Kabanata 37

2117 Words
Lunch break. Nandito kami ngayon ni Ingrid sa field, sa ilalim ng puno. Dala namin ang lunch trays namin at dito namin naisipang kumain for a change. Bukod sa tahimik na, ang sarap pa ng simoy ng hangin! "Ingrid, baka gabihin na ako sa pag-uwi. May duty ako sa library, eh. Naalala mo, nag-apply ako noon bilang student assistant? Ngayon pa lang ako tinawag," kuwento ko sa kanya habang kumakain at nakatingin sa malayo. "Ikaw naman ang maiwan sa dorm." "Why? Hintayin kita. Para may kasama ka sa pag-uwi," tugon niya. Napalingon ako sa kanya at sinimangutan siya. Ingrid is very caring. Talagang isasakripisyo niya ang pahinga niya dahil lang wala akong kasamang babalik sa dorm. "Hindi na, Ingrid. Ipahinga mo na kaagad at may training ka pa sa susunod na araw," pagkumbinsi ko sa kanya dahil magpupumilit pa 'yan. "Ha! Alam mo, tama ka. Inaantok na nga ako ngayon pa lang," aniya at humalakhak. Napangiti na lamang ako sa ugali niyang sobrang carefree at tila walang inaalala, unlike noong unang beses namin nalaman ang tungkol sa pagkamatay ng Seer na halos sumunod na rin kami sa kabilang buhay. Bumalik na malamang ang pag-asa na lumubog noon. Bumuntong-hininga ako. "Sana bumalik na sa dati, ano?" Napalingon sa akin si Ingrid at nginitian ako. That smile was actually reassuring kahit na wala siyang sabihin na pampalubag loob. Natapos kaming kumain ni Ingrid at nagkwentuhan na lang kami, ngunit bigla siyang ipinatawag sa Principal's Office kaya nagpaalam siya sa 'kin. Pareho kaming napasimangot pero wala naman din kaming magagawa pareho. At dahil mahaba pa ang oras ng lunch, nag-decide akong ibalik yung trays at pinagkainan namin tapos ay naglakad lakad muna ako sa campus. May ilang estudyanteng nakilala ako dahil kay Lincoln. Lumapit ang ilan sa akin at kinumusta ako. Hindi ko alam pero mukhang wala naman silang grudge sa akin. Nakiusap pa sila na magpa-picture kasama ako gamit ang kanilang camera. Pumayag naman ako at nagulat pa ako nang lumapit ang grupo nila sa akin at niyakap ako na tila ba kilog na kilog na mahawakan ako. Nang tumatagal na, nag-excuse na ako sa kanila at tumakbo palayo pero hinabol ako! Grabe mga estudyante rito! Napadpad ako lang ako muli sa malawak na field, ngunit sa pagkakataong iyon ay mayroon nang mga estudyante na naglalaro doon para sa kanilang Physical Education subject. Tumingin-tingin ako sa paligid upang siguraduhin na wala nang nakasunod sa akin. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makitang wala naman na. Kaso nga lang, much worse pa pala ang madadatnan ko rito sa field. Sa kakatakbo ko habang palingon-lingon, may nakabanggaan akong isang grupo ng mga babae. Pag-angat ko ng tingin ko, nakita ko si Thania na masama ang tingin sa akin. Sa tabi niya ay si Tamara na kakambal niya na halos lamunin din ako nang buhay sa mga tingin niya. Sa likod nila, malamang, ay mga alipores nila na gusto rin akong gisahin at ipakain sa mga halimaw. Biglang sumakit na naman ang sugat sa aking wrist. Matagal na 'yon at dapat ay gumaling na iyon, but strangely, fresh pa rin ang sugat at nangingitim pa rin. Ngunit mas masakit pa roon ang ginawa ni Thania sa akin noong araw na iyon. Naramdaman ko na lamang ang malakas na sampal niya sa akin na nakakuha ng atensyon ng mga kaklase niyang naglalaro sa field. "Nandito pala ang anak ng scammer at mamamatay tao," komento niya bigla nang mapansin na dumarami na ang taong nakapalibot sa amin. Noong una ay hindi ko kaagad napansin ang sinabi niya dahil walang kwenta lang naman madalas ang lumalabas sa bibig niya, ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ang sinabi niya. Napalingon ako sa kanya at tiningnan siya nang diretso sa mata. "What?" tanging nasabi ko. May namumuong kaba sa aking dibdib at pakiramdam ko ay masusuka ako. Sobrang tagal na panahon na nang marinig ko ang mga salitang iyon na binabato sa amin—sa akin. Sa bawat segundong tumatagal na nakatingin ako kay Thania, para siyang nagiging demonyo sa paningin ko. So she finally did a research about me and found that dirt... Napangisi siya sa 'kin nang mapansin ang reaksyon ko. "I said anak ka ng scammer at murderer! Mali ba ako?" natatawa-tawa pa niyang sabi na talagang nanunuya. Umabante rin si Tamara at tinulak ang dibdib ko kaya napaatras ako at muntik pang matumba. "Ano? Papatayin mo rin kami tulad ng ginagawa ng tatay mo noon?" aniya habang patuloy sa pagtulak sa aking dibdib. Hindi ako makapagsalita. Sinubukan kong ibuka ang aking mga labi ngunit walang boses na lumalabas mula roon. Naramdaman ko rin ang paghapdi ng aking mga mata at ang pag-init ng sulok ng mga iyon. Nanatili akong nakatayo, tinutulak-tulak, hanggang sa bumagsak na ako sa damuhan. Wala pa rin akong naging reaksyon. Nakatitig lamang ako sa damuhan at paulit-ulit kong naririnig sa tainga ko ang mga salitang ibinabato nila sa tatay ko at sa akin. Mas lalong nagpalala ang sabay-sabay na mga bulungan sa paligid. May lumapit pa na isang lalaki sa akin at sinakmal niya ang aking baba. Pilit niyang inangat ang ulo ko sa kanya upang makita ko ang pagmumukha niya. "Scammer at mamamatay tao ka rin ba tulad ng tatay mo? Tapos yung nanay mo, 'di ba dating sumasayaw sa club?" Napuno ng tawanan ang buong paligid. Ako nama'y walang reaksyon na nakatitig lamang sa mukha ng lalaking hawak ang aking baba. Pinandidilatan niya ako ng kanyang mga mata na tila ba masisindak niya ako roon. Gamit ang naipon kong lakas ng loob, itinabig ko ang kamay nung lalaki at sinamaan siya ng tingin. Kung masama na yung tingin niya sakin kanina, sampung beses na mas masama pa ang tingin na ipinukol ko sa lalaking nasa harapan ko. Kung posible pa ba iyon. How dare them mock my family? Ang pamilya ko na walang ibang ginawa kung hindi isakripisyo ang mga sarili nila para maka-survive kaming lahat sa cruel na mundong ito. "Lalaban ka? Ha?" Pinanlakihan ako ng mata nung lalaki pero hindi ako natinag. Mabilis na tumayo ako at buong lakas na sinampal siya sa kanyang mukha. Kaya naman naging alerto sina Thania at Tamara, pati na ang lima pang mga lalaki na pinalapit niya upang pagtulungan ako. Bakas ang matinding galit sa mga mata ng lalaking sinampal ko. Naramdaman ko na lamang ang paghila niya sa buhok ko at ang pagbawi niya sa akin ng isang mas malakas pa na sampal. Sunud-sunod ang ginawa niyang pagsampal sa akin hanggang sa bumagsak ako muli sa damuhan at hindi na makalaban pa. Habang nakaupo sa damuhan at nakatingin lang sa lupa, naramdaman ko ang pagtulo ng malapot na likido sa aking mga labi. I'm bleeding. Sa bigat ng kamay ng lalaking 'yon, siguradong nagawa niyang pamagain ang aking pisngi sa lakas ng mga sampal niya. Sinubukan ko pang tumayo dahil hindi naman napuruhan ang mga paa at katawan ko, ngunit naramdaman ko lamang muli ang paghila ng kung sino sa aking buhok at ang pagsipa ng ilang pares ng mga paa sa buong katawan ko. Napahiga na lamang ako sa damuhan habang hinahayaan silang tadyakan ang katawan ko hanggang sa hindi na talaga ako makatayo. Tumigil lamang sila nang makita nilang bugbog sarado na ang buong katawan ko at nakasubsob na lamang ako sa d**o. Dahil hindi na ako makatayo, sinubukan ko na lamang na gumapang palayo sa kanila. I didn't cry, but my heart ached a lot. Ang tanging sinisigaw lamang ng puso ko noong mga oras na iyon ay ang pangalan ni Lincoln. Ramdam ko pa rin ang presensya nina Tamara at Thania, pati na ang mga alipores niya. Nandito pa rin ang ibang mga estudyante na nakikiusyoso lang, pero lahat sila ay walang ginawa upang pigilan ang grupo na nanggugulpi sa akin. Nang wala na akong naramdamang nananakit sa akin, sinubukan kong umupo. Gulo-gulo ang aking buhok na tumatakip sa sugatan ko nang mukha na bugbog sa sampal at pagpadyak nila kanina. Napatingin lamang ako sa kawalan saka naramdaman ang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha. What did I do to deserve this treatment? Hindi ko alam kung ano ang mas masakit. Ang mga p*******t na ginawa nila sa akin ngayon o ang tawagin nilang scammer at mamamatay tao ang aking ama? Na sumasayaw lamang sa club ang aking ina noon upang mayroon kaming makain? Ano ang karapatan nilang pagtawanan at insultuhin ang mga magulang ko? Hindi ko ininda ang lahat ng sakit sa katawan ko na idinulot nila at ang mga masasakit na salitang ibinato nila sa akin. Mas minabuti kong huwag na lamang pumatol sa kanila upang matapos na ang usapan tungkol sa pamilya ko. Sinubukan kong tumayo kahit na sobrang sakit ng laman-laman ko. Napamura pa ako nang may kumirot sa kung saan sa katawan ko nang tuluyan akong makatayo. Paika-ika akong naglakad palayo, kahit na naririnig ko ang mga estudyante sa paligid ko na pinagtatawanan ako at ang pamilya ko. Nilunok ko na lamang lahat ng sama ng loob ko at nag-desisyon na umalis na lamang. Ngunit naramdaman ko na mayroong bumangga sa akin dahilan upang bumagsak muli ako sa damuhan. Nang iangat ko ang ulo ko, nakita kong dinaanan ako ni Thania at Tamara. "This is what you get for messing with me!" aniya at sinipa pa ang tagiliran ko bago tuluyang umalis. Wala akong nagawa kung hindi ihatid lamang sila ng masasama kong mga tingin na sinusumpa na silang dalawang magkapatid sa itim ng mga budhi nila. Alas otso na ng gabi. Hindi ko na alam kung paano ako nakabalik sa dormitoryo nang ganito ang kalagayan ko. Hindi na rin ako nakapasok sa library dahil sa nangyari at bukas na lamang ako magsasabi. Nang pagbuksan ako ni Ingrid ng pinto sa dorm, halos mamula siya sa galit nang makita ang kalagayan ko. Hindi na nakayanan ng katawan ko nang makita siya at bumagsak na lamang ako sa kanya. Mabuti na lamang ay nasalo niya ako at tinulungan niya akong maupo sa kama ko. Hindi pa siya nagsasalita noong mga oras na iyon. Nakatingin lamang siya sa kalagayan ko at nakikita ko sa mga mata niya na galit na galit siya ngunit pinipigilan niya ang sarili niya. Tahimik siyang kumuha ng first aid kit at nilinis niya ang mga galos at sugat ko sa kamay, braso, binti, at buong katawan ko nang dahil sa natamo ko kanina. Mayroon din ako sa mukha na ikinakunot niya ng noo. "Astrid, what happened?" kalmado pero seryosong tanong ni Ingrid while tending on my wounds. Mararamdaman mo talaga na may mali sa kanya sa tono ng boses niya. "I..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil pakiramdam ko ay bubuhos na naman ang pag-iyak ko kapag nagkwento ako. "It's a warning from Greends Sisters," tanging nasabi ko. Hindi ko pa kayang magkwento nang detalyado at sumasakit ang dibdib ko. Mukhang naintindihan naman kaagad ni Ingrid ang sinabi ko. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang mga panga ngunit pilit niyang pinigilan ang sarili niya. "We already saw this coming, but f**k. I want to kill them," nanggagalaiti niyang sabi at pilit na nag-pokus sa mga sugat ko. Nanatili akong nakatingin sa mukha ni Ingrid na hindi na maipinta nang dahil sa galit. Nahihirapan din siyang mag-pokus sa paglagay ng gamot sa aking mga galos at sugat sa tuwing naaalala niya ang dahilan ng kalagayan ko. "Alam mong hindi big deal sa akin ang lahat ng 'to," malumanay na sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya. Inangat niya ang ulo niya upang tingnan ako at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ang ekspresyon ko sa mukha. My stares were blank and cold. "But those bitches went really low and dug into my background." Namilog ang mga mata ni Ingrid nang ma-realize ang ibig kong sabihin. "f**k them," nanggagalaiti niyang bulong. Hindi na ako muling umimik matapos noon. Pinanood ko lamang si Ingrid na takpan ng gasa ang malalaking mga sugat ko at saka nilagyan iyon ng tape upang hindi maalis. Umupo siya sa tabi ko at marahan niya akong niyakap dahil alam niyang masakit pa rin ang buong katawan ko. Maya-maya pa ay narinig ko ang malakas na pag-iyak niya. "Hindi dapat kita iniwan," humahagulgol niyang sinabi. Sa huli, siya pa pala ang papakalmahin ko. Hinagod ko ang likod ni Ingrid at pinatahan siya. Mas malakas pa ang ngawa niya kaysa sa akin na nasaktan talaga, pero hinayaan ko na lamang. Like I said, Ingrid is such a caring friend to the point na mas nauuna pa siyang masaktan kaysa sa 'yo na nakatanggap ng sakit. Napangiti na lamang ako and the rage that I was feeling then subsided. Niyakap ko siya nang mahigpit to calm her down.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD