Mahimbing ang tulog ko. Yung klase ng tulog na parang wala kang utang. Wala kang problema. Wala kang asawa na mahilig mag-experiment sa kusina. Hanggang sa narinig ko ang pagsabog. Napabangon ako at kunakabahan. Napaupo at nanlaki ang mata ko nang makitang wala si Psalm. “Psalm?” sigaw ko. Wala siya sa tabi ko. Malamig ang unan niya. Walang bakas. Wala ang asawa ko. At may sumabog. Perfect combination. Bumaba ako ng kama nang Nakapa, Nakapajama at naguguluhan. Kinakabahan. Bumaba ako ng hagdan. At doon ko siya nakita. Nakatayo sa kusina. Parang galing digmaan. Itim ang pisngi. Itim ang noo. Itim ang braso. May marka ng usok sa buhok. Nakataas ang isang kilay. Nakanganga. Hawak ang sandok. Nakatingin sa kawalan. Parang nakuryente. Parang cartoon character na nasabug

