Chapter 4- A Day to remember
Third Person's POV
Nakahinga ng malalim si Aya ng malamang gusto pala silang e-set-up ng kanilang land lady na si Mrs. Reyes. Ang patay na natagpuan sa ilalim ng kama niya ay ang taong hindi sinasadyang patayin ng kanyang anak na lasenggero. Para hindi makulong ang anak ay isinaplano nila ng hating gabi ang bangkay sa kwarto ng dalaga bilanga isang set-up.
Dahil siya ang land lady ay ginamit nito ang mga spare keys para makapasok sa loob ng kwarto niya. Papalabasin pa sana nila na magkasabwat ang magkaibigang Paul at Aya dahil sa gitarang naiwan nito sa kwarto. Pero dahil magaling mag imbestiga sina Mr. Gilbert Ramirez at ang pamangking rookie nito na si Ms. Diana Ramirez ay napadali ang imbestigasyon. Dahil na rin sa pagsasabi ng totoo ng magkaibigan sakanilang salaysay ay lumabas ang katotohanan.
Nakulong ang mag inang Reyes at ngayon ay iba nang kamag anak nito ang namamahala sa Boarding house. Pero dahil sa hindi mawala ang takot ni Aya at Paul ay pinili nilang lumipat ng ibang matitirhan. Para na rin sa mas mahigpit nilang seguridad.
*******
Aya's POV
"Hayy buhay.. kami na nga yung muntikan nang mapag bintangan, kami pa yung aalis? Wow.. where's justice." Sabi ko saaking sarili habang nagdadabog na niligpit ng mga gamit ko. Napalingon ako sa gawi ng kama at natandaan nanaman ang itsura nung patay. Ni hindi nga ako natulog dito kagabi at nakiusap sa classmate kong taga kabilang kwarto. Ugh! Erase3x! May final exam pang naghihintay saakin sa school mamaya. Sabi ko sa isip ko habang niyuyugyug ang ulo ko.
♪♩♬
It's my life!!!
It's now or never!!
I ain't gonna leave forever!!
I just wanna live while I'm alive!!...
♪♩♬
Bigla akong napalingon sa gawi ng bukas kong pintoan at mula roon ay tanaw ko si Paul na papunta sa direksyun ko na kung makakanta ng "It's my Life ni Bon Jovi" ay wagas. Naka headset ito, nakablack leather jacket, naka dark eyeliner sakanyang singkit na mata at masayang naglalakad.
May gig nanaman ata to mamaya. Kung andito yung iba niyang mga fan girl siguro nag pa selfie na ang mga yun sakanya at nagsisigaw. Ugh.. I hate it when they shriek for this effin jerk. Kahit mabait yan MINSAN, mas MADALAS pa rin itong loko-loko. Parang hindi bakas sakanyang mukha ang panghihinayang kahit na lilipat na rin ito ng bahay.
Dire-diretso itong pumasok sa kwarto ko. Nilapag nito ang gitara sa higaan ko at naupo sa gilid nito. Anong magagawa ko. Sanay na ako sa ganyan niyang pag uugali. Tinanggal nito ang kanyang headset at humarap saakin bago magsalita. Hindi ko mona siya tiningnan dahil abala akong nagliligpit ng mga gamit ko. Wala akong paki kung makita niya akong wala pang ligo. Naghugas lang ako at nag tooth brush dahil mamaya pa ang pasok ko.
"Saan mo planong lumipat?" Sabi niya ng nakangiti. Alam ko kahit diko tingnan dahil palingiti talaga ito kahit kanino. Minsan lang mag seryoso.
"Iwan ko, kapag hindi ako nakahanap ng secured boarding house, either gagamitin ko nalang yung Condo kong matagal nang regalo saakin ni Papa, kahit ayaw ko man doon ay mapipilitan ko itong gamitin nalang. You know me, I wanna live my life as simple as I can. At least doon, fully secured talaga. Isang malaking trauma na ang nangyari saakin dito." Mahaba kung paliwanag. Biglang mas lumawak ang ngiti nito.
"Talaga?!! Gagamitin mo na yun?" Sandali itong nagisip at tumingin muli saakin na may kasamang nakakalokong ngiti. Mukhang alam ko na ang lalabas sa bibig niya. "Pwede rin ba akong makitira doon? Hihi." Binato ko sakanya yung teddy bear ko na malapit saakin pero sinalo lang niya ito habang tumatawa.
"Sira ka talaga! Never!! Maging ka-room mate ko na si Sadako wag lang ikaw nuh!!"
"Talaga lang ha!! Eh kung maka sigaw ka nga pag tinatakot kita parang mabubutas na yung ear drums ko." Dadag asar pa niya.
"Eh kasi po, mas nakakatakot ka kaysa kay Sadako!" Asar ko rin sakanya. Teka, saan nga ba lilipat ang lalaking to. "Teka, saan ka ba lilipat ng bahay, para kang walang problema jan?" Pag iiba ko ng usapan.
"Bakit ka concern? Mami-miss mo ako nuh?" Sabi niya sabay kindat pa saakin.
"Eww.. asa ka pa! Curious lang ako nuh! Naiisip ko kasi na baka makita kita bukas na natutulog sa gilid ng daan. Kawawa ka naman." Pa-sad face effect pa ako kunwari.
"Sa gwapo kong to? Patutulogin mo sa kalsada? Ha! Hindi makakapayag ang mga anghel!! Isa na sa anghel ko si Sir Miggs." Sabi niya at tumayo na ito sa kama ko at isinukbit ang kanyang gitara sa likuran niya.
"Sa bahay ka na ni Sir Miggs titira?" Nakatingala ako sakanya dahil nakaupo pa rin ako sa sahig.
Nakilala ko na rin si Sir Miggs minsan dahil madalas rin itong guest at sponsor ng school pag may mga special events na nagaganap.
"Hindi, binigay niya saakin yung Apartment niya, hindi na rin kasi siya iba saamin. Nag insist panga siya na siya na yong magbabayad nung rent nung Apartment pero tumanggi ako. Pag iiponan ko nalang yun." Medjo nalulungkot ako minsan kay Paul, galing amponan kasi siya, dahil iniwan sa simbahan.
May edad na yung mga nag ampon sakanya kaya maaga nanaman siyang naulila at sanay na sanay nang maghanap buhay ng mag isa. Hindi tulad ko, mayaman at si Papa lang ang mayroon ako sa pamilya namin dahil namatay si mama pagka panganak saakin. Pero magkaganun pa man, pinipilit kong gawing simple ang buhay ko.
Hindi lang halata kay Paul ang malungkot niyang pinag daanan sa buhay dahil palabiro ar masayahin itong tao.
May Dad is a proud politician sa west Elmor city, his a Mayor of small town there and also a businessman by heart. Pero hindi ko yun pinagkakalat dahil ayoko ng too much attention. Pinili ko na ring esekreto sakanya ang nangyari kahapon and Paul knows how to keep a secret naman.
Ang tanging nakakaalam lang ng personal kong buhay ko ay mga taong malalapit saakin at isa na din doon si Paul. Ang taong diko inaasahang naging kaibigan ko kahit na lage ako nitong bino-bully kahit nung bata pa kami. Naiinis ako sakanya pero di mo maikakaila na naging malapit pa rin kami sa isa't-isa. Even Dad knows how we treat each other.
Masyado akong nadala sa pag iisip. Nabigla nalang ako nang umupo si Paul sa harap ko at tiningnan ako ng maigi sa mga mata. Bigla akong napalunok sa sobrang lapit niya sa mukha ko amoy ko ang mabango niyang perfume. Parang nahiya ako sa amoy niya dahil wala pa akong ligo.
"Why so sad Aya? Hmmm?" Ito nanaman ang mapang asar niyang boses at ngiti. Ugh! Bakit parang hindi ako makagalaw? Mas nabigla ako nang mas lalo siyang lumapit sa mukha ko, naamoy ko na rin pati ang mabango niyang hininga, at hindi ko napigilang mapapikit. Bigla kong naramdaman ang dampi ng kanyang labi sa noo ko. Binuksan ko ang aking mga mata kasabay ang pagtayo niya. Marahan niyang ginulo ang buhok ko at nagsalita.
"Ma-mimiss kitang kapitbahay." Tumalikod na ito palabas ng pintoan habang ako naman ay tulala pa rin.
"And ... By the way.." lumingon naman ako sa gawi niya ng nagtataka habang siya nama'y nakangiti ng nakakaloko at nakatingin sa laman ng malita ko.
"Nice under wears. Printed with Mickey mouse and Winnie the pooh? Well organize huh.." Napalingon ako sa mga under wears kong bahagya pang naka ayos. Bigla akong namula at nasarado ko ang malita ko ng wala sa oras.
Waaahhh!!! Nakakahiya!! Paglingon ko sa pintoan ay nakita ko nang nagtatakbo si Paul papunta sa gate. Hinabol ko siya at binato ng tsinelas pero naka iwas ito nakalabas pang tumatawa.
"Grrrrr!! Manyak ka Paul Sarvanteeee!!" Sigaw ko sakanya at ang walangya! Sumilip pa muli sa gate at nag wave pa ng ba-bye tsaka umalis ng tuluyan.
"Grrrr! Manyak!!!" Padabog akong bumalik papasok sa kwarto at malakas na sinarado ang pinto. Muli kong binuksan ang malita ko at nakita nanaman ung mga bra at panty ko.
"Ugh!! Nakakainis! Bakit pa niya nakita!" Bigla rin sumagi sa isip ko yung paghalik niya sa noo ko. Hindi ko inaasahang gagawin at sasabihin niya yun.
"At bakit ba niya ako hinalikan?!! Ewww!!" Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin at bigla akong na-conscious at namula. Napahawak ako sa pisngi ko at napaupo sa upuan sa harap ng salamin. "Eww.. at hindi pa pala ako naligo." Yun na lamang ang nasabi ko sa sarili ko at napahalumbaba sa harap ng salamin. Bakit parang bumilis ang t***k ng puso ko. "Geez.. What a Day."
---
End of Chapter 4