bc

Falling inlove with that Barumbado Girl

book_age16+
6.9K
FOLLOW
22.3K
READ
second chance
arrogant
comedy
sweet
lighthearted
straight
witty
female lead
like
intro-logo
Blurb

Si Lawrence ang isa sa mga pinipilahan at pinapangarap ng mga babae.

Pagdating sa babae ay napaka pihikan niya. Si Samantha si Annie ang dalawang babaeng minahal niya.

May pag-asa pa kayang makatagpo siya ng babaeng magpapatibok ng kanyang puso.

chap-preview
Free preview
FLBG C-1
______________________________________________________________ This story is a series of How I seduce my Boss. Enjoy Reading. Alexa POV Nang makita ko pa lang si Rence o si poging hilaw sa video call namin ng aking pinsan ay di ko na maalis ang tingin sa kanya. Sa lahat ng lalaking nakilala at nakita ko ay siya lang ang nakakuha ng atensyon ko. Type ko siya bukod kasi sa gwapo ay napaka generous niya nalaman ko iyon nang nakwento ni Tito Jun na dinala nito si Annie sa Amerika upang doon magtrabaho. Lumingon ako kay Roberto na tumili. Nanunuod kami ng telebisyon. Iba din ang trip ng baklita kong pinsan. Basta koreano ay crush na niya. "Anu bang tinitili mo dyan? tanong ko sa kanya at ang mata niya ay di pa rin maalis sa tv. "Ate alex ang gwapo niya. Yung artista na yon oh! nakakainlove tignan!" kinikilig na sagot niya at ako'y napailing na lang. "Ate Alex tignan mo, di ba kamukha siya ni kuya Rence?" sabay turo niya sa tv. Napakunot ako ng noo at lumapit sa tv. Kinusot ko ang aking mata baka kasi naduduling lang ako."Oo nga Roberto para silang xerox copy." Dahil kamukha ni poging hilaw ang nakita ko sa tv ay tinapos ko ang palabas. Pagkatapos ng palabas ay umakyat na kami ni Roberto sa kwarto para matulog. Magtatalukbong na ako ng kumot ay tinawag naman ako nito. "Ate Alex pag nakita mo ng personal si Kuya Rence maiinlove ka sa kanya," nakangiting sabi niya. Naalala ko na bukas na pala ang balik ni Annie galing Amerika. Parang na-excite ako sa sinabi ni bakla. Pero di ko pinahalata. "Pag di siya gwapo kakalbuhin kita," biro ko. Napaismid siya. "Ate believe me ibibigay ko itong barbie ko sayo pag di siya gwapo." Kaagad akong umiling. "Suntukan na lang tayo bakla" sabi ko. Nakita ko na parang naiinis na siya. "tulog na tayo Rhian," malambing na sabi ko sabay talukbong. Hindi na sumagot si roberto natulog na din siya. ********************* Someone POV Alexa Lucia Carmine Lopez o kilala sa tawag na Alex. Babaeng babae ang pangalan niya pero ang kilos niya ay daig pa ang lalake. Nag-iisang anak si Alex. Magkapatid ang mama niya at mama ni Annie. Bata pa lang siya ay namatay na ang kanyang ina dahil sa sakit na Leukemia. Hindi siya pinakilala ng kanyang mama sa daddy niya noong bata pa siya. Ayaw kasi ng mga magulang ng Daddy niya sa Mama niya. Kaya kahit kasal ang magulang niya ay pinili ng Mama niya na humiwalay. Katulad ng namayapang ina ay matapang siya at ma-pride ganunpaman ay napakabait naman niya yon nga lang ay may pagka tuso siya minsan. Iyon ang namana niya sa Mamay niya. Nakilala niya ang daddy niya na si Freddie Lopez nang mamatay na ang Mama niya. Nong una ayaw niyang sumama sa kanyang ama kaya lumaki siya sa mga magulang ni Annie. Dahil nakita niya ang kabaitan ng kanyang ama ay nakumbinsi din siyang sumama. May katigasan ang ulo ni Alex. Pag gusto niya ay gusto niya. Mas nagustuhan niya ang mga panlalaking sports lalo na ang Boxing Taekwondo at Wrestling. Yon kasi ang hilig ng kanyang ama na namana din niya. Alam niya sa sarili niya na hindi siya tibo o tomboy. Kahit may maganda siyang mukha at tisayin ay hindi niya naikubli ang kanyang pagkabrusko na naging dahilan para ang mga lalaki ay umiwas sa kanya. Wala pa siyang nagiging boyfriend hindi niya din alam kung may nanligaw sa kanya siguro meron ngunit wala siyang ideya. Wala siyang alam pagdating sa ligaw at sa pag-ibig.Tinuon niya kasi ang sarili sa away at gulo. Natutuwa siya pag may away.Sa madaling sabi ay barumabdo siya. Sa unang tingin sa kanya ay di mo aakalain na kaya niyang sumuntok dahil sa mukha niyang mala anghel at balingkinitan na katawan. Kaya pag may gulong pinasukan ay pinapapunta muna siya ng kanyang ama sa Manila, kila Annie na kanyang pinsan. Mas pabor sa kanya dahil naboboring na din siya sa bahay nila. Ang Daddy at Lola niya pati mga katulong lang nila ang kasama niya. Ang Daddy niya ang may ari ng isa sa pinakamalaking hacienda dito sa pilipinas. Maalwa ang buhay ni Alex ngunit ayaw niya ng yaman na meron siya ngayon. Mas gusto niya ang buhay na kagaya ng kanyang pinsan simple pero masaya. **************** Rence POV Paglapag namin sa pilipinas ay ramdam ko ang lungkot dahil si Annie ay babalik na, ang akala ko ay matututunan niya akong mahalin pero hindi pala. Hindi niya pa rin magawang magmahal ng iba dahil mahal niya pa si Adam. Kahit sabihin niyang binaon na niya sa limot ito ay nakikita ko pa rin sa mga kilos niya. Napalingon ako kay Annie nang tinawag niya ako. "Rence ano bang iniisip mo? kanina ka pa tahimik? "Nothing, anyway have you told to Tito Jun about your condo?" pag-iiba ko ng usapan. Tumango siya. "Yes I told them, and its okay na sa condo muna ako dahil nandoon si Alex." "Okay," tipid kong sagot. Naalala ko ang pinsan niya na si Alex. Nasabi niya na iba ang ugali nito at malalaman ko iyon pag nakita ko na ito. Pagdating namin sa bahay nila Annie ay sinalubong na kami ni Roberto. Natigilan ako nang lumabas din si Alex. Napatitig ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Maganda siya, muka siyang angel dahil sa maamo niyang mata. Habang tinititigan ko siya ay lumapit siya sa akin. "Boss Kamusta? ang gwapo mo ah," sabi niyang sinabayan ng ngisi. Napailing ako. Ibang iba ang ugali niya kay Annie. Kumbaga she's a straightforward person. Hanggang sa sala ay di ko maiwasan ang tumingin sa kanya. Kahit pag inom niya ng tubig ay palihim kong sinusulyapan Pagkatapos namin bumisita sa parents ni Annie ay hinatid ko siya sa condo na kanyang tutuluyan. Nandoon pa rin sa isip ko ang itsura ng kanyang pinsan. Hindi ko naman intensyon na isipin ito ngunit awtomatikong sumasagi sa aking isip. Napangiti ako ng di ko sinasadya. Binawa ko ang reaksyon at nagpatuloy sa pagda-drive. *************** Kakatapos lang namin ni Annie mag-usap sa opisina. Nagpaalam na rin siyang umuwi. Habang abala sa pagbabasa sa papeles na ginawa ni Annie ay nag-ring ang teleponong nasa desk ko. "Yes?" sagot ko. "Good afternoon Sir may babae po dito sa ground floor gusto daw po kayong makausap?" wika ng operator. "Who?" "Alexa daw po, pinsan daw po ni Mam Annie." Napakunot ako ng noo. Bakit siya nandito? "Okay papuntahin mo sa opisina ko," smbit ko saka ibinaba ang telepono. Ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang pinto at lumabas doon si Alexa. Hindi na siya kumatok instead she walk towards at agad na umupo sa silyang kaharap ng aking working desk. "Close the door," wika ko nang iwanan niya itong nakabukas. Umismid siya. "K" sagot niya at agad namang isinara ang pinto. Pagsara ng pinto ay nagpameywang siya habang nililibot ang tingin sa loob ng opisina ko. "Boss ang ganda ng opisina mo, yayamanin," aniyang nakangiti. Mabilis na pagsulyap ang aking ibinigay sa kanya sa halip na sagutin ay nanatili akong tahimik. Ilang segundong nabalot kami ng tahimikan at palagay ko'y naghihintay siya ng sagot ko. "Boss pwede ba akong umupo," sabi niya sabay nguso sa upuan na malapit sa desk ko. Tumango lang ako. Umupo na siya kanina bago isara ang pinto, ngayon lang siya nagpaalam. What's wrong with her? "Why are you here? do you need something?" tanong ko habang nakatingin sa mga papeles na nasa harap ko. "May syota kana?" Hindi ako nakasagot at marahan kong itinuon ang tingin sa kanya. "What?" tanong kong naka-kunot ang noo. Mahaba ang pasensya ko kaya kahit papaano ay nakokontrol ko pa ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sa sinabi niya o sasakyan ko na lang kung ano man ang nasa isip niya "What do you think?" sabi ko at tipid na ngumiti. "Syempre wala, ilang beses ka na kayang binasted ni Insan." Natigilan ako, lalo yatang magtatagpo ang kilay ko. Huminga ako ng malalim para habaan pa ang pasensya. "Is there anything else?" kung ano man ang intensyon ng babaeng ito ay wala akong balak na patulan ang pambubuska niya sa akin. "Hala? napikon ka?" saka siya humagikgik ng mahina. Nagulat ako nang nilapit niya ang mukha sa akin at sumeryoso ang kanyang pagtitig. Kitang kita ko ang mata niya na tila may gustong ipahiwatig. "Sa akin ka na lang hindi pala. Akin Ka lang" seryoso niyang sabi at mayamaya pa ay ngumiti. Bigla ay nararamdaman ko ang mabilis na kaba. Ilang segundo din akong hindi nakapagsalita. Hindi pa rin niya nilalayo ang mukha sa akin at sumeryoso ulit ang kanyang mukha. "Wag kang magpapakuha sa iba dahil akin ka lang, kung hindi--" bitin na sabi niya sabay lahad ng kamao niya. "Huh? wha-t?" ani ko na tila nataranta. Tumayo siya at nagkibit balikat saka ngumiti. "Mukang natakot yata kita, pasensya kana hindi kasi ako marunong manligaw." What?! Ano bang iniisip ng babaeng ito?! Isip ko. "Im busy. Wala akong time para makipagbiruan," sabi ko di ko na mapigil ang nyerbyos ko. "Sinabi ko bang nakikipagbiruan ako? Para kang sira," saka siya tumawa. Sandali kong ipinikit ang aking mata at hinilot ang aking sintido. Sasakit yata ang ulo ko sa babaeng ito. "Is there anything else?" "Wala na. Pag-isipan mo dapat sagutin mo na ako sa susunod na araw, ay hindi pala, next week na lang." Tumigil siya sa pagsasalita at pinasadahan ako ng seryosong tingin. "Pag di ka pumayag gigilitan kita sa leeg," sabi niya at lumabas na ng opisina ko. Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas na siya. Bumukas ulit ang pinto. "Dapat pumayag ka," nakangiting sabi niya at sinara ulit. Napailing ako. Kinuha ko ang kape at mabilis na inubos. "Magkakasakit yata ako dahil sa babaeng yon," sabi ko sabay hilot sa sintido ko. **************** Rence POV Habang nagbabasa ng papeles ay napatingin ako kalendaryong nasa gilid ko. Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni alex nung nakaraang linggo. Napailing ako. "I wish she wouldn't come," sabi ko. Mayamaya ay may kumatok sa pinto pinuntahan ko at binuksan kung sino iyon.Napakunot ako ng noo ng makita ang nakangiting mukha ni Alex. Pumasok siya sa loob at umupo sa upuang nasa harap ng desk ko.Pagsara ko ng pinto ay hinarap ko siya. "Bakit ka nandito?" seryosong sabi ko. Mukang may sasabihin na naman siyang hindi maganda. "Nandito ako para sabihin sayo na syota na kita. Sa madiling sabi boyfriend na kita," nakangising sabi niya. "What?! Are you serious?! Ismid ko. Mukang mawawalan ako ng pasensya sa babaeng ito. "Anong what? What? May angal ka?! " napalakas na ang boses niya. Ayaw kong magpatalo sa babaeng ito lalo na ngayon na pinipilit niya ako. "Alex naiintindihan mo ba ang sinasabi mo?" sabi ko at nagpameywang sa harap niya. "Yes I know. Type kita at ganon ka din sa akin ibig sabihin non' mag jowa na tayo." Napahawak ako sa aking sintido, hindi yata matitinag ang babaeng ito. "Okay, papayag ako in one condition." Sumeryoso ang mukha niya."Ano?" "Lets have a sparring session, pag natalo mo ako papayag ako na maging jowa mo or whatever na sinasabi mo pag hindi titigilan mo na ako." Tumawa siya. "Pag hindi ako nanalo papayag kang maging body guard mo ako para kahit hindi kita maging jowa bantay sarado ka sa akin," nakangising sagot niya. Mukang walang epekto sa kanya ang sinabi ko. "Whatever, lets have a sparring session tonight," sabi ko. Sumuntok siya sa hangin. "Good ihanda mo na ang sarili mo," sabi niya sabay suntok sa gilid ko. Sinadya niyang hindi ako tamaan. Alam kong malakas iyon kaya natigilan ako sa ginawa niya. "Ikaw ang humanda," seryosong sabi ko. Lumabas na siya at padabog na sinara ang pinto. "That girl! Inuubos niya talaga ang pasensya ko!" nanggigil na sabi ko sabay kuyom ko ng palad. Pagkatapos ng trabaho ay nagtungo na ako sa parking lot. Nakita ko ulit siya at nakatayo siya sa gilid ng aking kotse. "San ang sparring?" "Pasok!" sabi ko sabay bukas ng pinto ng kotse. ********************** "Ready kana?" ako kanina pa," nakangising sabi ni alex.Nasa gym na kame. Inikot ko ang ulo ko para makapag warm up. "You'll be dead pag tinamaan ka ng sipa ko." Lumapit siya sa akin at ngumisi. Ayaw ko nang patagalin ang oras kaya mabilis ko siyang hinawakan sa braso kasunod nito ang pagpatid ko ng paa niya. Parehas kaming bumagsak nakadagan na ako sa kanya. Nakita ko na nagulat siya dahil sa posisyon naming dalawa. "See, I told you," nakangising sabi ko. Hinawakan niya ang leeg ko kasunod nito ang paghalik niya sa akin. Mabilis lang ang halik niya sabay pilipit ng leeg ko sa mga braso niya at pagpulupot ng mga hita niya sa bewang ko. Mabilis kong tinanggal ang braso at hita niya kaya nakabitaw ako. "Lambot ng lips mo poging hilaw," asar niya nakatayo na siya sa harap ko. "Tuso ka!" naiinis na sabi ko. Sinugod ko siya, hinawakan ko ang bewang niya at binaksak siya. Mukang napalakas yata dahil nakapikit siya. Bigla akong kinabahan. "Alex! Alex!" sabi ko at tinapik siya sa braso."Alex wake up wake-----" natigil ako nang bigla niyang pilipitin ang braso ko. Nasa likod ko na siya. Pinulupot niya ang mga hita niya sa bewang ko. Tumayo ko, hindi pa rin siya natinag kaya binunggo ko siya sa ring. Naramdaman kong tumama ang mukha niya sa ulo ko. Kasunod nito ang pagbagsak niya nakita ko na may dugo na siya sa labi. Dahan-dahan siyang tumayo at pinunasan ang dugo sa labi niya. "Hindi mo ko matatalo!" sigaw niya mukang galit na siya. Sumugod siya sa akin at maraming suntok at sipa ang binitawan niya. Hinirang ko ang mga braso ko sa mukha. Ang lakas niya, parang nanghihina ang mga tuhod ko."You can't defeat me," sabi ko sabay salo ng kamao niya at pinilipit ko yun sa likod niya. "Pambihira," sabi niya. "Pwede ka pang sumuko," sabi ko. Lalo kong hinigpitan ang paghawak sa kamay niya."Okay, talo na ako." Sumuko siya. Binitawan ko ang mga braso niya at humarap ako sa kanya. "Good." Umupo siya sa gilid ng ring. "Okay lang poging hilaw magiging body guard mo naman ako sa ayaw at sa gusto mo," sabi niya sabay ngiti. Napailing na lang ako. Tuloy pa rin ang dugo sa labi niya. "Pumunta tayo sa hospital para magamot yang sugat mo." "Okay lang ako," sabi niya sabay punas ng dugo. "Poging hilaw wag mong sabihin kay insan yung nangyare ngayon at yung usapan natin." Tumango lang ako. "Okay, but we need to go in the hospital baka mainpeksyon yang sugat mo." Ngumiti siya ng nakakaloko. "Nag-aalala ka boss? Okay lang ako sanay ako sa sugat." "Anyway, It's getting late ihahatid na kita." "Sa may sakayan mo na lang ako ihatid baka mahuli tayo ni insan isipin niya nag hotel tayo," biro niya sabay tawa. "what?!" ******************** Alex POV Hanggang pag uwi sa bahay ay hindi na maalis ang ngiti ko. Nakahiga na ako, mabuti na lang tulog na si Roberto kung hindi kukulitin na naman ako ni baklita. "Hinalikan ko siya," sabi ko sabay hawak sa labi ko. Hindi ko maiwasang kiligin dahil siya ang First kiss ko. "Ganito pala ang pakiramdam pag first kiss?" Tumatalon ang puso ko sa tuwa. Hindi na rin ako lugi kahit hindi ko siya naging jowa ngayon ay siya naman ang first kiss ko. ******************* Rence POV Paghiga ko ng kama ay hinawakan ko ang labi ko naalala ko ang ginawa ni Alexa kanina. "She steal a kiss," sabi ko, ilang saglit pa ay napangiti na lang ako. Sa sparring session namin kanina ay hindi ko aakalain na malakas siya. Mas malakas pa siya kay Annie. Buti na lang sumuko siya kung hindi baka mas matindi pa ang aabutin niyang sugat o baka ako ang mapuruhan. Napailing na lang ang ako. *********************

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook