Kabanata 33

2375 Words
Inaantok na ako nang tumabi sa akin si Lincoln. Nagpaalam pa kasi siyang lumabas sandali dahil tinatawag siya ni Austin at mukhang may importante silang pag-uusapan. Naramdaman ko lang ang pagyakap niya sa baywang ko nang humiga siya kaya alam ko na nakarating na siya. I knew exactly what his presence is like, kaya sigurado akong siya iyon and I felt secure. "Astrid?" pagtawag niya sa 'kin nang maramdaman niyang gumalaw ako nang bahagya. "Hmm?" I replied. Nabigla ako nang alalayan niya ako paharap sa kanya dahilan upang magkalapit ang aming mga mukha. To be honest, masaya talaga sa pakiramdam sa tuwing magkalapit kami nang ganito ni Lincoln. It was the effect of the bond, and there was no romantic affiliation between the two of us. Kaya hinahayaan ko na lamang siyang lumapit sa akin because it would also benefit my needs as his mate. Mas lalong titindi ito when he bites me, and I am not ready for that! Lincoln kissed me so suddenly that my mouth gaped in surprise. Nakalimutan ko na ang iniisip ko nang mga oras na iyan and I just gave in to his slow, passionate kisses. I forgot about not being ready. This is all that I need to accept his mark? However, after the kiss and our burning desire collided, we both stopped, panting. Naramdaman ko na niyakap ako muli ni Lincoln at saka na kami nakatulog nang mahimbing. Basta may isang parte ng katawan na nakadikit sa isa't isa, we can feel at ease. Kinabukasan, nagising ako na mayroon nang nakahandang pagkain sa mesa. Mainit pa ang sabaw ng instant noodles na iniluto ni Lincoln. A for effort na lang talaga dahil mukhang walang ibang alam na iluto itong lalaking 'to bukod sa frozen foods, itlog, at instant noodles. Matapos naming kumain ay gumayak na ako dahil nakaligo na't lahat pala siya kanina pang alas sinco bago siya magluto. Lumabas na rin kami ni Lincoln sa dorm upang maarawan daw ako. Kailangan ko raw iyon upang hindi na ako magsakit o mahimatay muli. Ipinagdala niya rin ako ng isang malaking bote ng tubig upang madalasan ko raw ang pag-inom ko dahil mukhang kulang daw ako sa tubig kaya mahina ang katawan ko. Dati bang doktor ang lobong 'to? Habang naglalakad kami papunta sa lecture building, magkahawak ang aming mga kamay na tila ba may namamagitan na talaga sa amin. At least iyon ang tingin ng mga nakakakita sa amin. At iyon din malamang ang iisipin ko kung ako ang nasa katayuan nila. However, hindi nila maiintindihan kung ano ang sitwasyon ko ngayon. And honestly, I'm not complaining... at all. Natigilan lang kami pareho nang mayroong isang magandang babae na sumalubong sa amin—kay Lincoln, actually. Naka-puti siyang blose at itim na slacks na pinaresan ng itim na heels. She is really pretty at bagay niya ang pulang-pula niyang lipstick. Bukod doon at sa malaki niyang mga pabilog na hikaw, simple lang naman siya tingnan. Nabigla kami pareho ni Lincoln nang lumapit siya bigla sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. "I've missed you, Linx," aniya bago humiwalay. Ngiting-ngiti siyang humarap muli kay Lincoln. Linx? Seriously? Sa inis ko, sinubukan kong bawiin ang kamay ko mula kay Lincoln ngunit hindi niya iyon binitawan at mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa akin. The hell is his problem! Bahagya akong napalingon sa kanya at hindi rin makapaniwala ang mukha niya. He looks really pissed. But ano man ang past nilang dalawa, labas na ako roon. Hindi yata tinuruan ng manners ang babaeng 'to at yayakap pa rin sa lalaking nakita niyang may kahawak-kamay nang iba? Hindi ko alam kung bakit naiirita ako, pero isisisi ko na naman siguro iyon sa bond namin ni Lincoln. Linx? Hah. Gaano sila ka-close para tawagin niya si Lincoln ng gano'ng klaseng baduy na nickname? Nakita kong napalingon din sa akin si Lincoln at nanlambot ang ekspresyon niya sa mukha nang makita ako. At nabigla na naman ako nang hapitin niya ang aking baywang at idinikit pa niya ako sa kanya. Muling humarap si Lincoln sa babae at mukhang nawala na ang pagka-tense niya, unlike kanina na halos mag-lock ang jaw niya sa galit. "I understand that it's been so long since we've seen each other, Monica, but don't you think it's rude to do that in front of my girlfriend?" malumanay na sabi niya sa babae dahilan upang mapaawang ang mga labi nito. Nakita kong dumaan ang pighati sa kanyang mga mata ngunit napalitan iyon ng pagkairita nang makita ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at parang gusto niya ako sabunutan sa mga tingin niya. Muli niyang inayos ang sarili niya at ngumiti kay Lincoln. "My bad. I didn't notice her since her presence is too weak," sarkastiko niyang sabi. "I apologize, Linx." Gusto ko siyang murahin dahil sa pasimpleng insultong sinabi niya tungkol sa akin. And can she stop calling Lincoln that nickname? It was annoying. "And stop giving me nicknames. I don't think you're in any position to do that," pahabol pa ni Lincoln at pilit na ngumiti. "I hope we see each other less often even though we're in the same campus." Hindi na nakapagsalita pa si Monica nang sabihin iyon ni Lincoln. I was laughing internally dahil sinunog talaga siya ni Lincoln nang husto. Naramdaman ko na lang ang paglalakad ni Lincoln kaya napasabay na lang din ako. Pareho kaming tahimik habang naglalakad. Ayoko rin namang mag-usisa pa tungkol sa babaeng iyon at nag-act normal na lang ako, which was difficult dahil nabi-bwisit talaga ako kapag naaalala ko. Hinatid na lang ako ni Lincoln sa klase ko at saka nagpaalam na na imi-meet niya ang kanyang mga kapatid upang mayroong importanteng pag-usapan. He promised me pa na sa susunod ay babantayan niya rin ako sa klase upang masiguro niyang hindi na mangyayari ulit ang nangyari sa akin kahapon. I find that sweet that I literally kissed him on the cheek bago ako pumasok sa room namin. Halata sa mukha ng mga estudyante sa paligid ang pagkabigla at pagkainis, but Lincoln's reaction mattered the most to me. Namilog ang kanyang mga mata dahil hindi niya inasahan ang ginawa ko at napansin ko rin ang pamumula ng kanyang mukha. Hindi niya rin mapigilang mapangiti kahit na pigilan pa niya ang mapupula niyang mga labi. At hindi rin nagtagal ay bumawi siya kaagad sa akin. Hinalikan niya nang mabilis ang aking labi bago patakbong nagpaalam sa akin paalis. Hindi ko alam kung may sira ba ang instant noodles na kinain namin kanina, but Lincoln acted like a teenage kid na in love—which is wala talaga sa personality niya. Pagpasok ko sa aming klasrum, nakatingin sa akin ang lahat ng mga kaklase ko. Lahat sila ay nasaksihan ang eksena namin ni Lincoln sa pintuan kanina. Saka ko lamang naramdaman ang kahihiyan nang makita kong nagbulungan sila. Ang iba ay lumapit pa sa akin na tila ba shini-ship kami. Hindi na lang ako nagbigay ng statement ko at baka lumaki pa lalo ang isyu. Nagtungo na lamang ako sa upuan ko at nagulat ako nang nandoon si Ingrid, nakangisi sa akin at mukhang kanina pa niya ako hinihintay na maupo. "Ibang level na talaga ang relasyon niyo, ano?" kinikilig na bulong sa akin ni Ingrid. Una sa lahat, paano nakapasok siya sa klase nang maayos at naka-uniporme kung hindi siya umuwi kagabi at kaninang umaga upang gumayak? "Oh, huwag mo akong tingnan nang ganyan. Nagdala ako ng uniporme ko at sa Principal's office na nakiligo." Umismid ako sa kanya. "Bakit hindi ka na umuuwi? Malapit na talaga akong mag-alala sa 'yo," angal ko sa kanya. "Ayaw mo nun? Palagi kayong solo ni Lincoln?" biro niya kaya sinamaan ko siya kaagad ng tingin. Napatawa naman siya nang mahina at kaagad na binawi ang sinabi. "Pasensya na, abala lang talaga sa training. Pagkatapos talaga ng lahat ng 'to, magpa-party tayong dalawa!" Ngumiti na lang ako sa kay Ingrid. Naiintindihan ko naman na ginagawa niya ang lahat ng iyon para sa kaligtasan ng lahat, ngunit hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya dahil napapabayaan na rin ang katawan niya nang dahil sa pagod sa kanyang pagsasanay upang maging susunod na Seer. Ngumiti ako kay Ingrid. "Let's do that." Maya-maya pa ay mayroong mga nagsilakas-loob na lumapit sa akin na mga estudyante mula sa ibang klase. Nilupungan nila kami ni Ingrid at nagtanong-tanong sa amin tungkol sa aming dalawa ni Lincoln. "You saw what you saw. I don't think I still have to explain anything when you clearly saw what we did," kalmado kong sagot sa kanila kaya mas lumakas ang mga bulungan sa paligid. Wala naman talaga akong dapat ipaliwanag pa dahil mahihirapan lang silang intindihin ang lahat. Although hindi iyon tulad ng iniisip nila, siguro ay mas madali na lang na sumabay sa agos at tsismis nila kaysa ipaliwanag ang komplikadong katotohanan. "I heard hindi iyon ang unang kiss ninyo in public? Totoo ba 'yon?" usisa pa ng isa. Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ba sila aware na awkward pag-usapan ang tungkol sa kiss ng iba? Dahil napapansin na ni Ingrid na hindi na ako komportable sa kanila at sa mga tanong nila, sumingit na rin siya. "Astrid is my bestfriend at kung alam kong makakasama sa kanya, ako mismo ang pipigil sa kanya. Ngunit nakita ko how Lincoln cared for her, and loved her, for the past few weeks at naging kampante ako na hindi niya sasaktan ang kaibigan ko," panimula ni Ingrid kaya napunta sa kanya ang atensyon ng lahat. "At sana gano'n din kayong mga fans ni Lincoln. He is happy with Astrid, so all you have to do is support him, because in the first place hindi niyo naman siya pag-aari." Natahimik ang lahat nang dahil sa sinabi ni Ingrid ngunit mayroong ilang nainis pa lalo sa sinabi niya, kaya muli na naman tuloy nabaling sa akin ang atensyon nila. "Ilang beses din may nakakita sa 'yo na kasama mo si Lincoln palabas ng room niyo—how true is it?" mala-showbiz na tanong ng isa pang usisera. "Tapatin mo na kami, Astrid. Are you sleeping with Lincoln? Pinigilan kong magalit talaga sa mga taong 'to. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Ano naman kung I sleep with Lincoln? Hindi naman dapat itinatanong ang ganoon ka-private na pangyayari. Although kaya ko namang sabihin sa kanila ang katotohanan na hindi, that I have never slept with him kahit pa roon siya natutulog, e hindi naman sila maniniwala. "We slept in the same bed. That's all," proud kong sabi at saka sinalubong ang mga tingin nila. Nabigla pa sila dahil sa isinagot ko at karamihan sa kanila ay nainggit. Nang mapatingin naman ako kay Ingrid, nakangiti siya sa 'kin at mukhang kinilig pa sa sagot ko. Bruh! Nabigla kami nang bigla kaming may marinig na malakas na paghampas sa isang desk. Napalingon kaming lahat sa harapan at nakita namin ang isang bagong guro. Ako nama'y tila binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang mukha ni Monica, ang babaeng gumawa ng eksena kanina sa pamamagitan ng pagyakap kay Lincoln habang nandoon ako. I see that she heard everything that I said sa mga nagtatanong sa akin. "Magsiupo na ang lahat at magsisimula na ang ating klase," may otoridad na sabi niya. Ang mga estudyante tuloy na galing pa sa ibang section ay patakbong lumabas na ng klasrum namin. Nanatili namang nakatingin sa akin si Monice. "Kung hindi kayo interesado sa klase ko, o sa 'kin bilang professor niyo, maaari na kayong lumabas." At itinuro pa niya ang pinto na nakabukas. Napa-nganga na lamang ako nang mapagtantong siya ang propesor namin sa subject na Arts. Wait—what? Tahimik lang ang lahat. Walang gustong magsalita at maglakas loob na lumabas. Hindi nga naman basta-basta ang itsura ni Monica ngayon. Kung kanina ay pa-sweet siya sa harap ni Lincoln, ngayon ay istrikto na at mukhang handa na niya akong gisahin. Seryoso ang mukha niya at hindi mababakasan ng kabutihan. What a witch. "Since this subject is English Zero, we'll be discussing about basic grammar and rules," panimula niya bago ako hinanap ng kanyang mga mata. "Miss Astrid, will you please give us the eight parts of speech?" "What?" I frowned. Pinanlakihan pa niya ako ng mata nang mapansin ang pag-angal ko, bago ako tumayo at sumagot na lang. Akmang uupo na ako nang magsalita ulit siya habang hindi inaalis ang mga tingin sa akin. "Define them. One by one." So this is how she will play with me? Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Pinagtitripan niya ba ako? Binigyan ko siya ng isang pamatay na tingin bago ini-recite isa-isa ang definition ng walong terms. I could do that much dahil masyado niya akong pinepersonal. "Very well, Astrid. As expected from a girl like you." May halong shade ang sinabi niyang a girl like you. Ano'ng klaseng babae ang tinutukoy niya roon? Halos lahat ng mga kaklase ko ay nagbulungan. Nakita ko ang paglingon ng iba sa akin na hindi ko alam kung ano ang iniisip. Mukhang bina-bash na nila ako dahil may Lincoln na ako, magaling pa ako sa subject na ito, ganoon ba? Hindi ko naman mapigilang mainis sa nangyari. Like I said kanina, kung ano man ang mayroon sila ni Lincoln noon, labas na ako ro'n. Bakit niya ako pag-iinitan sa klase niya? Mukhang napansin din ni Ingrid ang tungkol doon kaya naman kaagad niya akong siniko at binulungan. "What's up with you and that witch professor? Did I miss anything?" bulong niya sa 'kin dahilan upang mapalingon ako sa kanya. "I think she likes Lincoln," tipid na tugon ko sa kanya. Gulat na gulat naman siya na tila ba hindi niya inaasahan at kinakaya ang narinig. "For real?" naibulalas niya ngunit mahina lamang. "I knew it! Iba talaga ang mga tingin niya sa 'yo, para kang gustong lamunin nang buhay," dagdag pa niya. Siniko ko lamang siya at humarap na sa harapan dahil nakatingin na naman sa direksyon ko ang lintek na Monica na iyon, mukhang naghihintay na may gawin ako mali upang mapagalitan niya ako at mapahiya sa buong klase. Now I have to deal with this dahil lang hindi siya maka-move on kay Lincoln, kung ano man ang mayroon sila before? f**k her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD