Tahimik ang biyahe namin pauwi. Mas tahimik kaysa normal at iyon ang unang senyales. Dahil kapag tahimik si Lara paniguradong delikado. Hindi siya ‘yong tahimik na pagod. Hindi rin siya ‘yong tahimik na nag-iisip. Siya ‘yong tahimik na may binubuo na ring sermon sa utak. At ako ang target. My heart is pounding. Pagdating namin sa bahay ay bumaba siya agad ng sasakyan. Walang lingon at walang paalam. Walang ni ha ni ho, walang kahit ano. Diretso sa pinto. “Lara—” tawag ko. Wala, hindi siya sumagot. I sighed in disbelief. Binuksan niya ang pinto saka pumasok at isinara. Medyo malakas kaya kamuntik na rin akong matamaan sa mukha. Hindi naman sinampal ang pinto. Pero sapat para maramdaman ko. May kasalanan ako. Hindi ko lang alam kung ano. Napakamot ako sa ulo. “Okay…” bulong ko. “K

