Hindi talaga ako tinigilan ni Ingrid na tanungin tungkol kay Monica. Nakayakap siya sa braso ko habang naglalakad kami pabalik sa dorm at miss na miss na raw niya ako sa tagal naming hindi nagkita.
"So hindi lang pala ang fans ni Lincoln ang makakalaban mo, pati isang propesor?" hindi makapaniwalang sabi niya. Napabuntong-hininga na lamang ako sa reyalidad ko. My peaceful life... how did I end up in this mess? "Don't worry, Astrid! As long as wala ka namang ginagawang mali sa klase niya, you'll be okay!" aniya bilang pampalubag loob.
Umiling ako nang bahagya. "I'm sure gagawa at gagawa siya ng butas sa 'kin kung wala siyang mahahanap," pabulong na sabi ko na tahimik niyang sinang-ayunan.
"Nakakainis talaga ang mga ganyang klaseng tao. She reminds me of someone—ugh, that b***h!" nanggagalaiti niyang sabi habang inaalala ang mga pangyayari sa utak niya na hindi ko naman alam kung ano. Sa ilang araw naming hindi pagkikita, siguradong marami siyang dapat na ikwento sa akin. "Ngayon lang ako magkukwento, ano. May guwapo kasi akong trainer na in-assign sa akin ni Principal—and we all know him, but I won't spill his identity!"
"Why not?" angal ko sa kanya. "Magkukwento ka tapos hindi mo naman pala sasabihin!" bulyaw ko sa kanya habang nakakunot ang aking noong nakaharap sa kanya.
Tumawa siya nang mahina. "I will, pero not now, okay?" Umirap lang ako sa kanya habang nakaismid. "Going back, ano, e 'di masaya naman ang buhay ko sa training dahil sa araw-araw kong view, ang pagmumukha at katawan ng trainer—"
I cut her off. "Kaya pala hindi ka na halos umuwi," komento ko nang hindi naaalis ang ismid ko. "Mas gusto mo na siyang kasama kaysa sa akin na kasama mo since freshman years?" sumbat ko sa kanya na tinawanan lang niya ulit.
"Masaya ka naman din dahil nakakasama mo sa pagtulog si Lincoln!" malakas na sabi niya kaya kinurot ko siya nang bahagya sa tagiliran upang matauhan siya. Napahalakhak lang siya. "Teka kasi, patapusin mo muna ako!"
"Ano? Magdamag mo na namang ikukwento kung gaano ka-guwapo 'yang trainer mo?" pangunguna ko sa kanya. Tumawa na naman siya pero ako naman ang kinurot niya sa tagiliran.
"Bakit ba ayaw mo akong patapusin?" singhal niya sa 'kin at sabay kaming natawa sa mga sarili namin. I missed her so much! I missed my normal days with this woman! "Alam mo, sa dorm na lang natin ituloy 'tong usapan natin. Marami akong ikukwento sa 'yo!" pigil ang tili na sabi niya at marahang pinaghahampas ang braso ko na tila ba kinikilig.
Nawala naman ang atensyon ko sa kanya nang mapansin ko ang isang pamilyar na babae na dumaan sa harapan namin. Naalala ko siya!
It was Lorene, the senior student na nakilala ko last time na naglibot ako sa campus. May kasama siyang isang babae na nakayuko, buhaghag ang buhok nito na tumatakip sa kanyang mukha. Magkahawak din ang mga kamay niya na nasa harapan ng kanyang palda, she looked like she was worried about something.
Nakaakbay si Lorene sa babae at parang nagmamadali sila dahil halos lakad-takbo na ang ginagawa nila papunta sa kung saan. Sinundan ko lamang sila ng tingin at mukhang hindi ako napansin ni Lorene. Seryoso rin ang kanyang mukha na tila ba may malalim na iniisip.
"Kilala mo ba sila?" tanong ni Ingrid sa akin kaya naibalik ko sa kanya ang atensyon ko. Napakurap ako nang maraming beses, pino-proseso pa ang kanyang mga sinabi. Nang matauhan ako ay napailing ako kaagad. "Well... may nakarating na rumor sa akin about that pretty lady..." pabulong na sabi niya sa 'kin habang patuloy kami sa paglalakad.
"What rumor?" curious kong tanong. I knew something was weird about Lorene, pero mukha naman siyang nice noong nakasama ko siya.
"She is the school director's pet," bulong niyang muli na ikinabigla ko. Napatingin ako sa mukha ni Ingrid to see if nagbibiro lamang siya, ngunit tumango lang siya sa 'kin at seryoso ang kanyang mukha. "I don't want to judge her dahil sa pagpatol niya sa direktor. Siguro ay dala lang ng matinding pangangailangan. But," Muling lumapit at kumapit sa akin si Ingrid bago bumulong. "Huwag na huwag kang sasama sa kanya."
Nangunot lalo ang noo ko. "What do you mean by that?" kinakabahan kong tanong. Sumama pa man din ako sa kanya before at wala namang nangyaring masama sa akin. Oh, wait, meron! I passed out! Pero wala naman siyang kasalanan doon.
"I don't know, either. Yun ang babala nila madalas matapos ikwento ang tungkol sa babaeng yun," paliwanag niya. In the end, wala rin akong nakuhang sagot sa kanya. Pero at least nalaman ko na hindi pala dapat ako sumama sa kanya kahit pa wala siyang ginagawang masama sa akin. Mas mabuti na ang nag-iingat. "Sa akin ka lang lagi sumama!" biro pa niya at nagtawanan kaming dalawa dahil napagtanto namin na pareho kaming loner to the point na we only hang out with each other, and no one else. Well, bukod kay Lincoln na hindi ko naman na kailangang ipaliwanag kung bakit kailangan ko siyang pakisamahan.
Nandito na kami ngayon sa kwarto namin. Matapos kong magbihis ng pantulog ay nagtungo na ako sa aking kama at umupo roon. Ganoon din naman ang ginawa ni Ingrid dahil handa na siyang magkwento sa akin ng tungkol sa training, lalaki, at kaaway niya.
"That Alexa is really a w***e," panimula niya at hindi ko alam kung matatawa ako dahil doon. Nanggigigil talaga siya sa tono ng pananalita niya.
"Ba't sobrang galit ka?" natatawang tanong ko sa kanya dahil kung nandito lang ang Alexa na tinutukoy niya e malamang ay nasabunutan na niya iyon. Sumimangot siya sa 'kin at pagkatapos ay nag-indian seat muna sa ibabaw ng kanyang kama.
By the way, we both look so cute with our twinning pyjamas. Naalala ko na sabay naming binili ito para sa sleepovers namin. Parehong kulay asul ang mga suot naming pyjamas na mayroong napakaraming mukha ni Doraemon.
"I really hate that Alexa! She ruined everything! Teka, hayaan mo muna akong mura-murahin siya bago ako magkwento," hinihingal pa niyang sabi dahil kulang na lang ay sumuntok siya sa ere sa sobrang galit.
"Oh, ano namang sinira niya?" tanong ko. Seryoso akong nakikinig dahil deserve naman talaga ni Ingrid ng isang mabuting kaibigan na marunong makinig sa frustrations niya, kaya I'm trying my very best na maging attentive. Parating siya ang nakikinig at dumadamay sa akin, so I guess it's time para suklian ko naman ang pagiging best na friend niya sa 'kin kahit na sa maliliit na bagay lamang na tulad nito.
"Maayos naman na kami ni poging trainer, until umepal siya and ruined everything," tugon niya at nakasimangot talaga ang mukha niya. Para siyang tumungga ng isang boteng suka sa asim ng mukha niya. "Alexa is another trainee, by the way."
Napataas ang isang kilay ko. "May iba pang trainees bukod sa 'yo?" hindi makapaniwala kong tanong. The last time that I talked to Ingrid, siya pa lang ang nabanggit niya na sinasanay bilang maging isang Seer.
Tumango siya. "As of now, dalawa pa lang kami. If may ibang qualified, pupwede pa kaming madagdagan," paliwanag niya. "Ang sabi sa amin ni Principal, after one more month e matatapos na ang training, pero hindi nila sigurado after that kung kailan namin mamamana yung ability ng late Seer."
Tumango-tango ako sa kanya. "I see. Ngayon ba na guwapo ang trainer ninyo, ginanahan ka na bang maging susunod na Seer?" pang-asar na tanong ko sa kanya.
Bahagya siyang napangiti at nawala ang asar na mukha niya. "Hindi ko alam, Astrid! Pero hindi ko masyadong nararamdaman ang pagod," masayang sabi niya.
Napangiti ako. "Ang harot-harot mo, Ingrid!" Napahagikgik pa siya nang dahil sa sinabi ko.
"We all agreed na hindi ilalabas ang identity ni pogi bilang trainer namin. I also promised to him, kaya hindi ko muna sasabihin sa 'yo," dahan-dahan niyang sinabi sa akin dahil alam niyang maiinis lang ako sa pagsisikreto niya. "Sorry na. I promise ibubunyag ko later. Siguradong magugulat ka kasi kilala mo siya!" excited na sabi niya. Ewan ko na lang kung hindi siya madulas dahil sa excitement niya.
"Oo na. Hindi na kita pipilitin," pagsuko ko. Kung siya lang naman din ang masusunod, alam kong noon pa niya naikwento at naibunyag sa akin kung sino man ang misteryosong trainer niya. "I'm just glad na masaya ka sa ginagawa mo," nakangiti kong sambit. Sinsero ang pagkakasabi ko no'n dahil natutuwa talaga akong makita na maayos na ulit si Ingrid at hindi na masyadong nagpa-panic sa nangyari at posibleng nangyayari sa labas ngayon.
Ngumiti siya. "Not necessarily masaya sa ginagawa, pero pwede na rin. Masaya ako sa nagtuturo—aray!" Humalakhak siya nang batuhin ko siya ng crumpled paper na nakuha ko sa side table na sumapol sa kanyang noo. Kinuha niya iyon at binato muli sa 'kin. "Totoo naman kasi! Tulad ng pagiging masaya mo kay Lincoln—oo na, hindi na!" Binato ko kasi siya muli nung crumpled paper. Tawang-tawa ang gagi.
"Ah, naalala ko na naman tuloy si Alexa. Tinatarayan niya rin ako tulad ng ginawa ng propesor natin sa 'yo. Gusto niya sa kanya lang naka-focus si pogi," pagkwento niya muli. Bumalik na naman ang lukot niyang mukha. Kinuha niya ang crumpled paper na binato ko sa kanya kanina at mas lalo niyang ni-crumple iyon sa inis, siguro ay nai-imagine niyang si Alexa iyon.
"Yung puso mo," paalala ko sa kanya dahil mukhang tumataas na talaga ang dugo niya. "We can't please everyone, you know that. Kaysa makipag-compete ka sa babaeng 'yon, why not galingan mo na lang sa training para mas mapansin ka ni pogi na tinutukoy mo? That's so basic. Akala ko pa naman expert ka sa ganitong usapin," naiiling na sabi ko sa kanya. Pero syempre, binibiro ko lang siya.
Napalingon siya sa 'kin. "Ah, gano'n?" aniya at sinimangutan ako. Tinawanan ko lang naman siya. "Pero may point ka, ano. Kailangan ko na bang mag-take down notes? Pa-seminar naman, oh," dagdag pa ng loka-loka.
Nagkibit-balikat ako at humiga na sa aking kama, ngunit nanatili akong nakatingin kay Ingrid. "Kilala ko ba 'yang Alexa na 'yan? I'll just ruin her for you," biro ko. I am pro-woman, though. Unless sobrang bitchessa lang talaga ng babae na hindi ko na magagawang makampihan.
Umiling si Ingrid. "I don't think so, pero one time ipapakita ko siya sa 'yo so you can ruin her!"
Nagtawanan lang kami ni Ingrid at nagkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay na na-miss namin sa isa't isa these past few days. Girls' talk muna at bawal muna ang boys for tonight. Masyado kong na-miss ang babaeng 'to!
"By the way, hindi ba ang trabaho ng Seers ay maka-distinguish ng werewolves from normal villagers?" pagbukas ko ng panibagong topic sa kanya since napag-usapan naman din namin ang pagiging Seer niya, if ever na siya nga ang mapipili sa generation nila.
Tumango si Ingrid. Nakahiga na rin siya sa kanyang kama ngunit nakatagilid siya at nakaharap sa akin.
"Yes. But sadly, we cannot distinguish the bad ones from the goods ones," aniya dahilan upang matigilan ako. "As per our training, they believe that there are good werewolves. Yun yung mga hindi kumakain ng human flesh. Ang problema ay kung paano sila poprotektahan at mahihiwalay sa mga masasamang mga lobo."
Tumango-tango ako. "Right. Those werewolves are cunning... we don't know kung kailan sila nagsasabi nang totoo," komento ko. Naisip ko tuloy si Lincoln at ang pamilya niya. Sinabi niya sa akin noon that they don't kill and eat humans, at naniniwala naman ako na sila yung tinatawag na good werewolves. Although hindi ako sigurado kung dapat ko bang sabihin kay Ingrid ang tungkol dito in order to protect them... or baka yun pa ang magpahamak sa kanila?
Then pumasok sa isip ko si Reven. Nabanggit ni Lincoln na ang pinsan nilang iyon ay isang rogue werewolves, mga uri ng lobo na hindi kabilang sa packs. Ang mga katulad nila ay ang mga delikado talaga sapagkat wala silang batas na sinusundan. They do whatever they want, at maaaring isa roon ang pagpatay at pagkain ng human flesh. Just thinking about it made me want to throw up.
"Right now, we're actually still on the advantage dahil hindi pa tayo totally nasasakop ng mga lobo. We still have a control over them and if we find them, the bad ones, then mas maganda at mas malaki ang possibility na bumalik tayo sa dati," paliwanag ni Ingrid. Dahil na rin sa training niya ay mas lumawak ang kaalaman niya tungkol sa mga lobo at pati na sa mga nangyayari sa paligid. "Pero hindi tayo dapat magpakampante. Dahil kapag lumipas ang ilan pang linggo na wala tayong nadadakip na bad wolves, then we'll be doomed."
Tahimik akong sumang-ayon sa kanya. "How about we seek help from the good werewolves? Like makipagtulungan tayo sa kanila so we can win over the bad ones," suhestiyon ko although alam ko naman na hindi iyon ganoon kasimple.
Bahagyang tumango-tango si Ingrid pero kaagad ding umiling. "Actually, that's too risky dahil hindi natin alam kung sino ang bad sa hindi. So pupwedeng paglaruan lang tayo ng werewolves at paikutin sa kanilang mga palad," paliwanag ni Ingrid. Doon ko lamang din napagtanto na posible nga palang may mangyaring ganoon.
Sumang-ayon ako sa kanya, pero I let her know na hindi pa rin ako sumusuko sa ideya. "What if... makahanap tayo ng good werewolves? Like the ones na sure tayo na good?"
Natigilan si Ingrid, napatitig sa akin na tila ba nawi-weirdo-han sa akin, pero kaagad din naman niyang binawi iyon. "Well... then that solved the half of the problem. Hindi pa rin magiging madali, pero mas lalaki ang chance na manalo tayo against the bad ones."
Napangiti ako dahil doon. Alam kong hindi ganoon kasimple na pumayag ang pack ni Lincoln sa pakikipagtulungan sa mga tao, at hindi rin magiging madali para sa mga tao na pagkatiwalaan ang pamilya ng mga lobo, ngunit somehow we can make it work. Malayo pa naman 'yon at hindi pa nangyayari ngayon, so I can think about it later.
For now, masaya na akong malaman na may chance pa rin na bumalik kami sa dati.
"Bigla ka yatang naging interesado sa mga lobo?" tanong ni Ingrid sa akin dahilan upang mapalingon ako muli sa kanya. Nakataas ang kanyang mga kilay at mukhang nahahalata niya na unti-unti na ring lumalawak ang kaalaman ko sa totoong sitwasyon namin ngayon at tungkol sa mga lobo.
Nagkibit-balikat ako sa kanya. "Been reading books about werewolves," pagsisinungaling ko. Sorry, Ingrid, that I have to lie and keep this truth from you. Ayoko naman din na sa akin manggaling ang tungkol sa pagkatao ni Lincoln at ng pamilya niya.
"Oh," tanging nasabi niya at tumango-tango. "Akala ko naman may nakilala ka nang good werewolves kaya sobrang attached ka sa idea na makipagkapit-bisig tayo with the likes of them," natatawa niyang sabi as if the idea was ridiculous.
Well, she's not wrong.
"All I can say for now is that I also believe that good werewolves exist," nakangiti kong sabi sa kanya. "Don't you?" dugtong ko pa.
Napailing siya nang maraming beses. "I do! Hindi naman tatagal ang pact between humans and werewolves kung hindi sila naging good for decades," paliwanag niya na sinang-ayunan ko. Funny how we were suddenly siding with werewolves now... e halos mamatay kami sa takot the last time na nakakita kami ng patay na lobo sa tapat ng klasrum, at noong time na nalaman namin na namatay ang seer at nag-jump kami kaagad into conclusion na mga lobo ang pumaslang.
Tumango ako sa kanya. "Malaki ang posibilidad na hindi sila ang may kagagawan no'n sa seer. The rogue ones, maybe? To stir the peace between the two parties," komento ko. Iyon lang ang teorya ko base sa mga nasaksihan ko kina Lincoln these past few weeks. I'm sure, they are the good ones!
"Alam mo, I agree na rin diyan. Isa pa, walang proof na isang werewolf ang gumawa nun sa dating seer. If mga lobo nga, bakit naman bigla silang lalabag sa usapan ng mga ninuno pa natin?" komento rin ni Astrid.
I could see that she was getting all worked up din sa pagtatanggol sa mga lobo. Something's also fishy sa kanya!
"Don't tell me you are the one who found a werewolf friend whom you consider one of the good ones?" naibulalas ko dahil parang nakikita ko ang hitsura ko sa kanya.
Meeting Lincoln and the rest of his members in their pack proves me wrong about what I think about them. Sure, werewolves could be dangerous... but they won't eat you just because they're hungry. Siguro nagkakatalo lang dahil biglang may kaso na katulad ko na mayroong mabangong dugo para sa kanila. My blood drives them crazy kaya hindi ko sila masisisi kung mawawalan sila ng kontrol when they smelled it.
Still, I would brand them as good ones. One of them is Seven. I hope you haven't forgotten about how he almost ate me for dinner, but he already apologized naman sa akin sa party ni Nicholas. Noong gabing iyon, he didn't do me any harm so naniniwala ako na that experience makes them the bad ones. Hindi niya kasalanan ang nangyari because bloodlust is part of what they are as werewolves. Hindi nila matatanggal iyon as it is a curse, pero mas bilib ako actually sa tulad nila dahil nagagawa nilang pigilan yung thirst nila for blood and they've been living as normal villagers until now.
I am just hoping for the day na maghawak-hawak kaming lahat ng kamay upang masugpo ang kasamaan, na siyang tunay na kalaban ng buong siyudad.