Chapter 6

2065 Words
Kinabukasan ay maagaa kong nagising. Kailangan kong i-check ang tindahan at baka may mga nabasang produkto o ano. Paglabas ko nga ay kaagad akong na-good mood. Nakita ko na naman ang crush ko na nakatayo sa labas at mukhang nag-jogging. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging itim na jogging pants lang. “Ahem, morning,” bati ko sa kaniya at nginitian siya. Tiningnan niya lang ako sandali at saka tinanguhan. Napabusangot naman ako. “Wala man lang kahit isang maliit na smile riyan?” tanong ko. Kumunot ang noo niya kaya napaayos na lang ako ng tayo. “Maayos pa ba ang daan?” “Inasikaso na ng taga-barangay,” sagot niya. “Ah…” Tumango-tango lang ako kahit ang totoo ay talagang gusto ko pang titigan ang tiyan niya. Inispatan ko iyon ng tingin at tahimik na napailing. Grabe batak na batak. Ang daming pandesal na tigsisingko. “Are you done counting?” tanong niya. “Ha? Hindi pa, wait lang. Hindi ko kasi maki—“ Natigilan ako at alanganing tiningnan siya saka tumawa. Napakamot ako sa ulo ko at napahawak nang mahigpit sa sling bag ko. “Una na ako,” nagmamadali kong saad at patakbong umalis at tinalikuran siya. Hindi ako tumigil hangga’t hindi ako nakarating sa tindahan. “Ba’t nagja-jogging ang babae na ito?” asik ni Cora na nagli-lipstick. Nakangiting nilapitan ko naman siya. “Ang aga mo yata ngayon ah, ano meron?” tanong ko sa kaniya. Kailangan ko siyang biruin para hindi mapokus sa ‘kin ang topic. Kaagad na napangiti naman siya sa akin at may pahimas pa talaga sa buhok niya. Napataas ang kilay ko. “Uy, chismis ‘yan,” wika ko. Kilig na kilig naman siyang umupo sa labas ng tindahan kaya namukas na rin ako. “Kasi naman girl, nagka-chat kami ni, Bruno kagabi. Alam mo ba sabi niya ang ganda-ganda ko raw sa red lipstick,” sagot niya. “Tapos?” “Tapos sabi niya kung pwede niya ba raw akong yayain ng date sa sabado. Kasi nga ‘di ba besperas na ng fiesta rito sa ‘tin,” aniya, Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan ah. “Ano sinagot mo?” usisa ko. “Girl, alangan namang magmatigas pa ako no. Sunggab na agad,” sagot niya at napapikit pa. Hindi mapuknit ang ngiti sa labi niya. “Eh kayo ba ni, Markus? Kumusta na ba kayong dalawa? May improvement ba? Alam mo nakita ko kayo kagabi. Kita ko siyang sobrang hangang-hanga sa ‘yo. Grabe ka naman girl,” kinikilig niyang sabi. Natigilan naman ako. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at napailing. “Kaso hindi niya ako like, Cora. Ramdam ko talagang hindi eh. Naawa ako sa sarili ko ha,” malungkot kong sambit. “Gaga! Ano ba ang nakain mo at nagkaganiyan ka? Hindi ka ganiyan, Lara. Ano ba ang nangyari at nabawasan yata ang kakapalan ng mukha mo? Girl hindi ka talaga ganiyan. Mas makapal pa sa ’kin ang mukha mo no. Ano? Sinaktan ka ba niya? Imbis na isa na kayo ng bahay ngayon nawalan ka na ng pag-asa,” litanya niya. Napaisip naman ako. “Super crush ko talaga siya, pero hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko no. May hiya pa rin naman ako kahit papaano,” sambit ko. “Malay mo baka ayain ka niya sa fiesta. Double date tayo,” kinikilig niyang saad. Napaisip naman ako. Mukhang malabo eh. Sa klase ng personalidad ni Markus parang walang alam sa mundo kung hindi ang mag-ayos ng sasakyan. Wala yatang panahon sa babae. Kahit na ang daming nagkakandarapa sa kaniya eh halata namang wala siyang pakialam. “Oo nga pala, open na ulit ang TESDA. Gusto mo bang mag-enroll? Hindi ba gusto mong mag-aral ng welding?” aniya. Natuwa naman ako sa narinig. “Hindi nga?” “Oo, saka free lang. Walang babayaran kahit piso.” “Sige-sige, mag-e-enroll ako. Baka sakaling palarin at makapag-abroad pa,” sambit ko. “Eh paano kung hindi ka na makapag-abroad dahil mag-aasawa ka na? Paano kung si Markus talaga ang para sa ‘yo?” tukso niya sa ‘kin. Kinikilig ako sa isiping iyon pero hindi ko naman kailangang i-feel masiyado at mahirap na. “Alam mo, nitong mga nakaraan naisip ko tuloy na sobra ako sa pagiging delulu. Dapat hindi ganoon eh. Hindi nakakababae,” busangot kong saad. “Ay hala siya! Ano ba talaga ang nangyari at ganiyan ka na? Biglang ihip ng hangin ang peg ah. Hindi ako sanay na ganiyan ka. Na para bang natalo ka sa laro.” Inayos ko ang mga paninda at napabuga ng hangin. “Kasi naman, pinaparamdam niya sa ‘kin na hindi ako kagusto-gusto. Na hindi niya ako type. Ang mga sagutan niya sobrang tabang. Baka mainis na ‘yon sa ‘kin katagalan. Kailangan kong pigilan ang sarili ko at baka isipin niya sobra akong easy to get. Lalong ma-turn off,” sagot ko. Napahinga nang malalim si Cora. “Girl, aware ka naman siguro na isa ka sa mga may pinakamagandang mukha rito sa barangay natin. Marami kang manliligaw. Hindi ka ganiyan girl. Mataas ang ihi mo. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Kung pakiramdam mo hindi ka talaga pasado sa taste niya hindi ka dapat malugmok ng ganiyan. Hindi bagay sa’yo eh. Hanap ka na na lang ng iba,” suhestiyon niya. Napairap naman ako. “Eh sinong iba? Si Gargol? Si Burdogoy? Baka masapak ko pa ang mga letseng iyon,” inis kong wika. “Naku naman! Nakalimutan mo na ba? Si Adam na lang. Iyong anak ni kapitan. Ang laki ng gusto nu’n sa ‘yo. Botong-boto rin si kap sa ‘yo panigurado. Hidi mo kasi binibigyang pansin eh,” aniya. Oo nga naman. Gwapo si Adam at isa siyang guro. Stable sa life at may sabi naman kahit papaano. Mabait din hindi kagaya ni Markus. Mabait lang ang mukha pero suplado. Masiyadong matabang ang buhay. Ba’t ko nga ba inuubos ang oras ko sa kaniya? Sino ba siya? Sampa lang siya sa bahay at baguhan lang dito sa amin. Hindi porket gwapo siya at may lahi eh magkandarapa na ako kaagad. “Ano? Tulala ka yata?” Asik ni Cora at ngumiti. “Ano? Sige na, para sabay tayo magagala sa Sabado. Para naman masaya tayong dalawa no. Hindi ko yata kayang magsaya mag-isa. Dapat ang bff ko rin,” wika niya habang nakabusangot. Kunwari pa ang lintik eh. “Aw, ang sweet mo naman sa ‘kin, Cora,” naiiyak kong sambit. “Magkaedad tayo girl, ang hirap naman kung mauuna akong mag-asawa kaysa sa ’yo.” Napahikab ako at bumalik sa balintataw ko ang hitsura ni Markus. Hindi ko alam kung bakit napakalaking question mark siya sa ‘kin. Ilang linggo pa lang siya rito at hindi pa rin kami close. Bihira lang magkausap. Malamang na-turn off na iyon sa ‘kin. Sa dami ba naman ng kagagahan ko. Sino ba namang lalaki na gugustohin ang inaakto ko. Para akong timang. Dapat sila ang naghahabol at hindi ako. “Korek, sige. Kapag inaya ako ni, Adam papayag ako,” nakangiti kong wika. “Ganiyan nga, oh sige na. Babalik na ako sa karenderya ha. Chat-chat na lang mamayang gabi.” Tumango naman ako at kinuha ang aking selpon. May chat nga si Adam. Kaagad na pumayag ako at sinabi ko na ring sabay na kami sa kanila ni Cora. Payag naman siya at mukhang excited pa. Kung wala tayong pag-asa sa afam, du’n tayo sa pinoy na may lahi rin kahit papaano. Pagkauwi ko ng bahay ay magaan ang aking pakiramdam. Naglinis lang ako saglit at napaupo sa sala saka kinuha ang picture frame sa gilid. Nakatitig lang ako roon at napahinga nang malalim. Nagluto na ako at nang matapos ay nag-cellphone na sa sala. Nakikipag-chat lang ako sa mga kaibigan ko. Inaayos ko na rin ang mga kailangan ko’t mag-aaral ako. Kukuha ako ng NC-II at NC-III. Noon pa man ay pangarap ko ng maging welder sa ibang bansa. Napatingin ako sa pintuan at nakita si nanay. “Ginabi ka yata ‘nay?” usisa ko. “Gagabihin na ako ng uwi sa susunod na mga araw Lara at sasali kami sa zumba competition ngayong piyesta,” sagot niya at umupo na rin. “Gusto niyo po bang ikuha ko kayo ng tubig?” tanong ko. “Sige nga, salamat,” aniya. Tumayo na ako at nagsalin ng tubig sa baso. Ilang sandali lang naman ay napatingin ako sa pintuan ulit at pumasok si Markus. Pawisan ang noo pero mabango pa rin. Abot hangang sa ‘kin ang amoy ng pabango niyang mukhang mamahalin. Sa kaniya ko lang naamoy iyon eh. “Buti naman at nakauwi ka na rin, Markus. Ipagtimpla mo siya ng kape, Lara,” Utos ni nanay. Hindi na rin ako nagreklamo pa at ginawa ang utos niya. “Thanks,” aniya nang mailagay ko sa lamesa na malapit lang naman sa kaniya. “Ano ba ang plano mo sa piyesta, ‘nak?” usisa ni nanay sa akin. “May lakad ako ‘nay, kasama ang mga kaibigan ko,” sagot ko. Natigilan naman siya. “Sinong kaibigan?” Kita ko ang panunukso sa ekspresyon niya at tinikwasan pa ako ng kilay saka pasimpleng tinuro si Markus. “Si Adam, si Adam ang kasama ko,” sambit ko. Natawa naman si nanay. “Ah…eh ikaw, Markus? May plano ka ba sa piyesta?” usisa ni nanay. “Wala po, sa shop lang po ako,” sagot niya. “As if naman may paki siya sa piyesta,” mahinang sambit ko. “Ano ‘nak?” “Ang sabi ko po maghapunan na tayo. Nakapagluto na ako,” saad ko at pumunta na sa kusina. Saka ko lang napansin na maayos na ang bubong namin. Bago na rin ang yero. “Pinagawa niyo kanina ‘to ‘nay?” tanong ko kay nanay. Maski siya ay nagulat din. Hindi ko napansin kanina sa dami ng tumatakbo sa isipan ko. “Uy hindi ah! Maaga rin akong umalis kanina ‘di ba? May lakad kami,” sagot niya. Napalingon kami kay Markus na tahimik lang. “Nagpatulong na ako kay, Gargol at Bruno kanina,” saad niya. “Naku! Hindi mo naman kailangang gawin iyan, Markus. Nakakahiya naman sa ‘yo. Pasensiya ka na ha,” wika ni nanay. Ngumiti lang siya nang tipid. “It’s fine, mabilis lang naman po ‘yan,” aniya. Hindi na rin ako umimik pa kaya napatingin ako kay nanay nang sipain niya ang paa ko sa ibaba. Kinunutan ko siya ng noo. Sumenyas naman siya sa ‘kin na bigyan ng ulam si markus. “U-Ulam?” Wika ko at ibinigay sa kaniya ang sandok. Kita ko namang napailing si nanay sa ‘kin. Ano na naman kaya ang nagawa ko. “Hayy naku!” Tahimik lang kaming kumakain. Pinipigilan ko talaga ang sarili ko na huwag tingnan si Markus. Dapat mapansin niya na nagbago na ako. Na hindi na ako iyong Lara na papansin at mukhang easy to get na desperada. “Ang lalim yata ng inisip mo ‘nak? Excited ka siguro sa date niyo ni, Adam no? Ano? Kayo na ba?” tanong ni nanay. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa. Tahimik na ngumunguya lang si Markus at mukhang wala namang paki. Grabe! Wala nga siguro talaga siyang gusto sa ‘kin. Nakalulungkot naman. “H-hindi po ah, nga pala ‘nay, mag-e-enroll ako sa welding. Open na po ulit ang TESDA,” sambit ko. “Aba’y maganda ‘yan. Matagal ka ng sinasabihan ng tiyo mo pero ayaw mong makinig,” aniya. “Alam niyo naman pong hindi ko maiwan-iwan ang tindahan niya. Naawa naman po ako kung iba ang aasahan niya. May trust isue na ‘yan sa ibang tao,” wika ko. “Sabagay, gamitin mo na lang kaya ang pinag-aralan mo ‘nak. Sa opisina ka na lang magtrabaho. Inalok ka ni, kap maging secretary tanggapin mo na.” May natapos naman ako sa kolehiyo. Iyon nga lang hindi ko rin nagamit. Sa taas ng standards ng Pilipinas hindi ko kayang pagtrabahuan. Ang liit na nga ng sahod gagawin ka pang alipin kaya huwag na lang. Sa abroad baka may pag-asa pa. Pangarap ko rin namang tawaging madam no. Sa ngayon madam-ing utang na muna. #responsible
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD