Kinabukasan ay balik na muli ang lahat na parang wala lang ang nangyari. Naligo pa ako ng ilang beses paggising ko kanina. Pinasunog na rin nina Mommy ang suot ko noong nagpunta ako sa condo unit ni Vico—pangtanggal malas daw.
“Anak, dito ka na lang kaya muli tumira,” sabi naman ulit ni Mommy nang matapos kaming kumain ng breakfast.
Nakailang ulit na rin niya akong pinilit na dumito na sa bahay at isama ko na rin sina Gold at Gen. Baka raw biglang sumulpot sa penthouse si Vico na alam ko naman na hindi mangyayari. He doesn’t know naman kasi ang address ng penthouse namin eh. Hindi rin niya alam ang number kaya mahihirapan siya na mahanap kung saan kami nakatira. Besides, may sampung bodyguards na rin na nakatambay na sa mismong penthouse namin. Buti na lang at may limang kwarto roon. Ang dalawang kwartong vacant ay tulugan na ngayon ng sampung bodyguards. Nag-si-share lang kasi kami ng room minsan ni Ping pag gusto niyang matulog sa penthouse.
But thinking about Vico, na roon pa rin ang kaba pero alam kong safe na ako dahil kasama ko ang family ko. Hindi na ako nag-iisip ng iba pa dahil hindi naman makakatulong sa akin. Besides, gusto kong kalimutan ang pangyayaring ‘yon at ibaon sa kailaliman ng aking isip. Ayoko rin na ‘yon ang maging dahilan para magulo ang buhay ko. Mali man ang nagawa niya, hahayaan ko na ang pamilya ko ang gumawa.
“Mommy, ayoko po.” Tanggi kong muli. “I don’t want to give him the satisfaction na na-trauma ako sa ginawa niya. Remember? I am a strong independent woman.” Reason out ko na ikina buntong hininga na ni Mommy.
Alam kong hindi niya kinakagat ang rason ko, pero mukhang unti-unti na rin niyang tinatanggap sa sarili na hindi niya ako mapapayag sa kung anong gusto niyang mangyari sa mga oras na ‘to. May mga rason ako kung bakit ayaw kong manatili rito sa bahay lalo na ngayon.
“Hon, hayaan mo na ‘yan si Thel, malaki na siya. As long as alam niya anong ginagawa niya. Narito naman tayo to keep her safe naman eh,” sabi naman ni daddy.
Mukhang hindi na rin nakatiis si Daddy na manahimik lang kaya nagsalita na rin siya. Kanina pa kasi ‘to nakikinig sa pamimilit ni Mommy na rito na muling tumira sa bahay. Masyado raw malaki ang bahay para sa kanilang dalawa kahit sa totoo lang ay rito naman nakatira sina Kuya Kel at ang kaniyang pamilya.
“Next time na siguro, Hon,” ani ni Daddy. “Pag meron na ring pamilya si Thel tulad ng Kuya Kel niya.” Dugtong pa nito na ikinaikot ng aking mga mata.
Nagsisimula na namang mang-asar si Daddy sa akin. Laging ganoon na lang ang sinasabi niya every time tumatanggi ako na rumito na muna sa bahay.
“Does Tita Iya wants to stay here na ba?” tanong bigla ng makulit kong pamangkin na babae.
Ang unica ija ng kapatid kong si Kelua Onyx Florenz na si Kaela Garnet. Ang bibo, makulit, matalino at pretty na bata na manang-mana sa Tita Iya niya which is me.
“No, apo,” sagot naman agad ni Mommy rito.
“Why?” she asked habang nakatingala sa akin.
She’s five years old already. Matalinong bata kaya minsan dumudugo utak at ilong ko sa kaniya. Hindi ko kasi minsan masundan. Noong bata ako ay hindi naman ako ganoon eh pati rin si Kuya Kel. But still, mana pa rin siya sa akin.
Mabilis ko siyang binuhat at hinalikan sa pisngi. Mabilis din niyang pinulupot ang kaniyang maliliit na braso sa aking leeg and kiss my cheek.
“Kasi Kae, may penthouse na si Tita Iya mo. I need to live on my own na rin naman,” sabi ko naman agad sa kaniya.
“But I want you to stay here. You can also tell Tita Gold and Tito Gen na rito na rin sila mag-stay.” Pamimilit pa niya na ikinatango agad ni Mommy.
Mukhang nakahanap na rin ng kakampi si Mommy sa katauhan ni Kaela Garnet.
“Baby Kae, huwag mong pilitin ang Tita Iya mo,” turan naman ni Kuya Kel nang makababa siya galing sa second floor kasama ang asawa niya.
“Oo nga naman, Baby Kae.” Sang-ayon naman ng mommy ng bata.
“But I want Tita Iya to stay here para makasama ko siya rito.” Pamimilit na naman ng isa.
“Apo, your Tita Iya needs to stay away from home. Wala pa kasi siyang special someone na magiging dahilan para mag-stay siya rito sa bahay,” sabi bigla ni Daddy na ikina-awang ng aking bibig.
Narinig ko rin ang malakas na tawa ni Kuya Kel. Nakita ko rin kung paano pinipigilan nina Mommy at asawa ni Kuya Kel na si Ate Kristella ang mga tawa nila dahil sa sinabi nito.
“Daddy!” Reaksyon ko sa sinabi niya ngunit ngumisi lang siya sa akin nang mapanukso.
“Okay then, good luck, Tita Iya.” Mabilis naman na pagpayag ng bata. “I hope you will find, as soon as possible, that special someone they are talking about.” At nagpababa na ‘to sa akin at tumakbo na ‘to papunta kay Kuya Kel na mas lalong tumawa nang malakas.
“Go, Thel. Find that special someone of yours before ang birthday mo,” tawang-tawa na sabi ni Kuya Kel sa akin kaya hindi ko mapigilang mapairap.
Mabilis na rin akong nagpaalam sa kanila kasi kung magsi-stay pa ako ay mas lalo akong aasarin nilang lahat. Isama mo pa ang pamangkin ko na inosente, pero isa ring malaking alaskadora at savage minsan.
“Bye, anak/Tita Iya,” sabay na sabi nila nang makapasok ako sa family car namin.
Magpapahatid lang ako papuntang penthouse dahil busy sina Gold at Gen na asikasuhin ang schedule at lakad ko. Kailangan ko rin kasing ayusin para hindi ako magkaroon ng problema pagtuluyan na ngang nakaalis ng bansa si Ping papuntang Paris. Kailangan ko kasing mag-take over for one semester sa Hatoria University. But I can feel also na magkakaroon din ng meeting para ipakilala ako sa lahat para hindi sila magtaka bakit ako na ang pumalit bilang Chancellor ng Hatoria University.
Pagpasok na pasok ko sa penthouse ay nagulat na lang ako nang biglang makarinig ako ng putok. Nakita ko si Ping na may dala-dalang cake habang nakangiti. Nasa tabi niya si Gen na may hawak na party popper at si Gold naman na may dalang banner.
“Happy moving on,” pagbasa ko sa nakasulat sa banner.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako or what sa gimik nilang tatlo. Dinamay pa talaga nila ang sampung bodyguards na nasa likuran lang nilang tatlo. Nakatayo lang ang mga ‘to bilang pagsama sa pag-surprise ata sa akin.
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanila dahil may bigla na lang sumagi sa isip ko na hindi ko naman dapat isipin pa. Hindi ko lang maiwasan dahil isa sila sa nagpapa-remind sa akin sa mga nangyari kagabi. But still, I am thankful sa kung anong nagawa nila for me.
“Yes, happy moving on,” sabi ni Gold. “Simula kasi ngayon bago sumapit ang ika-thirtieth birthday mo ay dapat mag-move on ka na sa hinayupak na ‘yon. Hindi mo deserve na mangyari ‘yon sa ‘yo.” Halatang gigil na gigil ‘to.
Hindi ko tuloy maiwasan na mapayakap na lang bigla sa aking sarili sa sinabi niya. Hindi ko alam, pero every time na napag-uusapan ang ginawa ni Vico sa akin ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng uneasiness lalo na pagnaaalala ko kung paano siya umulos sa likod ko. Kahit anong ligo ko, parang ayaw pa ring mabura kahit hindi naman naging skin to skin ang nangyari. But still, na-fi-feel ko talaga.
Unti-unti ko ring naramdaman ang pagsakit ng abdomen ko at palihim na hinaplos ‘yon. Nag-iwan ng pasa ang mga suntok na binitawan ni Vico sa akin. Even sa mukha at panga ay ganoon din, but I covered it all using concealer. Good thing, hindi naman ‘yon napansin nina Ping kagabi. Kahit halatang-halata naman sa akin kasi maputi ako.
“Move on na, kaya huwag na nating pag-usapan pa,” sabi agad ni Ping na ngayon ay hinihila na ako papuntang hapag para makakain na rin kami.
Saktong lunch time na rin nang dumating ako rito. Masyadong traffic kasi kanina kaya natagalan ako na makarating dito sa penthouse.
“Oo nga naman! Kainan na!” sigaw ni Gen.
Mabilis namang tumalima ang mga kasama ko. Kaniya-kaniya na silang kuha ng pagkain sa hapag. Hindi ko maiwasan tuloy na mapangiti dahil ramdam ko talaga na ginagawa nila ang lahat para mawaglit sa isip ko ang lahat ng masamang nangayari sa akin. I can feel naman kahit hindi nila sabihin kung gaano sila nalungkot sa sinapit ko sa kamay ni Vico kahit hindi naman niya totally ako nagahasa, pero parang ganoon pa rin ‘yon. Attempted rape pa rin ‘yon.
I didn’t expect naman na magagawa sa akin ni Vico ‘yon. Ang layo talaga sa kung anong pinapakita niya sa akin. He’s consistent naman kaya kami nagtagal, pero ‘yong pagiging consistent niya ramdam ko na hindi na tama. Ngunit, may kulo pala talaga siya na hindi ko inaasahan talaga.
“Move on ka na, Katya. Hanap na talaga ako ng taong kayang magwasak ng p********e ko mo in a way na dadalhin ko sa alapaap talaga at hindi sa impyerno,” bulong na sabi ni Ping sa akin kaya mabilis ko siyang nasikmuraan.
“Bwisit ka talaga, Ping. Ayan ka na naman,” naiinis na sabi ko pero tumawa lang ang bruha.
“Babae na kasi para cloud 9 is real,” ani pa niya kaya sumama na ang timpla ng mood ko.
Nakita ko pa kung paano tumawa sina Gen at Gold habang kumakain ang mga ‘to.
“Hayaan mo na kasi si Ate Thel, Ping,” sabi naman agad ni Gold.
“Oo nga naman, Ping.” Sang-ayon naman ni Gen. “Hayaan mo na siya sa gusto niya. Sooner or later ay mahahanap din naman niya ang hinahanap niya sa isang tao. Sana huwag siyang uugod-ugod.” At humagikhik na ‘to.
“Bwisit talaga kayong tatlo. Pinagkakaisahan niyo pa ako. Pashnea,” inis na sabi ko na may kasamang gigil.
Padabog na lang akong kumuha ng pagkain sa hapag para makakain na rin ako ng lunch. Nakaramdam talaga ako ng gutom sa pinagsasabi nila. Akala ko pa naman hindi nila ako aasarin tulad ng inabot ko sa bahay, pero mali ako. Though I am thankful naman kasi ‘yon naman ang way nila para ma-divert ang atensyon ko at mawaglit din ang nangyari sa akin. Effective naman din siya. Wish me luck na lang mamaya sa pagtulog.
Alam ko naman na ang magiging kalaban ko mamaya ay ang masamang bangungot na hindi malabong dadalaw na sa akin.
“Hindi ka pa ba matutulog?” tanong bigla ni Ping nang makita niya akong nakatayo lang sa harapan ng glass wall ng penthouse habang nakatanaw sa mga gusaling nakikita mula rito.
“Mamaya na siguro pag tinamaan na ako ng antok,” sabi ko agad sabay inom ng wine.
“Kanina pa kita pinagmamasdan,” ani niya sa akin. “Umalis na rin ang ibang bodyguards na narito nang makita ka nilang tumayo rito.”
Hindi na ako umimik pa dahil wala rin naman akong sasabihin.
“Are you still thinking about what Vico did to you?” tanong niya.
Napabuntong hininga na lang ako sabay harap sa kaniya.
“Hindi naman mawawala ‘yon. Bago lang nangyari and I didn’t expect it naman na kaya niyang ipilit ang kaniyang sarili sa akin,” sagot ko naman agad. “Kaya why are you asking me that kind of question, Ping?” I asked afterward.
“Who wouldn’t? Na sa ‘yo na ang lahat. Mostly sa mga kilala ko ay ikaw lagi ang hanap. Gusto pa nga nilang ireto ko sila sa ‘yo noong mga panahon na wala pa si Vico sa buhay mo,” kuwento niya na ikinailing ko lang. “Sadyang, naapakan lang ang ego ng tao dahil hindi mo man lang magawang maakit sa kaniya. He admitted it. Isa rin sa rason bakit desidido siya na may mangyari sa inyo. Baka raw kasi pagkatapos ay magbago na ang pakikitungo mo sa kaniya. Maging sweet and dependent girlfriend sa kaniya.” Dugtong niya.
“Stop it, Ping.” Sabay irap ko sa kaniya.
“Pero pati rin ako ay nagulat sa nalaman ko. I felt sorry for what he did to you. Hindi mo kailanman deserve ang ganoon. Kahit naman sino ay hindi ‘yon deserve.”
“It doesn’t make sense. Why Vico can’t just accept kung ano ako at maghintay na lang siya na ibigay ko ang sarili ko sa kaniya. Besides, he doesn’t deserve me lalo na ang makuha ang ‘puri’ ko,” komento ko pa.
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito nang marinig na naman niya ang salitang ‘puri’.
“Actually, I planned on breaking up with him, kaso nangyari nga ‘yon. Mukhang nakatunog ang loko,” sabi ko pa.
“Mag-i-entertain ka pa ba?” tanong niya.
Humarap na lang ako sa glass wall at inubos na rin ang wine ko.
“I can’t tell. Ayokong magsalita ng tapos,” sagot ko agad. “Pero hindi na ako papasok sa isang relasyon kung alam ko na sa simula pa lang ay wala na.”
But I am hoping na meron ngang isang tao na nakalaan para sa akin. Ayokong tumanda na mag-isa lang. Gusto ko ring maramdaman paano mahalin ng isang tao at paano rin magmahal. Iba kasi talaga pag may isang taong nakalaan sa ‘yo. Iba ‘yong pagmamahal na mararamdaman mo sa pagmamahal ng isang pamilya. That’s what they say and that’s what I believe rin. Gusto ko rin magkaroon ng anak.
“I guess you are hopelessly romantic.” Pansin ni Ping.
“I am,” proud na sabi ko.
“Sino kaya?” natanong na lang niya ngunit hindi na ako umimik pa.
Agad ko namang pinilig ang ulo ko nang sumagi na naman sa isip ko ang misteryosong babaeng nakita namin sa bar. Hindi ko alam kung bakit may mga oras talaga o minuto na naalala ko siya especially ang itsura niya lalo na ang kaniyang mga labi.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Ping nang makita ang ginawa ko.
“Yeah. Matulog na tayo,” I said para hindi na humaba pa ang usapan.
Ayoko na rin kasing pag-usapan. I don’t know rin kung bakit ganito ako.
Bumuntong hininga na lang ako at sabay na kaming pumasok ni Ping sa kuwarto. We need to sleep na rin, kasi sobrang dami nang nangyari ngayong araw. I wish, walang kumalat na issue regarding sa biglaang hiwalayan na ganap namin ni Vico. Nasisiguro ko na mauungkat ang rason kung bakit biglaan na lang ang lahat. Ayokong maging dahilan ‘yon ng pagkasira ng career na alam kong iniingatan ni Vico since then. Pero, hindi ko rin pipigilan ang pamilya ko na sampahan siya ng kaso dahil sa ginawa niya.
Even though I want to avoid na masira ko ang pangalan niya dahil sa ginawa niya ay hindi maiwasan na at the end of the day ay mauungkat talaga ang rason bakit naghiwalay kami at kung bakit nagawa niya ang bagay na ‘yon. People now a days, kahit alam na mali na ang isang tao ay hindi pa rin maiwasan ng iba na magbigay komento hanggang sa ang nakagawa na ng mali ang siyang kakampihan in the end.
“Good night, Katya.” Huling narinig ko kay Ping bago ako tuluyang nakatulog.