Ang bilis lang natapos ng weekends kasi balik work na naman ulit as Chancellor ng Hatoria University. Kahapon ay hindi na ako ginambala pa nina Lery para sumama sa mga pinlano nila buong Sunday tulad noong Saturday. Lumalabas lang din ako pag kakain na o hindi, kaya ay need kong kumuha ng tubig. Mukhang nakahalata rin ang mga ‘to na ayaw kong sumabay sa trip nila that time kaya hindi na sila nagtangka pa. Narinig ko pa nga na sinabihan ni Poland si Lery na huwag na akong isama-sama sa mga plano nila kung wala ang pahintulot ko. Lery must respect my privacy and my rest day, ikanga pa nito. Hindi ko naman sinabi kay Poland kahapon ang gusto kong sabihin sa kanila kasi nakaligtaan ko dahil sa nangyari. But I think, nakaramdam siya lalo na at nagiging weird ang pakikitungo ko sa kanila kahapon

