Chapter 3

1075 Words
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kailangan maaga ako sa tindahan at marami kaming gagawin. May delivery ngayon ng bigas. Pagkalabas ko ay napalunok ako sa aking nakikita. Sumakto pa talagang sa bintana ng sala namin ay nakatayo siya. Walang suot na damit at talaga namang tinatawag ako ng mabato niyang tiyan. Pwede kayang hawakan ‘yon if ever? Pero siyempre hindi pwede. Kailangan jowain niya muna ako no. Kahit pogi siya aba’y dapat paghihirapan niya rin ang tulad ko. “Ahem!” mahina kong ubo. Napalingon naman siya sa ‘kin na nakakunot ang noo. Kaagad na kumaway ako sa kaniya. “Aga mo naman,” wika ko. “Hmm,” sagot niya. Nilapitan ko siya at pumameywang. “Ganiyan ka ba talaga sumagot? Paisa-isa? Nauubos ba ang mga salita sa bibig mo?” usisa ko. Tumaas na naman ang kilay niya. “Am I not allowed to?” sagot niya. Napipilan naman ako at natawa nang pagak. Lintik! Parang mas okay pa nga na tag-isang salita lang ang sagot niya kaysa English-in niya ako. “No,” sagot ko at napalunok. Sana naman ay huwag na siyang magsalita ulit. Napangiti ako nang hindi na nga. “Kumain ka na? Kung hindi pa ako na lang kainin mo,” wika ko at kinindatan siya nang mabilis. Kita ko ang paggalaw ng panga niya. Umigting talaga. Siguro na-turn on siya sa kindat ko. “Huh?” Natigilan ako at napailing. Kawalang gana landiin sobrang loading. “Kumain ka na, may pagkain du’n sa kusina,” sambit ko at kinuha na ang aking bag. “Una na ako,” sambit ko at umalis na ng bahay. Aga-aga sira na agad ang mood ko. Hindi man lang niya binigyang pansin ang kagandahan ko ngayon lintik siya. “Good morning byotipol,” bati sa ‘kin ni Gargol habang nakangisi. “Tigil-tigilan mo ako Gargol at wala ako sa mood. Ayaw kong makasabunot sa ulo mo’t wala namang buhok ‘yan,” inis kong sambit. “Diyan ka nagkakamali, Laring. Dalawa ‘tong ulo ko. Oo nga’t walang buhok itong sa itaas, sa baba naman ay panigurado kahit tirintasin mo pa,” sagot niya at kumindat pa. “Alam mo? Tinitigasan ‘tong daliri ko sa ‘yong tarantado ka. Pinggerin ko pa ‘yang mata mo. Alis nga sa daanan ko’t baka ikaw pa ang mapag-initan ko.” “Iyan ay normal lang naman dahil sobrang hot ko,” aniya. Pinanlakihan ko siya ng mata sa labis na inis. “Ito naman, kalma ka lang diyan,” bawi niya. Kalma niya mukha niya. “Lara, nakita mo ba si Markus?” tanong naman sa akin ni Bruno na kalalabas lang sa ilalim ng sasakyan. “Kita mo ‘yong lalaki sa bahay sa bandang bintana?” wika ko. Tumango naman siya “Kita mo naman pala. Isa ka pa, anak talaga kayo ng mga nany niyo. Malamang nandoon siya’t nakita mo eh. Nagtanong pa talaga.” “Ito naman, masiydong mainit ang ulo mo. Kalma ka lang,” aniya. Huminga ako nang malalim at nilingon si Markus. Napalunok ako nang makitang mataman siyang nakatingin sa akin. Napaayos ako ng buhok nang wala sa oras. “Laring, okay ka lang?” tanong sa akin ni Gargol. “Ehe, ekey leng eke,” sagot ko at hindi na napigilan ang matamis kong ngiti. Sinasabi ko na nga ba. Talagang pinipigilan niya lang ang totoong nararamdaman niya para sa ‘kin. “Aba’y nakita mo lang ang kaibigan ko nagkandalukot na ‘yang dila mo ah. Single ‘yan, Lara. May sariling mundo nga lang pero kita mo naman. Dito sa buong purok niyo eh ako lang ang tanging katapat niya sa kagwapuhan,” saad ni Bruno. Napangiwi naman ako. Ang taas ng confidence nito ah. “Ba’t ‘di ka yata naniniwala sa akin?” aniya at natawa. “May salamin ka ba sa boarding house mo?” tanong ko sa kaniya. “May dala nga ako eh,” sagot niya at ipinakita ang maliit niyang salamin. Tiningnan niya pa ang sarili niya at ngumiti na para bang sobrang pogi niya. “Oh ano? Ano ba ang sinasabi ng salamin mo?” usisa ko. “Aba’y walang kontra. Walang kapares ang kaguwapuhan ko,” sagot ko. “Alam mo, Bruno? Tapon mo na ‘yan. Napakasinungaling,” sagot ko at inayos ang aking damit nang makita ang paglabas ni Cora. “Lara! Kanina ka pa?” tanong niya. “Hi, chicks!” bati ni Gargol sa kaniya at kinindatan pa. “Good morning, Cors,” bati naman ni Bruno. Aba’t walang hiya! Talagang nagpa-cute kay Bruno. Maliwanag pa sa buwan ang magiging kahihinatnan nila ah. Kawawa naman ako. “Good morning, Markus. Ang pogi mo today,” ani Cora. Napalingon naman ako at nahigit ang aking hininga. Grabe sa kaguwapuhan naman talaga. Hindi siya ngumiti man lang. Dumaan lang na parang hangin ang tarantado. “Sa ‘kin lahat yarn?” sambit ko at pinipilit ang sariling huwag mapangiti nang malapad. Inayos ko ang ilang hibla ng aking buhok at kunwari nahihiya pero sobrang kapal ng mukha ko. Siniko ako ni Cora kaya napaayos ako ng tayo. “Alis na kami,” ani Cora at hinawakan na ang kamay ko. “Teyk keyr, Cora. Bekos I keyr por you,” wika ni Gargol. “Isara mo ‘yang bibig mo, Gargol at nanggigigil ako sa ‘yo.” Ngumiti naman ako nang sobrang tamis kay Markus. “Bye, Markus. See you mamaya. Huwag mo akong masiyadong ma-miss. Aagahan ko ng uwi, ano ba ang gusto mong lutuin ko na ulam mamaya?” nakangiti kong saad. Kumunot lang ang noo niya sa ‘kin at sobrang naiintindihan ko ‘yon. Deny kung deny talaga siya. Pero kung kami lang ang nandoon sa bahay aba’y hindi makapagsalita sa labis na kilig sa akin eh. Pasasaan ba’t lahat ng pagtitiis ko ngayon kung aanihin ko rin pagdating ng panahon. “Tara na girl,” aya sa ‘kin ni Cora. One last glance, mukha ni Bruno na nakangiti na parang aso ang bumungad sa ‘kin. Napaatras ako kaagad. “Hindi mo matanggap ang lakas ng aura ko’t napaatras ka pa talaga,” aniya at namulsa. Napangiwi naman ako. Hinahanap ng mga mata ko si Markus at nag-aayos na ng motor sa gilid. Napabusangot naman ako. “Ang hirap talaga kapag torpe eh,” wika ko at napailing. “Ha?” ani Cora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD