Chapter 4

3032 Words
Kahit anong kulit ko ay talagang hindi umobra sa kaniya. Okay lang naman sa ‘kin kahit papaano dahil alam ko namang hindi niya papansinin ang tulad ko. Tulala kong hinihimay ang malunggay at magtitinola ng isda si nanay ngayon at lalahukan niya ng malunggay. Wala akong pasok ngayon at karelyibo ko si Sitang. “May maitutulong ba ako?” Natigilan ako’t sobrang pamilyar ng boses. Paglingon ko nga ay tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Markus. Nakasuot siya ng itim na damit na walang manggas. Sumilip ang braso niyang sobrang kinis at malaki. Napalunok ako. “T-Tutulong ka? Marunong ka ba maghimay ng malunggay?” sagot ko. Hindi siya sumagot bagkus umupo sa kaharap kong upuan. Hindi ako mapakali at grabe ang mga mata niya. Para iyong papasok sa kaluluwa ko kung makatingin. “Hindi ba kami mabibilaukan diyan?” aniya. “Ha?” Itinuro niya ang kamay ko at natawa nang pilit nang makitang ang lalaki nga ng pagkakahimay ko. Hindi nila kakayanin ‘to paniguradong bilauk ang aabutin. “M-Maganda sa katawan ‘to. Sabi nila,” alanganin kong sagot. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kaniya at nabibwesit na ako sa sarili ko. Ano ba ‘tong pinagsasabi ko? Nakakita lang ng pogi parang bumaliktad na ang utak. Hindi nakakaganda ang katangahan kong ‘to. Lalo pa yata siyang matu-turn off sa ‘kin eh. “Ah, himala yata at wala kang trabaho ngayon ah,” wika ko. Gusto ko lang siyang kausapin nang matagal. Gusto ko siyang daldalin kahit alam kong naririndi na siya sa boses ko. Baka sakaling kakadaldal ko eh mag-i-slow mo ako sa paningin niya’t ma-love at fist sight siya sa ‘kin. Nakagat ko ang aking labi at napangiti sa sobrang kilig. “Masakit ba ang tiyan mo?” Usisa niya. Napalingon ako sa kaniya at inayos ang aking sarili. “H-Huh?” “You look constipated. So, I’m asking if you’re okay,” aniya. Pakak! Ume-English siya! “O-Oo naman, I’m alive and pretty if you say highway,” sagot ko at kinidatan siya. KIta kong natigilan siya kaya tumayo na ako at kinuha ang gulay. “Ako na, hindi tayo matatapos nito. Hindi mo puwedeng iisa-isahin ang dahon ng malunggay. Kung hawakan mo parang nilalapirot mo eh. Kung itong puso ko ang lapirutin mo aba’y hindi na tayo magsasayangan ng laway ngayon,” wika ko. “What?” Tila naguluhan pa siya. “Sus! Sige na, ayaw kong malagay ka sa alanagnin. Sige na, oo na. Payag na ako,” saad ko at napapikit sa sobrang kilig. “Lara!” Napaayos na ako ng tayo at kinuha ang mangkok na may malunggay at umayos sa pagkakatayo. “Naku! Markus, pagpasensiyahan mo na itong anak ko. Aba’y mukhang pinagti-trip-an ka na naman. Kumain ka na ba? Nakaligo na? Ano? Grabe! Amoy Jhonssons baby powder ka ah. Ano? Hindi ka ba binangungot kagabi?” Usisa ni nanay. Napairap naman ako. Dapat kasi hindi na nakikiapid eh. Ibigay na dapat sa ’kin ang stoplight. Para naman hindi kalawangin itong akin at malapit na akong lumagpas ng kalendaryo. Hinugasan ko na ang isda at napalingon sa gilid ko nang pumasok si nanay at halos hindi mapuknit ang ngiti sa labi niya. “Ang saya mo naman ‘nay,” komento ko. “Sus! Alam mo anak, ol is per in lab and war. T’saka hindi ko maisisi kung ako ang bet ni, Markus, Kung ikaw naman ay siyempre magpapaubaya ako. Pogi oh,” aniya. “Nay, kalma. Miyembro ka na sa mga senior next month,” saad ko. “Ito naman, pero hindi nga? Ganoon kakapal ang mukha mo para magbigay ng intensiyon sa kaniya?” aniya at tila hindi pa makapaniwala. As if naman wala akong pinagmanahan. “Alangan namang patatagalin ko pa eh, gusto ko siya. Single ‘yan, single ako kaya huwag ka ng umentrada ‘nay, bigay mo na sa ‘kin. Kung hindi tayo ang bet niya aba’y, wala tayong maagagawa. Hangga’t hindi niya sinasabi sa ‘kin na ayaw niya sa ’kin aba’y gagawin ko ang lahat para mabitik siya no,” sagot ko. Sabay kaming natahimik ni nanay nang biglang pumasok si Markus sa dirty kitchen naming literal na dirty. “Hello,” nakangiti kong wika habang hawak ang ulo ng isda. “May maitutulong ba ako?” Tanong niya. Akmang sasagot si nanay nang sumabat agad ako. “O-Oo, kung okay lang sa ‘yo. Halika,” wika ko at pinalapit siya. Kita ko ang pagkindat sa akin ni nanay. “Aba’y kukunin ko muna ang tuyo sa tindahan ni Mabing ha. Tapusin niyo na ‘yan agad. Markus, hab a quickie ha,” ani nanay. Napatigil naman ako saglit. Iba yata ‘yong sinabi niya. Umalis na siya at sinenyasan pa ako na dumamoves na. Kaagad na nilingon ko si Markus na nakatayo lang sa tabi ko. Halos hindi ko maibuka ang aking bibig sa sobrang pagkatulala sa kagwapuhan niya. Anong klaseng nilalang ba ‘to? “Anghel ka ba?” tanong ko. Nakaliliyo ang kaguwapuhan niya. Nakagat ko na naman ang aking labi. “Ha?” “Kasi ikaw ang liwanag ng buhay ko, ehe,” wika ko at kaagad na nakagat ang hawak kong sandok na kanina pa pala nakababad sa sabaw kaya napasigaw ako sa init. “Anak ng—-“ “Careful,” aniya at kinuha ang sandok na hawak ko at hinugasan iyon. Natigilan naman ako. Tiningnan niya ako at magkasalubong ang kaniyang kilay. OMG! Nag-alala siya sa ‘kin. “Huwag kang mag-alala at okay lang ako, hindi naman masakit eh,” saad ko. “Your lips,” aniya. Napahawak naman ako sa labi ko at napangiti sa kaniya. “Hindi, okay lang ako. Malayo ‘to sa bituka. Sige na, du’n ka na. Kakain na tayo maya-maya,” wika ko at tinulak na siya palabas. Pagkaalis niya ay kaagad na napahawak ako nang mahigpit sa mesa at kinuha ang tuwalya sa gilid saka kinagat iyon at sumigaw sa sobrang sakit. Lintik! Hindi ko tinigilan ang tuwalya hanggang sa hindi mawala ang sakit. Paniguradong singaw ang aabutin ko nito. “Are you sure you don’t need any help?” Panganglaro niya. Napapikit ako at tinanggal ang tuwalya. Nginitian ko siya ulit. “Masakit lang ang lips ko, gusto mo bang damdamin?” Tanong ko. Hindi naman siya gumalaw at tila hindi yata na-gets ang sinabi ko. Nahihiyang nilapitan ko naman siya at nginitian. “Lips to lips mo ko dali,” sambit ko. Grabe sa hina ng moves talaga. Ako na nga ‘tong nagbibigay ng ideya eh. Para akong asong nakanguso sa kaniya nang itaas niya ang kaniyang daliri at may nilagay roon. “A-Ano ‘to?” Ang lamig sa labi at talagang nawala ang kirot infairness. “Soothing balm. Nagre-relieve ng pain caused by burns,” sagot niya. “Galing naman, effective talaga ‘to?” Paninigurado ko. Sayang naman kasi. Sana man lang tinest niya muna kung mainit ba ang labi ko o hindi ehe. “Yea, I applied that too on Bruno’s burn,” sagot niya. “Talaga? Saan siya napaso?” nakangiti kong tanong. “Sa puwet, naupuan niya kasi ang gamit pang-vulcanize,” sagot niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sagot niya pero ramdam ko ang paggalaw ng kalamnan ko para sana lapirutin ang maliit niyang u***g pero tinikis ko ang sarili ko. “Tarantado,” wika ko. “That’s pure herbal. Walang side effect dahil walang chemicals na halo,” aniya. “A-Ah ganon ba, salamat,” sagot ko. Ang tamlay ng balikat ko tang-ina siya. Iyon na eh. Pero sige na lang, importante nag-alala. Bwesit, nauna pang lagyan ang pwet ni Bruno kaysa sa ‘kin. Lips ‘to eh. Ayaw tikman pero para ko na ring hinalikan ang puwet ng tadong ‘yon ah. Papagalitan ko ‘yon mamaya sa katangahan niya. “Kain na tayo?” tanong niya. “Ah-oo, wait ka lang diyan. Kuha muna ako plato,” sagot ko at dinala na sa maliit naming mesa. Pumasok din si nanay at tila gulat pa sa ‘kin. “Bakit ‘nay?” tanong ko. “Ang kintab naman ng labi mo ‘nak, naalala ko tuloy ang puwet ni Bruno nu’ng nilapatan ko ng gamot ni, Markus. Ganiyan din kasi kakintab ‘yon,” aniya. “Actually that’s the medicine,” sabat ni Markus. Napatingin si nanay sa ‘kin at alam kong pinipigilan niya ang tawa niya. Sana mautot siya kapipigil. Halos lumabas na ang ugat niya sa ulo kapipigil ng tawa niya at napainom na lang ng tubig. “Hindi bale anak, effective naman ‘yan saka maliit lang ‘yang paso mo,” aniya. Kung hindi ko lang talaga nanay itong kaharap ko. “Kain na tayo,” wika ko at nagsandok na ng kanin at ulam. Nakatitig lang ako sa ulo ng isda. Parang iniismiran pa niya ako ah. Ang maldita ng mata. Kinuha ko nga’t kinain. Ipinakita ko talaga sa kanilang dalawa na hindi ako natutuwa. Gigil ako bawat subo ko. “Gutom na gutom ‘nak?” tanong ni nanay. “Sakto lang, ‘nay,” sagot ko. “Kalma ka lang, sa gigil mo kulang na lang pati kutsara nguyain mo eh,” aniya. “Ha ha ha,” tawa ko. Nakatitig lang sila sa ‘kin. Alam ko, at ramdam ko na ramdam din nila hindi totoo ang kasiyahan ko. Kinabukasan ay balik trabaho na,. Hindi pa rin ako maka-get over sa ginawang paggamot sa ‘kin ni Markus at masama ang loob ko sa kaniya. Kahit gaano pa siya kaguwapo sisiguradohin kong hindi na ako magpapaapekto. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Inayos ko na ang damit ko at buhok saka kinuha ang aking sling bag at lumabas ng aking kuwarto. Pagdaan ko nga sa shop ay rinig ko ang sipulan nila. “Morning byotipol!” sigaw ni Gargol. Kung noon ay sinasadya kong lumapit para maispatan man lang si Markus ngayon ay hindi na. Masama pa rin ang loob ko sa ginawa niya. Ginawa niyang pwet ang labi ko. Lintik siya! “Good morning daw sabi ni, Markus!” sigaw ni bruno. Kahit gusto ko ng lumingon ay hindi ko ginawa. Hindi ko gagawin kahit pa magka-stiff neck man ako. Kung noon ay talagang mapapalingon ako pero ngayon ay hindi na. Kailangan kong panindigan ang sama ng loob ko. “Uy! Hindi na yata umubra ang chram nitong pogi nating kaibigan eh,” wika ni Gargol. “Ano na, Laring? Ako na ba ang type mo?” sigaw ni Gargol at sinipulan na naman ako. Huminto ako at nagsihiyawan naman sila. Hinarap ko si Gargol at itinaas ang aking gitnang daliri. “Tayong-tayo at matigas na matigas ‘yan,” wika ko at kababakasan ang inis sa aking boses. “‘Yan na ba ang bagong 143?” aniya at napahawak pa sa puso niya. “Ulol!” singhal ko at inirapan siya saka nagmamadaling naglakad. “Tama na ‘yan, maraming kustomer.” Rinig kong saad ni Markus. Lalo akong naiinis sa boses niya. Mamaya lalagyan ko ng daga ang kwarto niya nakakainis siya period hindi ko na siya crush. “Oh? Busangot ka ngayon ah. Nawala na yata ang spark ng crush aura mo,” ani Cora sa ‘kin. “Wala na, nag-expire na,” sagot ko. Tumango naman siya. “Narinig ko nga ang usapan niyo kanina sa bahay niyo. Girl, ang sama niya,” ani Cora. “ “Grabeng talent ng taenga mo, abot hanggang sa amin,” wika ko at napairap. “Girl, amakan lang ang distansya ng bahay natin no,” sagot niya at natawa. “Okay lang ‘yan, ganon naman talaga. Hindi lahat ng gusto natin ay gusto tayo pabalik. Hindi mo naman kasalanan ‘yon, what if sa sobrang pag-aalala niya lang kaya ganon. What if nawawala na siya sa sarili niya knowing na nasaktan ka? Hindi mo ba naisip ang mga what if na ‘yon?” tanong niya. Natigilan naman ako. “Oo nga naman no? What if sa sobrang taranta niya kaya ganoon ang naging reaction niya. What if talagang nag-alala lang siya kaya basta may gamot hala go agad,” sambit ko at hindi napigilan ang sarili ko na mapangisi. “Ang sweet naman, nakakainggit kayo,” ani Cora. Napatingin ako sa kaniya at inayos ang aking buhok. Baka ng nag-over react lang ako kahapon. Baka nga sa sobrang taranta niya kaya ganoon. “Paano? Balik na ako sa karenderya at marami na ang bumibili. Usap tayo mamaya,” aniya kaya napatango na lang ako. Wala na, masaya na ako ulit, palibhasa kasi eh. Mabilis lang akong maging okay ulit. “Hi, Lara,” wika ni Aling Dorcas. “Bakit po?” “Pabili nga bagoong, iyong tig-sampung balot,” aniya. “OKay po, magbabalot lang saglit,” sagot ko. Kita kong lumiwanag ang mukha niya. “Aba’y, mukhang masaya ang araw mo ngayon ah. Hindi ka magrereklamo? Hindi ka nagbabalot ng bagoong at nakukutihan ka,” wika niya. Hinarap ko naman siya. “Ay sige po, hindi na po ako magbabalot. Nagbago na po ang isip ko, pass, hard pass,” wika ko. “Ito naman hindi na mabiro. Sige na, ang ganda mo pa naman ngayon sige na,” aniya. Tinikwasan ko siya ng kilay at buti na lang hindi ako bad mood ngayon. Buti na lang at gusto ko ‘yong sinasabi niyang maganda ako. “Ako’y madali lang naman kausap, Aling Dorcas,” sambit ko. Ngumiti naman siya at umalis na. Bumalik na ako sa inuupuan ko’t napatingin nu’ng may humintong motorsiklo na nakakabasag ng eardrum sa lakas ng tratat ng tambutsong bura-bura. “Tang-ina naman ‘yan at sino bang may—-“ Natigilan ako nang makitang si Markus ang nagmamaneho at nakatingin sa akin. Napalunok ako. Lintik, amoy bagoong pa naman ang kamay ko. Pahamak ‘to si Aling Dorcas eh. “Pabili nga ng sigarilyo, Laring,” sambit ni Gargol. Ni hindi ko napansin ang kumag na nakaangkas pala. “Ilan?” tanong ko. “Isang kaha,” sagot niya. Nang maibigay ko ay napatingin ako kay Markus na busy sa selpon niya. Napasimangot naman ako. “Pogi no?” tanong ni Gargol. “Klaro naman, tinatanong mo pa,” sagot ko. “Tol, pangit mo raw, hindi ka nangalahati sa ‘kin,” wika ni Gargol. “Hoy!” sigaw ko at kaagad na napailing. “Lintik na kalbong ‘to! Hindi ko sinabi ‘yon, Markus!” sigaw ko at akmang tatampalin na ang makinis niyang ulo nang bumaba si Markus. Para siyang modelo papalapit sa ‘kin habang naglalakad. Hindi ako makagalaw. “V-fresh sa ‘kin, magkano ba?” tanong niya. Grabe ang mga mata niya. Ang kaba ng dibdib ko para na akong mawawalan ng lakas. Nanlalambot na naman ang paa ko. “H-Huh?” “V-fresh daw Laring,” sabat ni Gargol. “Narinig ko,” inis kong sambit at kumuha saka nakangiting ibinigay sa kaniya. “Tatlo limang piso,” sagot ko. Tumango naman siya at napahawak sa bulsa niya. Napakamot siya sa ulo niya at napatingin kay Gargol. Wala yata siyang pera. “Ito lima,” ani Gargol at kinindatan pa ako lintik na ‘to. Umalis na nga sila pagkatapos. Naiwan naman akong maluwag ang dibdib. Baka nag-alala siya sa akin kanina na hindi ko siya pinansin. Hindi bale, babawi ako. Mag-go-good morning ako three times a day. Napisil ko ang aking kamay at para na akong timang na nakangiti mag-isa. “Inlab na yata ako, grabe!” Kinahapunan ay mag-a-alas sais na akong umuwi. Naglalakad ako sa tabi ng daan at hindi naman delikado. Halos kilala ko na ang mga kapit bahay namin. “Lara! Tara shot!” tawag sa ‘kin ni Mang Pedio. Umiling lang ako saka nginitian sila. “Kulang po ‘yan para panligo sa atay niyo. Inyo na lang po, salamat,” sagot ko. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si nanay na nakaupo sa labas ng vulcanizing shop. Busy ang shop at mukhang maraming nagpapaayos ngayon. Nakasuot siya ng crop top at neon yellow na three sister niyang palda. Napailing na lamang ako. Hindi ko na sinuway at iyan ang kaligayahan niya. Matanda na ang nanay ko. Gusto kong maging makabuluhan ang buhay niya. Wala akong paki kung ano ang tawag sa ‘min ng mga tao. Kung ano ang trip niya ay sinasakyan ko na lang. Hindi naman siya nakakasakit ng iba kaya walang problema. “Lara! Mabuti naman at nandito ka na,” wika niya. Nilapitan ko siya at nginitian saka nagmano. Pasimple kong inispatan si Markus na nagwe-welding. Grabe ang gwapo niya. Kahit madungis siya tingnan ay lalo lamang iyon nadagdagan ang kaniyang appeal. Nagsidatingan pa ang iba at hindi na kakayanin ipagsabay kaya ibinigay ko kay nanay ang bag. “Ako na,” wika ko at kinuha na ang ligwat para tanggalin ang interior sa loob. “Marunong ka pala?” manghang tanong ni Bruno. “Kahit ilong mo kaya niyang i-vulcanize,” natatawang sabat ni Gargol. “Pera rin ‘to no,” saad ko. Masiyado akong pokus sa ginagawa ko’t napakunot noo na lang nang sipain ni nanay ang paa ko. “Ha?” Ininguso naman niya ang likuran ko kaya napalingon ako. Nakita ko si Markus na kausap si tiyo. Tapos lilingon sa kinaroroonan ko. Natigilan ako saglit at napangiti. Siguro ay naa-astigan siya sa akin. “Miss,” tawag sa ‘kin ng may-ari ng motor. “Bakit po?” nakangiti kong sagot. “Hindi po tayo matatapos at kahit anong lagay mo ng hangin dahil off ang compressor,” aniya. Natigilan naman ako at natawa nang pagak. Napalingon ako sa gawi ni Markus at mabuti na lang hindi siya nakatingin. “Sareey, sarrey,” wika ko at kaagad na inayos ang gulong niya. Nang matapos ay naghugas na ako ng kamay at pinunasan iyon. “Napakasipag mo talaga, Lara!” komento ni tiyo. “Pera ‘yan eh,” sagot ko. Tumngo naman siya at ibinigay na nang buo ang bayad nu’ng lalaki kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD