Chapter 36

3186 Words

Ang unang napansin ko ay ang lamig. Hindi iyong lamig na galing sa aircon. Hindi rin iyong lamig na dala ng hangin sa gabi. Ito iyong lamig na parang galing sa loob ng dibdib mo. Iyong pakiramdam na parang may nawawala. Parang may mali. Parang may mangyayaring hindi mo kontrolado. Nang imulat ko ang mata ko, puti ang kisame. Hindi ito kisame ng kwarto ko. Hindi rin ito kisame ng bahay namin. Masyadong mataas at malinis. Masyadong foreign ang dating. Kumunot ang noo ko. “Nasaan ako…” Sinubukan kong umangat pero hindi ko nagawa. May humila sa akin pababa. Hindi, hindi humila. May humawak sa pulso ko nang mahigpit. Mainit iyon at matatag. Napahinga ako nang malalim. Dahan-dahan akong lumingon at doon ko siya nakita. Si Psalm na nakaupo sa gilid ng kama. Naka-sando. Nakabukas ang ilang b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD