14.963K
VISITORS
2.002K

ABOUT ME

The difficult thing is to get publish, if its publish it will be huge - J.K. Rowling. The bathroom is my office. Malaya akong nakakapagisip habang nakaupo sa aking trono. Series Mystery/Thriller/Romance Mr. Z- COMPLETED Book 1 Mr. AEOLUS-COMPLETED Book 2 Mr. APOLLO-COMPLETED Book 3 Mr. ACHI -COMPLETED Book 4 She's MELA-COMPLETED Book 5 MY SECRETARY is a Top Secret Army (Book 6)-ON-GOING Young Adult Romance Memories of Summer-On Going Series Romance Loving The Heartthrob-Completed Playboy Meets NBSB-Completed (soon to post here in Dreame) Series Love and Hate How I Seduce My Boss-Completed Falling in-LOVE with that BARUMBADO GIRL-Completed Short Story 100 Days Back in High School-COMPLETED

ABOUT ME

The difficult thing is to get publish, if its publish it will be huge - J.K. Rowling. The bathroom is my office. Malaya akong nakakapagisip habang nakaupo sa aking trono. Series Mystery/Thriller/Romance Mr. Z- COMPLETED Book 1 Mr. AEOLUS-COMPLETED Book 2 Mr. APOLLO-COMPLETED Book 3 Mr. ACHI -COMPLETED Book 4 She's MELA-COMPLETED Book 5 MY SECRETARY is a Top Secret Army (Book 6)-ON-GOING Young Adult Romance Memories of Summer-On Going Series Romance Loving The Heartthrob-Completed Playboy Meets NBSB-Completed (soon to post here in Dreame) Series Love and Hate How I Seduce My Boss-Completed Falling in-LOVE with that BARUMBADO GIRL-Completed Short Story 100 Days Back in High School-COMPLETED
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY purpleNstripe

My Secretary is a Top Secret Army

My Secretary is a Top Secret Army

1.579K Reads

Zooey Tiffany Falcon ay nagpasyang bumitaw na sa kanyang tungkulin bilang isang sundalo. Gusto niyang lumagay na sa tahimik at tumulong sa negosyo ng kanyang pamilya. Ang buong akala niya ay mapapadali ang kanyang pag-alis dahil sa mga misyon na matagumpay niyang nagawa, ngunit kailangan niya munang gawin ang isang misyon bago tuluyang makaalis sa pagiging sundalo. Kailangan niyang makakalap ng sapat na impormasyon tungkol sa isang negosyanteng nagpapasok ng illegal drugs sa bansa. Ngunit papayag kaya siyang maging secretarya ng nasabing negosyante? Paano niya iyon gagawin kung wala siyang ideya kung paano maging secretarya. Alam niyang bobo siya pagdating sa report at paperworks. Mas nanaisin niya pang pumunta sa mga delikadong lugar at makipagbarilan kesa humarap sa computer at makipag-usap sa mga taong kelanman ay hindi niya kilala at nakasalamuha. At ang higit na ikinababahala niya ay hindi niya alam kung paano manamit bilang isang sekretarya. Russo Morello isa sa mga matagumpay na negosyante at kilala sa asya. Isang palaisipan ang kanyang pagkatao dahil walang sinuman ang nakakita ng buo niyang itsura. Bukod sa pagiging negosyante ay kilala din siya bilang isang killer. Walang awa niyang pinapatay ang kanyang mga kalaban sa pamamagitan ng pagbitin ng patiwarik at pinapakain sa mga dagang gutom. Ngunit biglang nagulo ang kanyang mundo nang may taong naglakas loob na pumasok sa kanyang negosyo. Batay sa impormasyon na nakalap ng kanyang mga tauhan ay isa itong magaling at high ranking army, ngunit ano kayang magiging reaksyon niya kung malaman niyang isa itong babae. Cayden Smith Fil-am born in Philippines but raised in New Jersey USA. Ang ama niya ay retired Army dahilan para siya ay pumasok sa pagiging sundalo. Ang misyon niya ay bantayan ang kanyang partner na si Zoo. Pilit siyang tinataboy nito dahil ayaw nitong may kasama sa misyon. Ngunit hindi ito sinunod ni Cay, sa halip may lihim niya itong binabantayan. Sa pagbabantay niya ay unti-unting nahuhulog ang loob niya dalaga. Paano niya kaya matitiis na wag itong lapitan kung ang lalaking nasa tabi nito ay ang lalaking kanyang magiging karibal.

Updated at

Read
She's Mela

She's Mela

8.483K Reads

SPG. It might be dangerous for you to read. Pumayag sa hiling nang kanyang ama na pumunta ng korea upang magsanay ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang pamilya ang totoo niyang pakay. Kailangan niyang sanayin ang sariling pumatay. Pumatay nang walang awa. Pumatay ng walang pag-aalinlangan at walang takot. Ngunit isang lihim ang mabubunyag. Dalawang lalaki ang biglang darating. Ang isa ay totoo habang ang isa ay kathang isip lamang.

Updated at

Read
Memories of Summer

Memories of Summer

64 Reads

Nagbakasyon sa probinsya si Mia upang manatili sa kanyang lolo at lola. Habang naglilinis ay napukaw ng kanyang atensyon ang isang lumang kahon. Dito ay napag alaman niya ang mga sekreto na tinago na kanyang ina sa una nitong naging kasintahan. Anong lihim kaya ang meron ang kahong ito? Paano nito mababago ang pananaw ni Mia sa pag-ibig? Si Mia, isang tipikal na teenager na ang atensyon ay sa pag-aaral lamang. Kahit kelan ay hindi sumagi sa isip niya ang magkagusto. First Love? Crush? First Kiss? Puppy love? Lahat ng ito ay di niya pa nararanasan. Bago namatay ang kanyang ama ay binilin nito sa kanya na mag-aral ng mabuti, binilin din nito na huwag magno-nobyo hanggat nag-aaral. Sinunod niya Mia ang bilin ng ama. Naging magaling na mag-aaral siya at palaging mataas ang mga grado. Subalit ito naman ang dahilan kung bakit kinainggitan siya ng iba niyang kamag-aral. Naging tampulan siya ng tukso dahil bukod sa reading glass niyang makapal ang lente ay jologs din siya manamit. Hindi naman ito pinansin ni Mia dahil laging pinababatid sa kanyang ina na hindi importante ang kanyang itsura. Ang mahalaga ay nag-aaral siya ng mabuti. Naging inspirasyon niya ang kanyang ina dahil noong kabataan nito ay naging magaling din ito sa klase at palaging kasama sa Top student ng paaralan nito. Si Abel isang transferee student galing abroad. Hindi mahirap sa kanya na makakuha ng mataas na grado dahil sa IQ niyang 142. Bukod sa matalino ay naging campus heartthrob din siya dahil sa likas niyang kagwapuhan. Gayunpaman ay napakalamig ng pakikitungo niya sa kanyang mga kamag-aral. Palaging mag-isa at napakatahimik. Wala din siyang pakialam sa mga babaeng nagkakaroon ng interes sa kanya sa halip ay hinahayaan lamang niya ang mga ito na magkandarapa. Ngunit isang diary ang mag-uugnay sa kanila. Diary nang nakaraan na matagal na itinago ng ina Mia, si Isabel.

Updated at

Read
Mr. Achi

Mr. Achi

19.721K Reads

This story is continuation of Falcon Legacy Book 4 - Mr. Achi (Ang Simpatikong Suplado) Si Jane isang probinsyanang nagbakasakali sa Maynila. Pinasok ang pagiging katulong kahit siya ay tapos ng Caregiver. Maganda na sana ang takbo ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay mapipilitan siyang umalis sa kanyang amo at tanggapin ang alok nito. Paano niya hahabaan ang pasensya sa isang taong ni minsan ay hindi siya pinakitaan ng maganda? Paano niya pipigilan ang sarili na hindi magalit at baliwalain ang pag-aalipusta nito sa kanya? Paano niya panghahawakan ang pangako para sa kaibigan kung ang taong kasama niya ay tila hayop kung siya ay ituring? At paano niya pipigilan ang sariling wag nang kilalanin ang buong pagkatao nito? The Fourth story of Falcon Legacy Book 4

Updated at

Read
Mr. Z

Mr. Z

148.259K Reads

Papayag ka bang ipagpalit ang maganda mong trabaho kapalit ang pagiging maid dahil sasahod ka lang naman ng 100k kada buwan? Si Mina isang mabuting anak, gagawin ang lahat para mapagamot ang inang may sakit, wala sa bokabolaryo niya ang pagibig dahil ang atensyon niya ay nasa kanyang ina lamang. Dahil sa ganda niya ay napilitan siyang itago iyon para hindi siya lapitan ng kung sino mang lalaki. Ginawa niya ang lahat para makatapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Pero mukang sinusubok talaga siya dahil lalong lumalala ang sakit ng kanyang ina at kailangan ng malaking halaga para mapaopera ito. Dahil sa isang kakilala ay pikit matang tinanggap ni Mina ang trabahong pagiging katulong ng misteryosong amo. At ang pinagtataka niya ay hindi niya dapat makita ang mukha nito o maski dulo ng daliri nito.

Updated at

Read
How I seduce my Boss

How I seduce my Boss

22.541K Reads

Si Annie ay simpleng babae ngunit malakas ang appeal pagdating sa mga kalalakihan. Nagtagpo ang landas nila Adam Fuentes nung muntik na siyang mabangga ng motor nito. Na-Love at first sight siya sa lalaking ito. Mukang hindi tumalab sa lalake ang ganda at kaseksihan niya. Kaya naman inakit niya ito. Lahat ay gagawin niya para mapansin siya at mapaibig ito. Ngunit hanggang saan kaya siya tatagal kung manhid ang lalaking ito. Humanda ng Matawa, malungkot, mainis at kiligin sa kwentong ito.

Updated at

Read
Falling inlove with that Barumbado Girl

Falling inlove with that Barumbado Girl

15.837K Reads

Si Lawrence ang isa sa mga pinipilahan at pinapangarap ng mga babae. Pagdating sa babae ay napaka pihikan niya. Si Samantha si Annie ang dalawang babaeng minahal niya. May pag-asa pa kayang makatagpo siya ng babaeng magpapatibok ng kanyang puso.

Updated at

Read
Mr. Apollo

Mr. Apollo

15.449K Reads

This story is a continuation of Mr. Z Series the legacy of falcon's bloodline. Mr. Z - (Book 1) Mr. Aeolus - ( Book 2) Mr. Apollo - ( Book 3) Mr. Achi - ( Book 4) "Be my slave in just one night." It was a joke but for her it's humiliating. "Sir naiintindihan mo ba yang sinasabi mo? Alam mo gwapo ka sana kaso walang preno yang bibig mo," she said in serious voice. "Wow I'm just kidding masyado ka kasing seryoso," I answered. "Sir katulong lang ako pero hindi naman tama na sabihan mo ako ng ganyan." "Hey, hey, Its just a joke. Mahirap palang magbiro sayo." "Ahh joke, pwes pipili ka nang bibiruin mo! wag ako!. Ganyan ang asal mo dahil gwapo at mayaman ka? Ganun ba?" I see her biting her lips and I can tell that she's angry. Sa lahat ng babaeng nakilala kilala ko ay siya mailap. It's my first time to encounter a women like her. ------ It's not my intention to hear what they are talking but honestly after hearing that guy. I was surprise and suddenly I realized that joking her in that way is really offensive. Nakaramdam ako ng awa habang nakatingin sa kanya. I want to take her away from that guy. But who I am to do that? I'm just a stranger. Kilala ko siya sa pangalan pero siya. Kilala niya ba ako? We're just same. We know each other only in names. I want to hug her and tell her that it's ok. Everything will be ok. Don't worry. After that confrontation, there's a side of me that wants to know her. Levi, Who are you?

Updated at

Read
Mr. Aeolus

Mr. Aeolus

23.456K Reads

He's handsome but She's fat. He's rich but She's a maid. He's gentleman but She's liberated. Sa unang pagtatagpo palang nila ay di na naiwasan ang bangayan at minsan may kasama pang sakitan. Hindi naman sila aso't pusa sadyang maloko lang ang isa. Magaling siya sa mabulaklaking salita at minsan sa nakakagulat na hokage moves niya. Hindi mahirap sa kanya ang magpa-ibig ng babae lalo na pag natipuhan niya. Pero kay Lottie hindi siya uubra. Maria Lolita Y Perez kilala sa tawag na lottie. Isinuko ang magandang career kapalit ang pagiging katulong dahil sa mataas na sweldo. She's in a relationship and soon to be engaged. Paano magbabago at gugulo ang buhay niya sa isang offer na hindi niya aakalain na uubos ng kanyang pasensya. Gusto niyang sumuko pero hindi niya kaya, hindi niya magawa, hindi niya kayang magpatalo lalo na't tinagurian siyang bully at higit sa lahat ay liberated. "I'm taken pero kung gugustuhin mo na makuha ako di kita pipigilan.. Hindi na ako magpapakipot, gwapo ka din naman, pero paghirapan mo muna ako." Her words I feel it into my nerves.. It makes me more gigil to take her, to hold her and touch her. Wala akong maisagot dahil natameme ako sa kanya. "It's up to you kung seseryosohin mo ang sinabi ko. Uulitin ko may boyfriend na ako, I'm taken. Kaya mas lalo mo akong paghirapan. Dinadaan mo ako sa biro eh muka namang type mo ako. Sir Aeolus I mean Mr. Aeolus. I want to let you know that I'm a liberated person so mag-isip isip kana kung gugustuhin mo ako or hindi."

Updated at

Read
Loving the Heatthrob

Loving the Heatthrob

3.718K Reads

Namatay ang asawa ni Lea sa isang Car Accident tatlong taon na ang nakakalipas. Si Park isang sikat na Artista sa Korea, Hindi lang ito basta artista kundi isang Heartthrob na pinipilihan ng mga kababaihan. Unang tagpo palang nilang dalawa ay hindi na maganda, paano magbabago ang pakikitungo nila sa isat isa kung panay bangayan at iwasan ang ginagawa nila sa isat isa. Anu ang magiging papel ni Park sa buhay niya?

Updated at

Read

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.