bc

Loving the Heatthrob

book_age16+
1.6K
FOLLOW
4.0K
READ
kidnap
second chance
goodgirl
confident
single mother
sweet
bxg
city
office/work place
abuse
like
intro-logo
Blurb

Namatay ang asawa ni Lea sa isang Car Accident tatlong taon na ang nakakalipas.

Si Park isang sikat na Artista sa Korea, Hindi lang ito basta artista kundi isang Heartthrob na pinipilihan ng mga kababaihan. Unang tagpo palang nilang dalawa ay hindi na maganda, paano magbabago ang pakikitungo nila sa isat isa kung panay bangayan at iwasan ang ginagawa nila sa isat isa.

Anu ang magiging papel ni Park sa buhay niya?

chap-preview
Free preview
LH C-1
****************************** Sa Airport.. Someone POV " Baby magpapakabait ka Kay Lola ha.. Wag magpapasaway. Saglit lang naman si mommy dun sa Korea, saka lagi akong tatawag sayo" bilin sa anak habang hinahaplos ang buhok. "Ok mommy basta mgpromise ka na lagi kang tatawag" Kita niya sa mata ni Tyler na iiyak na siya. "Hay naku ang baby ko talaga... Promise I will call you pag nandun na ko." Sagot naman ni Lea. At tinuon naman ang pansin sa kanyang ina. " Nay kayo na pong bahala Kay Tyler kontakin niyo po agad ako pag may problema. Alam ko po na kayo lang ni tatay ang pwedeng mag alaga sa kanya. Panatag po ang loob ko pag nandyan po kayo". "Oo anak, Alam mo naman na mahal na mahal ko ang apo ko na tuh" sagot ni Lola Helen habang nakatingin Kay Tyler. Mayamaya pa ay nagpaalam na siya sa mag Lola. Hinalikan niya muna sa pisngi ang anak at niyakap. Niyakap niya rin ang kanyang Ina. Kumaway nalang siya sa kanyang ama na nakatayo sa kotse. Ayaw ng ama niya na lumapit sa kanya, dahil alam niyang mababaw lang ang luha nito. Nang makapasok na sa eroplano agad namuo ang luha sa kanyang mga mata. Pinahid niya agad ito. "Alam Kong mahirap malayo sayo anak pero pipilitin ko mabigyan ka lang ng magandang buhay" isip niya Someone's POV Nakatanggap ng job offer si Lea galing sa Korea dahil sa kanyang Auntie Lora. Halos ina na din ang turing niya dito, mabait ito at maalaga. Nakapagpundar ito ng maliit na restaurant sa Korea hanggang sa nakapagpatayo na ito ng 4 branch. At ngayon nga ay kinuha siya nito upang mag supervise sa isang branch na nasa Anyang province. Isa ding naging dahilan ni Lea upang tanggapin ang offer nito ay dahil pumapasok na sa eskwelahan ang kanyang anak at lumalaki na rin ang gastusin nila. Maya maya ay bumalik ang alaala ni Lea sa namayapa niyang asawa. Napapikit siya at bumulong na sana'y maging maayos ang lahat habang nasa Korea siya. Lea POV 3 years ago... Kasalukuyang akong naghuhugas ng plato ng makatanggap ng tawag mula sa isang unregistered number. "Hello sino po ito? Tanung ko mula sa kabilang linya. " is this Mrs. Nieves?". "Ako nga po. Bakit po?". Bigla siyang kinabahan sa Boses nito na para bang malungkot. "Misis wag po kayong mabibigla...... Patay na po ang inyong asawa, nahagip po ang kanyang sasakyan ng nagbanggaang dalawang truck,.... Dead on arrival na po siya misis" malungkot na paliwanag nito. Natulala ako at napaupo sa kinatatayuan. Biglang nanlambot ang tuhod ko at ang kanyang luha ay unti unti ng rumagasa. Kaninang umaga lang ay ang lambing lambing ni Jomer sa akin, niyakap paniya ako at humalik sa pisngi bago umalis. Napatingin sa akin si Tyler na naglalaro ng bola. Agad itong lumapit sa akin at nagtanong "mommy why are you crying???.. Napatingin ako kay tyler at agad na binalik ang cellphone sa aking tenga " hello Are you u still there?. "Yes mam.Pwede po kayong pumunta rito ngayon" sagot ng kabilang linya at agad na binigay ang address ng hospital. Nang makarating sa Hospital, patakbong kong pinuntahan si Jomer. Hindi ako makapaniwalang wala na siya. Humagulgol ako ng iyak na parang wala ng bukas. Niyakap ko ang aking asawa ng mahigpit habang lumuluha. Nakita din ni Tyler ang daddy niya na wala ng buhay. Lumapit siya habang lumuluha. Hindi rin makapaniwala ang mga kamag-anak ko sa nangyari. Present... Ilang oras pa ang lumipas at nakarating na ang eroplano sa Korea. Medyo matagal na din ng huling bisita ko sa aking auntie lora. Pasalamat din ako na tinuruan niya akong mag Korean kaya kahit papanu ay makakapag adjust ako sa bagong lugar. Muling sumagi sa isip ko ang masayang alaala naming mag asawa noong bumisita kami rito. Halos 3 taon na din ng mamatay ito, masasabi kong nakapag move on na ako at tingin ko ay yun din ang gusto ni Jomer. Naghihintay na sa airport si auntie lora na kasama ang isang lalaki. Si Ji-hoon, assistant siya ni Auntie. Ito ang head chef sa branch na kung saan ma-a-assign ako. ---Convo was translated in Tagalog from korean language----- "Auntie lora!!!" Sigaw ko. Sinalubong ako ni Auntie Lora ng yakap na mahigpit at pinisil pisil ang aking pisngi. "Ang ganda ganda mo na ulit Lea at ang seksi mo pa maganda yan para dumami customer naten" Biro niya. "Auntie naman hanggang ngayon di ka pa rin nagbabago," napatingin ako sa lalaking kasama niya. " Auntie sino siya?" "Ito pala si Ji-hoon siya ang head chef na makakasama mo"..pakilala ni auntie. " Ji-hoon ako si Lea nice to meet you" bati ni Lea "Nice to meet you din po Ms. Lea, hindi nakwento saken ni Ma'am lora na magaling po pala kayo mag Korean" " kailangan eh, kasi magagalit si auntie pag di ako marunong, baka mangangayat siya" birong sagot ni Lea. Natuon ang tingin ni Lea sa kanyang auntie lora. "Auntie ilang kilo na po kayo? Naku kailangan niyo na pong mag diet baka makasama po sa inyo ang sobrang pagtaba" " Ikaw bata ka pati ba naman yan pakikialaman mo. Nagbabawas na ko ng pagkain noh, sino ba naman ang hindi tataba kung may magaling kang chef" sagot ni Auntie sabay nguso Kay Ji-hoon. "Tara na po Ma'am lora at Ms. Lea medyo mahaba pa po ang byahe naten" aya ni Ji hoon, at kinuha ang maleta ko. Lumakad na kame palabas ng Airport at sumakay sa Kotseng Dala ni Auntie Lora. Lora POV Hindi pa rin mawala sa aking alaala ang masakit na pinagdaanan mo Lea. Masakit din sa akin na maaga kang nawalan ng asawa. Halos Anak na rin ang turing ko kay Jomer. "Kamusta na pala hija si Tyler?" Tanung ko kay lea na kasalukuyang nakatingin sa bintana ng sasakyan. "Ok naman po auntie, medyo malungkot siya nung hinatid nila ako sa Airport" "Wag kang mag-alala, aalagaan naman siya ni ate Helen. Alam kong may pagka -istrikta ang kapatid ko pero maaalagaan niya ng mabuti ang apo namin na si Tyler" sagot ko sa kanya. Ayaw kong magbanggit ng anumang bagay tungkol kay Jomer, inaalala ko ang damdamin ng aking pamangkin. Halos anak na ang turing ko sa kanya. Siya na ang naging anak ko simula nung hindi na ako nakapag asawa. May minahal naman ako pero di rin kami nagkatuluyan kaya itinuon ko ang sarili ko sa trabaho at pagtulong sa aking mga kapatid. Someone's POV Nagising si Lea sa tunog ng alarm. First day niya sa pag ma-manage kaya maaga siyang nag alarm. Bilin sa kanya ng kanyang auntie na mahalaga sa mga koreano ang oras kaya gumawa na siya ng schedule at checklist na kanyang gagawin. Bumangon siya agad at tinignan ang cellphone. Tinawagan niya ang kanyang nanay upang kamustahin si Tyler. Na kita niya sa video call na naghahanda na ito pumasok. Kinumusta niya ang maglola. At nagpaalam matapos ang paguusap. Pansin niyang malungkot pa din ang anak ngunit nakakangiti na ito. "Masasanay din kami malapit lang naman ang pinas pwede akong umuwi pag ok na," bulong niya. Naligo at nagbihis na si Lea upang pumunta sa resto na katapat ng apartment. Ang tinutuluyan niyang apartment ay sa kanyang auntie lora. Maagang umalis ang kanyang auntie upang pumunta sa isang branch na nasa Seoul. Binilin na nito sa kanya ang mga dapat gawin. Hindi naman siya mahihirapan dahil kasama niya si ji-hoon na nauna nang pumasok. Ji-hoon POV Kasalukuyan akong nagluluto nang pumasok sa kusina si Lea. Binati niya ako at dumiretso sa kanyang maliit na opisina. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad. Napahawak ako sa aking dibdib nang makitang pumasok na siya sa opisina. "Grabe kinakabahan talaga ako pag nakikita siya para akong binuhusan ng malamig na tubig". Nang makita ko siya sa airport ay naging crush ko na siya. Agaw pansin ang dimple niya at ang mahabang kulot niyang buhok na kulay burgandy idagdag pa ang kulay ng balat niya na katamtaman lamang ang puti. Kung ikukumpara siya sa mga koreana at pilipinang kaibigan ko ay masasabi kong angat ang ganda ni Lea. Mas lalo akong nahumaling sa kanya dahil sa pagiging masayahin at palabiro niya. Base sa pagkakarinig ko kahapon sa usapan nila Ma'am Lora ay may anak na si Lea. Tingin ko ay Kasal na rin siya. Sino ba namang lalaki ang hindi magkakagusto sa kanya. Napatigil ako sa aking paghahalo ng ulam nang narining ko ang boses ni Lea mula sa aking likuran. Bumibilis na naman ang pintig ng aking puso sa tuwing makikita ko siya. "Ji-hoon Ok ka lang ba? Mukang may sakit ka, kanina ka pa namumutla dyan." Tanung niya sa akin. "Ok lang po ako Ms. Lea mainit po kasi itong niluluto ko kaya siguro namumutla ako". Sabay iwas ko sa kanya nang papalapit na siya saken. "Alam mo Ji-hoon magpahinga ka muna siguro, ako na lang dyan", kinuha niya ang sandok sa aking kamay. Nagkadikit ang aming mga kamay ng biglang bumilis na naman ang kaba ko. "Ji-hoon gusto ko lang magbigay sana ng payo sayo kung ok lang" "Payo?? a-ano po yun?" "Wag mo sanang masamain ha, kailangan mo na kasing mag-diet halos parehas na kayo ni auntie, nag-aalala lang ako na baka magkasakit kayong dalawa." Sabay tapik ni Lea sa balikat ko na nag-aalala. First time kong makatanggap ng payo mula sa isang babae, parang gusto kong sumigaw sa sobrang kilig ngunit inunahan ako ng kaba. Maya-maya pa ay bigla akong bumagsak at nawalan ng malay. Narinig ko na lang na tinawag ni Lea ang mga crew para buhatin ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook