Pagkauwi ko sa bahay ay kaagad akong nagbihis. Sinuklay ko ang aking mahabang buhok saka ko tinalian. Lumabas na ako at mukhang uulan pa yata. Ang lakas ng hangin eh.
Pumunta ako sa kusina at nakita si nanay na inaayos ang yero. Mukhang kailangan ng palitan at luma na. Tumatagas na rin.
“Anak, kailangan na yata ‘tong ayusin ulit,” wika niya.
“Bagong yero dapat ‘nay, mahihirapan na tayo nito kapag bubuhos ang ulan,” sagot ko.
Kinuha ko ang upuan at hindi naman masiyadong mataas. Kaya pa naman at hindi naman ako pandak. Medyo may katangkaran ako’t nagmana sa aking ama na nalunod sa sabaw ng saluyot.
“Ang laki na pala ng butas ‘nay. Nu’ng nakaraang tapal pa natin ‘to. Hindi na yata kakayanin ng vulca seal,” sambit ko.
Ilang sandali pa ay bumuhos na ang ulan at kaagad na napababa ako at kumuha ng batya. Ang lakas ng tagas.
“Ay susko!” ani nanay. Natawa na lamang ako.
Kinuha ko ang cellophane sa gilid at pwede iyong pantapal. Temporaryo lang.
“Bukas na bukas din at papalitan ko na ‘yan. Hihingi ako ng tulong kay, Gargol,” aniya.
Pumatong na ako ulit sa upuan at akmang ilalagay na ang cellophane nang biglang rumagasa ang tubig sa kabilang banda.
“Aba’y lintik!” ani nanay at nagmamadaling kinuha ang mga kaldero at dinala sa sala namin. Natawa na lamang ako at hindi na siya magkandaugaga. Nabasa na rin ako dahil sa ulan. Wala akong ibang choice kung hindi ang lumabas ng kusina at akyatin ang bubong.
Hindi naman kataasan kaya hindi nakakatakot. Ang nakakatakot ay ang malakas na tunog ng langit na parang galit na galit na may pakindat pa.
Itinali ko na ang cellophane at napaluwa nang makain ang iilang hibla ng aking buhok.
“Do you need help?”
Napalingon ako sa baba at napakunot-noo. Sa laki ng lugas ng tubig ulan halos hindi ko maaninag ang mukha niya. Talagang nag-brown out pa.
“Pakikuha naman ng flashlight sa loob oh. Itatali na lang ‘to,” sambit ko.
“Okay,” sagot niya at nagmamadali pa.
Naghintay lang ako saglit. Hindi rin ako nagpadalos-dalos sa pagkilos at baka mahulog ako. Ano lang ba ang lakas ng twenty years old na kahoy namin.
Ilang saglit pa ay lumabas na siya at inispatan ako. Napaiwas ako ng tingin at ang kumag ay inispatan ang mata ko.
“Sorry,” aniya.
“Dito banda,” utos ko at minadali na iyon. Pareho kaming basang-basa.
“I can help you up there,” aniya.
“Naku! Huwag na, sa laki at tangkad mong ‘yan baka isang hawak mo pa lang sa kahoy wala na, lugmok na ‘tong kusina namin,” sagot ko at natawa sa kaniya.
Ilang sandali pa ay natapos na rin naman, bumaba na ako at aalalayan pa niya sana ako pero humindi na ako. Marumi kasi ang kamay ko.
“Okay na, salamat,” sambit ko at pumasok na sa loob. Tumingala ako at napangiti.
“Nay! Okay na, hindi na tumutulo,” sigaw ko.
Pumasok naman siya sa kusina at may dalang tuwalya. Ibinigay niya ang isa sa akin at ang isa naman ay kay Markus na pansin kong kanina pa tahimik.
“Okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong ko.
“No, I’m fine,” sagot niya at pumasok na sa loob.
“Maligo ka na rin, Lara at baka sipunin ka,” wika ni nanay.
Tumango naman ako at dumeritso na sa banyo namin. Mabilisan lang naman at sobrang ginaw na. Tanging ilaw lang ng flashlight ang ilaw namin.
Lumabas na ako at dumeritso sa kuwarto ko. Kamuntik na akong tumilapon nang may mabangga ako. Mabuti na lang at nahila niya ang tuwalya at ako. Kaagad naman akong napahiyaw sa pagkataranta.
“Anak ng pating naman oh. Lara, ano ba ang nangyari?”
Hindi na ako nakapagasalita nang hilahin ako ni Markus papasok sa kuwarto ko at nakatakip ang kamay niya sa bibig ko.
“Lara?” Wika ni nanay at kumatok pa.
“O-Okay lang ako, ‘nay. Napatid lang,” sagot ko.
“Akala ko kung ano na, bilisan mo na riyan. Tawagin mo na rin si pogi at kakainin ko na siya, este kakain na tayo,” aniya at natawa pa.
“Opo,” sagot ko na lang at kaagad na nag-abot ang mga mata namin ni Markus. Nakatitig siya sa mata ko.
Napatingin ako sa dibdib kong nakahantad at ang aking p**e letse! Mabilis na naitulak ko siya at basta na lang na hinablot ang kumot ko para takpan ang aking katawan. Para na akong matutunaw sa labis na hiya.
“L-Lumabas ka na,” mahinang pakiusap ko. Sana lamunin na lang ako ng lupa. Nakita niya siguro ang shining inheritance ko. Lintik! Ang cocomelon ko’t cocomelat.
“I’m sory,” mahinang sambit niya.
Tumango lang ako at iniwas ang tingin sa kaniya.
“Okay lang, kasalanan ko naman at hindi ko inaninag ang daan,” nahihiyang sagot ko.
“Don’t worry, wala naman akong nakita,” paninigurado niya.
Natigilan naman ako.
“T-Talaga?” Paninigurado ko. Mukhang pang disappointed ang boses ko anak ng…
Tiningnan ko siya. Hindi siya makatingin nang deritso sa ‘kin. Alanganin akong maniwala eh. Pero baka isipin niya assuming ako.
“Yea, bilisan mo na,” aniya at nagmamadaling lumabas ng kuwarto ko.
Natawa naman ako nang pagak. Imposibleng wala siyang nakita. Natigilan ako at napaupo sa kama. Namutla ang labi ko panigurado. Wala nga siyang nakita pero may nahawakan.
Napatingin ako sa dibdib ko at napapikit. Umub-ob ako sa unan at napasigaw lintik. Nakakahiya!
Oo nga’t crush ko siya pero hindi free ang katawan ko. Hindi ako ganon kalandi. I mean, medyo pero hindi talaga.
Nagbihis na lang ako at lumabas na. Nakahain na si nanay. Hindi pa rin tumitila ang ulan. Bagkus lalo pang lumakas.
“May bagyo yata ah,”ani nanay.
“Baka nga po, ang lakas ng ulan eh,” sambit ko.
Umupo na kami at tahimik na kumakain. Napatingin ako kay Markus na tahimik lang din na kumakain. Bawat subo niya ay nakalulula. Parang ipinanganak sa isang imperyong sobrang yaman at elegante. Kung ngumuya ay talagang benteng beses bago lunukin. Talagang binilang ko.
“Pogi, may pamilya ka pa ba? Nakumusta mo na ba sila? Ang lakas ng ulan ngayon eh may bagyo yata,” sambit ni nanay.
“I do, they’re okay,” sagot niya.
Napakunot noo naman ako. Siya lang yata ang kakilala kong taglish pero hindi nakakainis pakinggan. Para bang sanay na sanay siya na ganoon ang salita niya sa bahay nila. Mukha rin siyang mayaman at amoy mayaman kahit na madungis at rugged siya tingnan palagi dahil na rin sa klase ng trabaho niya. Ang linis ng mukha at balat. Ganoon talaga siguro kapag hindi purong pinoy. Ang ganda pa ng accent.
“Alam ba nila na nandito ka sa bayang ‘to?” usisa pa ni nanay.
“No, I left home for my own peace of mind,” sagot niya.
“Ah,” sagot ni nanay at tumango-tango.
Kumain na rin ako at ilang sandali pa ay bumalik na ang ilaw. Tahimik lang kaming kumakain at ang sarap ding matulog ngayon. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagpresintang maglinis.
“Oh? Ba’t andito ang tuwalya mo, Lara? Dito ka nagbihis sa labas?” tanong ni nanay at pinulot iyon.
Natigilan naman ako at napalingon kay Markus. Nakatingin din siya sa akin. Ilang beses kong pinangarap ‘to pero nakakaloka naman eh. Lintik naman kasing mga mata iyon. Para akong napapaso. Kaagd na iniwas ko ang aking tingin at napaubo.
“Basa na po kasi masiyado kaya iniwan ko na lang sa lapag. Nakalimutan kong pulutin kanina, ang dilim po kasi eh,” sagot ko.
“Ah, akala ko kasi nagpa-live show ka kay, Markus kanina,” ani nanay.
Napaubo naman ako, inabutan naman ako ni Markus ng tubig kaya iyon ang ininom ko naman agad.
“Nay, ano ba?” reklamo ko at humigit ng malalim na hininga.
Tawang-tawa naman siya.
“Sus! Niloloko ka lang eh. Masiyado ka namang seryoso. Tingnan mo si Markus, ganiyan dapat. Chill lang, kung maka-react ka akala mo naman guilty,” wika niya.
“Nay!”
“Oo na, oo na. Sige na, mauna na ako sa kuwarto ko ha. Ako’y may kailangan pang gagawin bukas.”
“May lakad ka na naman ba bukas?” usisa ko.
“Oo, magbibigay kami ng pampurga by purok bukas kasama ang mga ka-BHW ko,” sagot niya. Tumango na lang ako.
“Bakit? Gusto mo ring magpurga?” aniya.
“Hala siya! Mukha ba akong may bulati ‘nay?” asik ko.
“Ibang bulati ang kailangan mo anak,” aniya at kinindatan ako.
“Matulog ka na, ‘nay sige na,” saad ko at initulak na siya papunta sa kwarto niya. Tawang-tawa naman siya.
Napailing na lanang ako at kinuha na ang mga plato.
“Ako na,” wika ni Markus at naglakad na papuntang lababo.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang naghuhugas. Ang ingat ng galaw niya.
“Sure ka kaya mo?” paninigurado ko.
Tumango naman siya.
Okay,” sagot ko na lang at pinunasan na ang mesa. Nang matapos ay umupo na muna ako sa sala at kinuha ang aking selpon.
Bumabaha na nga sa labas at puno na ang mga imburnal ng basura.
“Tsk tsk.”
Napatingin ako kay Markus nang umupo rin siya sa kabila.
“Hindi ka pa matutulog?” usisa ko.
“Later,” sagot niya. Tumango naman ako.
“Sanay ka bang mag-ayos ng bubong niyo?” usisa niya.
Natigilan naman ako.
“Ah, oo, simula nu’ng mamatay si tatay ako na ang pumalit. Alangan namang hayaan ko si nanay ‘di ba?” sambit ko.
“You can ask anyone for help, masiyadong delikado at risky ang ginagawa mo,” aniya.
“Sus! Maliit na bagay lang ‘yan. Saka hindi naman sa lahat ng panahon my tutulong sa ‘min. Kaya ko rin naman kaya ako na,” sagot ko.
“You’re amazing! Kaya mong mag-vulcanize, kaya mo ring ayusin ang bubong niyo,” aniya. Halata ang mangha sa boses.
Natuwa naman ako in fairness. Mukhang kailangan ko ng agahan ang uwi ah para makapag-vulcanize. Ganito pala ang gusto niya. Easy.
“Eh ikaw? Mayaman siguro ang pamilya mo no,” asik ko.
Hindi naman siya umimik.
“Paano ka naging maalam sa ganitong klase ng trabaho? Magaling ka ring mekaniko. Pero sa aura mo para kang business man,” komento ko.
Kumuha naman siya ng sigarilyo at sinindihan iyon.
Ilang saglit pa ay pareho kaming natigilan nang mawala na naman ang ilaw.
“Aba’t!”
Napatingin ako kay Markus na nakatingin lang sa bintana. Kinikilig ako sa totoo lang. Maginaw na pero tiniis ko para lang makasama siya.
“Wala ka bang girlfriend?” tanong ko. Umiling naman siya bilang sagot.
“Ah, same pala tayong single. Ako rin walang boyfriend. Mrami ang sumubok pero wala akong magustuhan,” wika ko.
Tila wala naman siyang pakialam. Lintik na ‘to. Nakakainis! Para akong nakikipag-usap sa hangin.
“Next time, kung nahihirapan ka just call me. If you need my help don’t hesitate to come. Ang ganoong mga trabaho ay gawain ng lalaki. I’m your tenant here, kaya tama lang din na tumulong ako kahit papaano,” saad niya.
Napangiti naman ako. Ayaw niya sigurong mapagod ang kagandahan ko. Grabe! Buo na ang gabi ko ngayon.
“Huwag kang mag-alala at safe naman ako. T’saka sanay na rin,” wika ko.
“Ayaw ko lang punain ng mga tao rito sa inyo na walang puso o ano. You don’t have to pretend that it’s okay when it’s not,” aniya.
Natigil ang pagdi-daydream ko. Double kill na naman ako nito. Sana kasi hindi ko na kinausap eh. Hindi pa talaga nadala eh.
“Sige na, mauna na ako sa ‘yo,” sambit ko at pumasok na sa nwarto saka nagtalukbong ng kumot.
“Tarantado!”