Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Alam ko na. Dahil si Gargol ang driver. Dahil bagong ayos ang sasakyan. Dahil sinabi niyang, “Safe na safe na ‘to.” At kapag sinabi ni Gargol ang salitang safe… Automatic na kabaligtaran. Nagkita-kita kami alas-sais ng umaga. Antok pa. Wala pang gana sa buhay. Bitbit ang bags. Bitbit ang snacks. Bitbit ang trauma na hindi pa namin alam. Nandoon na ang sasakyan. Isang lumang Volkswagen. Kulay green. Makintab. May sticker na “Vintage Ride”. May ribbon pa sa side mirror. May rosaryo sa loob. May pabango na amoy bubblegum. At may tunog na parang inuubo. “Wow,” sabi ni Cora. “Buhay pa pala ‘yan.” “Of course,” sagot ni Gargol. “Fresh na fresh. Newly repaired. Top condition.” Si Psalm napatingin sa makina. “Sigurado ka?” tanong niy

