Hindi ko na napigilan pa si Lincoln nang bumitaw siya sandali sa akin. Nilapitan niya ang ibang mga estudyante na nakapalibot sa amin at nakikiusyoso at hinawakan sa mga kwelyo.
"Who did this to her?" nanggagalaiting tanong niya sa mga iyon. Nag-aapoy ang kanyang mga mata at parang gustong pumatay. Ito na nga ang kinatatakot ko talaga! Paano kung bigla siyang maging lobo?
Pero base sa nabasa ko, may mga pagkakataon na nagta-transform sila into werewolves nang hindi nila ginugusto. It is part of the curse. Kinakabahan din ako para roon! Pero naisip ko na sa tagal naman nang pinagdadaanan ni Lincoln ang pagiging lobo at ang biglaang pag-transform, I guess alam naman niya ang dapat na gawin if ever na mangyari 'yon.
Sinubukan kong maglakad papalapit kay Lincoln upang pigilan siya sa ginagawa niya ngunit nanlambot bigla ang mga tuhod ko at muntik pa akong matumba. Dalawang kamay ang naramdaman kong humawak sa magkabilang braso ko upang pigilan ako sa pagbagsak sa sahig.
"Are you okay?" narinig kong boses ni Ingrid sa kanan ko. Nag-aalala ang boses niya, para sa 'kin, hindi para kay Lincoln na literal na nagwawala ngayon. Walang kayang umawat sa kanya, maging ang mga propesor na dumadaan ay napahinto lang at napatanga.
"Ingrid, please take Astrid to the dorm. Ako na ang bahala kay Lincoln," rinig ko naman na boses ni Nicholas sa kaliwa ko. Bumitaw na siya sa 'kin at naglakad papalapit kay Lincoln. That actually felt reassuring, pero paano naman ako aalis na ganito ang sitwasyon?
Hinila ni Ingrid ang braso ko na para bang sinasabi na umalis na kami. Mabagal lamang akong nagpahila sa kanya habang ang atensyon ko ay nakatuon pa rin kay Nicholas na papalapit kay Lincoln.
Napangiwi pa ako nang marinig ang pagbagsak ng bulletin board dahil pinagsisipa iyon ni Lincoln. Bruh, bakit niya pilit binubunton ang galit niya sa mga bagay sa paligid niya?
Sakto naman na nakalapit na si Nicholas kay Lincoln. Hindi ako sigurado kung magiging maayos ba ang pakikiusap niya sa huli dahil may mahabang history yata ang mga pamilya nila bilang mortal na magkaaway.
Hinawakan ni Nicholas ang braso ni Lincoln at sinabing, "Bro, calm down—" Naputol ang sasabihin ni Nicholas nang biglang gumalaw si Lincoln at binalibag siya sa malapit na pader.
Napaawang na lamang ang mga labi ko nang makitang humampas si Nicholas sa pader at bumagsak sa sahig. Napadaing siya nang malakas at napahimas na lamang sa likod niya. Bro, ang sakit nun sigurado...
"I can't watch this," bulong ko kay Ingrid at marahan na bumitaw sa kanya. Lalapit na sana ako sa direksyon ni Lincoln nang biglang mayroong isang babae na humangos palapit kay Lincoln. May malaking distansya pa rin naman dahil siguro sa takot na siya naman ang ibalibag, ngunit buong loob itong humarap sa huli.
Wait... she is familiar!
"I saw them—I saw them hurt Miss Astrid!" matapang na sabi niya at itinaas ang kamera na hawak niya. "Ako ang kumuha sa mga larawan na nakita mo. I posted them sa bulletin board dahil gusto ko ng hustisya para kay Miss Astrid!"
Napakurap ako nang maraming beses habang nakatingin sa matapang na babae who stood on her feet upang ipaglaban ang sa tingin niya'y tama. That's right, isa siya sa mga grupo ng mga babae na nagpa-picture sa akin noong araw na naganap ang panggugulpi sa akin. Isa siya sa mga humabol sa akin noong tinakasan ko sila!
Nangunot ang noo ni Lincoln, bahagyang kumalma. "Who hurt my Astrid?" seryoso niyang tanong.
Hindi ko alam kung mapapatalon ang puso ko sa mga tinatawag niya sa 'kin. Narinig kong ni-refer niya ako kanina as his woman, then ngayon he said 'my Astrid' naman?
Napalunok pa ng maraming laway ang babae bago muling nagsalita. Marami sila noong araw na iyon na nagpakilala bilang fans ng love team namin ni Lincoln, ngunit nag-iisa lang siya ngayong humarap. I feel proud.
"If ia-assure mo ang kaligtasan ko, kaya ko silang i-enumerate isa-isa. Mulo sa ulo nila hanggang sa mga buntot," punong-puno ng tapang na sinabi niya.
Lalong nagdilim ang mukha ni Lincoln. "If I have to give you a couple of bodyguards to assure you that you will be safe from those fuckers, I will. Just spill all the beans so I can c***k them open." Madiin ang bawat salitang binanggit ni Lincoln at sigurado akong tagos sa buto ang galit niya sa mga iyon.
Nako, hindi ko naman siya pipigilan kung gusto niyang paslangin sina Thania at Tamara. Pikon na pikon na ako sa magkambal na iyon. But I'm sure Lincoln wouldn't go that far, so I'm leaving the rest to him.
Lumingon ako kay Ingrid at ngumiti, saka ako na mismo ang nag-aya sa kanya na bumalik na kami sa dorm. Nagtataka naman siyang umakbay sa akin at inalalayan ako sa paglalakad.
Nakarating kami sa dormitoryo nang walang kahirap-hirap. Tahimik sa labas at sa mga nadaanan namin dahil halos lahat yata ng estudyante ay nakikiusyoso na sa pagwawala ng famous na si Lincoln.
"He won't really kill them... right?" alangan na tanong ni Ingrid sa akin dahilan upang mapahalakhak ako. I can't blame her, though. Hindi kasi marunong magbiro si Lincoln at kapag sinabi niya, kahit pa aakalain ng lahat na hindi niya kayang gawin because he will face some bad consequences for that decision, e gagawin niya talaga. "Right... Astrid?" pag-ulit pa niya. Gusto talaga niya ng assurance galing sa 'kin na hindi makakayang gawin ni Lincoln ang paslangin ang magkambal kapag nalaman niyang sila ang pasimuno sa mga ginawa nila sa 'kin.
Lumingon ako sa kanya at mas lumakas pa ang pagtawa ko dahil sa seryoso niyang mukha. "He won't," I assured her. Nakahinga naman siya nang maluwag dahil doon at pabagsak na nahiga sa kama niya. Mukhang kinailangan niya talaga ang paniniguro ko upang makahinga siya, ah.
Nanatili siyang nakatitig sa kisame habang nakahiga. "It was just like... his burning eyes looked like he was ready to kill."
Tumango ako sa kanya. "He was, but he won't. Lincoln's self control is amazing," paniniguro kong muli sa kanya habang napapangiti pa sa hindi ko malamang kadahilanan. Yes, hari talaga siya ng self-control... except the last time! Natigil lang ako sa malisyosong pag-iisip nang biglang umupo sa kama si Ingrid at lumingon sa akin na ikinabigla ko.
"Right? That's a relief," aniya sa akin at sa hitsura niya ay mukha ngang nawala na ang bigat na nakapasan sa kanyang likod. "Makakatulog na rin ako nang mahimbing."
Napailing lang ako sa kanya. "But I didn't say he won't do anything to them."
Third Person
Habang naglalakad paalis ng field ang grupo nina Tamara at Thania dahil katatapos lamang nilang maglaro ng soccer, apat na kalalakihan ang maangas na sumalubong sa kanila. Nakaputing damit ang mga iyon na mapapansin na puno ng dumi na tila ba nagpagulong-gulong ang mga iyon sa alikabok.
Ang grupo ng kambal na sina Tamara at Thania ay binubuo ng lagpas sampung katao in total. Limang kababaihan at anim na kalalakihan na silang kasabwat ng dalawa sa panggugulpi kay Astrid.
"It's pretty peaceful these past few days," nanunuyang sabi ni Thania nang hindi pa napapansin ang apat na kalalakihan. Pinatutungkulan niya ang pananahimik ni Astrid mula sa ginawa nila sa kanya. Well, hindi naman din niya ine-expect na magsasalita ito dahil hindi naman niya iyon ugali.
Lingid sa kaalaman nilang lahat na malakas pang nagtawanan, ang apat na lalaking papalapit sa kanila ay mga miyembro ng pack ni Lincoln. Inutusan niya ang apat na iyon upang bigyan leksyon ang ubod ng sama ng budhi ng grupong iyon.
Gusto sana ni Lincoln na siya mismo ang gumawa no'n upang maramdaman niya sa sarili niyang mga kamay ang hustisya na para kay Astrid, ngunit pinigilan siya ng dalawa niyang kapatid dahil may mas importante siyang dapat gawin bukod doon. Pero para sa kanya, walang ibang mas importante sa paghihiganti niya sa kambal. Naisip niya na ipagpaliban na muna ang pansarili niyang higanti, bukod pa sa gagawin ng mga inutusan niyang kapwa mga lobo.
Finally, napansin na ng grupo nina Thania at Tamara ang apat na kalalakihan ngunit bago pa sila makapag-react, sabay-sabay na nag-ibang anyo ang apat na iyon at naging mga lobo. Namilog ang mga mata ng kasamahan ng kambal habang nanatili silang nakatayo at hindi makapaniwala sa pag-ambush sa kanila. Sinusubukan pa nilang umisip ng paraan upang makalayo sa sitwasyon nila, ngunit bakas sa mukha nila na ang tanging paraan na lamang upang magawa nila iyon ay lumaban.
Ngunit ano nga ba ang laban nila sa mga lobo?
Tumalon ang isang lobo sa limang kababaihan na nagsigawan at nagtilian. Sinubukan nilang humingi ng tulong sa kabigan nilang kambal ngunit tila bingi ang mga iyon, na-estatwa nang dahil sa mga nangyayari.
Ang dalawa pang lobo naman ang humarap sa anim na kalalakihan. Walang silbi ang malalaki nilang mga katawan sa mga matutulis na kuko ng mga lobo.
Ang huling lobo naman ay walang alinlangan na sumugod sa kambal. Dahil wala silang ibang panlaban sa lobo, sumigaw na lamang si Thania. "Stop!" aniya at yumakap sa kakambal niyang si Tamara upang protektahan ito.
However, malinaw ang utos ni Lincoln sa apat na lobo. Na ibalik nila sa grupong iyon ang ginawa nila kay Astrid. Walang kahit anong sigaw o otoridad na galing sa mga anak ng mayamang pamilya ang makakapigil sa kanila.
The werewolves bit everyone dahilan upang magdugo sila. They did not do it to kill them nor turn them into werewolves, but to give them immense pain. Hindi lamang iyon, napuno ng malalalim na kalmot ang buong katawan ng limang kababaihan at anim na kalalakihan, sapat na upang hindi sila makalabas ng lungga nila sa loob ng tatlong buwan. This is how the Conors pay their enemies back!
Ngunit nagulat ang ilan sa mga lobo nang biglang mag-ibang anyo ang kambal at sumugod sa kanila. Hindi alam ng ibang lobo ang tungkol sa pagiging lobo nila, mula sa ibang pack, kaya hindi sila kaagad nakapag-react. Napuruhan ang dalawa sa kanila habang ang isa ay nakabawi pa lamang at umatake rin.
Ang isang lobo lamang sa kanila ang nanatiling nakatayo at nakamasid lamang sa mga galaw ng kambal. Tila ba inaasahan na niya na magpapalit ng anyo ang dalawa upang lumaban. Ngunit sa isang beses na pag-atake nito ay napatumba niya kaagad ang kambal na lobo.
Sa pagkurap lamang ng mga mata nila ay nakatayo na ang kanyang mga lobong paa sa katawan ng dalawang lobo. Dumaing ang mga iyon ngunit hindi na sila makawala pa na tila nakakulong sila.
Dahil doon, tumayo ang iba pang mga lobo at bumalik na sila sa kanilang taong anyo. Lahat ay kapwa hubo't hubad dahil nawasak ang kanilang mga damit nang dahil sa kanilang transformation. Gamit ang buong lakas nila, hinila nila ang dalawang babaeng lobo papunta sa kakahuyan upang walang ibang makakita sa kanila.
Hindi sila usually nagta-transform sa loob ng campus o in public, but the situation called for it!
Nang makarating sila sa kakahuyan, pwersahang naging tao sina Tamara at Thania, at kapansin-pansin ang malaking galos sa kanilang leeg. Umubo-ubo sila nang dahil napuruhan ang kanilang boses sa natamo nilang sugat. Nakahubo ang dalawa ngunit binigyan pa sila ng kaunting konsiderasyon ang dalawa at tinakpan ng apat na lalaki ang katawan nila gamit ang mga tuyong dahon.
Maya-maya pa ay mayroong isang pares ng puting sapatos ang nakita ng dalawa. Unti-unti nilang inangat ang mga ulo nila mula sa mga puting sapatos, itim na slacks, puting uniporme, at ang mukha ni Lincoln. Pakiramdam nila ay nanginig ang buong katawan nila nang dahil sa takot sa mga tingin nito sa kanila.
Matagal na katahimikan ang namayani sa paligid noong mga oras na iyon kaya halos lumundag ang mga puso nila nang tumikhim si Lincoln.
"What did you do to Astrid?" seryosong tanong ni Lincoln sa dalawa, sapat na upang mayanig ang kanilang mga pagkatao nang dahil sa pangamba sa kung ano mang gagawin niya sa kanila.
"I just warned her, that's all," tanging sagot ni Thania. Hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ni Lincoln. Mas lalong nagngitngit ang huli sa galit ngunit hindi na ito nag-abala pang lumapit. Just seeing their faces disgusted him.
"Aside from the recent incident... what did you do to her?" muli niyang tanong ngunit umiling lamang si Thania at hindi na nagsalita. Kaya umupo siya at pinantay ang kanyang mukha sa lebel ng mga ulo ng kambal. "I'm talking about the wound on her wrist. What have you done?"
Nanatiling tahimik ang dalawa at mukhang wala nang balak pang magsalita. Kahit na nanggagalaiti pa itong si Lincoln sa galit, sa paulit-ulit na pagtatanong at pananakot sa dalawa upang makarinig siya ng sagot, wala siyang napala.
In the end, nag-desisyon siyang umalis na lamang kasama ang mga kasamahan niyang lobo. He'll find it out on his own, iyon ang nasa isip niya. Kahit gusto man niyang ipaghiganti si Astrid sa pamamagitan ng p*******t din sa dalawang babae gamit ang kanyang sariling kamay, naisip niya na hindi sila worth it. Kaya tumalikod na lamang siya at mas piniling puntahan si Astrid dahil mas importante ang presensya niya ngayon para sa dalaga kaysa sa marahas na hustisya niya.
Lingid sa kaalaman nila na mayroon pa palang ibang tao na nakamanman sa kakayuhan. Pagkalayo nila sa lugar kung saan nakadapa ang magkapatid na Greends, may dalawang tao ang lumapit mula sa likod ng kambal. Naramdaman nila ang presensya ng mga iyon ngunit hindi sila masyadong makagalaw nang dahil sa sakit ng kanilang katawan.
Nabigla na lamang sila nang mayroong palad na tumakip sa kanilang mga bibig upang hindi sila makasigaw at makahingi ng tulong. Kasabay noon ay ang tunog ng mga nabaling buto...