LSA30: 011

2262 Words
Naalimpungatan ako nang maramdamang may humahaplos sa aking paa papuntang hita. Babaliwalain ko sana ‘yon nang bigla na lang may bumulong sa aking taenga. Nagmula sa boses ng isang taong nagbibigay kilabot sa akin ngayon simula noong may ginawa siya sa akin na hindi kaaya-aya. Agad nanayo ang mga buhok ko sa batok at nanlalamig ng paunti-unti ang aking katawan.   "Akin ka lang, Katheliya,” patuloy na sabi nito sa akin nang mahina.   Mabilis akong napadilat at laking gulat ko nang makitang nasa tabi ko na nga si Vico na nakaupo sa kama habang nakangising nakatingin sa akin na may pagnanasa. Babangon na sana ako nang bigla niya akong hinigit at mabilis na dumagan sa akin tulad noon sa condo unit niya. Hindi ko maiwasan na manlaki ang aking mga mata sa kaniyang biglang ginawa. Biglang pumasok sa isip ko na balak nitong gawin ang minsan na ring naudlot niyang binabalak sa akin noong isang araw. But this time, he is making sure na he can finally do it with me. Iniisip ko rin na baka suntukin na naman niya ako. Hindi pa masyadong nawawala ang pasang binigay niya sa akin, ngunit hindi na masyadong masakit kaya torelable naman.   “Vico, ano ba?!” sigaw ko habang nagpupumiglas na sa kaniya, nagbabakasakali na ako ay makawalang muli tulad nang dati.   Ngunit, diniin niya akong mabuti sa kama at hahalikan na sana ako sa labi nang mabilis kong iiwas ang aking mukha mula sa kaniya. Kaya dumapo ang kaniyang makasalanang labi sa aking leeg at nanggigil na kinagat at sinipsip ‘yon.   “Tang!na ka! Ang bango mo talaga!” hayok na sabi nito sa akin at naramdaman ko pa kung paano niya pilit nagsumiksik sa aking gitnang hita.   Lumingon ako sa kaniya at mabilis na inuntog ang aking ulo. Dahil sa gulat niya ay lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya mabilis ko rin siyang sinipa sa sensitibong parte ng kaniyang katawan para makawala sa kaniya. Agad ko siyang tinulak paalis sa ibabaw ko habang namimilit na naman siya sa sakit ng parteng sinipa ko. Tatayo na sana ako para makatakbo palabas palayo sa kaniya at sa kapahamakan nang bigla niyang nahila ang damit na aking suot at buong lakas na hinila pabalik sa kama. Mas lalo akong nagulat sa biglaan niyang ginawa. I thought ‘yon na ang tsansa ko na makatakas ulit, pero hindi na nangyari pa ulit. Mukhang inaasahan na rin niya na muli kong gagawin ang bagay na ‘yon sa kaniya. Pero dapat hindi agad siya maka-recover kasi sensitive na area ‘yon.   “Tulong! Tulungan niyo ako!” aking paulit-ulit na sigaw habang pilit na nagpupumiglas sa hawak ni Vico.   Diniin niya pa ako lalo sa kama habang mas lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa magkabilaang wrist ko. He is also making sure na huwag ko siyang masipa o matuhod muli.   “Hindi matatapos ang gabing ‘to na hindi kita na aangkin, Katheliya,” malademonyong sabi niya sa akin.   Ramdam ko na ang panginginig ng aking katawan dahil sa nangyayari sa akin ngayon. Ang lakas na rin ng t***k ng aking puso. Isama pa ang unti-unting pagsakit ng lalamunan ko kakahingi ng tulong sa kung sino man ang pwedeng makatulong sa akin sa mga oras na ‘to.   Ayokong mangyari sa akin ang isang bagay na kahit sino ay ayaw maranasan sa mga katulad ni Vico. Ayaw kong maging biktima ng isang karahasan at rape dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pagkatapos. I am sure na wala na akong mukhang maihaharap sa pamilya ko at sa ibang tao kung mangyari man ‘yon. Ayokong mangyari sa akin ‘yon.   “Ping, tulong!” pagmamakaawang sigaw kong muli.   Ngunit wala, walang pumasok dito sa kwartong ginagamit ko ngayon para tulungan ako na huwag mapahamak sa kamay ni Vico. Walang nakakarinig sa akin na kahit sino para bigyan ako ng tulong. Wala, na nagbibigay dahilan sa akin para makaramdam ng pagkawala ng pag-asa na maligtas pang muli sa sitwasyong ‘to.   “God, don’t let this person harm me again,” sabi ko sa aking isip habang pinapanalangin ‘yon sa Diyos at nawa ay dinggin niya agad ang aking hiling.   “Walang makakapigil sa akin,” sabing muli ni Vico at buong lakas na sinuntok ang aking tiyan.   Malakas na daing ang kumawala sa aking bibig ngunit nagpupumiglas pa rin ako habang nasa ibabaw ko pa rin si Vico. He began ripping the thin sleeveless top I was wearing at the time. Isasama na rin sana niya ang suot kong bra nang buong lakas kong kinagat ang kaniyang braso na malapit sa akin. Mas lalo kong diniinan pa ‘yon at sinipa siyang muli at mabilis na bumangon para tumakbo palabas.   “Cole! Tulong, Cole!” sigaw ko.   Bubuksan ko sana ang pinto ng kwarto kaso ayaw mabuksan dahil naka-lock at mukhang needed na sa labas ‘to buksan. Mabilis kong kinalampag ‘yon at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan nina Ping at Cole. Hoping na marinig nila ako at matulungan bago pa magawa ni Vico ang gusto niyang gawin sa akin.   "No one can hear you, Katheliya! Akin ka lang!" rinig kong sigaw ni Vico.   Takot na takot at nanginginig akong napalingon sa kung na saan si Vico ngayon.   “No one, Babe! No one!” sigaw niyang muli habang nagsisimula na ‘tong maghubad ng pantalong suot niya ngayon.   Ngayon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ng maayos kung na saan ako. Isang kuwartong alam ko kung kanino talaga. Isang kuwartong hindi ko aakalain na mapapadpad ako.   “P-Paano ako napunta r-rito?” tanong ko sa kaniya habang nagsisimula na ngang kumawala sa aking mga mata ang mga luhang pilit kong pinipigilan na huwag magsilabasan.   Ayokong makaramdam ng panghihina, kasi I am sure hindi ‘yon makakatulong sa sitwasyon ko ngayon. If magpapakain ako sa takot at panghihina at kawalan ng pag-asa ay siguradong makukuha ni Vico ang gusto niyang mangyari sa akin. Habang kaya ko pang labanan lahat at may lakas pa ako na makawala muli sa kaniya ay gagawin at gagawin ko ‘yon.   “Kinuha kita, kasi akin ka,” sabi niya na may kasamang mapanuksong ngiti habang hubo’t hubad na siyang nakatayong nakatingin sa akin.   Sunod-sunod na kinakalampag ko ang pinto habang mabagal na humahakbang papalapit sa akin si Vico. Mas lalong tumindi ang nararamdaman ko ngayon, naghahalo na nga na hindi ko na alam. I don’t know if I can handle it anymore.   “Ping, help me!” sigaw kong muli habang unti-unti ng nauuwi sa hagolgol ang aking sigaw.   Kahit ramdam ko na rin ang pagsakit ng lalamunan ko ay wala akong pakialam. Habang may boses pa ako ay gagamitin ko pa rin para may makarinig sa akin at makatulong.   “Come on, Katheliya,” sabi ni Vico at tumigil na ‘to kakahakbang palapit sa akin nang isang metro na lang ang pagitan naming dalawa. “Huwag kang ganiyan. Alam ko naman na gustong-gusto mo kung ano man ang gusto kong mangyari sa ating ngayon. Why do you keep insisting that you don’t want it too? May karapatan naman ako dahil boyfriend mo ako. May karapatan ako sa ‘yo.”   Mabilis akong napayakap sa aking sarili at pilit nilalaban lalo ang panginginig ng aking katawan. Lalo na ang kilabot dahil sa posibleng mangyari sa akin kung hindi ako makakawala sa kaniya. The way he said that ay buo na talaga ang desisyon niya na gawin ang kapangahasan sa akin. Nag-iilusyon na siya na gusto ko rin kung ano man ang gusto niya, which is not.   “Sumunod ka na lang dahil hindi naman kita sasaktan,” ani pa niya. “Paliligayahin lang kita hanggang mapunta tayo sa langit dahil sa sarap na aking ipapalasap sa ‘yo kasama ako.”   Mas lalo akong nangilabot sa sinabi niya. Hindi lang sa sarili ko ako naawa kundi rin sa sasapitin ng p********e ko sa kaniya. Thinking about it ay mas lalong nagsusumiksik sa isip ko na mas gugustuhin ko na lang mamatay. Mas gustuhin kong mawala na lang sa mundo para matapos na ang lahat.   “Please, Vico, pag-usapan natin ‘to. Huwag mo namang gawin ang binabalak mo sa akin,” sabi ko sa kaniya ngunit, umiling lang siya sa akin bilang pagtutol sa kung ano man ang sinasabi ko sa kaniya.   Mabilis sana siyang lalapit sa akin nang bigla na lang ako nakaramdam ng sakit na tumama sa pisngi ko. Nakaramdam ako ng ilang minutong pamamanhid ng aking pisngi dahil doon kasabay ng pagkurap ko.   "What the hell, Lery!" gulat na sigaw na sabi ng walong Student Council Officers sa kasama nilang si Ellery Finley na tinatawag nilang Lery, ang secretary ng Student Council.   Hindi makapaniwala ang mga ‘to sa ginawa ng kasama nila para lang magising sa isang masamang bangungot ang bagong kasama nila na titira rin sa Hator kung saan sila nag-si-stay.   “Shut up!” sigaw naman ni Lery sa kasama niya. “She wouldn't wake up if I didn't do that. Mamamatay siya sa bangungot o baka paniwalaan pa niya ang bangungot niya,” sabi naman nito habang pilit na ginigising pa rin ang babaeng panay sigaw ng tulong habang umiiyak na.   Ang pagsampal sa babae ang isa sa magiging malaking tulong para magising ‘to sa bangungot. Kung hindi pa niya gagawin ‘yon baka ano pa ang nangyari sa panaginip nito. Alam nito na kahit masamang bangungot lang ang nangyari ay may masamang epekto ‘yon pag nagising ‘to.   “No! Tulungan niyo ako! No, Vico!” sigaw ng babae na bakas ang takot sa boses nila.   Dahil sa gulat ni Lery ay buong lakas niyang nasampal muli ang babaeng binabangungot na talaga ng malala.   “Miss Katheliya! Miss!” sigaw ni Lery habang inaalog na ‘to para magising.   Napasinghap na lang ang walong Student Council Officers nang bigla na lang masuntok ni Katheliya si Lery nang pagkatapos dumilat ang mga mata nito.   “No! Please! Huwag!” paulit-ulit na sigaw nito habang nagsumiksik na ‘to sa head board ng kama habang nakayakap na sa dalawang tuhod habang humahagolgol na.   Singhap na lang ang naging reaksyon ng bawat isa sa nangyari. They saw also kung gaano ka terrified si Katheliya mula sa masang bangungot nito kanina. Kitang-kita nila lahat sa mga mata nito na nagbigay dahilan sa iilan para manayo rin ang buhok nila sa katawan.   “Tang!na! Ang sakit!” Daing ni Lery habang pinupunasan ang bibig na nagkaroon na rin ng sugat mula sa pagkakasuntok ni Katheliya.   Hindi aakalain ni Lery na malakas sumuntok ang isa knowing na isang international model ‘to at mukhang lalambot-lambot, kasi babaeng-babae talaga kung kumilos.   “’Yan kasi napapala mo. Sampalin mo ba naman,” sabi naman ni Isla.   Naiiling na lang tuloy ang iba sa narinig nila mula sa Vice President nila.   “Nagulat din ‘yong tao, kasi binangungot. Akala niya ikaw ‘yong nasa panaginip niya,” segundang sabi naman ni Italy.   Magbabangayan pa sana sila nang biglang may nagsalita galing sa likod nilang lahat. Agad namang napatingin ang siyam na Student Council Officers sa taong nagsalita. Sabay-sabay tuloy nagkatinginan ang siyam sa bagong dating.   “Again, what the hell is happening here?” malamig na tanong ng babae sa kanila habang nakatingin sa kanila nang malamig din.   Nakita pa nila kung paano kumunot ang noo nito nang mapadako ang tingin nito sa isang babaeng humahagolgol pa rin habang mahinang tinatawag ang pangalan ng pinsan nitong si Alpha Cyll Florenz o tinatawag nitong si Ping.   “Is that Katheliya Florenz?” tanong nitong muli na naging dahilan para tumango ng alanganing ang siyam.   “What happen?” tanong na naman nito.   "President Lur, binangungot po," sabi agad ni Savannah Penn, ang treasurer ng Student Council sa bagong dating.   Siya lang minsan sa grupo nila ang malakas ang loob na magsabi agad kung anong problema aside kina Lery at Isla. Ngunit sa nangyari ay hindi na magawang makapagsalita ang iba sa kadahilanang hindi nila alam paano i-explain sa klase pa lang ng tingin na binibigay ng babaeng bagong dating.   “Katheliya,” tawag ng bagong dating sa babaeng nanginginig sa takot habang sinisiksik talaga ang sarili sa head board.   “President Lur, baka po masapak kayo tulad ng ginawa niya sa akin,” sabi naman ni Lery na nakatayo na malapit sa paanan ng kama.   “You are free to leave now,” sabi nito agad sa siyam na babae. “Ako na ang bahala sa kaniya.”   Aangal na sana si Isla sa sinabi ni President Lur ngunit, mabilis siyang hinila ng kasama nilang si Savannah.   “Hayaan muna siya. Hali ka na,” sabi pa ni Savannah kay Isla.   Bago tuluyang makaalis ang siyam na babae ay nakita pa nila kung paano maingat na lumapit si President Lur kay Katheliya. Kitang-kita nila kung paano mabagal na inangat ni Katheliya ang kaniyang ulo. At kung paano namilog ang mga mata nito nang makita kung sino ang kaharap.   Manunuod pa sana sina Isla at Lery sa mangyayari nang biglang sinara agad ni Italy ang pinto ng kwartong inuukupahan ngayon ni Katheliya.   “Makikitsismis pa kayo. Hala! Magsibalik sa kwarto,” sabi agad ni Italy sa mga ate niya ngunit, nakatanggap agad ‘to ng irap kay Lery bago ‘to umalis pabalik sa kwarto nito.   Sumunod na rin ang iba hanggang si Italy at Isla na lang ang naiwan sa harap ng pinto ng kwarto ni Katheliya at nanatiling nakatingin doon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD