"Tigilan mo na ako! Pwede naman nating pag-usapan ang lahat! Huwag mong ituloy binabalak mo! Huwag mong ipilit ang sarili mo sa akin!" Nagulat sina Poland nang biglang na lang lumabas 'yon sa bibig ni Katheliya. Kitang-kita ng mga 'to kung paano 'to takot na takot sa kung anong nakikita nito. Agad nagkatinginan ang mga ‘to nang may mapagtanto sila. "Sh!t!" Sabay na sabi nilang lahat dahil alam na nila kung ano ang nangyayari. They know na nag-blackout na naman si Katheliya base sa sinabi nito at ekspresyon sa mukha. Biglang lumapit sina Lery para pigilan siya, baka ano pang mangyari rito dahil mukhang wala na 'to sa sarili. Pero nang mahawakan nina Lery at Poland si Katheiya habang sina Savannah ay tinatawag na sina Lur Lali, to inform kung anong nangyari ay nagsimula na ‘tong

