Kabanata 40

2101 Words
Pinuntahan ako kinabukasan ni Lincoln sa library habang duty ko. Nakita kong nakasimangot si Miss Gladys dahil ayaw niya ng mga pupumupunta sa silid-aklatan nang hindi naman magbabasa. Tatarayan na sana niya si Lincoln ngunit natigilan siya nang biglang yumuko ang binata bilang paggalang sa kanya. "I apologize for coming here during Astrid's duty." Hindi inaasahan ni Miss Gladys ang marespetong gesture ni Lincoln towards her. Ang alam niya kasi e kapag anak ng mga mayayaman, umaastang batas parati sa campus at sa kahit saan. Lalo na yung mga tinatawag nilang mga estudyante na kabilang sa Perfect Ten families. "It's fine. What do you need from her?" tanong ni Miss Gladys ngunit sa malambot na ekspresyon, kompara sa mataray na tono na ginagamit niya sa ibang estudyante. Ngumiti si Lincoln sa mataray na librarian. "Ipagpapaalam ko ho sana si Astrid na huwag muna mag-duty this week. I will take care of her para mas maayos na siyang makabalik next week," puno ng paggalang na sambit ni Lincoln. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang teknik upang mapalambot ang mataray na librarian, but I gotta say that he was nailing it! "I understand," tugon ni Miss Gladys bago lumingon sa akin. "Astrid, you may rest for this week." Namilog ang mga mata ko. "It's okay, Miss Gladys. Kaya ko naman ho," mabilis na tugon ko. Marami na ako masyadong absent simula noong magsimula akong mag-duty at ayoko naman sanang mang-abuso. Umiling siya. "Your body needs a rest. Look at yourself," medyo tumaas ang boses na sabi ni Miss Gladys at pagkatapos ay nagtungo sa kinaroroonan ko. "Ako na ang bahala rito. You may go." Alangan akong naglakad paalis sa desk niya at tumabi kay Lincoln. Inismiran ko siya dahil nag-desisyon siya nang ganoon nang hindi man lang sinasabi sa akin ngunit nginitian niya lamang ako. Yumuko siyang muli kay Miss Gladys. "We'll go now. Thank you for your kindness and understanding," aniya bago niya ako hinila palabas ng library. Ngayon ko lamang nakitang yumuko sa ibang tao ang isang Lincoln Conor na parating proud at tinitingala ng mga estudyante rito. Hindi ko alam na marunong din pala siyang gumalang, kahit na buong buhay niya ay siya ang ginagalang at pinapakitaan ng respeto ng kung sinoman dahil unang-una ay isa sila sa mga maiimpluwensiyang pamilya rito sa siyudad, at pangalawa ay dahil siya ang Alpha o pinuno ng kanilang pamilya o pack. Palabas na kami ni Lincoln sa lecture building nang makasalubong namin ang isang pamilyar na grupo, ang mga kababaihan at kalalakihan na alipores nina Thania at Tamara. Ang kanilang mga mukha at katawan ay puro kalmot at galos. I could say that their appearances were much worse than mine. As in sobrang dami kasi ng galos nila, pati sa mga mukha. Nang makita nila kami ni Lincoln, para silang mga maaamong tuta na takot na takot sa mga tigre. Umiwas sila kaagad sa amin at huminto sa may gilid upang padaanan kami. Bruh... I think I know why they were suddenly acting like that. E sila yung mga walang-hiyang nanggulpi sa akin noon. Hindi ko na lamang tiningnan ang mga iyon at napalingon kay Lincoln na pokerface ang mukha. "Did you do that?" tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa 'kin, nakataas ang dalawa niyang mga kilay. "Did what?" painosente pa niyang tanong. E kung bigwasan ko kaya siya? "Their wounds and scratches... ikaw ba ang gumawa ng mga 'yon?" diretso kong tanong sa kanya habang naglalakad na kami sa labas ng building at nakalayo na rin kami sa grupong iyon. Nagkibit-balikat si Lincoln. "I don't just touch people..." aniya at saka ibinalik ang tingin sa harapan. Napaismid na lang ako sa kanya dahil obvious naman na siya lang ang may kakayahang gawin iyon. Kung hindi siya, malamang ay ipinagawa niya sa mga kasamahan niya sa pack. Hindi pa natatapos doon ang mga masasamang tanawin para sa 'kin. Nakasalubong naman namin si Monica, may bitbit na mga libro at mukhang papunta sa lecture building. Hindi namin siya balak pansinin ni Lincoln ngunit sinadya niyang maglakad patungo sa direksyon namin. "Don't you think it's rude to pretend you didn't see me when you actually did?" aniya at saka tumawa nang sarkastiko. Napataas ang kilay ko nang dahil sa sinabi niya ngunit hindi ako umimik. Wala akong sapat na lakas upang makipagbangayan sa kanya. Sa akin naman siya tumingin. "It's also rude not to greet your professor..." Napabuntong-hininga na lamang ako dahil alam ko naman na kahit ano'ng paglayo at pag-iwas ko sa kanya e gagawa at gagawa siya ng paraan upang awayin ako. "Oh. I didn't notice you," tugon ko sa kanya at nagkunwaring nagulat na nakita ko siya. Of course pinahalata ko talaga na nagkukunwari lang ako para mas lalo siyang mainis. Yumuko ako sa kanya bilang paggalang at bumati, "Magandang umaga, Ma'am Monica." Nang pagkaangat ko ng ulo ko, binura ko ang pekeng ngiti sa mga labi ko at saka ako humawak sa kamay ni Lincoln upang ayain na siyang umalis. Nakakaisang hakbang pa lamang ako nang magsalita siya muli. "Bad girls really need a beating sometimes..." aniya at saka nagsimula nang maglakad. Parang napanting ang tainga ko nang dahil sa narinig ko mula sa isang guro. Did she just say, in other terms, na deserve kong magulpi dahil sa ugali ko? Did she just justify violence? This freaking professor? Napansin ni Lincoln na nahinto ako sa paglalakad nang dahil doon. Ngunit bago pa ako lumingon upang habulin ang bruhang si Monica at sabunutan siya't kaladkarin palabas ng paaralan na 'to, naramdaman ko ang pagpisil ni Lincoln sa aking kamay bago niya ako binitawan at siya mismo ang lumapit sa babaeng yun. Pabalang na hinablot ni Lincoln ang braso ni Monica at hinarap siya sa kanya. Ngumiti pa ang babae nang makita si Lincoln ngunit kaagad din siyang binitawan ng huli. "Bawiin mo ang sinabi mo," matigas na utos ni Lincoln. "Or you want me to ruin your life... for real this time?" Nabakasan ng takot ang mga mata ni Monica nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Lincoln. Hindi ko na masyadong inintindi ang tungkol doon, although napansin ko na mayroon talaga silang madilim na nakaraan... na hindi ko na gusto pang malaman. Nanatili akong nakamasid kay Monica. Gusto ko talaga siyang sabunutan! Ngunit hindi ko alam kung maaawa ako o matutuwa nang makitang nangingilid na ang kanyang mga luha. Napakagat siya sa ibabang labi niya upang pigilan ang paghikbi. "I'm sorry," tanging nasambit nito at saka nagmadaling tumalikod saka patakbong iniwan si Lincoln. Nabigla ako dahil sa ginawa niya ngunit isinawalang-bahala ko na lamang. Na-realize ko na hindi naman siya, at ang ibang tao, importante upang pag-aksayahan ko pa siya ng panahon. Lumapit ako kay Lincoln at saka hinawakan ang kanyang mga kamay. Kumalma naman siya kaagad nang maramdaman ako sa tabi niya, at pagkatapos ay nagsimula na ulit kaming maglakad. Hindi ko alam kung good thing ba ito, pero na-appreciate ko kay Lincoln na hindi niya ako pinapabayaan sa kahit anong sitwasyon. Kapag napapansin niya na mayroon akong hindi gusto, siya mismo ang gagalaw para sa 'kin kahit hindi ko sabihin sa kanya. Hindi niya hinahayaan na feelings ko ang mag-suffer. It is just reassuring to know that he will always take my side. Pagdating namin sa dorm, pinahiga niya kaagad niya ako sa kama ko upang magpahinga. Siya naman ay umupo lamang sa tabi ko at binantayan akong makatulog habang hawak ang aking kamay. Habang nagpapaantok ako, bigla niyang binuksan ang tungkol sa p*******t sa akin nina Thania at Tamara. "Why didn't you tell me?" may galit na tanong niya sa 'kin pero mas nangingibabaw ang concern niya sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil doon. "Dahil alam kong you'll react this way," tanging sagot ko nang hindi siya tinitingnan. "Of course I will," mabilis niyang sabi. May hinanakit at tampo ang boses niya, pero hindi yun halata dahil siya ang astig na si Lincoln. Kita ko sa gilid ng mga mata niya na mas lalo siyang lumingon sa akin. "Iniingatan nga kita tapos sasaktan ka lang nang gano'n?" dagdag niya dahilan upang tumalon ang puso ko palabas ng katawan ko. Kung posible lang talaga 'yon, baka nangyari na. Napatingin na rin ako sa kanya at nagtama ang aming paningin. "I just don't want you to get into trouble because of me," sinserong sagot ko sa kanya. Dahil alam kong gaganti siya sa mga 'yon kaya ayoko rin na malaman niya. Posibleng magkaroon ng gulo sa pagitan niya at ng pamilya Greends. Ayoko namang mangyari 'yon. Magulo na nga ang sitwasyon ngayon, mas gugulo pa dahil sa ginawa nila sa 'kin. Umiling si Lincoln. "Still, you should have told me. Hindi matatapos iyon sa 'yo kapag hinayaan mo lang. Kapag nawala ka, they will eventually find someone else in your stead." Natigilan ako dahil sa sinabi ni Lincoln. Yes, concern siya sa 'kin at alam kong totoo 'yon. Pero mas namangha ako sa way ng pag-iisip niya. Fit talaga siya para maging isang pinuno. At tama siya. Hindi matatapos sa 'kin ang pambu-bully na lang kapag hinayaan ko lamang sila. Para matapos iyon nang tuluyan, we have to do something. And as a victim, that is to speak up. Hindi madali para sa lahat ng biktima ng bullying dahil unang-una, pakiramdam nila ay mababa ang pagkatao nila dahil naging target sila ng bullying, at pangalawa: takot sila. Kaya sa lahat ng mga biktima ng bullying saan mang sulok ng mundo, mas mabuti na mayroon sila laging karamay sa tabi nila na magtatanggol sa kanila at tutulong sa kanila upang lumabas sa pinagtataguan nilang kahon. It is time to speak up against these bullies. Panahon na upang putulin ang karahasan sa loob ng paaralan. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Nangunot ang kanyang noo marahil nalilito siya, ngunit hindi na ako nag-abala pang magpaliwanag. Sino'ng mag-aakala na isa siyang lobo, kung kabutihan lamang ng karamihan ang iniisip niya? Yes, he could be rude sometimes sa iba, and violent when fighting injustices, but he is a good person. Mas lumaki ang paniniwa ko na isa siya sa mga good werewolves. Natigilan ako sa pag-iisip nang hawakan naman ni Lincoln ang isang kamay ko at inalis ang gasa na tumatakip sa sugat na gawa ni Thania. Remember noong nagkita kami sa restroom no'n at sinugatan niya ako gamit ang kanyang kuko? Hanggang ngayon ay hindi pa rin natutuyo at gumagaling. "The twins did this... right?" tanong sa akin ni Lincoln saka hinaplos ng hinlalaki niya ang nangingitim nang sugat. Marahan akong tumango. "Thania did," tugon ko sa kanya. Nangunot ang noo niya at tumingin sandali sa aking mukha at pinagmasdan iyon. Alangan akong napatingin din sa kanya. "From now on, you'll tell me everything... okay?" aniya sa malungkot na boses. Sa tingin ko ay sinisisi niya ang sarili niya dahil wala siya noong mga oras na ginawa sa akin ng kambal ito, at sa mga oras na sinasaktan nila ako. Inabot ko ang kamay niya na nakahawak sa sugat ko at marahang hinaplos iyon. "Not your fault. Hinayaan kong gawin nila ito sa 'kin, so it is partly my fault." Hindi siya umimik at nanatiling nakatingin sa sugat ko. Nabigla ako nang ibinaba niya ang kanyang ulo papalapit sa wrist ko at saka niya inilapat ang kanyang mga labi sa sugat ko. Kinabahan pa ako sandali dahil akala ko'y kakagatin na niya ako at na-tempt siya dahil sa sugat, but I was wrong. Hinalikan niya lang pala iyon. Gusto ko tuloy sampalin ang sarili ko sa pag-iisip na naman ng masama sa kanya. Nang muli niyang inangat ang ulo niya, tumingin siya sa 'kin. "Don't worry, mawawala rin 'to eventually..." Napatitig ako sa mukha niya habang nakatingin siya sa 'kin. Noong mga segundong iyon, ang hot niya talaga sa paningin ko. He was really cool when he kissed my wound at noong tingnan niya ako na parang ako lamang ang nag-iisang babae sa kanyang paningin. I felt his warm gaze towards my battered lips. Kung halik naman niya ang manggugulpi sa mga ito, then I volunteer! Welp, just kidding. Nagulat na lang ako nang bigla akong halikan sa labi ni Lincoln. Mabilis lamang iyon kaya hindi ako nakaangal. Napakurap lang ako nang maraming beses at iniisip kung nangyari ba talaga 'yon o guni-guni ko lang sapagkat sobrang bilis ng mga pangyayari. "Forgive me. Hindi ko napigilan," sabi ni Lincoln habang nakatitig pa rin sa aking mga mata. Ang mga labi namin ay isang pulgada lamang ang layo sa isa't isa. Gusto ko siyang murahin dahil ang hot niya ngayon, pero mas gusto ko siyang halikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD