumukha, ngayon ko lamang nakita ang ganitong awra niya na tila ba papatay ng tao.
Nang mapansin niya na sobrang higpit na ng pagkakahawak niya sa braso ko at iyon ang tinutukoy kong masakit, bigla niya akong binitawan at saka lumambot ang kanyang ekspresyon sa mukha. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako, but it seemed like he has already calmed down.
Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko upang pantayan pa ang mukha ko sapagkat nakasalampak pa rin ako sa damuhan. I didn't know what he was planning to do at sobrang kinakabahan na ako, ngunit bigla niyang hinawakan ang aking ankle. Nakangiwi niyang pinagmasdan ang dugo na bumabalot sa aking talampakan, it was as if pinipigilan niya rin ang sarili niya na tikman iyon—but I don't think that's the case. I could feel that he wasn't thirsty for my blood, but for something else.
Natatakot ako sa pupwede niyang gawin sa akin noong mga oras na iyon, but I strangely felt secure around him. For a moment, I was so sure that he wouldn't be able to harm me; or he would choose not to.
Nang aakalain kong aalis na siya matapos niyang titigan ang dugo ko, bigla niya akong binuhat na parang bago kaming kasal. Kahit na walang nakakakita sa amin, I felt extremely embarrassed although I couldn't move nor say anything to Lincoln dahil natatakot pa rin ako.
Maybe nabawasan lamang ang takot ko sa kanya nang dahil sa ginawang pagligtas sa akin ng dalawa niyang kapatid.
I know for a fact that Lincoln and his family were werewolves, and that I should distance myself from these dangerous animals. But something inside me kept drawing me towards him. Nasasapawan ng pakiramdam na iyon ang matinding takot ko sa kanilang pamilya.
Habang buhat ako ni Lincoln at nakayakap ang aking mga braso sa kanyang leeg, nakita ko nang malapitan ang pagpalit ng kulay ng kanyang mga mata. My heart was certain that Lincoln also feels something towards me...