Nagmamadali akong bumaba galing sa kuwarto namin nina Lery, kasi tinawagan ako bigla ng secretary ni Superior. Kailangan ko na ring mag-report regarding sa mission ko kanina. Mukhang nakatunog siya na nagsisimula na ako sa inatas niya sa akin na hindi ko man lang pinaalam sa kaniya. He was expecting siguro na baka after New Year ko na gawin or after Christmas. Ngunit, ako ay napatigil nang hindi sinasadyang nagawi ang tingin ko sa sala. "Hey! Sorry, huwag kang umiyak," tarantang sabi ni Isla sa babaeng kasama niya ngayon sa sala. Nagtaka pa ako kung sino, kasi hindi masyadong kita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa gawi ko. Though I have a feeling na kilala ko kung sino, pero hindi ko matumbok kung sino nga talaga. "Cole," tawag niya kay Isla. Naikuyom ko ang aking mg

