LSA30: 010

2379 Words
“Miss, gising ka na,” rinig kong sabi ng isang babae sa akin habang tinatapik ang aking braso.   Agad kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang mukha ng babaeng umalalay sa akin kanina papasok ng van. Napakurap pa ako ng ilang beses dahil doon.   “I’m sorry, nakatulog ako.” Paghingi ko agad ng paumanhin nang maalala ko ang dahilan kung bakit narito ako.   Mukhang kanina pa kami dumating.    "It is okay. We know naman na masyadong magulo ang nangyari kanina kaya napagod ka.” Sabay ngiti niya. “But you need na talaga na pumasok sa bahay bago ka pa makita ng iba. Nasa klase na lahat kaya hindi ka pa nila makikita at safe ka pa. Mabuting hindi ka na muna nila makita, kasi wala pang pinapalabas na bagong rules ang Hatoria University regarding sa 'yo po."   Agad naman akong tumalima dahil baka maka-create pa ako ng commotion dito. Masyado pa namang fresh ang issue ngayon.   Napatingin na lang ako sa umaalalay sa akin nang biglang pinatong niya ang jacket sa ulunan ko. Para matakpan ang mukha ko if ever na may makakita sa amin na naglalakad papunta sa bahay na sinasabi niya.   “Don’t worry, mabango ‘yan,” sabi niya nang mapansin na nakatingin lang ako sa kaniya.   Napaiwas na lang ako nang tingin dahil sa hiya. Hindi ko naman iniisip kung mabango or not, pero sobrang bango nga ng jacket na pinahiram niya muna sa akin. Nanunuot talaga sa ilong ko ang bango na hindi nakaksawang amuyin. I think, black water ang brand ng perfume niya na siyang gustong-gusto kong pabango.    “Hindi akin ‘yan, kay President Lur,” ani niya na ikinayuko ko na.   Tahimik lang akong naglalakad habang nakasunod lang sa babae. Nagtaka pa ako bakit dumaan kami sa gilid ng dorm building. Nasagot naman ang tanong ko nang makitang may isang malaking bahay ang nasa likod ng malaking dorm building na sobrang taas. Mukhang lahat ng students dito ay may kaniya-kaniyang room intended for them or baka nga two is to one ang meron. Pero kahit na ganoon ay nakakamangha pa rin. Swerte pa rin ang nakakapasok dito sa Hatoria University kahit semi-private at public siya.   “Island!” sigaw ng isang babaeng pababa na sa hagdan galing second floor.   Nagulat pa ako dahil pagpasok namin sa malaking bahay ay ‘yon agad ang narinig ko at siya rin ang nakita ko.   “Island!” sigaw nitong muli sabay talon nito sa babaeng kasama ko ngayon.   Halatang hindi niya ako napansin dahil nasa babae lang na tinawag niyang Island ang atensyon niya. Pinaghahalikan pa niya ‘to sa buong mukha na naging dahilan para mapatitig ako sa babaeng mukhang ang pangalan ay Island. Hindi siya naiinis o ano, pero hindi rin siya masaya. Binaling ang tingin ko sa babaeng humahalik sa kaniya at nagmumukha siyang bata talaga dahil sa inaakto niya ngayon. Mukhang close na close silang dalawa kaya comfortable siyang gawin ang bagay na ‘yon. Though nakakatuwa tignan, hindi naman nakakailang.   "Italy, tigilan mo nga ako." Saway nito sa babae at binaba na niya 'to matapos' tong magpabuhat kanina.   “Eh sa na-miss kita. Sabi pa naman ni Ate Lery na baka next week ka pa dumating. Pina-prank pala niya ako. Dapat talaga naniwala ako sa kutob ko na hindi totoo ang sinasabi ng isang ‘yon. Kamuntikan pa ako mawalan ng gana eh,” parang batang sabi nito.   Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil sa nakikita ko mula sa kanila. Parang siya ang bunso nila dahil sa inaakto nito. Pero hindi naman siya ‘yong taong nakakainis kasama.   “May kasama ako, baka hindi mo alam,” alanganing sabi ni Island sa babaeng nagngangalang Italy.   “Ow.” Reaksyon niya nang makita ako. “Hi, I’m Italy Arden po.” Pagpapakilala pa niya sa kaniyang sarili.   “I’m Katheliya,” sabi ko pa sabay inabot ang kaniyang kamay na nilahad sa akin.   “Siya ang pinsan ni Miss Alpha, ‘di ba? ‘Yong sinasabi niya na pansamantalang hahalili sa kaniya?” sunod-sunod na tanong nito kay Island na ikinatango lang naman ng isa.   “Can I ask you something?” alanganing tanong ko sa dalawa kaya agad naman silang tumango.   May gusto lang talaga akong malaman kung tama ba talaga ang pangalan nila. O baka tawag lang na siyang ginagamit nila.   “Island at Italy ba talaga pangalan niyo?”    Mabilis namang natawa ang dalawa at hinila ako papuntang sala para maupo na rin. Sinuot ko na rin ang jacket na binigay sa akin Island kanina. Nakaramdam na rin ako ng lamig dahil fully aircon talaga ang buong bahay. Yayamanin talaga, hindi nag-aalala sa kung magkano ang magagasto sa kuryente eh.   "My name is Isla Coleman. That is my given name, but this little one prefers to call me Island. Para sosyal ang datingan daw," sabi naman ni Isla.   Kaya naman pala Island tawag sa kaniya.   “But you can call me Cole, if awkward for you na tawagin akong Isla. Si Italy lang kasi ang may makapal na mukha na tawagin akong Island kasi English name ko raw ‘yon.” Dugtong niya na ikinatango ko naman.   “Your names are cool,” komento ko na ikinangiti nilang dalawa.   Ngayon lang talaga ako nakarinig ng ganoong pangalan eh. Unique pero may pagkasosyal ang dating.   "Actually, kaming lahat na kabilang sa Student Council ay may unique names. Especially ang kasamang representatives ni Italy, tinawag silang Map of Europe," sabi nito.   Hindi ko tuloy maiwasang matawa habang iniisip kung anong possible na pangalan ng sinasabing kasama ni Italy na kabilang sa Map of Europe.    “Hanggang kailan ka po mag-si-stay po rito, Miss Katheliya?” tanong ni Italy makalipas ng ilang minutong katahimikan sa pagitan naming tatlo.   Hindi naman awkward silang kasama, sobrang welcome sa pakiramdam sa totoo lang.   “If okay na ang lahat at handa na akong harapin kung anong haharapin ko paglabas ko rito sa Hatoria University,” sagot ko naman.   Mabilis naman silang tumango sa naging sagot ko. Inaya na rin nila ako para puntahan kung saan ako pwede mag-stay. Sabi nila na ang gagamitin kong room ay room ni Ping na siyang minsan lang ginagamit ng pinsan ko pagnag-o-overtime lang ‘to sa work at tamad na umuwi pa.   “Ang laki naman ata nito,” sabi ko nang makita ko ang kuwartong sinasabi nila.   “Lahat po ng kwarto rito ay malaki po. Student Council Officers and si Miss Alpha lang ang nag-si-stay rito," ani pa ni Cole sa akin na ikinatango ko na lang.   “Nasa loob na rin po ang gamit niyo ho. Pinahatid na po ng tatay ni Miss Alpha kahapon,” sabi pa nila sa akin.   "Sige. Salamat."   Agad naman silang tumango bago ako tuluyang iwan dito sa kuwarto na gagamitin ko pansamantala habang nandito pa ako. Mukhang mabuburyo ako rito dahil hindi talaga ako for sure pwedeng lumabas not unless tapos na o humupa kahit papaano ang issue.   Naisipan ko na lang maligo at mabihis para makapagpahingang muli. I need to rest my mind na rin, kasi sobrang dami na ring pumapasok sa isip ko regarding sa magiging kalalabasan ng pansamantalang pagkawala ko sa model industry.   I trust Gold naman at sa family ko kaya kunti na lang ang poproblemahin ko. Nakakalungkot lang dahil kung kailan bukas na ang birthday ko ay nangyari pa ‘to. Paniguradong hindi ko makakasama ang family ko to celebrate my birthday. They know na may bubuntot talaga sa kanila sa kung saan sila pupunta just to know kung nasaan ako. Masyado pa namang eager ang mga reporter now a days.   Naalimpungatan ako sa aking pagkakatulog nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto ng kuwartong ginagamit ko ngayon.   “Miss Katheliya? Gising na po ba kayo? Kakain na ho kasi,” rinig kong sabi ng isang babaeng hindi pamilyar ang boses sa akin.   I think hindi si Cole o si Italy ang nasa labas ng pinto ng kuwarto ko, kasi hindi talaga siya pamilyar sa akin.   "Susunod ako. I will fix myself first," sagot ko.   Hindi na siya nagsalita pa. Narinig ko na lang ang mga yabag niyang papalayo sa aking kuwarto. Mukhang naglakad na ‘to pababa.   Agad akong bumangon at inayos ang aking sarili para magmukhang presentable kahit papaano sa harap nila. Mabilis din akong kumuha ng jacket, kasi manipis lang na sando ang suot ko, pinatong ko lang. Nakakatamad na rin magbihis, tutulog lang din naman ako after.   “Siraulo ka, Lery!” rinig kong sigaw ng isang babae. “Pinag-ti-trip-an mo na naman si Italy. Alam mo bang halos maiyak ‘yan noong sabihin mo na next week pa babalik si Isla.” Dugtong pa nito.   “Aba! Matanda na siya, ‘no? Ewan ko ba riyan at bakit halos gustong dumikit ‘yan kay Isla. Feeling baby,” sabi naman ng kausap ng babae na Lery ang pangalan.   Halata sa boses niya ang pagiging pilya. Mukhang siya ata ang isa sa sakit ng ulo ng grupo nila. Though hindi naman kasi mawawala ‘yon sa isang grupo, eh. Himala na lang kung wala.   "Umayos-ayos ka, Lery. Baka ang pag-trip-an mo ay si Miss Katheliya. Naku. Masisipa ka talaga ni Miss Alpha.” Paalala pa ng isa pa.   I think, babae sila halos lahat na narito. Wala akong narinig na boses lalaki kaya nakahinga ako kahit papaano.   "Ano ako? Katulad mo? Tatahimik pero grabe ang kulo?” pang-aasar na tanong ni Lery sa isa pa. “Don't me, Sav,” usal niya pa.   Boses lang talaga nila ang guide ko para matunton kung nasaan sila ngayon. Ang laki kasi ng bahay tapos first time akong mapunta rito kaya hindi talaga ako pamilyar sa pasikot-sikot dito. Hindi ko rin naman kasi ini-expect na nag-i-exist 'to eh. Ping didn't tell me naman na merong ganito.   "What are you doing?"    Napatalon pa ako sa aking kinatatayuan nang may magsalita sa likod ko. Mabilis akong humarap para makita ko kung sino. Si Cole lang pala habang nagtatakang nakatingin sa akin.   “Grabe ka naman, Cole,” sabi ko habang nakahawak na sa aking dibdib. “Bakit ka ba nanggugulat?” tanong ko pa.   Ngumiti lang ‘to sa akin at agad akong hinawakan sa wrist para hilahin sa kung saan ang dining area.   “Hala! Nagdala ng babae si Isla rito sa bahay!” sigaw naman ng isang babae may kulay pula ang buhok.   Nakaturo pa siya sa aming dalawa ni Cole habang ang iba ay nabaling na ang atensyon sa amin. Siya lang kasi ang nakaharap sa may pinto kaya siya talaga ang unang makakakita sa amin.   "Hin—"   Hindi na natapos ni Italy ang sasabihin niya nang magsalitang muli ang babaeng may pulang buhok.   "Pero nice catch, Isla, ha? Ganda at sexy eh. May bet," walang preno-prenong sabi pa nito.   Mabilis naman akong binitawan ni Cole at agad sinugod ang babaeng may pulang buhok.   “Bwisit ka talaga, Lery! Bibig mo talaga! Kakahiya ka!” gigil na sigaw ni Cole habang sinasakal na ang babae.   So, siya pala? Ngayon ko lang din naalala na siya ang binanggit ni Italy na nag-pa-prank sa kaniya. Kung titignan naman siya ay halatang pilya talaga siyang babae. Halata rin sa kislap ng mga mata niya. Pero habang tinitigan ko siya lalo na ang kaniyang mukha masasabi kong mukhang may lahi siya. She is beautiful, ‘yong kilay niya ay hindi masyadong makapal hindi rin masyadong manipis pero magmumukhang asset niya rin. May matangos din na ilong at manipis na mapulang labi.   “I am Katheliya,“ bigla ko na lang nasabi sa kanilang lahat.   Naiilang na rin kasi ako sa klase ng tingin na pinupukol sa akin ng iilang babaeng hindi ko pa kilala. Habang naiiling na lang din si Italy sa mga nangyayari. Ngayon ko lang din napagtanto na siyam silang babae na mukhang makakasama ko rito sa malaking bahay na ‘to.   “Oh! My bad,” sabi agad ni Lery nang bitawan na siya ni Cole.   Mukhang nakilala niya ang aking pangalan kaya ganoon agad ang reaksyon niya.    “Bwisit ka talaga,” sabi naman ni Cole at dinagukan muna ang babae bago lumapit sa akin.   “Wow, ha?!” Reaksyon na lang ng isa.   “Kumain na tayo nang makapagpahinga na ang lahat. Masyadong mahaba ang naging araw natin ngayon,” sabi agad ni Cole na siyang sinunod naman namin.   Agad akong hinigit ni Cole at pinaupo malapit sa dulo ng lamesa sa right side. Akala ko ay uupo si Cole sa tabi ko which is sa dulo sa side ko kasi sa kabilang dulo ay nakaupo roon si Lery na mapanuksong nakatingin lang sa amin.   “Walang uupo rito?” hindi ko maiwasang itanong nang maupo si Cole sa opposite side ko which is magkaharap lang kami.   “Bukas pa darating si President Lur. May urgent meeting kasi sa labas kaya hindi makakauwi rito sa Hatoria University," sagot naman agad ni Cole na ikinatango ng ibang kasama namin.   Hindi na ako nagtanong pa nang magsimula na kaming kumain. Kaniya-kaniyang lamon lang ang mga ‘to na siyang hindi ko inaasahan talaga. Akala ko kasi ay mag-iingay ang mga ‘to habang kumakain kami, ngunit hindi, which is weird talaga. Pero okay rin naman, kasi hindi ako nag-i-enjoy kumain pag maingay lalo na kung hindi family ko ang kasama.   After namin mag-dinner ay kaniya-kaniya na ang iba sa gawain nila rito. I asked Cole pa if pwede na ako na lang ang maghugas ng pinggan, ngunit tumutol ‘to dahil may kaniya-kaniyang tasks daw ang bawat isa sa kanila kaya ‘yon ang dapat susundin. Hindi na rin naman ako nagpumilit pa baka kasi makagulo pa ako sa kung anong nakagawian nila.   “Good night, Miss Katheliya,” sabay na sabi nila nang magpaalam ako na mauuna na akong matulog.   Nginitian ko lang sila at tuluyan na nga pumanhik sa taas papunta sa kwarto ko.   "Good luck for tomorrow, Katheliya," sabi ko sa aking sarili.   Pero bago pa ako tuluyang nakatulog ay nanalangin pa ako sa Diyos na sana ay gabayan niya ako sa aking pagtulog. Sana ay walang masamang panaginip ang dumalaw sa akin para maayos ang simula ng araw ko bukas.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD