End na ang semester ngayon at iilan na lang sa mga estudyante ang piniling mag-stay na lang for now sa Hatoria University. Balik muli sila ng January para mag-enrol para sa second semester. Buti pa nga sila makakauwi na. Habang ako, heto, maghihintay kailan magiging okay ang lahat lalo na ako. Ayokong mag-risk kahit pwede ko namang gawin anytime. Pero minabuti kong huwag na lang. Sa tatlong araw na pagiging mailap ko sa kanila ay nakapag-isip-isip na rin ako. Masyado akong nabigla sa lahat, ngunit, naisip ko na tama rin naman sila. I need Doctor Satora and Doctor Cleo para sa condition ko at para mabilis akong gumaling. Naisip ko rin ang pamilya ko if ever na lumala ang nangyayari sa akin. I am sure mas masasaktan sila na ayaw na ayaw kong mangyari at makita. "Mabuti at lumabas ka

