Napasinghap ako nang maramdaman ang hininga ni Lincoln sa aking leeg. Magaspang ang kanyang paghinga na tila ba nahihirapan siya sa kasalukuyan niyang sitwasyon.
Nakahinga lamang ako nang maluwag nang umatras siya nang bahagya dahilan upang masilayan ko ang kanyang mukha. His hazelnut eyes became a little darker while staring at my whole being. Matangos ang kanyang ilong at pulang-pula ang kanyang mga labi na aakalain mong isa siyang bampira. Hinihingal siya nang mga oras na iyon na tila ba galing siya sa isang mahabang pagtakbo.
"What brings you outside at this hour?" tanong niya sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Ngayon pa lamang kami magkakaharap at magkakausap ng lalaking ito, but he was acting as if we have known each other for a long time. Which is impossible for I have always kept my distance from this dangerous guy.
Napataas nang bahagya ang mga kilay ko nang bigla siyang matawa nang mahina as if he heard some kind of sick joke from the thin air which disgusted me even more. Sa kabila ng nangyayari sa aming siyudad ngayon, nagagawa pa niyang matawa nang ganoon? He's sick!
"Please go back to your dorm before I do something I shouldn't have," aniya habang hindi nawawala ang kanyang ngiti sa mga labi niyang tila dugo sa sobrang pula.
Nang marinig ko ang mga salitang iyon, kusang umatras ang mga paa ko at saka ako patakbong tumalikod sa kanya upang bumalik na sa dormitoryo. Halos hindi na ako makahinga sa kahihingal nang makarating ako sa silid namin ni Ingrid. Napahawak ako sa dibdib ko na ubod ng bilis ang pagtibok habang hinahabol ang aking hininga.
Maya-maya pa ay nalingat si Ingrid nang dahil siguro sa ingay na nagawa ko. Umupo siya sa kanyang single bed na kama at singkit ang mga matang tumingin sa akin.
"Lumabas ka?" tanging tanong niya na tinanguan ko lang sapagkat tila naubos lahat ng enerhiya ko sa katawan matapos ang engkwentro ko kay Lincoln.
Nanlalambot ang mga tuhod ko na naglakad papalapit sa aking single bed na ilang metro lang ang layo kay Ingrid. Nag-aalala niya ang mga tingin niya sa akin na tila alam niya na may tinatago ako sa kanya pero pinili niyang hindi magsalita.
Lincoln Conor is a menacingly handsome, sheep-looking werewolf—that is how I view him after I witnessed the splattering of blood that night within their vicinity. My family serves the Conors so I had no choice but to see them everyday and keep a blind eye whenever they do something inhumane. But when I say inhumane, these are the things that every pack of werewolves do to survive.
Wala na akong ibang alam tungkol sa kanya o sa kanila. Ang paalala sa akin ng nanay ko, mas magiging delikado ang buhay ko kung lalaliman ko pa ang pagkilala sa kanila. Mas mabuti na raw na malaya ako mula sa mga kamay nila.
Madaling araw na nang makatulog ako, ngunit hindi pa rin naging payapa ang kaisipan ko maging sa panaginip ko. It was the same bad dream when I was younger. Paulit-ulit iyon sa tuwing matutulog ako at nahinto lamang noong tumapak ako ng lanbiwalo. Mukhang na-trigger ng takot ko ang muling pag-ulit ng panaginip na ito sa akin.
I was running in the woods. Madilim ang paligid, malakas ang paghampas ng hangin dahilan upang magsayawan ang nagtataasang mga puno, at ang tanging naririnig ko ay ang pagyapak ko sa mga malulutong na tuyong dahon sa lupa.
Tumutulo ang luha sa mga mata ko ngunit walang maririnig sa akin kung hindi ang malakas na paghinga nang dahil sa hingal. Kanina pa ako palingon-lingon sa paligid ko kahit na wala namang nakasunod sa akin na para bang may tinatakasan akong hindi ko makita.
Pagod na pagod na ako pero hindi ko magawang huminto, hoping that there was a string of light at the end of this forest; that I was almost there. Tanging ang malamlam na liwanag lamang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa dinaraanan ko, sapat na upang maiwasan ko ang mga naglalakihang bato na nadadaanan ko.
Ngunit isang malakas na puwersa ang sumalubong sa akin na naging dahilan ng pagbagsak ng katawan ko sa malamig na lupa, habang nakaibabaw sa akin ang isang lalaking walang pang-itaas. Kumikintab ang kanyang katawan nang dahil sa pawis at malakas din ang paghingal niya na tila galing din sa pagtakbo. Sabay kaming humihingal habang pinagmamasdan ang isa't isa.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, but I felt strangely calm. Hindi malinaw sa akin ang hitsura ng lalaking nakadagan sa akin, ngunit kitang-kita ko ang pagpalit ng kulay ng kanyang mga mata. From a full black eyes into a golden ring around his pupil.
"Do you accept me as your mate?" His voice was soft, but sounded like in a deathly pain. Ngunit hindi ako makapagsalita at tila ba nalulunod ako sa kanyang malungkot na mga mata. Napasinghap ako nang ibaba niya ang tingin niya sa pagitan ng leeg at balikat ko, as if he was being tempted to bite the flesh on that part.
"Please don't," sa wakas ay nasambit ko at tumulong muli ang luha mula sa aking mga mata. Narinig ko rin ang pagsinghap ng lalaki sa pagpigil sa kanyang sarili at saka ko naramdaman ang malamig na mga labi niya na lumapat sa balat ko. Saka niya ibinagsak ang sarili niya sa tabi ko.
Umiiyak pa rin ako nang mga oras na iyon at hindi makagalaw nang dahil sa sobrang takot. He almost bit me—I almost died! But why was he asking me if I accept him to be my mate? What will happen if I accidentally agreed because I was so scared?
"Run," narinig kong bulong ng lalaki sa mahina at impit na boses. Hindi normal ang paghinga niya at tila may iniindang sakit sa katawan. "Run now!" Sumigaw na siya sa pagkakataong iyon.
Dali-dali akong bumangon mula sa lupa at saka ako tumakbo palayo sa kanya nang hindi siya nililingon. Was he injured? He seemed like he was in pain. Ngunit wala na akong oras para mag-alala para sa kanya. Kailangan kong iligtas ang sarili ko kung gusto ko pang makitang muli ang mga magulang at mga kapatid ko, iyon ang sinabi sa akin ng aking ina.
Hinihingal ako nang mapabangon ako sa aking kama nang dahil sa panaginip na iyon. Pinagpawisan din ako nang malamig. Dalawang taon na nang huli kong mapanaginipan iyon, ngunit bumabalik na naman.
Bumaba ako ng kama at kumuha ng isang basong tubig mula sa ref, saka ko minsanan na nilagok iyon. Ngunit natigilan ako nang maramdaman muli ang presensya na iyon... heavy and intimidating...
Nabitawan ko ang hawak kong babasagin na baso nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Nagsagawa iyon ng ingay ng pagkabasag, ngunit hindi ko na iyon napansin sapagkat sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Do you now accept me as your mate, Astrid?"