Hila-hila ako ngayon ni Ping pababa ng penthouse na kulang na lang ay mahulog na kaming dalawa sa kakamadali niya. Ewan ko ba sa kaniya at nang magising ako ay mabilis niya akong pinabangon at pinaligo—may urgent daw na siyang pinagtataka ko. Nagtanong naman ako kung anong urgent ang kaniyang sinasabi na hindi naman niya sinasagot. Mukhang aligaga rin siya na hindi ko alam kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.
“Teka nga kasi.” Pigil ko sa kaniya.
Buti na lang ay nakinig siya sa akin this time. Ang sakit na rin naman kasi ng braso ko kakahila niya kanina pa dahil sa kakamadali niya. Sakto lang din naman na kakasakay lang namin sa elevator papuntang ground floor para makaalis na rin papunta sa kung saan kami pupunta ngayong araw. Naghihintay na raw ang van papunta sa pupuntahan namin.
“Ano ba kasi ‘yang urgent na ‘yan?” ulit na tanong ko sa kaniya kasi hindi ako mapakali kanina pa.
I want to know the truth kung bakit ang weird ng kinikilos ni Ping sa mga oras na 'to.
“Basta nga kasi,” sabi naman niya.
Magsasalita sana ako nang magsalita na naman siya kaya tinikom ko na lang ang aking bibig.
“Ang tagal mo kasing gumising. Tanghali na, oh.” Sabay pakita ng orasan sa phone niya sa akin bilang patunay na tama ang sinasabi niya.
“So?” tanong ko sabay taas ng isa kong kilay. “Pwede mo naman akong gisingin kung may urgent nga. Hindi ‘yon hinintay mo ako kung kailan ako magigising. What if mas matagalan pa, aber?”
Bumuntong hininga na lang siya sabay humarap sa akin.
“You won’t understand, Katya,” ani niya. “It is better na ikaw na ang makakita kung gaano ka urgent ang pupuntahan natin kaysa ako pa ang magsabi. Baka hindi ka pa maniwala sa akin eh kung sasabihin ko sa ‘yo.”
Kumunot tuloy noo ko kasi parang may something talaga na hindi ko matukoy kung ano.
“Bakit? Ano bang meron ngayon? Anong pinagsasabi mo na hindi ko papaniwalaan?” tanong ko.
Bago pa siya makasagot ay bumukas na rin ang pinto ng elevator. Nasa ground floor na pala kami, hindi ko napansin kung hindi lang bumukas ang pinto nito. Masyadong naka-focus ang aking atensyon sa kaniya kaya hindi ko na namalayan. Lalabas na sana ako nang mabilis akong hinila ni Ping sa kabilang direksyon. Halos lakad takbo na ang ginawa namin para makapunta sa family car na gagamitin daw namin ngayon. I am also confused bakit hindi sa main entrance and exit kami lumabas.
“Bilis!” rinig kong sigaw ni Gen.
Magsasalita pa sana ako nang bigla nila akong tinulak papasok sa loob ng van at sinara agad ang pinto. Hapong-hapo naman kami nina Ping at ganoon din ang ibang kasama namin na siyang pinagtataka ko sa mga oras na ‘to.
“Ano ba kasing meron?” naiinis kong tanong sa kanila.
Sa inaakto nila at ginawa namin ni Ping parang may tinatakasan kami o ano eh.
"Tingin ka sa labas, Ate Thel," sabi ni Gold kaya sumunod ako.
Napasinghap ako nang biglang may dumagsang mga tao sa elevator na sinakyan namin kanina. Kitang-kita rito sa pwesto namin ang mga taong ‘yon na parang may hinihintay at hinahanap. May mga reporter pang kasama ang mga ‘to na hindi ko alam kung bakit. Pero habang iniisip ko kung bakit nagawi sa building na ‘to ang mga reporter ay biglaang sumagi sa aking isip ang nangyari noong isang gabi. But I am hoping na hindi
“What the hell is happening?” kinakabahang tanong ko nang mabaling ang aking atensyon sa kanilang tatlo.
"Nag-leak ang nangyari sa condo unit ni Vico," sagot agad ni Gen. "We didn't expect na may makakalusot, kasi ang walong bodyguards mo na naiwan doon ay gumawa agad ng action bago kami makarating doon. Pero may kutob ako na baka kalapit na condo unit ay napansin ang nangyayari kaya nag-leak ang patungkol doon. Balak pa sana ng pamilya mo na ilihim 'yon while nagsasampa sila ng kaso laban kay Vico."
Napakagat labi na lang ako dahil sa nalaman ko. Sino kaya ang may pakana ng lahat ng ‘to? If kung sino man, ano kaya ang dahilan niya bakit nagawa niyang ipakalat ang sensitive na nangyari between sa amin ni Vico? ‘Yon talaga ang iniiwasan ko at ‘to rin ang isa sa downside ng pagiging isang sikat. Besides, sa amin at pamilya lang namin dapat ang makialam sa nangyari at hindi na dapat makisawsaw pa ang media. Pero mukhang likas na tsimosa at tsismoso ang mga ‘to ay kung ano-ano na ang pinapatos na balita para rin kumita at may mapag-usapan ng buong bansa.
"I think, kailangan mo muna i-reschedule lahat ng projects mo habang mainit-init pa ang issue," ani naman ni Ping na nasa tabi ko. "They won't stop unless magsasalita ka para sa side mo. Baka mabastos ka pa if ever man. Alam mo naman ang mga pinoy ngayon. Sila pa ang may maraming masasabi kaysa sa mga na-involve."
Napabuga na lang ako nang hangin sa narinig ko. Tama naman kasi lahat ng sinabi ni Ping sa akin ngayon. They won't stop unless magsasalita ako, pero ayoko. Ang daming pumapasok sa isip ko kung anong mangyayari kung magsasalita ako agad at kung anong mangyayari kung hindi? Hindi naman ako nag-wo-worry about sa career ko, kasi I know na hindi naman siya permanente. Sooner or later, ay iiwan ko rin naman. But still, hindi maitatanggi na ang tahimik kong career ay magugulo lang for the first time dahil sa fifth boyfriend ko s***h fifth ex ko na si Vico Meracolo.
I am thinking right now kung anong gagawin ng family nila knowing na isang politiko rin ang kaniyang ama rito sa Hatoria City—the well-known Vice Mayor na santo. I doubt na hindi siya gagawa ng paraan para malinis ang pangalan nila lalo na ang issue na kinasangkutan ng anak niya na siyang totoong may sala kung bakit nalagay kami sa magulong sitwasyon.
"That's why I dragged you a while ago, kasi you need din na um-attend ng urgent meeting sa company," sabi ni Ping habang pinapakalma niya ako nang mapansin ang paglalim ng aking hininga at kunting pagnginig ng aking mga kamay. "When Daddy found out what happened to you four days ago, he was furious. Lalo na rin ang ibang unang henerasyon ng pamilya natin, kasi huli nilang nalaman ang tungkol sa nangyari sa ‘yo. Nasermonan pa nga si Tito Sin dahil hindi ‘to nagsabi sa kanila."
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba sa narinig ko mula sa kaniya. Mabilis namang lumipat si Gold sa tabi ko para pakalmahin ako. Doon ko lang din napansin na nanginginig na naman ako nang matindi this time.
“Bwisit talagang Vico na ‘yan! Dapat tinuluyan ko na eh,” rinig kong sabi ni Ping na ikinagimbal ko.
“Ano ba, Ping? Hindi ka nakakatulong! Itikom mo na lang ‘yang bibig mo! Letse ka!” Saway naman ni Gold at pinalo pa ang kamay ni Ping na nakahawak sa braso ko.
“Totoo naman, ah?” Depensa naman ni Ping. “Kung hindi lang kasi malaking gago ‘yon hindi sana mangyayari ‘to. Masyadong hayok sa katawan ni Katya eh,” sabi pa niya.
“Hoy! Baka sa huli isisi mo na naman kay Ate Thel ang lahat. Hindi na niya kasalanan bakit kaakit-akit si Ate Thel at laging inaasam ng karamihang kalalakihan diyan lalo na si Vico, kasi alam naman ng iilan na she is still a virgin!” gigil na sabi ni Gold na siyang ikinasimangot ko.
Kumalma na rin ako sa naging takbo ng usapan nila. Na-distract din kasi isip ko dahil virginity ko na naman ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano eh. Hindi ko rin alam kung bakit dumadami na rin ang virgin chaser eh.
“Kailangan ko na bang maghanap ng wawasak sa p********e ko para tigilan niyo na ang kakasabi na virgin pa ako?! Kasi alam na alam ko ‘yon kaya huwag niyo namang ipamukha sa akin! Hindi ko rin ‘yon kinakahiya, kasi proud ako kahit mag-ti-trenta na ako!” sigaw ko sa kanilang dalawa kaya mabilis na napalayo ang dalawa sa akin.
Nakita ko pa kung gaano pinipigilan ni Gen na matawa habang nakaupo lang ‘to sa driver seat. Habang ‘tong dalawang babaeng pinapagitnaan ako ay nakangiwi na dahil sa narinig nila mula sa akin. They didn't expect na mag-re-react ako ng ganoon. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang inis sa hindi malamang dahilan.
“Bwisit kayo! Hindi ako maghahanap ng wawasak sa puri ko! Ang hinahanap ko ay ang taong kaya akong tanggapin at hintayin kung kailan ako handa! Bwisit!” sigaw ko ulit habang pinipilit na huwag kong pagkukurutin ang bewang nilang dalawa.
Lalabas na sana ako ng van nang biglang pinaandar ni Gen ang sasakyan. Muntikan pa akong sumalubsob kung hindi ako agad nahawakan nina Ping at Gold at maiupo sa upuan.
“Tang!na! Sorry. Napansin nila ang van natin,” mabilis na sabi ni Gen habang mas bumibilis ang andar ng van papalabas ng building kung saan ang aming penthouse.
Napalingon pa kaming tatlo nina Ping at Gold sa likod para tignan kung may nakasunod ngunit, ang isa pang family van namin ang nakita namin. Kung saan lulan ‘to ng mga bodyguard ko na bigay ni Daddy sa akin. Mukhang they are making sure na walang makakasunod. If ever na meron man ay alam nila ang dapat gawin.
“Where to go ba?” natanong ko na lang nang makaupo na kami ng maayos.
"I think we need to find a place na pwede ka roon mag-stay muna," sabi agad ni Ping. "Daddy texted me na bawal ka raw muna pumunta sa company ni Tito para sa urgent meeting, kasi may mga reporter na ang nakaabang sa baba."
Napasandal na lang ako sa upuan dahil doon. Kahit naman siguro saan ay bawal na ako lalo na kung abot tanaw ako ng mga media. They won't stop not until ma-satisfied sila sa kung anong gusto nilang malaman mula sa akin. Pero malabo rin kung papatok sa masa ang issue. They would find ways na maghanap pa ng panibago para may pag-usapan na naman.
“So, saan na ako ngayon?” hindi ko maiwasang maitanong sa kanila. “For sure, bawal akong umuwi sa bahay baka kasi dudumugin din ako roon. Malaman pa ng iba kung saan talaga tayo nakatira,” sabi ko pa.
Nasa iisang compound lang kasi ang pamilyang Florenz. Magkakapitbahay lang kaming lahat kaya bawal talaga na malaman ng iba kung saan mahahanap ang compound namin, kasi damay-damay na lahat. Kaya nga naghanap na ako ng penthouse rati para roon na tumira, kasi I know na magugulo na ang private life ko because of my career na siyang nangyayari ngayon. This is my first issue talaga, first issue pero sobrang lala pa.
“’Yon ang malaking tanong na hindi ko alam kung anong sagot,” usal naman agad ni Ping.
"I think we need to go sa Hatoria University. No one knows na pupunta ka roon knowing na may issue ka. Mas safe ka roon for now, kaysa lumabas ka ng ibang bansa o lumabas ka rito man lang sa Hatoria City. Baka additional na naman na issue ang mangyayari. Baka isipin pa nila na tuluyan ka na ngang na angkin ni Vico at nabuntis kaya nagpakalayo-layo," mahabang sabi ni Gen na siyang ikinatahimik naming tatlo nina Gold and Ping.
Tama naman ang sinabi niya. If lalabas ako paniguradong may makakapansin dahil for sure may nakatambay na sa airport o sa kung saan pwede akong makalusot paalis sa Hatoria City.
"May point ka, Gen. Hatoria University is a well-known university na may disiplina at masyadong pribado when it comes sa kung anong meron sa loob—that's what they say," sabi agad ni Ping.
Tumango-tango naman kami kasi totoo naman ang sinabi niya. Actually, ang daming gustong umalam kung anong students meron ang Hatoria University at kung anong klaseng pamumuno ang meron sa loob. Pero walang nakakaalam, kasi laging nahaharangan ng contract na laging sinisigurado nina Ping. A contract na naisip nina Daddy at Tito Ichi para may pananggalang sa kung ano mang mangyayari in the near future. That’s why kampante si Ping na roon na ako mag-stay, for now. May dorm din naman kasi sa loob na pwede kong pag-stay-han. Pwedeng doon mag-stay ang students if they want, pero pwede rin silang umuwi. Kumbaga, open ang dorm sa lahat kahit kailan gamitin ng mga estudyante na nag-aaral doon.
“Papayag ba sina Tito Ichi na roon ako pansamantala?” alanganing tanong ko sa kaniya.
Mabilis naman niya akong inarapan na siyang ikinakunot ng aking noo.
"Of course, yes!" sabi agad niya. “Lahat sila ay ‘yon ang nasa isip nila na solusyon, ikaw lang naman hinihintay nila. They respect your decision naman at ayaw ka nilang pangunahan. Pero sa nangyayari mukhang kailangan na sila muna ang sundin mo sa ngayon."
Hindi na ako kumibo pa hanggang sa bigla na lang may tumawag sa akin.
“Yes, Daddy?” sagot ko agad.
“Anak, sabihan mo si Gen na roon na basement ng mall ka ibaba. May naghihintay roon na isang van para ihatid ka sa Hatoria University. You need na lumipat, kasi ililigaw nina Ping ang makakasunod sa inyo. Parang walang makatunog na possible na na roon ka nga,” mahabang sabi ni Daddy sa akin.
“Okay po,” nasabi ko na lang.
Mabilis namang kinambyo ni Gen ang manibela para pumunta sa mall. Malapit lang din naman kami kaya mabilis lang din kami makakarating.
Naisipan kong magbukas sana ng social media account ko nang biglang kunin ni Gold ang phone mula sa akin.
"It is not healthy for you to check your account. Trending pa naman ang issue niyo,” sabi niya agad.
"Ano bang meron?" I asked.
I am just curious kung anong hashtag na naman ang nilagay nila. Sa ganitong issue ay I know na mangunguna na naman ang mga pinoy sa ganoong bagay. Gusto ko lang malaman para aware ako kahit papaano.
"Hashtag Vico and Katheliya's break up lang naman. Tapos may nakalagay pa na 'what's the reason behind it?' And then 'yong picture ni Vico na nasa hospital," sagot naman agad ni Gold makalipas ng ilang minutong pagtitig niya sa akin.
Kumunot tuloy noo ko.
“Pinsan niya na kasama niya sa band ang nag-post,” sabi agad ni Ping nang mahalata niya ang pagtataka sa aking mukha.
"This is getting more complicated talaga," nasabi ko na lang. "If nakinig lang ako sa mga sinasabi ni Daddy ay hindi sana aabot sa ganito."
Napabuntong hininga muli ako sabay sandal sa upuan.
“Hindi mo naman kasalanan ‘yon eh. Decision niya na gawin ‘yon sa ‘yo because sa ego niya. As far as I remember, if tama pa ba ang pagkakaalala ko sa nabasa ko na may nag-comment sa post ng pinsan ni Vico na ka-bandmate niya. Narinig nila na nagpustahan ang mga ‘yon kung kaya ba ni Vico na tuluyan na ngang may mangyari sa inyo. Malaki rin ang pusta ng mga ‘yon kaya siguro nagawa ‘yon ni Vico.”
Nagulat tuloy ako sa sinabi ni Ping sa akin. Pati nga sina Gold ay ganoon din. Nakita ko rin paano napahigpit nang hawak si Gen sa manibela sa narinig.
"I think he's one of your avid fan talaga. He said nga sa comment niya na isang malaking gago si Vico at hula niya na may ginawa si Vico sa ‘yo kaya nangyari ‘yon sa kaniya. May nakalagay pa sa hashtag niya na Vico is a rapist." Dugtong pa niya.
Hindi na kami nag-usap pa hanggang sa makarating na nga kami sa basement ng mall. Mabilis naman namin nakita ang sinasabi ni Daddy sa akin kanina dahil may isang van na nakita si Gen na nasa pinakasulok ng parking lot ng basement.
"I know them, sila ang Student Council Officers ng Hatoria University," sabi agad ni Ping nang sumilip siya sa bintana para tignan kung saan ang van na tinutukoy ni Gen.
“Nice. Mapagkakatiwalaan sila.” Dugtong pa nito.
Agad na tinapat ni Gen ang van na sinasakyan namin sa van na naghihintay sa akin. Mabilis binuksan ni Gold ang pinto at ganoon din sa kabila.
"Don't worry, kami na ang bahala sa lahat. Ingat ka roon. Take a good rest," sabi ni Ping bago sila umalis.
Mabilis naman akong inalalayan ng isang babae papasok sa van nila bago tuluyang umalis sa basement ng mall papunta sa Hatoria University. Napapikit na lang agad ako, nakaramdam din kasi ako ng pagod. Mag-ti-trenta na ako pero ‘to pa ang nangyari sa akin. Mukhang it is a sign talaga na magugulo na talaga ang buhay ko pag mag-trenta na ako.
Nakakabwisit talaga!