LSA30: 020

2327 Words
“Hello. Love. Goodbye?” hindi ko mapigilang itanong nang mabasa ko ang title ng movie.   A romance movie na mukhang bet na bet ni Lery dahil excited na excited siya na halatang-halata sa mukha niya kanina.   “Yeah. Maraming excited sa movie na ‘yan kasi hindi si Daniel ang makakasama ni Katheryn. They are excited na i-bash o critique ang tandem ng dalawa,” sagot naman ni Poland na tumabi sa akin.   Ganoon ba ‘yon? Pressured siguro ang bagong kaparehas ni Katheryn ngayon knowing na malakas ang love team ng KathNiel. I know about them kasi minsan ko na ring naririnig ang pangalan nila sa mga kasama ko na mahihilig din sa movies dito sa Pilipinas.   “Pero hindi naman bago ‘yan eh. That was 2019 na movie if tama ba ang pagkakaalala ko,” sabi ko na ikinatango ni Poland.   Hindi ko pinanuod kasi wala akong time dahil busy ako. Pero narinig ko na rin ang tungkol sa movie na papanoorin namin dahil minsan na rin ‘yon napag-usapan ng mga kasama ko sa trabaho.   “Hindi kasi namin napanuod kasi busy, tapos we are not into drama rin naman. Something new lang naman kaya kalmahan niyo na lang. Maganda naman daw ‘to kay worth to watch naman daw siya.”   “Sabagay, wala rin namang masama na panuorin na lang,” ani ko na lang.   Magtatanong pa sana ako kay Poland nang may sumita na sa amin. Binalik na lang namin ni Poland ang atensyon namin sa movie at hindi na nag-usap pa. Hanggang sa umabot sa point na sumigaw ang mga kasama ko nang makita nilang may kissing scene ang dalawang bida. Nakita ko pa kung paano manggigil si Italy kasi Kathniel fan pala siya. Gusto niyang tirisin ang leading man ni Katheryn dahil ang labi lang daw ni Katheryn ay kay Daniel lang daw.   Hindi ko alam, pero isang movie pa lang ang pinapanuod namin parang ang hirap makausad hanggang katapusan kasi panay pause ang mga ‘to para magbigay komento. Natatawa na nga lang ako habang pinapakinggan ko sila at makita kung anong mga reaksyon nila sa pinapanuod namin. Natahimik lang sila nang tumapat na sa part kung saan heavy scene na which is hindi nawawala talaga sa movie.   “You are not enjoying the movie.” Pansin ng isang taong pamilyar sa akin.   Hindi ko tuloy maiwasan na mapalingon rito na siyang aking pinagsisihan.   “Sorry,” halos pabulong kong sabi agad nang mailayo ko ang aking mukha sa kaniya.   “Sweet,” sabi pa niya at dinilaan pa ang ibabang labi nito na kitang-kita ko talaga.   I accidentally kissed her on her lips nang lumingon ako sa kaniya. I didn’t know naman na sobrang lapit pala ng kaniyang mukha sa akin. If I would know, hindi na sana ako lilingon pa. Hindi na sana ako magkakasala lalo na ang aking labi. Buti na lang talaga ay focused na focused ang mga kasama namin sa palabas kaya walang nakakita.   Iwawaglit ko sana sa aking isipan ang aksidenteng nangyari sa pagitan namin ni Lali nang maramdaman ko na lang na may mainit na hangin na tumatama sa kanang bahagi ng aking leeg. I know na hindi normal na hangin ‘yon kundi hininga talaga ng isang babaeng nagiging malaking tukso sa akin nowadays. I felt shivered sa ginawa niya.   “Distance yourself, please,” pabulong na sabi ko—enough for her to hear.   Ayoko lang talaga na lumalapit siya sa akin ng ganito.   “I won’t.” Pagmamatigas nito.   Gagalaw sana ako para makalayo sa kaniya nang bigla niya akong hapitin sa aking bewang na siyang dahilan para maglapat ang aking likod sa kaniya. Tumama pa ang malambot niyang labi sa likod ng aking taenga na nagbibigay goosebumps sa akin talaga.   “Stop it, Lur!” matigas na sabi ko kahit sa totoo ay nanginginig ang aking kalamnan sa nangyari.   Nanginginig hindi sa takot, kundi iba. Iba na first-time ko lang naramdaman sa thirty years of existence ko rito sa mundo. Nakakakaba talaga.   “How can I?” parang nahihirapang sabi pa niya sa akin.   Napakagat labi pa ako nang amuyin niya ako lalo. Nanayo na talaga buhok ko sa batok sa ginagawa niya ngayon. Parang may kiliting gumapang sa katawan ko papunta sa ibaba na dahilan para kagatin ko pa nang mariin ang aking labi.   Gusto ko siyang sampalin sa kaniyang ginawa o itulak man lang pero shuta! Hindi ko magawa!   Kung hindi siya lalayo sa akin o hindi man lang ako gumalaw palayo sa kaniya ay hindi ko na alam anong mangyayari sa pagitan naming dalawa.   “Stop. It might bleed,” bulong niya bago tuluyan akong binitawan.   Hindi ko na nabigyan ng pagkakataon ang sarili ko na maging okay ulit dahil bigla na lang in-on ang ilaw sa movie room. Halos habulin ko na rin ang aking paghinga sa nangyari. Napagtanto ko rin na tapos na pala ang palabas.   “Miss Katheliya, are you okay?” agad na tanong ni Poland nang maibaling ang tingin nito sa akin. “Bakit namumutla po kayo?”   Halata sa namumula niyang mga mata ang pagtataka dahil sa itsura ko ngayon. Mukha na siguro akong tanga. Ang reaksyon ko siguro ay mukhang na engkanto habang sila naman ay namamaga na ang mga mata dahil sa kakaiyak sa pinapanuod namin. Natural talaga na magtaka siya dahil drama ang pinapalabas hindi horror o kung ano man.   Kasalanan ‘to ni Lali.   “Y-Yeah,” nagkandautal na sagot ko sa kaniya.   Hindi ko tuloy maiwasan na mapalingon sa kanan ko ngunit ang sumalubong sa akin ay ang pader ng movie room. Walang bwisit na Lali akong nakita.   “Oh! President Lur, saan ka pupunta?” tanong naman ni Belarus nang makita ang babaeng naglalakad palabas mula rito.   Ang bilis ng gaga makarating malapit sa pinto.   “Mag-o-order ako ng food for us. Hindi na ako sasama sa movie marathon niyo. I don’t like it,” sagot naman niya.   Napaiwas pa ako nang tingin nang mabaling sa akin ang tingin niya. Agad din kasi napako ang mga mata ko sa makasalanang labi niyang dumampi sa likod ng aking taenga.   “Paano mo naman magugustuhan kung may ginawa kang kababalaghan habang ang mga kasama mo ay walang kamalay-malay. Isa kang malaking malandi!” gigil kong sabi sa aking isip matapos marinig ang sagot niya.   Bwisit! Malanding Presidente!   Gumagawa talaga ng kababalaghan! Ako pa ang ginagawang biktima niya! Pero isa rin akong malaking tanga! Ay hindi pala, marupok pala! Ang hina ko rin naman kasi! Bakit pag siya ganoon na lang reaksyon ko. Para akong natuod na hindi na marunong mag-isip.   I am not supposed to react like this. Kahit naman minsan na ganoon ang exes ko ay never akong naging affected. Parang normal touch lang, hindi katulad ng naramdaman ko kay Lali. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil sa mga biglang pumapasok sa isip ko at this moment.   What sorcery is this?   “No! It can’t be!” sigaw ko bigla na ikinagitla ni Poland na nasa aking tabi na pala.   Nakita ko pa ang pagtataka sa iba pang kasama namin habang si Lali ay malamig at seryosong nakatingin sa akin.   “Are you really sure na okay ka lang talaga, Miss Katheliya?” alanganing tanong ni Savannah.   “Bakit ka po nasigaw?” tanong naman ni Italy.   “Yeah! I think I need to go back to my room,” mabilis na sabi ko at agad na umalis sa movie room.   Kamuntikan ko pang mabangga si Lali dahil sa kakamadali ko. Buti na lang talaga ay walang pumigil pa sa akin. Hindi ko kasi talaga alam kung anong gagawin ko if ever na meron. I am so confused right now sa kinikilos ko every time Lali is around o may ginagawa sa akin si Lali na nagbibigay kakaiba sa akin.   “Get back to your senses, Katheliya!” sermon ko sa aking sarili matapos kong maghilamos dahil sa mga naging reaksyon ko sa ginawa ni Lali sa akin kanina.   Pagpasok ko sa aking kuwarto ay sa banyo agad ako dumiretso. Gusto kong mahimasmasan sa nangyari.   “She won’t stop if you keep on acting so dumb in front of her!” inis na sabi ko pa sa sarili ko.   Agad akong napatitig sa aking sarili. Bakas sa aking mga mata ang kalituhan at mga emosyon na never ko talagang naramdaman sa isang taong bago ko lang nakilala. Emotions that I am afraid na magbibigay gulo sa systema ko at pagkatao.   “No, Katheliya! Hindi ka ganoong tao! Hindi!” paulit-ulit na sabi ko sa aking sarili bago mariin na pumikit.   Makalipas ang ilang minutong pamamalagi sa banyo ay naisipan ko ring lumabas. Sakto ring may taong kumakatok sa pinto ng kuwarto.   “Miss Katheliya, lunch na po,” sabi pa ng taong nasa labas.   “Mauna na kayo! Tulog muna ako!” sigaw na sabi ko.   Humiga na rin kasi ako sa aking kama. Mabilis na binalot ang aking sarili sa kumot at sinubsob ang aking mukha sa unan.   “Are you sure po? Are you really okay? Should I get some medicine po for you?” tanong pa niya.   I know na si Italy ang nasa labas. Ang babaeng masyadong curious sa mga bagay-bagay at hindi natatahimik pag hindi niya nalalaman ang mga bumabagabag sa kaniyang isipan.   “I need some rest lang, Italy! Nakaramdam lang ako ng pagod dahil sa isang linggong biglaang paghalili ko kay Cyll!”   “Okay po. Rest well po,” huling sinabi pa nito bago tuluyang umalis sa harap ng kuwarto ko.   Mabilis tuloy akong napabuntong hininga pagkatapos.   Alas tres ng hapon ngayon at kakagising ko lang din. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya naisipan ko na ring lumabas sa aking kwarto. I am totally okay now. Buti na lang ay nadaan sa pagtulog ang nangyari kaninang umaga. Buti na lang talaga, kasi kung hindi ay titiisin ko talaga ang gutom ko. For sure kasi na makakaramdam ako ng pagkailang pag makaharap ko isa sa kanila.   “It is good to know na okay ka na, Miss.”   Agad akong napalingon sa likod nang biglang may nagsalitan mula roon. Sakto lang din kasi na kakapasok ko lang ng kusina. Hindi ko alam na may nakasunod pala sa akin. Masyado akong focused din kasi sa kumukulong sikmura ko.   “Sakto!” biglang sigaw ni Lery na inaayos ang pagkain sa lamesa. “Buti na lang talaga na naisipan kong iinit ang natirang pagkain para sa ‘yo, Miss Katheliya,” sabi pa nito.   Napakurap pa ako ng ilang beses nang makita kong halos kasama ko rito sa Hator ay narito rin sa kusina. Except nga lang kina Lali at Sulli na wala akong pakialam kung na saan man sila ng lupalop ng Hatoria University.   “Ang sabihin mo, buti na lang nakaramdam ka ng gutom.” Pangbubuking nina Sweden at Belarus dito na ikinasimangot naman agad ni Lery. “Hindi mo naman gagawin ‘yon kung hindi eh. Huwag kang mang-uto.”   Mukhang siya na naman ang aasarin nina Sweden at Belarus. Himala rin tahimik si Morocco na nakaupo lang sa pinakadulong upuan sa counter top.   “Huwag mong inaano si Miss Katheliya, Lery. Isang kang mapanlinlang!” malakas na komento naman ni Morocco.   Ay, hindi pala.   “Hep! Tama na ‘yan! Baka sumama pa ang pakiramdam ni Miss Katheliya sa inyo.” Awat agad ni Cole na nasa gilid ko na.   Nginitian ko na lang si Cole sa ginawa niya at ganoon din siya sa akin.   “Kain na po baka maumay kami sa matamis na ngitian niyong dalawa,” turan ni Savannah. “Napapadalas na ‘yan kahit maganda naman pagmasdan.”   Hindi ko tuloy maiwasang mapailing na lang. Inasar pa nila si Cole dahil namumula na ang pisngi nito dahil sa pinagsasabi nina Savannah na ginatungan pa nina Poland.   “Okay lang naman na maging girl crush ko si Cole.” Bigla na lang lumabas sa bibig ko na naging dahilan para matahimik sila.   Hindi ko alam na na-voice out ko pala ang dapat na sa isip ko lang dapat.   “You what?” tanong naman ng taong nasa likod ko na may malamig na boses.   “I think, gutom lang ang lahat,” mabilis na sabi ni Lery at agad akong hinila para paupuin. “Kumain ka nang marami, Miss Katheliya,” sabi pa niya. “Kailangan mong bumawi, kasi tuloy ang movie marathon natin hanggang gabi.”   Aangal pa sana ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko na nakapatong lang sa aking hita. Agad akong napalingon sa kung sinong may gawa at agad sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita kong si Cole pala. Hindi ko alam na tatabi pala siya sa akin.   “Go with the flow,” ani niya nang mahina sa akin na ikinatango ko.   Ngumiti muna siya sa akin bago niya binitawan ang aking kamay.   “Hoy! Doon ka nga, Isla. Lipat ka na roon nang matapos tayo at makapag-movie marathon ulit,” sabi ni Savannah sabay tulak kay Cole sa kinauupuan nito habang nakaturo kung saan nga ba talaga nakapwesto si Cole.   Wala tuloy ‘tong magawa kundi tumayo sa kinauupuan niya na nasa tabi ko lang dapat at lumipat sa kaharap kong upuan. Habang ang mga kasama namin ay kaniya-kaniyang upo sa usual seat nila. Napalingon pa ako sa aking kaliwa nang may umupo sa dulo which is si Lali. Binaling ko na lang ang aking atensyon sa pagkain na binigay sa akin ni Cole at mariin na napahawak sa kutsara at tinidor na aking hawak.   Hindi ko tuloy alam kung anong mangyayari sa akin dito kung walang Isla Coleman akong makakasama. Naiangat ko ulit ang aking tingin at sumalubong sa akin ang ngiti ni Cole. Napangiti na lang ako nang tipid bago tuluyang kumain.   Every time Lali throws my emotions into disarray, Isla Coleman always soothes me.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD