"No—no!" mabilis na pagtanggi ni Ingrid habang naglilikot ang kanyang mga mata na umiwas ng tingin sa 'kin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iisipin sa kanya kasi mukha siyang guilty. "Huwag ka ngang magsalita nang ganyan, Astrid. Kahit na naniniwala akong may good werewolves, natatakot pa rin akong ma-meet sila, ano! Hindi mo ba alam na they could be wolves' in a sheep clothing lang?"
Sinimangutan ko na lamang siya at hindi ko na siyang kinulit pa tungkol doon. Hindi naman din ako malinis dahil ako rin mismo ay may tinatago sa kanya tungkol sa mga lobo na nakilala ko. Hindi pa ngayon ang panahon upang sabihin sa kanya ang tungkol doon kaya I will let her off the hook for now.
Nakatulog na rin kami matapos naming mag-tsikahan hanggang ala una ng madaling araw. Sobrang na-miss naman ang isa't isa kaya nagawa pang lumipat ni Ingrid sa kama ko at tinabihan akong matulog. She's a really sweet friend na hindi mo gugustuhing mawala sa 'yo. She's my only friend, after all.
Alas sinco pa lamang ng umaga ay bumangon na ako dahil biglang gising kaagad ang diwa ko sa hindi ko malamang kadahilanan. Dahil masarap pa ang tulog ni Ingrid e nauna na akong gumayak. Nag-iwan na lang ako ng note na sinasabing nauna na akong umalis upang maglakad-lakad lang sa campus at idinikit iyon sa noo ni Ingrid upang makita niya iyon kaagad pagkagising niya.
Lumabas ako ng dormitoryo at sinalubong ako ng malalim na simoy ng hangin. Mabuti na lamang ay nagsuot ako ng itim na jacket upang malabanan ang lamig. Magliliwanag pa lamang ang kalangitan kaya ganoon na lamang kalamig noong mga oras na iyon.
Habang naglalakad, pakiramdam ko e may mga matang nakamasid sa akin although hindi ako sigurado kung guni-guni ko lamang iyon, o baka nama'y napa-paranoid lamang ako gawa ng napag-usapan namin kagabi ni Ingrid tungkol sa mga masasamang uri ng mga lobo.
Sinubukan kong tapangan pa ang loob ko at nagmadaling maglakad hanggang sa makarating na ako sa parte na may mga iilang estudyante nang naglalakad habang may hawak na mga libro, ang iba'y patungo siguro sa library. Doon pa lamang nawala ang kaba ko at nakahinga nang maluwag.
Sa loob ng kalahating oras na pag-ikot ko sa aming campus, wala akong nakitang kakaiba. May napansin lamang ako na lumang silid na nadaanan sa fifth floor. Ito ang unang beses na magpunta ako rito at magtingin-tingin mga bakanteng silid dito. Under renovation pa kasi ang floor na ito kaya wala ring masyadong nagpupunta. Isinawalang bahala ko muna iyon dahil mukhang wala namang anumalya na nangyayari doon, at nag-ikot ikot pa sa ibang mga gusali.
Malapit nang mag-alas sais nang maisipan kong balikan ang lumang silid sa itaas. Isa pang dahilan ng hindi pagpunta ng mga estudyante sa fifth floor e dahil sobra-sobra ang rooms at hanggang fourth floor lang ang na-o-okupa.
Pasilip-silip ako sa loob dahil naka-lock usually ang mga iyon, umaasang may makita akong kakaiba.
"Astrid, ano'ng ginagawa mo riyan?" Napatingin ako sa harapan ko at nakita si Nicholas doon na nakatayo at nakapamulsa. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. "May hinahanap ka ba?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang mapagtantong may nakahuli sa akin dito, ngunit nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang isang pamilyar na boses. Dahan-dahan ko itong nilingon at bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki, kulot ang buhok, maputi at tago ang mga mata dahil sa shades na suot niya. Puting long sleeves ang suot niya na nakatupi hanggang sa siko. May hawak siyang isang notebook sa kaliwang kamay, habang white board marker naman ang sa kanan. Hindi gano'n ang porma ng Nicholas na kilala ko, pero siyang-siya nga 'yon.
"Hinanahap ko lang ang room ko," pagsisinungaling ko sa kanya. Hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin dahil sa suot niya sa mata. Teka! Ano ba kasing ginagawa niya rito?
Bago ko pa maitanong ang nasa isip ko, tinalikuran na niya ako.
"Sumunod ka sa akin, Astrid," seryoso ang tinig niya. Kaya naman wala akong magawa kung hindi sumunod, kahit na kabadong-kabado ako. Bakit ba ako kinakabahan kung si Nicholas lang 'to? Kaya ko naman siguro siyang paikutin upang paniwalaan niya ang palusot ko! "May ilang katanungan lamang ako sa 'yo, about sa investigation mo."
Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ang isang bagay. "Investigation? What do you mean?" Napalunok ako ng maraming laway nang dahil sa sinabi niya. Hindi naman talaga ako nag-iimbestiga! Naku-curious lang ako sa hiwaga na tinatago ng paaralan na 'to since napansin ko na may weird na awra akong nararamdaman sa ibang estudyante.
Lalo lang akong naging ganado sa paghanap ng katotohanan nang sabihan ako ni Lincoln na huwag na akong mag-dig deeper. Ibig sabihin, there really is something!
"Yes. Naghahanap ka ng impormasyon tungkol sa school, tama?" Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, nandito kami sa bandang likod ng lecture building. Umiling ako nang mabilis.
"Paano mo nalaman ang tungkol diyan?" kalmado kong tanong. Umukit ang isang ngiti sa kanyang labi. Pakiramdam ko ay naging ibang tao bigla ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"You should have seen your face, Astrid!" Nangunot ang noo ko nang marinig na humalaklak pa siya nang sabihin niya iyon, sabay alis ng kanyang suot na shades. Lumapit siya sa 'kin at kinurot ang magkabilang pisngi ko. "Ang cute mo talaga!"
"What the—Nicholas!" Nakahinga ako nang maluwag. Napalitan ang kaninang kabang nararamdaman ko ng sobrang inis. Hinampas ko ang dibdib niya at inalis ang pagkakakurot niya sa pisngi ko. Ang sakit! Hinimas ko ang mga 'yon. "Damn you! I wasn't really investigating on something!"
Pinigilan niya ang kamay ko at inayos ang kanyang suot na long sleeves.
"I know. I also know that you're curious about something," naiiling na sabi niya at pinagpagan yung parte ng damit niya na hinampas ko. "Bagay ko ba ang outfit ko, Astrid? Sinusubukan ko nang magbago ng style!"
Napaawang ang aking mga labi. "Seriously?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya at natawa na lang din. "I'm sure magugustuhan naman ng fans mo ang kahit na anong style mo."
"E ikaw, gusto mo ba ang style ko ngayon?" Ngumisi siya sa akin at naglakad na ulit.
Kumunot ang noo ko. "It doesn't matter how I think about your style. Para kang bata," nakaismid na komento ko sa kanya at sumabay na sa kanya sa paglalakad.
Nagkibit-balikat siya at may kinapkap sa bulsa ng kanyang itim na pants. Inilabas niya ang isang papel na nakatupi ng ilang beses. Binuksan niya iyon habang pasipol-sipol pa.
"I'll be attending your class starting today." Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Ano ulit ang section mo?"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Itinulak ko siya palayo sa akin at hinarap.
"What?" Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. "Magiging kaklase kita? Wow, I don't even know if I should be happy about this," bulong ko.
Dali-dali kong kinalkal ang mga gamit ko at inilabas ang isang lukot-lukot na papel. I scanned my schedule, only to find out na ang block section na kinabibilangan ko ay katulad ng schedule na hawak niya.
"Fuck." Hindi ko mapigilang mapamura. Anong kalokohan ito? Hindi talaga maganda ang kutob ko sa pagiging magkaklase namin ni Nicholas. Isa na namang payapang klase ang magugulo dahil sa kanya!
Pabalik na kami sa building habang nagtatalo pa rin. Sinadya niya palang magpalipat sa section ko para hindi siya mainip at may bini-bwisit siya every now and then.
Natigilan ako sa pagrereklamo nang marinig namin ang isang tili na parang kinikilig mula sa mismong likuran ng aming building. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Nicholas sa kamay ko at ang pagtago namin sa malaking puno. Malalaking mga puno kasi ang makikita rito sa likod sapagkat hindi nila pinutol ang mga iyon sa pagpapagawa ng buildings.
Pilit akong sumilip. Nakita ko na lamang ang isang estudyante, may suot pang uniporme, buhat-buhat ng isang matandang propesor na parang bagong kasal.
"What's going on?" bulong ko.
"Iyon ang aalamin natin," mahinang sabi niya habang pinagmamasdan ang dalawa na naghaharutan, papasok sa isang silid, na sa tingin ko ay tago talaga dahil kung napadaan ka lamang dito sa likod, hindi mo mapapansin na may room pala roon. Sa tingin ko ay nakapaloob ang kwartong ito sa aming lecture building, ngunit saan? Wala akong makitang daan sa first floor ng building namin papunta roon.
Nang makapasok sila sa silid, isinara nila ang pinto. Unti-unti na ring nawala ang boses ng babae na parang nakikiliti.
"Tingin mo ba ito yung tinutukoy nila na ugly truth o secret ng Lupin?" tanong ko sa kanya bago kami lumabas mula sa pinagtataguan namin. Umupo muna ako sa sanga habang pinagmamasdan pa rin ang nakasarado nang pinto. "Baka naman simpleng student-teacher affair lamang iyon. Sayang sa oras."
Nagkibit-balikat si Nicholas. "Hindi na rin ako sigurado. So you were really investigating it?"
Natahimik ako sandali at bahagyang umiling. "Hindi. Hindi naman sa gano'n. The more na pinipigilan nila akong huwag alamin, mas gusto kong malaman," halos pabulong kong sabi. "Weird, I know. I just have to know... then move on."
Umiling siya. "I wonder if you'll be able to move on after knowing what really is going on in this school..."
Napatitig ako sa mukha niyang tila may inaalalang hindi niya rin gustong maalala pa. May alam ba siya? "What is it, Nicholas?" tanong ko sa kanya ngunit tanging pag-iling lamang ang itinugon niya. "I will be able to find out sooner or later. I'm saying that I'm good at analyzing data, and of course, situations." Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at nginisihan siya. "Why do I feel like I am just a few steps away from the answer?"
"What do you mean?"
"Since you once again triggered my curiosity by uttering riddles and stuff, I vow to collect data and evidence that will support the truth that I am going to search for. You won't have to tell me about it. I will find the answer myself." Tinapik ko ang braso niya. "But don't worry, I won't dig any deeper than that. I just want to know."
Sumimangot na lamang siya at napatingin sa suot nitong wristwatch. Napatingin siya sa akin nang makita ang oras.
"Lagpas alas siyete na!" nanlalaki ang mga mata niyang sabi. "Alas siyete ang klase natin, hindi ba?"
"What?"
Ilang segundo muna kaming nagkatinginan bago nagdesisyon na tumakbo pabalik sa building. Buti na lang at second floor lang ang room namin kaya hindi rin nagtagal at nakarating kami.
Nag-unahan pa kami ni Nicholas sa pagpasok sa room. Nagtutulakan kami sa tapat ng nakasaradong pinto, walang gustong magpahuli. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto.
"f**k!" naibulalas ko nang sabay kaming bumagsak ni Nicholas sa sahig. Pareho kaming nakipag-lips to lips sa sahig. Tangna, sinong nagbukas ng pinto!
Inangat ko ang tingin ko. Isang babae na naka-uniporme tulad ko ngunit sobrang iksi ng skirt nito kumpara sa akin, nakapamewang ito at nakatingin sa aming dalawa ni Nicholas.
Inis akong tumayo at pinagpagan ang suot ko bago hinarap ang babae. Nanliit ako bigla sa tangkad nito dahil hanggang dibdib niya lamang ako.
"N-Nicholas?" naibulalas ng kaklase ko nang makita ang hitsura ng isa sa mga sikat na estudyante rito sa campus.
Nangunot ang noo ni Nicholas at itinuro ang sarili. "Me? Yes, I am Nicholas Wardolf."
Dahil doon, napatili ang babaeng nasa harapan namin. Nagsitayuan na rin ang iba pa naming mga kaklase at nakiusyoso. Napatili rin ang iba nang makita ang lalaking katabi ko. Takip nila ang kanilang mga bibig habang pinagmamasdan ang kabuuan ni Nicholas.
After ilang minuto ng pag-verify kung siya nga ba talaga si Nicholas Wardolf, nagtilian na naman ang mga kababaihan. Napuno rin ng bulungan ang paligid at mukhang hindi nila inaasahan na pupunta ang tulad niya sa klasrum namin, well except siguro kay Lincoln dahil sanay naman na sila na makita siya rito sa tuwing pinupuntahan o sinusundo niya ako.
Natigilan lamang kami nang biglang marinig ang paghampas ng guro namin sa kanyang desk upang kunin ang atensyon ng lahat. "Will you keep quiet, everyone?"
Natahimik ang lahat nang dahil sa pagbulyaw ng propesor, ngunit hindi pa rin naalis ang mga tingin nila sa kinatatayuan ni Nicholas na dedma lang. Mukhang sanay na sanay na siya sa maraming atensyon at hindi na siya naaapektuhan sa mga titig nila na nakakatunaw.
Matapos silang bawalan ng aming guro ay napalingon siya sa amin. Masama ang tingin sa amin ng matandang propesor dahil late na kami.
"Sa susunod na mahuli pa kayo sa klase, and having the nerve to create such commotion, e hindi ko na kayo papapasukin," mataray niyang sinabi sa amin. Yumuko naman kaagad ako sa kanya at humingi ng paumanhin. "You may take your seat now, Miss Astrid," sabi ng propesor namin. Nagpasalamat pa ako sa kanya bago dumiretso sa upuan ko katabi si Ingrid.
Excited na naman dumaldal ang mga tingin niya sa 'kin.
"Ano na naman 'to? Alam kong kilala ka ni Nicholas, pero grabe ha, puro mga heartthrob mga nagiging ka-close mo!" bulong niya sa 'kin na tinugunan ko ng pagsiko sa kanya. "Ba't ang aga mong umalis kanina?" tanong niyang muli.
"I was checking something, then I bumped with Nicholas," bulong ko sa kanya pabalik.
Nabalik lang ang atensyon namin sa harapan nang magsalita muli ang propesor habang nakatingin sa pintuan. Nakatayo pa rin kasi roon si Nicholas at walang ginagawa.
"Wanna say something, mister?" tanong sa kanya ng aming guro sa mataray na tono. Mukhang nabigla pa siya nang kausapin siya sa ganoong tono ng matanda.
Ngunit hindi rin nagtagal ay bigla siyang yumuko nang bahagya at humingi ng pasensya, tulad ng ginawa ko kanina. "This won't happen again, Ma'am. Naligaw ho kasi ako kahahanap sa room ko since first day ko sa klaseng ito," mahabang paliwanag niya na ikinabigla ko.
Unang-una, hindi ko—o namin—lubos maisip na ang isang estudyante na galing sa Perfect Ten na pamilya ay yuyuko sa isang propesor. I heard hindi ginagawa iyon ng iba. At pangalawa, I'm surprised kung paano siyang magsinungaling without feeling guilty! Ang galing niyang magsabi ng lies!
Nangunot ang noo ng aming propesor at lumambot ang kanyang ekspresyon sa mukha. "Oh, really? Inilipat ka ba ng klase? Then it's alright. Magpakilala ka na lamang sa harapan."
Ngumiti si Nicholas sa aming guro at naglakad na patungo sa harapan. Kita ko kung paano siya titigan ng mga kaklase namin habang nakatayo siya roon. Ang iba'y halos hubaran siya sa kanilang mga tingin! I can't believe these women!
"I am Nicholas Wardolf. It's true that I am a member of the Perfect Ten, but it'll be nice if you treat me like an ordinary student," aniya at saka nag-bow sa harapan naming lahat. Malamang ay namangha ang karamihan dahil sa humbleness niya, pero na-cringe lang ako dahil hindi ako sanay makita siya na nakikisama sa ibang tao. Ang pagkakatanda ko sa kanya e parang he was done with everyone. Wala siyang pakialam if he, or his party, messes up. "I hope we all become friends," dagdag pa niya at kumindat.
But I felt like para sa akin talaga ang kindat na iyon upang asarin ako kasi alam ko naman ang tungkol sa totoong personality niya. Natatandaan ko pa noon na willing siyang huwag dumalo sa sarili niyang birthday party hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya, which was isama ako.
Ha, speaking of that party! May mga pangyayari pa rin noon na malabo pa rin para sa akin. Hindi ko pa rin matandaan kung ano yung mga nangyari noong gabing iyon na bigla na lamang nawala sa memorya ko. Ang weird lang!
"Ang cute ni Nicholas!" kinikilig na bulong sa akin ni Ingrid dahilan upang mapalingon ako sa kanya. Nakita kong isa siya sa mga grabe makatitig kay Nicholas na parang gusto niyang kagatin ang lalaki. Yung totoo, half lobo yata itong si gaga. "Sana lahat may friend na puro mga guwapo," pang-asar pa niya sa 'kin.
"Hindi kami friends," angal ko sa kanya at sinimangutan siya. Pagtingin ko muli sa harapan, nakita kong papalakad naman na si Nicholas upang umupo.
Maraming mga babae na nag-aaya sa kanya na umupo siya sa mga tabi nila, pero dahil gusto lang talaga niya akong bwisitin, pinili ni Nicholas na umupo sa tabi ko. Nagdala siya ng extra chair sa tabi ko at doon siya umupo.
"Ano yun? Hindi tayo friends?" singit niya sa usapan namin ni Ingrid. Seriously, ang layo na niya kanina pero narinig pa niya ang bulungan namin. Lakas naman ng tainga niya. Napangiwi ako nang makita siyang nag-pout. "Grabe, Astrid! All this time akala ko friends na tayo. We went to my party together, hindi ba?" tila nagtatampo niyang sabi.
Sinimangutan ko siya. "Correction: kinaladkad mo ako papunta sa party mo. Not literally, pero pinilit mo lang ako," diretsahan kong sinabi sa kanya. Imbes na mapikon e napahalakhak siya nang mahina nang dahil sa tinuran ko. "Hindi mo ako madadaan sa charm mo, ha. Alam kong hindi ka ganyan kabait," dagdag ko pa at inirapan siya. Mas lalo siyang natawa nang dahil doon.
Pinilit ko na lamang na makinig sa klase ng matandang babae na propesor namin. Maiksi ang buhok niya na hanggang leeg lamang. May katabaan siya at malaman ang kanyang mga pisngi.
Sinusubukan kong mag-focus kahit na madaming gumugulo sa isip ko, pero hindi ko akalaing mas magulo palang katabi itong si Nicholas. Hindi pa siya nakuntento sa pagsitsit ng kung ano, kinakalabit pa niya ako!
Nilingon ko nga siya. "Nicholas, shut up!" bulyaw ko sa kanya sa sobrang pikon ko.
At biglang natahimik ang apat na sulok ng silid.