(FURI'S POV) Magda-dalawang linggo na magmula noong umalis ako sa tinutuluyan naming dalawa ni Matt. Panay pa rin ang pagtawag niya sa akin pero binabalewala ko lang iyon. Aaminin ko, namimiss ko na siya at parang gusto ko muling masilayan ang mukha niya. Subalit natatakot na ako. Natatakot ako na baka may matuklasan pa akong lihim niya. Sobra-sobra na ang mga ginawa niya sa akin at parang nawawalan na rin ako ng ganang magmahal pa ng iba. Mayroon pa rin namang natitirang pagmamahal dito sa puso ko pero ang kalahati nito ay nasakop na ng lungkot at pasakit sa ginawa niya. Ramdam ko pa rin ang sakit na iyon at poot sa aking dibdib, lalo na sa tuwing naaalala ko siya. Gayunpaman ay masaya na ako sa simpleng pamumuhay ko rito sa probinsya namin. Tama lang ang naging desisyon ko na umuwi ri

