Chapter 3- A Decoy
Third Person's POV
Sunod-sunod na nagsidatingan ang mga police sa pinangyarihan ng isang di pa matukoy na krimen kung saan sangkot ang magkaibigang Aya at Paul. Patuloy parin ang pag iimbestiga ng mga police, ang ibang taong nakatira sa boarding house ay naki usyuso na rin at di naman magkamayaw sa pag aalala ang land lady na si Mrs. Reyes dahil maaaring makaapekto ito sa mga nakarent sa boarding house niya na malaking pinag kakakitaan niya ng negosyo. May mga dumating na ring mga reporters ngunit kagaya ng ibang mga tao ay pinipigilan mona silang makapasok pansamantala.
Samantala, tahimik naman sa isang sulok ang magkaibigan. Tulala parin si Aya at di makapaniwala sa nangyari habang seryosong nag mamasid si Paul sa paligid.
Naging tahimik ang ilan nang dumating ang isang itim na kotse. Nilowa nito sa front seat ang isang Seryosong Matandang lalaki na naka black coat na nakasuot ng ID ng isang Detective. Mga mid-40's na ito. Sa backseat naman ay lumabas ang isang sexy, morina, maganda at sopistikadang babae. Nakaputing polo ito at itim na slacks. Base sakanyang itsura ay nasa Mid-20's na ito pero mahahalata mo na isa siyang rookie na detective base sa kanyang suot na detective ID at ang matandang kasama niya ay ang kanyang Adviser.
"Good Morning Sir!" bati ng police na head ng investigation team.
"Nasaan ang mga batang sinasabi mo?" Hindi pa rin nag iiba ang seryosong mukha nito pati na rin ang kanyang boses. Habang ang rookie naman nitong kasama ay nakiki pag usap na rin sa ibang mga police na nag iimbestiga din doon.
Sinamahan naman nito ang detective papunta sa isang sulok ng maliit na sala na kinaroroonan ng magkaibigan. Halata ang malakas na awtoridad nito base na rin sa pinapakitang respeto sa kanya ng lahat. "Sinabihan ko na po sila na mag steady mona para sa gaganaping imbestigasyon."
Napahawak si Aya sa braso ni Paul nang makita nila sa malayo na papalapit sakanila ang detective. "Paul, natatakot akong maakusahan." marahang sabi ng dalaga.
Sandali siyang tiningnan ng kaibigan at hinawakan ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. "Wala kang kasalanan kaya wala kang dapat na ipag-alala." sabi nito upang mapagaan ang loob ng dalaga.
Pero di maiiwasang mag alala ito lalo kapag malaman sa imbestigasyon na late siyang umuwi sa boarding house at dumadaan pa sa bintana, tiyak mapapalayas siya at mapapalipat ng bahay at ang mas nakakabahala ay pag malaman ng manager niya sa banda ang tungkol rito.
"Pero may iba pa akong inaalala." Seryosong sambit ni Paul.
"Ano yun?" tiningnan siya ni Aya na may pag aalala sa mukha nito.
Seryoso nitong tiningnan ang dalaga. "Yung Final Exam sana natin ngayon."
Isang malakas na batok ang natanggap niya galing kay Aya. "Aray ko!!! kung makabatok ka jan!! totoo naman eh! Major subject pa man din yun!" sabi nito habang hinihipo ang ulong nabatukan.
"Naiipit na nga tayo sa isang mesteryosong krimen yan pa ang naiisip mo! kinabahan pa naman ako akala ko kung ano na. Tiyak naman na maiintindihan tayo ng Prof. natin." singhal ni Aya sa kasama.
"Just saying you know." sagot nito at natahimik na ulit sila.
"Silang dalawa lang ba?" Nawala ang malalim na pag iisip ng magkaibigan nang marinig ang isang malalim at ma-awtoridad na boses ng detective.
"Opo, basi po sa salaysay nila at ng mga taong nakakita sakanila." pag papaliwanag ng kasama nitong police.
"Kung ganun, tawagin mo na si Ms. Diana Ramirez para masimulan na natin to." ang tinutukoy nito ay ang dalagang kasama niyang bumaba sa kotse kanina. Hindi nakatingin ang Matandang detective sa kausap nitong police sa halip ay mariing nakatitig sa dalawang magkaibigan. Tila ba may mas malalim itong iniisip.
"Opo Sir." dali-dali naman itong ginawa ang iniuutos ng detective.
***
"Ms. Ramirez, hinihintay na po kau ni Sir Gilbert." Tawag ng napag utusang police sa dalaga.
Tila wala itong narinig at patuloy na pinag mamasdan ang mga sulok ng mga kwarto. Wala na din doon ang bangkay at ang higaan. Tanging isang malaking puting marka ng chalk ang naiwan sa sahig na sinadyang inihulma sa katawan at posiyon nung bangkay bago ito ipinadala sa isang test para ma-autopsy.
"M-Ms. Ramirez?" nag aalangang tawag nung police. Lumuluhod, tumutuwad at parang gumagapang kasi ang dalagang detective habang nag susuri at parang di pinapansin ang presensya nung police na tumatawag sakanya.
Nagulat ang police at halos mapaatras ng biglaang tumayo ang dalaga at nag isip. Todo ang konsentrasyon nito sa ginagawa niya.
"B-bakit po?" kinakabahang tanong nung police. Hindi nagsalita ang dalaga at biglang lumapit sa gitarang nakalagay sa.tabi ning bintana.
Hindi ito ginalaw bilang isang ebedensya. Pero laking gulat nalang nung police nung buksan niya ito, naupo sa sahig at pinatugtug ang gitara.
"Ms. Ramireeeez... nagiisang ebedensya po yaaan." Halos manghinang sigaw nung police.
"Oh anjan ka pala police officer Danielo. diba ikaw ung head ng investigation team? bakit parang nata-tae ka jan??" inosenting saad ng dalaga na halatang ngayon lang napansin ang presenya ng polis na kanina pang tumatawag sakanya.
Halos mapaluhod naman ang police sa kawalan ng pag-asa na baka hindi na maresulba ang kasong ito dahil hinawakan nito ang isa sa nakita nilang ebedensya.
"Yu-yung ebedensya. Bakit mo hinawakan." Halos nanlulumo nitong sagot.
"huh? ebedensya? ito bang gitara? ang bilis niyo namang makuha sa isang simpling trick." casual na sabi nito at nag strum pa ulit sa gitara.
"T-trick?" pagtataka ng police.
"uhuh.. hindi ito ebedensya officer Danielo. A trick, o mas precise ang salitang Decoy." Pasimpling sambit ng dalaga.
"De-decoy?" napaisip ang officer.
"Yes. A Decoy." paninigurado pa ng dalaga.
---
End of Chapter 3