Palabas na kami ni Ingrid sa klase ngunit hindi pa rin tumitigil sa pambi-bwisit itong si Nicholas. Sumabay siya sa amin sa paglalakad palabas at pilit sumisiksik sa akin. Inirapan ko lang naman siya habang pilit sinisiko palayo.
Bigla ngang nawala si Kirk sa klase namin, pinalitan naman nitong si Nicholas. Yes, hindi ko na madalas makita sa klase si Kirk. Hindi ko alam kung umalis na ba siya o 'di kaya'y absent lang. I remember na isa siya sa mga nasa meeting noong ipinatawag kami ni Principal para sa isang task sa labas ng paaralan. I guess hindi pa rin sila nakakabalik?
Kumusta na kaya sila at ang misyon? Nagkakagulo na kaya ngayon ang labas kaya hindi pa sila nakakabalik hanggang ngayon?
Nang makalabas kami ng klasrum, natigilan kaming tatlo nang makasalubong namin si Lincoln. Dahil hindi ko siya napansin kanina'y nakabanggaan ko pa siya at nasubsob ako sa kanyang dibdib.
Umurong ako at inangat ang aking ulo upang tingnan ang mala-pader na nabangga ko, at nakita ang pamilyar na pagmumukha ni Lincoln.
"How's your day?" nakangiti niyang tanong sa akin ngunit nabura kaagad iyon nang mapatingin sa left side ko. Lumingon din ako sa tinitingnan niya at naalalang nandito nga pala si Nicholas, ang isa sa mga mortal na kaaway ng mga Conor. Nakalimutan ko ang tungkol sa bangayan ng dalawang pamilya!
Muli akong humarap kay Lincoln upang magpaliwanag, ngunit tila may namumuong kuryente sa kanyang mga mata na handa nang tustahin si Nicholas. Bago pa mangyari iyon, pumagitna na ako sa kanilang dalawa at halos yakapin ko pa si Lincoln upang pigilan siya sa paglapit sa huli.
"He's my classmate," mabilis kong sabi sa kanya dahilan upang mapatingin siya sa 'kin. Kita ko sa mga mata niya na mas lalo siyang nainis nang dahil sa sinabi ko. "And we're friends. I'm not saying that you should also be friends with him, but don't fight for f**k's sake. At least not in front of me," nakasimangot kong sabi at nilingon din si Nicholas upang iparating din sa kanya ang sinabi ko dahil para sa kanilang dalawa talaga 'yon.
Bumitaw ako kay Lincoln at hinila sa braso si Ingrid bago ako padabog na naglakad palayo. Narinig ko pa ang pagtawag ni Lincoln sa pangalan ko pero hindi talaga ako lumingon sa kanya.
"Haba ng hair," mapang-asar na bulong sa akin ni Ingrid at saka sinundot ang tagiliran ko.
"Shut up," bulyaw ko sa kanya.
Tahimik kaming kumain ng lunch ni Ingrid sa cafeteria. Hindi kasi sumunod sa amin ni isa sa dalawa. Hindi ko alam, baka nagsuntukan na yung dalawang 'yon doon. Tama bang iniwan ko sila roon? Ha, pareho na silang matanda at nasa tamang pag-iisip. Bakit ko pa sila poproblemahin!
Pero teka, hindi naman siguro mapapa-transform into werewolf si Lincoln sa sobrang galit ano? Napailing na lamang ako sa naisip ko. Imposibleng mangyari 'yon as Lincoln has the strongest control among all the werewolves in his pack.
Matapos naming kumain ay nagpaalam ako kay Ingrid na babalik na muna sa dorm at baka hindi na ako makapasok sa susunod na klase dahil masakit ang ulo ko. Ang suspetya ko ay dahil sa puyat kagabi at maaga pa akong nagising kanina. Kulang lang siguro ako sa tulog.
Kaya naman hinatid pa ako ni Ingrid sa dorm dahil baka mahimatay raw ako on my way back. Hindi siya umalis hangga't hindi ako nakakatuloy kaya sigurong late 'yon sa unang klase namin sa hapon.
Ako nama'y mahimbing na nakatulog na tila ba may humehele sa akin. Kulang nga ako sa tulog.
Nagising lang ako nang dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto namin. Napamulat ako ng mga mata at pupungas-pungas na tumayo upang buksan ang pinto. Hesitant pa ako noong una ngunit kaagad ko ring naramdaman ang presensya ni Lincoln.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang kanyang pokerface na pagmumukha. Hindi na bago ang ekspresyon niyang iyon kaya hindi ko matukoy kung galit ba siya o wala lang. Ngunit sa tingin ko ay kumalma naman na siya mula sa galit niya kay Nicholas kanina dahil nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya nang masilayan ang bagong gising kong mukha.
"Bagong gising?" tanong niya sa akin. Kumunot saglit ang noo ko pero tumango rin ako kaagad.
"Antok pa nga, eh," tugon at reklamo ko dahil sa pang-iistorbo niya sa pagtulog ko, although enough naman na yung almost tatlong oras na pagtulog ko. Namamaos pa ang boses ko na ikinangiti niya nang bahagya.
"Eto, pampagising," tanging sinabi niya at nagulat na lamang ako nang mabilis niyang ibinaba ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ang aking mga labi. Isang segundo lamang iyon at kaagad din siyang tumayo nang maayos habang mayroong nakakalokong ngiti sa mga labi. Literal na namilog ang mga mata ko at nagising ang diwa ko nang dahil sa ginawa niya! "Mukhang effective naman," mapang-asar niya pang sabi.
Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko sa pamumula. Sobra akong kinakabahan na tila ba lalabas ang puso ko mula sa ribcage niyon. Grabe talaga ang epekto niya sa 'kin! Kung mahina lang ang puso ko, matagal na akong inatake! Malakas talaga ang dating niya sa 'kin, kahit ang presensya lamang niya.
Naalala ko tuloy noong unang beses ko siyang makaharap muli rito sa paaralan after so many years. I was really scared. Takot na baka may gawin siyang masama sa akin. But I think he has already proved me enough that he couldn't harm me; that he is a good werewolf.
Nang makabawi ako, hinampas ko siya nang malakas sa braso niya. Napahalakhak siya dahil doon habang hinihimas pa niya iyong pinalo ko. Pumasok na rin siya sa loob at isinara ko na ang pinto ng silid.
Bumalik ako sa kama ko at umupo roon. Nawala na talaga ang antok ko nang dahil sa ginawa niya. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako!
Umupo siya sa tabi ko. "Astrid," pabulong na tawag niya sa akin.
"What?" mataray na tanong ko although pang-cover ko lang iyon sa nararamdaman kong hiya at kaba dahil hindi pa rin maka-move on ang puso ko sa mabilis na halik na iyon. It was different, eh. Hindi lang siya dala ng bond na nararamdaman namin as mates. It was a simple, genuine kiss!
"Sorry about earlier," bulong niya sa tainga ko. Nagtayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ang mainit niyang hininga na tumama sa likod ng tainga ko.
Napalunok ako ng laway ko nang muli kong maramdaman ang mas bumilis pang pagtibok ng puso ko. Damn, ito na yata yung hindi matuloy-tuloy na atake ko sa puso!
"Just don't do that again," matigas na sabi ko kahit na gusto na namang bumigay ng puso ko sa kaunting haplos lamang ng mga salita niya. "Picking a fight with him, or anyone else."
"No," matigas din niyang sagot. Aba, sinusubukan niya talaga ako, ano? Lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Yung mga tingin naman niya sa 'kin ay chill lang, tipong wala lang sa kanya ang sitwasyon.
"Then, apology not accepted," matigas ko ring sabi at tumayo ako habang nakasimangot pa rin sa kanya. "Ako na lang ang aalis," Akmang maglalakad na ako paalis nang hawakan niya ang kamay ko. Nagdala ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko ang pagdampi ng kanyang balat sa akin. Hinila niya ako at muli akong pinaupo sa tabi niya.
"I said no," muli niyang sabi. Napalingon ako muli sa kanya na talagang magkasalubong na ang mga kilay ko. Seryoso ba siya? "I mean I'm not doing it again," dagdag pa niya at bahagyang napangiti na tila ba inaasar niya lang ako.
Hindi ko siya pinansin ngunit nawala na kaagad yung inis sa dibdib ko mula pa kanina. Nabigla ako nang hinapit niya ang bewang ko at mas idinikit niya ako sa kanya. Yumakap siya sa akin at ibinaon ang ulo niya sa leeg ko. What the hell was he doing?
Hindi ako makagalaw. Narinig ko na lang ang mahina niyang pagtawa.
"Walang nakakatawa, Mr. Conor!" angal ko sa kanya. Patuloy lamang siya sa pagtawa. Ilang minuto kaming ganito ang posisyon at pagkatapos kumalas na rin siya sa pagkakayakap.
"You know that I care for you and your feelings," he muttered. Hindi ko mapigilang ngumiti. Yung puso ko rin ay nagta-tumbling na sa ribcage nito.
"I know," sagot ko. Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa and our hearts knew how we both felt at that moment. Hindi na ako umangal when he gave me a quick peck on my lips. Pagkatapos ay yumakap siya muli sa akin nang sobrang higpit. Sa tuwing may physical contact kaming dalawa, I feel the safest. Sigurado akong he feels the same way. It's because of the bond!
"I'm glad that you know," bulong niya sa tenga ko na nakapagpataas ng mga balahibo ko. Hinapit niya muli ang bewang ko at hinila ako paharap sa kanya. Tinulungan niya akong itaas ang mga binti ko sa kama upang tuluyan na akong mapaharap sa kanya habang magkayakap pa rin kami.
Nang kumalas siya sa pagkakayakap, sinimulan naman niya ang paghalik sa aking leeg. Napakapit ako sa kanyang mga balikat nang dahil sa ginawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at tuluyan nang nagpaubaya. My body wants his touches; it was longing for it! f**k this bond!
Naramdaman ko na lamang ang mainit niyang mga labi na nakarating na sa aking pisngi, sa aking tainga, hanggang sa makabalik iyon sa kung saan nararapat. Naramdaman ko ang malambot niyang mga labi sa aking mga labi. We were both hungry for each other and we both know that.
Kusang yumakap ang aking mga braso sa kanyang leeg at mas lalong nadiin ang mainit na paghalik niya sa aking mga labi. Dahan-dahan akong inalalayan ni Lincoln sa aking paghiga, kasabay noon ang mas lalong paglalim ng aming mga halik.
I could feel it. Lincoln had already lost control, so was I. I was slowly responding to his kisses... then naramdaman ko ang pagngiti niya in between our kisses. It was as if he was enjoying it or... he was just simply happy that I finally responded.
His hands were finally on my blouse. Bubuksan na sana niya ang mga butones ng aking uniporme ngunit natigilan ako nang biglang mayroong kumatok sa pinto. Kahit na mahina lamang iyon ay narinig ko iyon.
"Astrid, nandiyan ka na ba?" narinig kong boses ni Ingrid mula sa labas. Tapos na ang klase namin!
Bago pa buksan ni Ingrid ang pinto gamit ang susi niya, mabilis kong itinulak si Lincoln palayo sa akin at saka ako bumangon. Umupo ako sa kama at inayos ang sarili ko, pati na ang gulo-gulo kong uniporme.
Si Lincoln naman ay tila nanghina at umupo na lamang sa sahig habang nakasimangot sa akin. Pinanlakihan ko lamang siya ng mata at saka inayos ang suot niya ring uniporme dahil mukhang wala siyang balak gawin iyon upang maging presentable man lang sa harapan ni Ingrid, upang hindi iyon maghinala na may ginawa kami!
Matapos kong ayusin 'yon ay umupo na ako ulit nang maayos at tumingin sa pinto. Kasabay noon ay ang pagbukas ni Ingrid sa pinto gamit ang kanyang susi. Pumasok siya na may dala-dalang pagkain na galing sa cafeteria. Natigilan lang siya nang makita ako na nakaupo at si Lincoln na nasa sahig.
Napakurap siya nang maraming beses. "Maayos na ba ang pakiramdam mo? I bought a rice porridge for you," aniya at binuksan ang dala niya sa mesa. "Pero I think okay ka naman na dahil mas malakas pa sa gamot ang dumating," mapang-asar na wika niya.
Nagmadali akong bumaba sa kama. Dinaanan ko si Lincoln na nakasimangot pa rin sa akin. Inismiran ko lamang siya at naglakad na papunta sa lamesa.
"Hindi na masakit ang ulo ko. Kulang lang talaga ako sa tulog," sabi ko sa kanya at naupo. Kinuha ko ang disposable spoon na kasama ng dala niyang pagkain at tinikman ang mainit na sabaw ng lugaw. Pagkatapos ay ngumiti ako kay Ingrid. "Thank you," I mouthed.
Umupo lang naman siya sa tabi ko at pinanood akong kumain. "Sigurado ka bang kakagising mo lang?" bulong niya sa akin dahilan upang mabulunan ako. Napaubo ako nang maraming beses kaya inabutan niya ako ng isang baso ng tubig. Ininom ko iyon kaagad at ipinatong ang baso sa lamesa.
"Ya! Ano ba'ng gusto mong palabasin?" bulyaw ko sa kanya. Napahalakhak siya kaagad nang dahil sa reaksyon ko.
"Wala naman akong iniisip na masama. Napaghahalataan kang guilty!" mahinang sabi niya sa 'kin at lumingon sa direksyon ni Lincoln bago muling bumulong sa akin. "Ang ayos ng uniform at upo mo pagpasok ko, pero hindi mo man lang inayos ang buhok mo," muli niyang bulong at saka ginulo ang gulo-gulo kong buhok.
Damn it.