"You intend to humiliate him, don't you?" biglang tanong ni Superior na nakaupo na pala sa kabilang side ng couch kaharap sa akin. Hindi ko alam na lumipad na pala ang aking isip kaya hindi ko na siya napansin pa. I just smiled at him na ikinailing niya. Hindi niya siguro inaakala na magbabago ang way ng pagpapahirap ko sa target ko. Never pang gumawa ng ganoon kaya nasisiguro kong pag-uusapan nila ‘yon pagkatapos. "Hindi ko alam kung magiging proud ba ako lalo sa 'yo o matatakot na," untag niya bigla dahilan para mapatitig ako sa kaniya. “Unti-unti kang nagbabago. I hope hindi kasing lala ng aking inaakala, 001.” He seems bothered na hindi ko na pinagtuonan ng pansin pa—sa sinabi niya ako naka-focused talaga. What he was saying ay isang wake up call for me dahil baka mangyari

