“Girl, sasama raw si Markus bukas. Paano na ‘yan? Kasama natin si Adam,” ani Cora.
“Talaga? Nag-iba yata ang ihip ng hangin ah,” sagot ko at napaisip.
“Baka nababagot na siya sa shop. Kahit ako nababagot na nga ako rito sa trabaho ko eh. Buong araw nakaupo,” dagdag ko.
“Deserve niya ring gumala no. Mag-iisang buwan na sila rito at mukhang hanggang dito lang ang pinakamalayong napuntahan niya,” saad ni Cora. Sabagay totoo naman iyon.
“Eh ‘di sumama siya kung gusto niya,” wika ko at nagkibit-balikat.
“Girl, desidido ka na talaga na hindi mo na siya ika-crush?”
Tiningnan ko naman siya at bagot na tinanguhan.
“Oo, matanda na ako. Hindi na bagay sa ’kin ang crush-crush na ‘yan,” sagot ko at inayos ang aking buhok.
Bandang hapon ay masiyadong busy. Marami ang mga bumibili dahil besperas na bukas. Bukas din kami gagala dahil kung sa mismong pyesta paniguradong hindi mahulugan ng karayom ang sentro sa dami ng tao. Gabi rin magandang gumala at walang init.
Mag-aalas-otso na nang isara ko ang tindahan at napangiti habang naglalakad sa daan. Halos lahat ng mga nadadaanan ko eh sobrang ingay. Marami kasing dayo at pyesta nga.
Habang naglalakad ay napahawak ako nang mahigpit sa bag ko. Sumakto pa talaga sa palikong daan. May mga bahay pa rin naman pero ang iingay nga dahil kabilaan ang videoke.
Kinalma ko ang aking sarili. May dalawang lasinggo kasi sa gilid at ang pangit ng tingin sa akin. Nagmadali na ako at hinanda ang sarili ko na tumakbo nang maramdaman ko ang hawak nu’ng isa sa balikat ko.
Nahawakan ako ng putragis!
“Ano ba?” saway ko sa kaniya saka umiwas. Tiningnan ko ang mukha ng dalawa at hindi ito kabarangay namin. Taga ibang barangay iyon. Mukhang nakipyesta lang.
“Miss, gabi na ah. Hatid ka na namin,” wika nu’ng isa. Hindi pa mapirmi ang bibig. Mukhang kakatira lang ah. Ang pula pa ng mata.
“Lasing na kayo, umuwi na kayo. Baka nakakalimutan niyong hindi niyo teritoryo ‘to,” matigas kong sambit.
Nagtawanan naman silang dalawa.
“Eh ano kung hindi? Mas mabuti nga at hindi nila kami mamumukhaan,” sagot niya.
Napalunok ako at akmang aatras nang hilahin ako ng isa pang kasama niya.
“Bitiwan niyo ako! Ano ba?”
“Halika rito!”
Nagpupumiglas ako at mabilis na sinuntok ang isa sa mukha. Tumama iyon sa ilong niya.
“Putang-ina!” malutong niyang mura.
“Tatakas ka pa ha!”
Napaigik ako sa sakit nang tumama ang kamao niya sa tiyan ko.
“T-Tulong!”
Tahimik na lang akong nagdadasal na sana man lang may makakita sa ’kin. Marinig man lang ang boses ko.
Nagtawanan pa silang dalawa at akmang kakargahin na ako nang bigla akong tumilapon sa gilid at kamuntik pang mapahalik sa tae ng aso.
“Lintik!”
“Are you okay?”
Napalingon ako at si Markus iyon. Sinip niya pala ang lalaki.
“Sa likod mo,” sigaw ko.
Hindi na siya nakailag pa at tinamaan ang mukha niya. Oh s**t! Ang gwapong mukha niya.
“Damn it!” aniya at mabilis na tumayo at hinila ang isa sa suot nitong damit at pinagsusuntok ang mukha. Ni hindi iyon nakapalag nang daganan niya at hindi tinigilan hangga’t hindi nawawalan ng malay.
Akmang tatakbo pa ang isa nang dumating ang mga tanod at si Bruno.
“Boss, tama na ‘yan, mahihirapan ang doctor diyan kung magpaparetoke ‘yan sa laki ng pinsala ng mukha niya,” wika ni Bruno.
Napatingin ako kay Markus na galit na galit. Hindi ako nakagalaw kaagad. Napalingon siya sa ‘kin at ang kaninang kunot na kunot na noo ay biglang nawala. Lumapit siya sa ‘kin at inalalayan akong makatayo.
“Are you okay?” usisa niya. Tumango naman ako. Napapikit ako saka napahinga nang malalim.
Pinagdadampot naman ng mga tanod ang dalawa. Iyong isa ay binuhat pa ng apat na tao dahil hindi pa rin nagigising.
“Paano kung na-coma na ‘yon? Baka makulong ka,” saad ko.
“Serves him right. Buti nga sana kung hindi na magising eh,” aniya at pinunasan ang dugong tumulo sa kaniyang kilay. May sugat pala roon.
“Uwi na tayo,” wika niya at nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay.
Napatingin ako kay Bruno na nakangisi sa ‘kin. Ano kayang pumasok sa utak ng kumag na ‘to at sobrang bait ngayon.
Pagdating namin sa bahay ay kaagad na kumuha ako ng tubig at ibinigay sa kaniya saka inilagay sa gilid ang bag ko.
“What did that fuckers do to you? Sinaktan ka ba nila?” tanong niya. Ramdam ko pa rin ang gigil at galit sa boses niya.
Napahawak naman ako sa tiyan ko’t kumikirot pa rin iyon. Lintik na lalaking ‘yon.
“O-Okay na, nawala na ang sakit,” sagot ko.
Tinitigan niya lang ako. Kaagad na napaiwas ako ng tingin at hindi ko talaga kaya ang tingin niya. Para talaga akong kinakain nang buhay.
“Saglit lang,” wika ko at pumasok sa kwarto ni nanay. Kinuha ko ang lagayan ng mga gamot niya at inilagay iyon sa ibabaw ng mesa.
“Oh,” saad ko.
Kumunot naman ang kaniyang noo.
“What am I going to do with that?” tanong niya.
“Gamot malamang. Igagamot mo ‘yan sa sugat mo,” sagot ko.
Huminga siya nang malaim.
“How am I gonna treat myself? Hindi ko nakikita ang sugat ko. Is that how you say your thank you to me?” asik niya.
Natigilan naman ako. Gusto niyang ako ang gumamot sa sugat niya. Lintik nagharakiri na naman ang puso ko. Ano ba? Relax lang tayo self.
“Ah…saglit lang,” saad ko at tumayo na. Kinuha ko ang ointment at nilapitan siya. Tumabi ako ng upo sa kaniya at kumuha ng bulak at betadine para linisan ang kaniyang sugat. Medyo may kalakihan iyon pero hindi naman naka-minus sa kaguwpauhan niya.
“Baba ka bahagya hindi ko maabot eh,” mahinang wika ko at napalunok.
Iniwas ko talaga ang tingin ko. Kapag nag-abot ang mata namin ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan ko siya. Letse! Ba’t ba kasi ang lapit na namin sa isa’t isa. Chance ko na ‘to putragis.
Nahigit ko ang aking hininga nang gahibla na lamang ang layo namin sa isa’t isa. Nanginginig pati ang mga kamay ko. Kumalma ako, pinilit ko ang sarili ko. Kailangan ko talagang kumalma.
Maingat na nilapatan ko ng bulak ang sugat niya.
“Aray!”
“S-Sorry,” sambit ko at hinipan ang sugat niya. Napahawak pa siya sa kamay ko.
Tiningnan ko siya at syet na malagkit. Napalunok ako dahil nakatitig din siya sa ‘kin. Hindi ako makakurap. Ang lapit-lapit na.
“A-Ah…”
Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. Wala na akong maisip. Nabablangko na ako.
Ang ganda ng mga mata niya. Mahahaba ang pilikmata at makapal na maitim ang kaniyang kilay. Parang hinahalukay ang tiyan ko sa sobrang kaba.
Kaagad na umiwas ako ng tingin sa kaniya at kinuha ang band aid.
“Maganda ka pala sa malapitan,” seryosong aniya.
Natigil ako saglit at pilit na kinakalma ang sarili.
“Thanks,” sagot ko at iniwas ang tingin sa kaniya saka nagmamadaling nilagay ang band aid.
“Iniiwasan mo ba ako?” usisa niya pa.
“Ha? Ba’t mo naman natanong ‘yan? T’saka ba’t naman kita iiwasan?” sagot ko at natawa pa nang pilit.
Lumayo na rin ako at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na lamukusin ko siya ng halik kahit hindi naman ako maalam kung paano.
“Do you want to kiss me?”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at hindi agad nakasagot.
“A-Ano b-ba ‘yang p-pinagsasabi mo? Umayos ka nga,” asik ko at nagmamadaling tumayo.
Akmang aalis na ako papasok sa aking kwarto nang hawakan niya ang kamay ko at hinila iyon. Kamuntik na akong matumba buti na lang at napahawak ako sa matigas niyang dibdib.
“Akala mo ba hindi ko ramdam? You like me, Lara,” aniya sa bandang taenga ko.
Napapikita ko nang maramdamang tila may kaibang gumapang sa likuran ko.
“A-Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” saad ko. Naiinis na rin ako sa sarili ko at nauutal na lang lagi. Nagpapahalata rin na may gusto.
“Am I wrong?” tanong niya at nginitian pa ako. Ibang ngiti iyon. Natauhan naman ako sa ginagawa niya. Kaagad na naitulak ko siya. Natawa ako nang pagak.
“What now? Denying it?” aniya at kumunot pa talaga ang noo.
“Hindi, kasi totoo naman iyon. Crush kita dahil gwapo ka. Pero tapos na ‘yon. Hindi forever ang crush-crush. Paghanga lang iyon. Humanga lang ako sa pisikal na anyo mo, pero sa ugali hindi. Ekis na ekis ka. Kaya huwag kang umasta na para bang kaya mo akong paikutin. Tigil-tigilan mo na ‘yang mga moves mo na para kang nagpapa-fall sa ‘kin. Oo nga’t vocal ako sa nararamdaman ko pero hindi ibig sabihin nu’n na easy to get ako,” inis kong sambit.
Nag-abot naman ang kilay niya.
“What do you mean?”
“Ang ibig kong sabihin, crush kita noon pero hindi na ngayon. Kasi para sa ’kin mas importante naman ang ugali kaysa mukha. Saka may manliligaw ako no,” proud kong saad at akmang tatalikod na nang hilahin niya ako at sinakop ang aking labi.
Hindi kaagad ako nakagalaw at sobra akong nagulat sa ginawa niya. Ramdam ko ang labi niya sa labi ko.
“Lara anak, kumain na ba k—“
Mabilis na itinulak ko si Markus at tumama pa siya sa paso sa gilid ng pintuan kung saan nakatayo si nanay.
Nanlaki ang mata niya at kaagad na dinaluhan si Markus.
“Lara, ano ba?” galit na wika ni nanay at pumameywang.
“N-Nay,” mahinang sambit ko. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kaniya.
“Alam kong broken hearted ka pero hindi iyan rason para manakit ka ng lalaki ha. Hindi kita pinalaki ng ganiyan,” litanya niya.
Natawa naman ako nang pagak.
“Nay, ano ba? Magnanakaw ang lalaking ‘yan,” inis kong sambit at inirapan si Markus na nakangiti lang ngayon sa ‘kin.
“At ano naman ang pag-iinteresan niyang nakawin aber? Sa bahay pa lang natin ultimo upuan walang bibili. Ano? Ito? Itong panty mong by weekdays? Taragis kang bata ka,” aniya.
Nanlaki naman ang mata ko at saan niya kaya nakuha iyon?
“Nay,” asik ko at nahihiyang kinuha ko naman iyon saka itinago. Tiningnan ko si Markus na nakataas lang ang isang kilay sa ‘kin. Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na pumasok sa kwarto ko’t isinara ang pinto.
Napasandal ako roon at napapikit. Napahawak ako sa labi ko at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Imbis na magalit ay tila kinikilig pa ako. Humiga ako sa maliit kong kama at nagpagulong-gulong.
“Ano ba?” reklamo ko sa sarili ko.
“Lara? Ano na? Hindi ka ba kakain?” Tanong ni nanay.
“Lalabas na po,” sagot ko at lumabas na ng kwarto.
Ramdam ko ang mga nakakapanindig balahibo na titig sa ‘kin ni Markus. Hindi ko siya pinansin at nagpokus na lang sa kinakain ko.
“Oo nga pala, aalis ako pagkatapos kong kumain ha. Kailangan naming mag-ensayo ngayon para sa zumba competition bukas. Hindi kami nakapag-blocking at ang init. Alam mo naman, prone na sa heat stroke kaya hindi na kumasa,” aniya.
Natawa naman ako.
“Mag-iingat po kayo ha. Huwag uuwi nang mag-isa,” saad ko.
“Ay oo nga pala, salamat naman at nandoon ka kanina, Markus. Baka kung ano ang nangyari kay, Lara. Lintik talagang mga adik na ‘yon. Taga-ibang barangay ‘yon at nakipiyesta rito,” sambit ni nanay.
Hindi naman nagsalita pa si Markus at ngumiti lang. Akala mo naman ikina-cool niya.
Nang makaalis si nanay ay isinara ko na ang pinto. Kamuntik pa akong matumba nang makita si Markus sa likuran ko.
“Scared?” aniya.
“Ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Bigla-bigla ka na lang nagpapakita sa kung saan-saan. May lahi ka bang aswang?” asik ko.
Tumikwas lang ang kilay niya.
“So you’re going with that man tomorrow?” seryosong tanong niya.
“Ni Adam? Oo,” sagot ko naman at naupo na sa upuan sa sala. Sumunod naman siya at umupo sa kabilang upuan.
“Oo nga pala, paano na pala ‘yong nabugbog mo? Paano kung balikan ka nu’n?” usisa ko. Manganganib ang buhay niya kung sakali.
“Walang magtatangka na balikan ako,” sagot niya na parang wala lang.
“Ha? Ano ang ibig mong sabihin?”
“Sapat na sigurong ginawa kong smoothie ang mukha niya para matakot at huwag na magtangkang balikan ako,” wika niya.
Napatango naman ako. Sabagay totoo naman. Talagang kahit sino matatakot sa ginawa niya.
“Pasensiya ka na kung nadamay ka pa. Pero salamat talaga, kung wala ka roon hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa ‘kin.”
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at kunwaring nagsusuklay ng buhok.
“Hindi ka dapat umuuwi nang mag-isa lalo pa at gabi na. What if hindi kita nakita roon? Paano kung walang tumulong sa ‘yo? Do you think those thugs will spare you?” asik niya.
Napabusangot naman ako.
“Kampante naman kasi ako na kakilala ko lahat ng mga nakatira rito. Hindi ko kasi in-expect na may mga taga ibang barangay na magtatangka,” rason ko.
Huminga siya nang malalim.
“Trust should not be given entirely, always give yourself a little space for doubts. Kahit pa kakilala mo o kapamilya. You never know what runs on their mind,” saad niya.
Napatango na lamang ako at tama naman kasi siya. Alangan naman na makipag-argue pa eh ganoon na nga.
“Bukas…”
“Hmm?”
“Kahit gaano mo kakilala ang isang tao, you should always set boundaries. Huwag kang maging kampante dahil hindi lahat kaya kang pahalagahan pabalik. Betrayal hurts more than wound itself,” wika niya.
“Ang pinoponto mo ay?”
Hinihintay ko siyang magpaliwang pero tila wala lang siya. Seryoso lang ang kaniyang mukha at parang naiinis na sa ‘kin.
“It mens huwag kang magtitiwala kaagad kung ano mang magagandang salita ang sabihin ng Adam na ‘yon. Hindi basehan ang tagal ng pagkakakilala niyo para maging kampante ka na okay ka kasama siya. The most dangerous enemies are those who were once close to us. They’re like termites hiding behind your fortress—by the time you realize it, they’ve already ruined your foundation. And you will be beyond saving. So before that happens, don’t let anyone enter that seclusion you set for yourself. That area should be yours to protect. Huwag mong hahayaang basta na lang na sirain ng anay,” paliwanag niya.
Napalunok ako at kaagad na napahawak sa aking ilong. Nanalaki ang mata ko sa gulat nang makita ang dugo.
“s**t! What’s happening to you?” tarantang tanong niya.
“English ka kasi nang English eh, nagno-nosebleed na tuloy ako,” reklamo ko at sinamaan siya ng tingin.