“What do you think?” hindi mapigilang itanong ni Isla kay Italy na kanina lang nakikiramdam sa katabi.
Kanina pa sila nakatayo sa harap ng pinto ng kuwarto ni Katheliya habang iniisip sa kung anong nangyayari na sa loob. At iniisip kung anong dahilan kung bakit binangungot ‘to.
“What do you mean, Island? Kung ano ang napanaginipan niya?” tanong naman ni Italy sa ate nitong si Isla.
'Yon lang din ang pumasok sa isip nito dahil nalaman din nito kung ano ba talaga ang dahilan bakit nagawi rito ang babae. Hindi rin malabo kay Italy na ‘yong nangyari rito ang napanaginipan ng isa.
“Yes,” maikling sagot naman agad ng isa.
"I think 'yong nangyari sa pagitan nila ng ex-boyfriend niya ngayon na si Vico Meracolo," ani ni Italy sabay sandal sa gilid ng pinto habang nakatingin kay Isla na nakatayo pa rin sa harap ng pinto. "Hindi rin malabong mangyari' yon dahil hindi naman normal ang s****l assault. Mismo pa ang boyfriend niya ang gumawa which is controversial talaga."
Mabilis ding napabuntong hininga si Italy nang makitang seryoso lang ang mukha ng kasama niya.
"Kalat na rin kasi ang rumor ang biglaang hiwalayan ng tinaguriang almost perfect couple sa industriya nila. Ti-nake advantage na rin ng media dahil never pa atang nagka-issue si Miss Katheliya, ngayon lang."
“Rumor? About sa ano?” nagtatakang tanong naman ni Isla kay Italy.
Ang alam lang ni Isla ay nasangkot sa isang malaking issue si Katheliya pero hindi pa rin niya alam kung ano ‘yon. Sinabihan lang siya sa kung anong dapat gawin at kung ano ang hindi.
"Vico Meracolo tried to rape Miss Katheliya inside his condo," sagot agad ni Italy sabay buntong hininga ulit nang maalala ang dahilan. “Kalat din kung paano may isang fan na nag-comment sa twitter. Kung anong narinig niya habang nag-uusap sina Vico Meracolo kasama ng bandmate nito at kaibigan kung tuluyan bang maangkin ng lalaki ang girlfriend nitong si Miss Katheliya bago ‘to mag-birthday sa November 21,” sabi pa nito na ikinakuyom ni Isla sa kaniyang mga palad.
When it comes sa ganiyang usapan ay ayaw na ayaw talaga ni Isla dahil masyadong sensitive na topic ‘yon, kahit hindi naman niya naranasan o naranasan ng mga kakilala niya. But the fact na ‘rape’ ang usapan ay isa na ‘yong kamalian at malaking kasalanan para sa kaniya. Iniisip pa lang niya kung anong sinapit ng ibang babae ay parang babaliktad na ang sikmura niya.
“He is totally jerk!” gigil na sabi ni Isla makalipas ang ilang minutong katahimikan sa pagitan ng dalawa.
Hindi rin maiwasan ni Italy na sumang-ayon sa sinabi ni Isla bilang komento sa narinig nito mula sa kaniya.
"More than a jerk," sabi naman ni Italy.
“This is a big issue and trouble rito sa Hatoria City. Involve na rito ang anak ng Vice Mayor at anak ng kilalang sikat na napakaimpluwensyang pamilya rito at businessman hindi lang sa Hatoria kundi sa buong mundo. Isama mo pa na sikat na modelo rin si Miss Katheliya,” ani ni Isla na sinang-ayunan naman ng isa.
Napabuntong hininga na lang si Lur nang makitang mahimbing na ang tulog ni Katheliya habang yakap-yakap siya ng babae. Habang hinahagod nito nang mahina ang likod nito.
Bigla tuloy naalala ni Lur ang nangyari bago pa siya makabalik rito sa Hator, ang tawag sa bahay na tinitirhan nilang Student Council Officers at ng Chancellor na si Alpha Cyll Florenz. Naalala pa niya kung gaano ka galit ang matatandang Florenz nang malaman ang sinapit ng unang babaeng anak sa pamilya ng mga ‘to, si Katheliya Ruby Florenz.
"I told you, Kuya Sin. Dapat pinilit mo talaga si Thel na hiwalayan na niya ang put@ng-!nang Bico na' yon," sabi ng kapatid nitong si Ichi, ang tatay ni Alpha Cyll.
“Ginawa ko ang lahat, Ichi! But I respect my daughter's decision as well. She didn't expect din naman na gagawin 'yon ng gagong 'yon sa kaniya." Depensa naman ng isa.
‘Yan agad ang bungad kay Lur nang makapasok siya sa conference room ng kompanya ng nakakatandang Florenz na si Sinku Florenz.
Ngayon lang din nasaksihan ni Lur kung paano magalit ang isang Ichi Florenz na kilala bilang isang friendly at masayahing tao. Agad namang nilibot ni Lur ang kaniyang paningin sa loob ng Conference Room. Agad nabato sa kaniyang kinatatayuan nang makitang hindi lang dalawang Florenz ang nasa Conference Room kundi pito. Alam ni Lur na isang malaking gulo ang lahat dahil nagsama-sama nga ang pitong kalalakihan sa pamilya ng mga ‘to.
“Yes, we respect her decisions too, but her safety is our top priority dapat. Pumalpak tayo sa pagprotekta sa unang anak na babae sa angkan natin. Paano na lang ang iba? Hindi ako makakapayag pag mangyari ‘yon,” mariin na sabi naman ng ikatlong Florenz na si Naru, ang bunsong kapatid nina Sinku at Ichi.
“Hindi naman kasi natin mahahawakan ang kapalaran ng isa’t isa, kahit gaano pa natin kagustong ilayo sila sa kapahamakan. Pero ang magagawa natin ay bigyan ng hustisya ang nangyari sa kaniya,” turan naman ni Nerri, ang pang-apat sa Florenz na pinsan ng tatlong naunang nagsalita.
"But the problem here, bakit huling nag-aware si Sinku sa bodyguards ni Thel? ‘Yon ang dapat pag-usapan dito!” sigaw naman ng isang lalaking nakaupo lang sa pinakadulo ng lamesa ng Conference Room, si Elluxe, ang panglima sa magpipinsan.
Alam ni Lur na sa pito, ang panglima ang kilalang tatahimik pero hot tempered na tao. Mabilis uminit ang ulo lalo na pag may isang bagay na paulit-ulit na lang nitong naririnig na kinaiinisan nito.
"Stop arguing about something that has already been done. All we can do is try to get that jerk in jail as soon as possible." Singit naman ng pang-anim sa Florenz na si Rave.
Kitang-kita pa ni Lur kung paano gumitna ang pang-anim na lalaki sa tatlong magkakapatid at isang pinsan nila. Habang ang isa ay nakatingin lang habang nakaupo pa rin sa kinauupuan nito. Hanggang sa hindi na magawang sundan pa ni Lur ang usapan ng anim na kalalakihang na kasama niya sa loob ng Conference Room at ang mga kaganapan. Nagsisimula na rin kasing magbangayan ang mga ‘to kung ano nga ba ang dapat na gawin ng mga ‘to sa kinasangkutan ng unang anak na babae sa pamilya ng mga ‘to. Ang nasa isip lang talaga ni Lur ay matapos ang lahat para makabalik na siya sa Hator. Gusto na rin niyang magpahinga dahil kakagaling lang din nito sa isang seminar para sa mga Student President sa bawat College Schools sa Hatoria City. Bilang isang presidente ay ayaw na ayaw ni Lur na may isang bagay o obligasyon na hindi niya kayang magampanan. She hates it that much kaya kahit pagod siya ay sumipot pa rin siya sa emergency meeting na sinabi sa kaniya. Kung alam niya lang na ‘to ang mabubungaran niya ay baka magdahilan muna siya na si Isla ang darating for her.
"Can you just settle down so that we can talk? What is the reason why I should be here?" Biglang singit ni Lur nang hindi na ‘to makatiis sa mga nakikita at naririnig niya.
Nabaling tuloy ang atensyon ng anim na kalalakihan sa kaniya. Napabuntong hininga na lang si Lur at tuluyang naglakad sa harap ng Conference Room habang ang anim na kalalakihang nasa gilid niya ay napapasunod lang nang tingin sa kaniya. Hanggang sa katapat na niya ang panglimang Florenz na si Elluxe na mariin lang nakatingin sa kaniya simula noong magsalita siya.
“Nakakahiyang makita na kailangan pang si President Lur ang magpapatahimik sa inyong anim,” biglang sabi ng isang lalaking kakapasok lang ng Conference Room.
Ang panghuli at pangpito sa Florenz na si Sakke.
“Nakakahiya rin na huli ka na namang dumating,” sabi naman ni Sinku habang inaayos nito ang suot nitong nagusot dahil sa kakabayangan nila kasama ang mga kapatid at mga pinsan nito.
“Should we begin now?” Singit naman ni Lur nang makitang magsisimula na naman ang mga ‘to.
Hindi na nagsalita pa ang pitong lalaki at kaniya-kaniya na ang mga ‘to sa pag-upo.
"Can you tell me why I've been called here?" tanong agad ni Lur na siyang ikinatawa ni Ichi.
"Because you are President Lur," sagot naman agad ni Ichi na may nakalolokong ngiti.
Mabilis ding tumango ang ilan sa isinagot ni Ichi rito kasi alam nilang isa ang babae sa makakatulong sa kanila para maisagawa ang planong gusto nilang mangyari. Ang paunang planong magiging malaking parte sa susunod na hakbang na gagawin nila.
"And?" tanong nitong muli na ikinailing na ni Ichi.
Alam kasi ni Ichi kung anong ugali ng babae dahil mag-aapat na taon na ‘tong presidente ng university na pagmamay-ari ng pamilya niya. Almost four years na rin niyang nakakasama ‘to kaya isa siya sa trusted person nito na siyang alam ng mga pinsan niya at ng mga kapatid niya. Lagi kasi niya ‘tong kasama pag may importanteng meeting regarding about sa university.
"You are the only one who can assist us in keeping my daughter safe," sagot naman agad ni Sinku.
Hindi maiwasan ni Lur na mapabuntong hininga na lang dahil mukhang gagawin pa siyang daughter sitter ng unang babaeng anak sa pamilyang Florenz. Though recently lang din niyang nalaman kung ano ba ang kauna-unahang issue na nakasangkutan nito. Sinabi lang sa kaniya ng school driver na nagsundo sa kaniya at naghatid papunta sa Florenz Empire.
"As far as I recall, I am the President of Hatoria University, not a nanny for your daughter," mahinahong sabi ni Lur.
Naroon pa rin ang lamig sa tono ng boses nito na siyang hindi na magbabago sa babae.
"But she will stay for a while sa Hatoria University at pansamantalang hahalili sa anak kong si Alpha," sabi naman ni Ichi.
Magsasalita pa sana si Lur nang sunod-sunod na nagsalita ang mga kasama niyang lalaki sa Conference Room. Ang nagawa na lang ni Lur ay makinig sa magiging takbo ng usapan at plano ng mga ‘to. Hindi na nagbigay komento pa si Lur dahil alam naman nito na hindi pa rin makikinig ang pito. Magsasayang lang siya ng laway dahil pansin nito na ayaw magpatalo ng bawat isa.
“All in all, I’ll be her sitter,” sarkastikong sabi na lang ni Lur pagkatapos na ikinaawang ng bibig ng pitong lalaking kasama nito.
Hindi inaasahan ng mga lalaki na ganoon ang sasabihin ng estudyante sa harap nila. Halatang hindi takot ‘to na humarap sa kanila para makaakto ng ganoon sa kanila. ‘Yon na ang kauna-unahang naka-encounter sila ng ganoong klase ng tao aside noong nag-aaral pa sila – sobrang tagal na rin noong nangyari ‘yon.
“Sa haba ng sinabi namin sa ‘yo ay ‘yan lang nakatatak sa isip mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Naru kay Lur.
"I can handle the rest, but I'm not sure about being her babysitter. She's old enough to look after herself," ani ni Lur na ikinailing na lang ng pito.
Napabuga na lang din ng hangin ang ama ni Katheliya na si Sinku. Mukhang magkakapareho lang ng ugali ang anak nito at ang kaharap nilang dalaga ngayon. May sariling desisyon sa buhay at hindi kailanman mababali pa, it depends na lang kung may himala.
"Even though I don't know you that much, ramdam ko na isa kang taong mapagkakatiwalaan ko when it comes sa anak kong babae," sabi pa ni Sinku na ikinapikit nang mariin ni Lur sa kaniyang mga mata.
“That’s all?” tanong ni Lur makalipas ang ilang minutong katahimikan sa kanilang walo.
Tumango naman ang pito sa naging tanong nito.
“Okay. Thanks. I need to go,” sabi agad ni Lur sabay yuko sa harap ng pitong lalaking kasama niya bago tuluyang umalis sa Conference Room.
Hindi mapigilang mapanganga na lang ang pitong lalaki habang nakatanaw na lang ng tingin sa dalagang kakalabas lang ng Conference Room.
Nagbalik ang diwa ni Lur sa kasalukuyan nang maramdaman niya kung paano humigpit lalo ang yakap sa kaniya ng babaeng habang natutulog ‘to sa tabi niya. Gusto niyang pakatitigan ‘to ng mabuti kasi hindi naman niya nakita ng maayos ang mukha ng babae. Aside sa panay iyak lang ‘to kanina nang madatnan niya ‘to kasama ng mga co-officer niya ay dim pa ang ilaw ng kuwarto. Kahit alam naman nito kung sino ‘to dahil narinig niyang tinawag ‘to ni Lery. Pero ang hula niya at ng mga kasama niya kanina ay binangungot ‘to dahil sa nangyari sa pagitan ng boyfriend nito na ex-boyfriend na ngayon. Kaya na rito ang babae ay dahil para mailayo sa issue at hindi magulo lalo ang buhay nito. Nilayo na siya agad bago pa mahuli ang lahat. Halata rin naman na hindi pa handa ang babaeng nakayakap sa kaniya na harapin kung anong kumakalat na issue ngayon sa media.
Naisipan ni Lur makalipas ang ilang minuto na umalis na dahil may gagawin pa ‘tong importanteng bagay. Kailangan din niyang kausapin ang co-officer niyang si Isla dahil ‘to pansamantala ang humalili sa naiwan niya noong mga panahon na wala ‘to ng mga ilang araw dahil sa seminar na pinuntahan niya. Ngunit, bago pa niya tuluyang mailayo ang sarili sa babaeng katabi nito ay bigla na lang ‘tong nagsalita na naging dahilan para magbago ang gustong gawin ni Lur. At mawala na parang bula ang mga importanteng bagay na gagawin niya pag narito na siya sa Hatoria University.
“H-Huwag mo akong iwan,” mahinang sabi ng babaeng katabi niyang kumukunot na ang noo habang binabalik ang pagyakap kay Lur.
"S-Save me." Huling narinig niya bago tuluyang lumalim ang paghinga nito, indikasyon na tuluyan na ngang nakatulog ang babae.
“Katheliya,” mahinang sambit ni Lur sa pangalan ng babae.
Niyakap na lang niya ang babae pabalik at hinagod nang dahan-dahan ang likod nito kasabay ng pagpikit nito sa kaniyang mga mata. Hanggang sa dinapuan na ‘to ng antok at hindi namalayang nakatulog na ‘to ng tuluyan sa tabi ni Katheliya.