bc

Sweetest Arrangement

book_age0+
5.5K
FOLLOW
55.9K
READ
possessive
arranged marriage
goodgirl
CEO
sweet
like
intro-logo
Blurb

“Kiss me now. Hurry! You’re wasting my time.”

Because of one stupid dare, she met Jaime, the stubborn waiter. Buong tapang niyang sinundan ito sa CR at sapilitang humingi ng halik.

After five years, nagkita silang mulit at hindi na lang halik ang hinihingi niya. She’s asking him to marry her.

Will he say yes to her this time?

chap-preview
Free preview
Prologue – The Dare
"JAIME, nagre-request ang table eight, ikaw daw ang magdala ng drinks nila." Napakunot noo si Jaime pagkarinig sa sinabi ng bar manager. Wala namang masama sa gusto nitong ipagawa sa kanya dahil iyon naman talaga ang kanyang trabaho bilang waiter, pero mahigit thirty minutes nang tapos ang kanyang shift. At kasama na niya ngayon ang kanyang nobya. "Sir, pwede bang iba na lang," nasabi niya sabay taas ng beer na iniinom. Napakamot ng ulo si Renato, kahit ito ang manager ng bar, nag-atubili itong pilitin siya dahil kasama niya si Marie, ang anak ng General Manager ng Imperial Hotel, kung saan naroon ang bar na pinamamahalaan nito. "Pasensya na Ma'am Marie, VIP po kasi ang nasa table eight kaya hindi mapahindian." Paumanhin ni Renato. "Bakit kay Marie kayo nagsasabi?" He asked irritably. "Sure Renato." ani Marie. "Just give me one minute to convince him." "Salamat ma'am." Sagot ni Renato. "Babe, pagbigyan mo na boss mo," malambing na pamimilit ni Marie. "Puntahan ko na muna si Daddy baka hindi pa iyon nagdi-dinner." "Marie," he protested. She kissed him on his cheek and then whispered in his ear. "Pagbigyan mo na si Renato, fault mo din naman, hindi mo muna kasi hinubad iyang uniform mo." She erased the trace of lipstick on his cheek. Kinuha niya ang kamay ni Marie at hinalikan iyon. "No, it's your fault. Sa tuwing nakikita kita nakakalimutan ko ang mga bagay na dapat kong gawin." "Stop flattering me, Jaime. You already win my heart. Now prove to your boss that you're the best waiter he got." She smiled and winked at him. Her smiles never failed to warm his heart. Inalalayan niya si Marie sa pagtayo at hawak niya ang kamay nito ng ihatid niya palabas. "Huwag mo na akong ihatid." Itinulak siya ni Marie ng tanggkain niyang ihatid ito hanggang sa lobby ng hotel. Marie kissed him again, this time on his lips, short but lingering. "See you later, babe." She ended the kiss, turned and walked away. "Sandali lang ako sa loob, after this I'll be waiting for you at the lobby," pangako niya. Marie acknowledged him by waiving her right hand. Hinatid niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa Grand Imperial Palace. KINAKABAHAN siya habang papalapit ang waiter na ni-request nilang magdala ng kanilang order. Gusto na niyang magback-out sa pinagagawa ng mga kasama niya, ang halikan sa labi ang gwapong waiter. Gwapo was an understatement. This guy looked like a son of Adan, the first man on earth who's perfect in every detail. And she's not exaggerating! He stood over six feet tall. Ang matipuno nitong pangangatawan ay hindi naitago ng suot nitong uniform. He's wearing a pink floral short sleeved polo, pero hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan nito. He looked sultry and masculine. "Your initiation is so easy. He's the cutest guy I've ever seen." Kinikilig pang sabi ni Nicole. "Isn't your dare the sweetest?" Easy? Sa labing pitong taon ng buhay niya, hindi pa niya nararanasang mahalikan. Kaya papaanong magiging madali sa kanya na manghalik ng iba? Kulang pa ang nainom niyang apat na shots ng tequila para magkaroon siya ng lakas ng loob na gawin iyon. Naramdaman niya ang pagsiko ni Halley, ang half Russian na leader ng cheering squad sa kanilang school. It's her way of telling her to start making a move. Nasaaan na ba ang kapatid niyang si Karina? Bakit ang tagal nitong bumalik? Kanina lang ay magkasama nila ito, and she promised to help her accomplish her dare. Na dapat lang nitong gawin, ito naman talaga ang may gustong maging cheer dancer. Napilitan lang siyang sumali dahil sa pamimilit nito. Huli na ng malaman niyang may initiation ang sumasali sa team ni Halley. Isang paraan para subukin ang pagigng madiskarte ng mga nagnanais maging cheer dancer, but not in terms of performing a routine, kundi sa pamamagitan ng hamon. Dare. Akala niya noong una ay simple lang ang ipapagawa sa kanya. She didn't expect it to be like this, be forced to kiss a guy she didn't even know. What a stupid dare! "Hi, sit with us, like what you did to the other table?" Mapang-akit na imbita ni Halley. He didn't bother to look at Halley. He just continued serving their drinks. Nabastusan siya sa ginawa nitong pag-isnab sa kanila na animo walang narinig. Kahit man lang tingin ay hindi nito ginawa. Not only that he ignored Halley, para bang inis pa ito at mukhang dismayado. Akala mo kung sino! Nakakalimot ba ito sa sarili? Customers sila at waiter ito ng doon, dapat ay pagpakitaan sila nito ng maganda. Ang kabang nararamdaman niya ay napalitan ng iritasyon. "How much did you receive from the customer from the other table? We'll triple it." She poured Halley's beer on the floor. "Just mop this." The tequila was starting to have an effect on her. She's becoming braver. All of her companions giggled. They seemed to enjoy the scene she created. "I don't do the mopping. Save your money, I'll call the janitor and he will clean it up for you." She's surprised to hear his strong American accent. He seemed comfortable speaking in English. But that didn't stop her. "Ah, so it's confirmed! You're not a waiter here. So, you do some other stuff?" She maliciously emphasized the last word. "So tell me, how much will it cost, let's say... I want some other service, a kiss perhaps." "Whoa! You go girl" Halley cheered. "You can't afford me baby." He answered irritably. "No, try me. Just name your price." She daringly insisted. Bahagyang pumungay ang mga mata niya dahil sa nararamdamg hilo dulot ng mga nainom na alak. "You better leave now, you're wasted. I'll call the police, they would gladly arrest underage brats like you. Maybe then, you could use your damn money." Pagbabanta nito sa kanila bago sila tinalikuran. "Oh! I love his butt." Ang sabi ni Cathy na isa sa mga kasama niya. "Very good mas daring ka pa pala sa kapatid mo eh. Akala namin you're the timid one." Bilib na sabi ni Nicole, na isa rin sa mga kasama nila. "So, does it mean my initiation is done? 'Cause, I do really need to go upstairs now. My head is killing me." "Of course not," tutol ni Halley. "The dare is you kiss the guy." "He's gone already and it's impossible for me to kiss him now after I insulted him. You find someone else." Mas gugustuhin niya na pumili na lang ang mga ito ng ibang lalaki, may kakaibang kaba kasi siyang nararamdaman sa tuwing tititigan siya nito. "No, I want this guy." Halley insisted. "Look! There's your opportunity. He entered the gents room. Follow him!" "What?! You want me to follow him there?" Gulat na tanong niya. Ilang table lang ang layo nila sa gents room. Mukha naman walang makakapansin kung susundan man niya ito dahil maliban sa pagiging crowded, dim ang lights sa bahaging iyon ng bar. "Bilis mo na!" Halatang 'di sanay magtagalog si Halley. Ininom niya ng diretso ang isa pang shot ng vodka sa kanyang harapan, pampalakas ng loob para magawa niyang pasukin ang isang lalaki sa loob ng CR at manghingi ng halik rito. "You can do it!" Susog ni Cathy. She stood up and walked to the gent's room. She felt her cheeks burning and the floor seemed to be moving. Her steps uneven yet she knew where to go. She couldn't afford to pass out.. not now maybe later. Huminga muna siya ng malalim bago niya itulak pabukas ang pinto ng CR. Pagbukas pa lang niya ay agad niyang nakita ang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng salamin at kasalukuyang naghuhubad ng pang-itaas na uniform. "Looking for fun?" She jerked away when she felt a hand gripping her elbow. "Take your hands off me," she screamed. Hindi niya napansin ang paglapit sa kanya ng isang matandang kalbong dayuhan. "Don't be scared now, I will-" "Back off!" The waiter said and pulled her to his side. "I found her first." Protesta ng matandang lalaki. "She's mine. I'm the one she's been looking for." He sounded brave and sure. Nagustuhan niya ang sinabi nito na 'siya ay kanya'. "Yah, he's right, I belong to him." Matapang na sabi niya sa matandang manyak. The old man cursed before he turned away. Mas minabuti nitong umiwas na lang sa halip na patuloy siyang harass-in, alam nitong sakit lang ng katawan ang abutin nito kung magpupumilit ito na bawiin siya. Higit na matipuno at matangakad ang waiter sa tabi niya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Galit na bulyaw ng waiter sa kanya pagkaraang lumabas ng CR ang foreigner. Hinawakan siya nito sa dalawang braso at niyugyog. "Alam mo bang pwede kang mapahamak sa pagsunod mo akin dito!" "Stop shaking me, the world is turning." She closed her eyes for a couple of seconds. "All I want is your kiss, my first kiss." "Ano?!" Gulat na tanong ng waiter sa kanya. Magkahalong gulat, inis at iritasyon ang mababakas sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Nakatayo sila na malapit sa isa't isa. Wala itong suot na pang-itaas. Hindi na nito nagawang magsuot ng upper garment dahil agad siya nitong nilapitan ng makita nitong hina-harass siya. He's much taller than her, umabot lang siya hanggang sa dibdib nito, to think that she's considered tall by many because she's five feet six inches. Nakayuko ito sa kanya habang halos bumaon na ang mga kamay nito sa braso niya. "Addict ka ba? Are you high on drugs? Wala bang manligaw sa iyo at kailangan mo pang magsumamo sa isang stranger para mahalikan ka?" "You talk too much. Just shut up and kiss me!" Annoyed na sabi niya bago tumingkayad para abutin ang mukha nito. Sinamantala niya ang pagkakayuko nito at sinubukan niyang pagdikitin ang kanilang mga labi, pero nahulaan nito ang nais niyang gawin, kaya iniiwas nito ang mukha sa kanya. Sa leeg tuloy nito dumampi ang kanyang labi. Due to her frustration, she bit him. She wanted to do it twice but she liked the smell of his perfume so instead, she nibbled that part of his neck and planted soft kisses. Itinulak siya nito palayo na ikinabigla niya, muntikan na siyang matumba. Mabuti't naging maagap ito sa pagkabig sa kanyang bewang. "Ang tigas talaga ng ulo mo! Iiwan kita rito. Maghintay ka na may pumasok at doon ka humiling ng halik mo." Binitawan at tinalikuran siya nito. Kinuha nito ang bag na nasa ibabaw ng sink. Humugot ng t-shirt upang isuot at ipinasok naman nito sa loob ng bag ang hinubad na uniform. "Try to leave me here and I'll scream." Pananakot niya. "Scream your lungs out, the hell I care." Pabalang na sagot din nito sa kanya. "Kiss me now! Hurry, you're wasting my time." "Unbelievable." He uttered half irritated, half amused. Kahit na nakatalikod ito sa kanya ay nakaharap naman ito sa salamin kaya nakita niyang balewala lang dito ang pananakot niya. "I'll count one to three. Believe me, I'll scream r**e if you won't kiss me now. One... two..." "Ang tigas ng ulo mo. Hindi ka talaga titigil?!" Ani Jaime sabay harap sa kanya. "You're the one who's hard headed!" Aniya sabay palo sa dibdib nito. "It's just a kiss you're making a big fuss about it." "Walang patutunguhan ang usapang ito," Napailing na iwas nito. He proceeded on picking up the shirt he's about to wear. "Tatlo!" Damn him. "Help, somebody, help me. He's trying to r**e-." Hindi nito natuloy ang akmang pagsusuot ng t-shirt dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Humarap ito sa kanya at tinakpan ng kamay nito ang kanyang bibig. "Are you out of your mind?" Inalis niya ang kamay nitong nakatakip sa kanyang bibig. "It's your fault, I warned you but you didn't listen." "Ano, ako pa ngayon ang----" Salubong ang kilay na hinawakan ng isang kamay nito ang dalawang kamay niya at inilagay iyon sa ibabaw ng kanyang ulo. He almost lifted her when he pushed her on the tiled wall. He pinned her with his body. His face was so close she could feel his harsh breathing. "Sige para matigil ka na!" "Wait----" She wanted to tell him that they need to do it in front of Hailey. Pero hindi na niya naituloy pa ang nais sabihin dahil nagdikit na ang kanialng mga labi. Bahagyang nakaawang ang mga labi niya, her lips made it easy for him to kiss her fully. She never knew what it's like to be kissed but she knew by the way he firmly sucked her lower lip that this was not a gentle kiss. It's so urgent. She's not prepared for it. Animo nais siya nitong parusahan, hindi siya makahinga sa paraan ng paghalik nito at dahil sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha naduduling siya. Sinubukan niyang maalis ang mahigpit na pagkakahawak nito sa mga kamay niya para maitulak niya ito palayo pero tila nakaposas siya sa higpit ng hawak nito. "Jaime, anong ibig sabihin nito?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Thunder Wolves MC - Clara (Book #3)

read
63.0K
bc

Desert Nightmare (Book 3 to Desert Series)

read
1.2M
bc

Lady Dhampir

read
4.3M
bc

The Alpha's Abused Mate

read
1.2M
bc

Deepest Regret

read
3.5M
bc

Their Cursed

read
1.0M
bc

Jaded Hearts (Book 2 of Blue Moon Series)

read
7.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook